NAGPAPASALAMAT

279 4 0
                                    

Yaz feel be like

Nagpapasalamat ako sa naranasang sakit,
Kung sa huli s'ya naman ang kapalit,
Nagpapasalamat ako sa pinagdaanan,
Dahil marami akong natutunan.

Nagpapasalamat ako nakilala ko s'ya,
Nagmahal muli dahil sa kanya,
Tinanggap n'ya ko nang buong buo,
Dahil sa kanya mas natutong magpakatatotoo.

Nagpapasalamat ako sa Maylalang,
Dahil kumpleto na ko wala ng kulang,
Nagpapasalamat ako sa kanyang pagmamahal,
Dahil sa kanya natagpuan ko ang tunay na sa akin nagmamahal.

Nagpapasalamat ako sa gabay n'yang walang limitasyon,
Nagpapasalamat ako sa bigay n'yang inspirasyon,
Nagpapasalamat ako sa panibagong biyaya,
Nagpapasalamat ako sa tiwala na binibigay n'ya.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon