YAZRILL

185 3 0
                                    

Mabilis na lumipas ang taon,
S'ya pa rin mula pa noon,
Minsan nang ako ay tanungin,
Sino raw gusto ko isama, sa iyo ako napatingin.

Kayo ni kuya noon nagkasagutan,
Dahil si Keziah ay nasaktan,
Iba ang sinagot ko sa tanong ng aking ate,
Na si Hee Yong isasama kong magdate.

Sa muling pagbabalik namin,
S'ya pa rin laman ng iyong damdamin,
Hanggang ngayon gusto mo pa rin s'ya,
Hindi nagbago ang nadarama mo sa kanya.

Palagi ang ngalan n'ya ang iyong bukambibig,
Narito ako sa tabi lihim sa 'yong umiibig,
Balingan mo naman ako ng iyong tingin,
Nais kong iparamdam ang aking pagtingin.

Kita ko ang gulat sa iyong mga mata,
Hindi naman ako mananatiling bata,
Oo, ako pa rin ang nakilala mong bunso,
Pero ngayon may nagpapatibok na ng aking puso.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now