Sangue Dolce ✔️

By Formidable_Writer

22.9K 2.4K 710

Ang pagibig ay walang pinipili, mortal ka man o imortal, dadating ang tamang oras para maging tayo sa huli More

Author's Note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Epilogue
Special Chapter

Chapter 7

405 65 35
By Formidable_Writer

Tulad dati ay giniginaw na naman ako dito sa kinuupuan ko habang panay ang iwas ng tingin sa kanya.

"Ms. Gaviola" sa pagtawag nya ay mabilis akong napaangat ng tingin sa kanya

"Have you heard the news?" aniya ulit

Nagtaka ako.

"Sir?" pagtatanong ko pa, baka kase mali ang pagkakarinig ko

Bumuntong hininga sya "May magaganap na Math contest dito sa school na to, and i want you to be a representative in our school, since you have a highest grade in math nung last mong grade level————"

Di niya na natapos ang kanyang sasabihin ng magreact agad ako sa gulat "Po?!" napatayo ako sa kinauupuan kaya napa angat sya ng tingin sakin

"I don't want to repeat what I said" napabuntong hininga nyang sabi sa palaging linya nya na para bang nakukulitan sya sakin

Napakamot na lang ako sa ulo bago naupo ulit "Pero bakit po ako?———"

Natigilan ako ng sumingit sya bigla

"Answer me yes or no"

Kinakabahan ako sa itatanong nya

"Do you want to be the representative of our school for math contest?" aniya na diniinan pa tagala ang subject na yun

Napalunok ako. Nati-tense ako sa tanong na yun dahil matagal ko na kase tong pangarap, ang makasali sa contest about sa math dahil noon pa man ay paborito ko na ang subject na to at ipaglaban ang school na to sa ibang mga schools na kalaban ko.

Pero kinakabahan ako, paano kase kung matalo lang ako at magalit sakin ang mga estudyante dito, my gas lapitin pa man din ako ng mga bullies.

Napaangat ako muli ng tingin kay Sir Cafaro ng tumikhim ito, mukhang naghihintay ng sagot ko. Agad ako napaiwas ng tingin sa kanya dahil sa naiilang ako parate sa tuwing titingin sa kanyang mga mata, lalo na kung makita lang ang presensya nya ay parang kakaibang kaba ang nararamdaman ko.

Huminga ako ng malalim "Sir.... I'm very thankful na ako ang napili mo.... Pero.... paano po kapag di ko po napanalo?" nangbababa sa sarili kong sabi saka napayuko ulit, naiisip ko rin kasr na may mga trabaho ako. Baka di na ako makaipon ng maayos para sa tuition fees at pang hospital ni mudracles

'Pero di ba makaka discount ako sa tuition kapag sumali ako sa contest? Plus madadag dagan din ang points ko sa Performance task sa math subject. Pero.... Hay bahala na nga! Leche Flan naman'

Rinig ko ang pagbuntong hininganya dahilan para mapaangat ako ng tingin sa kanya, akala ko kase papagalitan na naman nya ako

"Just a yes or no is enough" aniya sabay sandal sa kinauupuan niya at nilagay ang dalawang kamay sa mesa na nakatingin ng diretso sakin

Napalunok na naman ako "But———"

"Yes or no" pagpuputol niya sa sasabihin ko

"Pero Sir———"

"I said, a yes or no only. I don't want to repeat it" pagsusungit na naman nito sakin na kunot na ang nuo niya

Napakamot nalang ako sa ulo ko. May kuto yata ako.

"Y-yes but————"

"I'll take that as your answer, no more buts" napaawang na lang ang labi ko sa kawalang magawa, naperessure kase ako sa tuwing kakausapin o tatanungin niya ako

"Pero Sir————"

"Silly. Eda. I chose you because I trust you" muli akong natigilan sa sinabi nya. May kung anong kumislot sa puso ko. Lalo akong naistatwa sa kinauupuan ko dahil di man lang nya inalis ang tingin sakin.

'Juice colored Eda. Tinawag ka lang sa pangalan mo bakit ganito ang nararamdaman ko? Silly? Luh silly daw oh, akala ko pa naman yung maanghang'

Di na ako nakapagsalita at nanatiling nakayuko na lang. Di ko kayang salubungin ang mga mata niya.

"One more thing" pahabol pa nito kaya umangat ang tingin ko sa kaniya "I'll be your mentor, so expect na palagi tayong magkasama————"

"Po?!" gulat ko na namang sabi at napatayo na naman sa kinauupuan, para bang sa reaksyon ko na yun ay ayaw ko syang maging mentor ko.

