LOVE WITHOUT LIMITS

333 8 0
                                    

Magkaiba ang ating mundo,
Akala noo'y ugali mo akin nang kabisado,
Naging malabo ang ating naging umpisa,
Ngunit naghintay at patuloy na umasa.

Mga alaala man ay kunin,
Puso ikaw pa rin nais angkinin,
Magkaiba man ating mga ugali,
Nagkasundo naman tayo sa huli.

Hindi matagalan na ika'y malayo,
Kabiyak ng puso ko ay ang sa 'yo,
Hanap-hanap ka parati ng mga mata,
Gusto lagi na ikaw ang unang nakikita.

Akala mo'y ako ay naiilang,
Pero kapag wala ka, ako'y kulang,
Nagkaroon ako ng bagong emosyon,
Iyon ay mahalin ka ng walang limitasyon.

Mga mata natin ang s'yang salamin,
Nitong nilalaman ng ating damdamin,
Maniwala na hindi ko kaya,
Na malapit ka sa kanya.

May pangamba sa akin at takot,
Tila puso ko ay dinudukot,
Mawala man sa aking isip ang iyong alaala,
Puso ko ay kusa kang kinikilala.

Mundo man natin ay magkaiba,
Asahan damdaming ito ay hindi mag-iiba,
Babalik ako at sana'y patuloy mong hintayin,
Pagbuo ng bagong pangarap sabay nating lakbayin.

Love without limits na ikaw ang kasama,
Purong pagmamahal aking ipapadama,
Biyaya na kaloob sa pagmamahalan natin,
Kasama na sa panibagong pangarap na aabutin.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now