NAG-IISANG DAHILAN

683 23 1
                                    

Maxwell feel be like

Ika'y mahal na mahal ko,
Pero ako ay iyong niloko,
Sinira mo aking tiwala,
Pero sa buhay ko ayaw kitang mawala.

Oo, sa 'yo ako ay galit,
Pero masaya ako sa saglit,
Saglit marinig ang iyong tinig,
Dahil ikaw ang aking iniibig.

Nasabi na sa 'yo ikaw ang pahinga,
Ikaw ang dahilan kung bakit nakangiti sa umaga,
Ang mundo kong saglit na naging maingay,
Sakit na sa pandinig ang ibinibigay.

Kamay mo nais kong muling hawakan,
Mga labi mo ay nais kong muling mahagkan,
Sa akin, ikaw na ang lahat lahat,
Pagtitiwala ko binigyan mo ng lamat.

Ikaw ang nag-iisa kong buwan,
Ayaw pa kitang bitawan,
Subalit nakapagdesisyon ka na,
Desisyon na sa akin labis na nagpahina.

Sinanay mo ko sa 'yong presensya,
Sabihin mo sa akin paano ko makakaya,
Pagmasdan ang paglakad mo papalayo,
Nagpapagising sa akin na wala na nga tayo.

Makontento na lang sa huling yakap,
Na aalis ka na kailangang matanggap,
Ikaw ang nag-iisang baby ko,
Nag-iisang dahilan kung bakit nagmamahal ako.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now