Dahil sa naging reaksyon ko ay nangunot na naman ang nuo niya kaya napakamot na naman ako ng ulo bago naupo ulit

"May reklamo?" kunot nuo nitong sabi kaya naplunok ako na halos manuyo na ang lalamunan ko. Iba kase ang dating niya sa tuwing mangungunot ang nuo. Lalong gumagwapo———este sumusungit pala

"Hindi naman sa ganon Sir pero..... Bakit ikaw?.... I-I mean don't get me wrong Sir pero————"

"What do you expect? I'm a math teacher. I'm also your adviser. Expected na yun na ako ang magiging mentor mo" sa sinabi niya ay naitikom ko na lang ang bibig ko. Dahil di na yata ako mananalo sa kanya.

'Pero bakit sya? Marami namang math teachers dito———'

Natigil ako sa pagkausap sa sariling isip ng tumayo sya sa kinauupuan kaya nagumpisa na naman akong kabahan habang sinusundan sya ng tingin

Naglakad sya papalapit sakin, aatras sana ako sa kinauupuan kaso walang gulong tong inuupuan ko dahil single couch ito. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng sumandal lang sya sa mesa niya sabay halukipkip at bumaba ang tingin sakin habang nakatingala ako sa kanya.

"Answer me" aniya, nadagdagan ang kaba ko sabay lunok.

"Do you want me to be your mentor?" napamaang na lang ako sa tanong niya. Di ako makasagot.

"A-ah.. Eh.... Ano kase eh.... Ahm" yun lang ang lumalabas sa bibig ko habang panay ang kamot sa ulo. May kuto nga siguro ako.

"Yes or no?"

Lunok.

"A-ano kase Sir————"

"Yes or no?"

"G-ganito kase yun Sir————"

"Yes or no————" sya naman ang natigilan ng

"Oo Sir. Oo na. Gusto ko po Sir. Gusto kita!" wala sa sarili kong nasabi dahil sa pagkataranta. Pareho kaming natigilan sa nasabi ko, parang doble meaning yun.

Nahagip ko na lang ang hininga ko sabay yukong napaiwas ng tingin at napakagat ng labi dahil naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako umaaktong ganito sa harap niya.

"You... Like me?" otomatiko akong napaangat ng tingin na di ko na sana ginawa dahil halos maduling ako sa lapit ng mukha niya habang nakahalukipkip parin sya, otomatiko akong napasandal sa kinauupuan para malayo ang mukha ko sa kanya pero malapit parin

"A-ahm.... Ibig kong sabihin Sir.... G-gusto kitang maging mentor ko...." habang sinasabi ko yun ay di ko alam kung saan ako titingin dahil kung saan saan na lang tumatama ang paningin ko. Kase nga di ako makatingin. Ano ba ang gulo mo. Basta di ako tumitingin.

Halos matunaw———ay mali. Napatanga ako sa kanya ng ngumisi na lang sya bigla sakin, kaya natigilan ako dahil maski ang ngumiti sakin ay di niya nagawa yun.

"That's also what I thought.... Silly... What are you thinking?"

Doon palang ako nakahinga ng maluwag ng matapos syang tumayo ng maayos at sumandal muli sa mesa habang napaayos naman ako ng upo

"N-Nothing Sir.... Ah.... Wala ka na po bang sasabihin? Kailangan ko na po kaseng umalis" pag-iiba ko pa na kunwaring tumitingin sa wall clock dito sa office niya

"We'll start tomorrow" bahagya pang nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla na naman sa sinabi nya "That's all. You may now go. See you tomorrow" tumango sya sakin

Hanggang sa pagtayo ko ay nakasunod sya ng tingin sakin na isa sa mga kinawirduhan ko sa kanya kaya di ko maiwasang mailang.

Nakakailang hakbang palang ako ng "Eda" di ko alam kung bakit ganon na lang kabilis akong napalingon sa kanya ng tawagin nya ako. Para bang naghihintay ako.

'Bakit ba kase Eda tawag niya sakin?.... Malamang yun yung pangalan mo sira ka talaga self'

"Po?"

"Give me your number" aniya sabay kuha ng phone nya at inilahad sakin yun

"Po?" di ko alam kung bakit ganito ako ka loading sa mga oras na to o sadyang kulang lang ako sa tulog kaya ako nagkakaganito

"I don't want to repeat what I said" yun na naman ang linya nya, sabay senyas sakin ng phone nya

'Bakit niya kukunin?.... Luh Eda kung sang lupalot na naman napupunta yung isip mo. Malamang, kaya sya nanghihingi ng number mo para ma inform ka nya sa pagmeet bilang mentor sayo'

Maingat kong kinuha ang phone nya na parang iwas na iwas na mahawakan ang mga daliri niya bago nilagay doon ang number ko.

Binalik ko na sa kanya ang phone "Bye, Sir" pagpaalam ko pa, akala ko susungitan niya lang ako pero tinanguan nya ako

Tumalikod na ako bago nagumpisang maglakad palabas ng office niya. Doon palang ako tuluyang nakahinga ng maluwag ng isara ko na ang pintuan matapos kong makalabas.

'Leche flan Eda. Mukhang kailangan mo ng magpatingin sa doktor. Lumalala na ang katangahan mo kapag kasama mo siya'

Nasa tapat na ako kwarto ng nila Mama dito sa hospital upang bisitahin sya. Hinanda ko na ang sarili kong di nya ako makikilala.

May bitbit akong isang piraso ng white roses, paborito niya kase to noon pa. Di ko to binili, pinitas ko lang to kung saan malapit doon sa may malaking bahay na napagkuhaan ko. Di ko kase afford ang rose, lalo na at nagtitipid ako.

Saglit akong napatitig sa rose na hawak ko.

'Di naman siguro nakaw ang tawag dito, di ba? Isa lang naman kinuha ko, baka minus 1 na ako sa langit nito'

Biglang sumagi sa isip ko ang malaking bahay na napagkuhaan ko nito. Kung titignan mo ang labas nun ay parang hunted house ang datingan at parang walang nakatira, kase sa tuwing madadaanan ko yun sa isa pang entrance ng hospital na to ay di ko napapansing may tao sa loob o kahit nakabukas man lang ang ilaw.

'Leche flan naman Eda, wag mo nga takutin sarili mo. Baka na abandoned lang yun sa sobrang luma na.... Pero ok pa naman ah. Kung aalagaan lang ang bahay for sure mala palasyo na yun'

Napailing iling na lang ako para alisin yun sa isip ko bago kumatok sa pinto at pumasok na, napatingin sakin ang ibang mga pasyente dito, tulad dati ay kita ko ang awa sa mga mata nilang napapailing sakin.

Bumuntong hininga lang ako saka ngumiti na parang walang problema sa kanila "Good evening ebribadi!" bati ko pa sa lahat tumango at binati naman nila ako pabalik saka nginitian, isa sila sa mga naging mabait sakin, ang mga pasyente dito

Napatingin si Mama sakin, sa mukha niya ngayon sa tingin ko ay kinikilala niya pa ako. Naglakad ako papalapit sa kanya saka inabot ang rose na hawak ko "Flower for you ma" abot ko dito, nagtataka niya akong tinignan saka bumaba ang tingin sa inabot kong rose

Tumingin lang sya sa paligid at di niya yun tinanggap kaya medyo nawawala ang pagngiti kong pilit, binabalot na naman ako ng kalungkutan. Pero di ako nagpadala doon dahil ngumiti ulit ako ng todo sa kanya

Nililibot niya ang paningin na para bang may hinahanap sya "Sinong ma ang tinutukoy mo hija?" ayun na naman ang pananalita niyang parang ibang tao ako para sa kanya

Bumuntong hininga ako at pinilit paring ngumiti kahit pinipigilan kong manubig ang mga mata ko

"Ma.... A-ah...."

'Laban lang Eda. Dadating din ang oras na makikilala ka rin niya'

"Ma po kase ang tawag ko po sa mga babaeng pasyente ditong ka edad mo...." inibi ko na lang kahit paulit ulit na tinutusok ang puso ko na hindi niya ako nakikilala bilang isang anak niya

"Actually, I'm a nurse po...." pagsisinungaling ko pa, kahit sobrang sakit ng pagpapanggap ko "Nandito ako para pakainin kayo at bigyan ng white rose na to.... Para po sa inyo" ani ko at inabot muli yun sa kanya

Aabutin niya na sana yun ng maalala kong di niya pala naigagalaw ng maayos ang mga kamay niya kaya napakamot ulo na lang akong inilagay yun sa mesa sa gilid niya

Eksaktong dumating na ang tunay na nurse na magpapakain sa kanya ng bumukas ang pinto. Napatingin ito sakin at mukhang kilala na ako nito sa tagal ko ng bumibisita at nakikipagchikahan sa ilan sa mga nurses and doctors dito kapag break nila. Bukod sa madaldal ako ay friendly din ako minsan.

"Good evening freny pwede bang ako na lang ang magpakain kay Mama? Tutal mahaba haba pa naman ang time ko sa work" bulong ko dito ng makalapit sya sa gawi ko, freny ang tawag ko sa mga nurses na babae dito kahit pa ang ilan sa kanila ay mas matanda sakin, kase sa dami ng nakachikahan ko ay di ko na matandaan ang mga pangalan nila.

"Freny is not my name, and it is my obligation to do this, not yours" anito sakin na ikinabigla ko pa na natigilan

'Ay suplada.... Di yata ako kilala.....Wag ka ngang asumming minsan Eda..... Yan tuloy napapahiya ka..... Bago ba sya dito?'

Napakamot ulo ako, sunod gagamit na ako ng Licealiz.

"Ah ganon ba.... Anong pangalan mo? Ako pala si Eda nice to meet you" pinilit kong ngumiti sa kanya sabay lahad ng kamay ko sa kanya

Bumaba ang tingin niya doon sabay tingin sa tray na bitbit niya bago tumingin muli sakin "I don't have much time for this. So excuse me" pagsusungit pa nito at lalampasan na sana ako ng hawakan ko sya sa braso

'Di porke maganda kang nurse ay magsusungit ka na..... Kung may obligasyon ka sa ospital na to pwes obligasyon ko ring alagaan ang Ina ko..... Ayaw niya pa nun.... Mababawasan ang trabaho niya? Baligtad yata utak nito'

Napatingin sya sa pagkakahawak ko sa kanya bago walang emosyong tumingin sakin pero pilit ko pa rin syang nginitian "Please po..... Kahit ngayon lang....." pagpupumilit ko pa dito sa maayos na paraan na bumitiw na ako sa kanya

"Nurse Jeralene pagbigyan mo na ang batang yan. Minsan na lang dumalaw yan dahil sa sobrang pagkabusy nyan" napatingin ako kay Lola Anita, nagtama ang aming paningin saka sya nginitian ng may pasasalamat at nginitian niya rin ako pabalik, dahil naiintindihan niya sigurong naghihirap din ako

'Jeralene pala pangalan niya'

Napatingin si Nurse Jeralene sakin, bumuntong hininga lang sya sabay abot ng tray sakin at tinanguan ako. Kinuha ko yun bago sya naglakad paalis ng walang pasabi

Pansin ko na kahit cold ang at snobber ang personality niya ay may mapagintindi din pala sya.

'Pero maldita parin sya. Che di ko type. Kahit maganda pa sya, di ko type ugali niya'

Naupo na ako sa gilid ng kama ni Mama ng mailapag ko ang tray "Nurse ka ba talaga?" tanong ni Mama na mukhang pinaghihinalaan ako bago napatingin sa suot ko. Napatingin din ako sa sarili ko at nakitang naka loose t shirt at jeans ang suot ko kaya malabong pagkamalan talaga ako ng nurse nito

"Opo ma. Nagpalit lang po ako kase nadumihan ang uniform ko" pagdadahilan ko na lang dahil wala na akong ibang maisip at paniguradong di niya agad ako paniniwalaan sa rason ko na yun

Maingat ko na syang sinubuan habang sya ay napapatingin kung saan "Nurse.... Nakita mo ba ang anak kong si Eda?" nahinto ako sa pag papainom ko sana sa kanya sa tanong nya na yun

May kung ano na namang tumutusok sa puso ko.

Tumikhim ako, pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo, umawang ang labi ko pero ni isang salita ay walang naka labas

"Miss ko na sya.... Di man lang niya ako dinadalaw...." mahihimigan ang lungkot sa mga sinasabi niya habang ako ito nasasaktan at nagpipigil ng luha

'Ako si Eda, Ma. Matagal na kitang binibisita at inaalagaan. Nagiipon din ako para sa panghospital lalo na sa mga gamot mo..... Sana maalala mo na ako'

Di ko kayang sabihin ang mga yun. Naninikip ang dibdib ko. Luwagan ko kaya bra ko.

Huminga ako ng malalim, kahit sumasakit na ang lalamunan ko kapipigil ng luha ay pinilit ko paring magsalita "W-wag po kayong mag-alala ma. Dadalawin ka rin niya. Siguro busy lang sya sa pag-aaral" ani ko na medyo may pagkagaralgal na ang boses ko

Bumuntong hininga lang sya bago ko sya pinainom ng tubig.

"Bakit nga pala..... Ma ang tawag mo sakin?" kasasabi ko lang kanina pero parang nakalimutan niya agad

"Ahm... Yun po ba..... Ma po ang tawag ko sa mga pasyenteng babae na ka edad mo po" pagsisinungaling ko sabay ngiti

"Bakit?" tanong nya, todo isip naman ako sa pagpapanggap ko

"Kase.... Meron po kase akong Ina na..... Nakalimutan niya na kung sino ako.... kaya lahat po ng mga ka edad niyo ay tinatawag ko na Ma. Para maranasan ko pang may matawag na ganon para rin kahit papaano ay maramdaman kong may Ina parin ako" di ko alam kung pagsisinungaling yun o ano. Kase ang iba sa mga sinabi ko ay totoo pero ang iba naman ay hindi.

"Nako. Kawawa ka naman hija"

Ngumiti ako sabay yuko "Ayos lang po ako. Sanay na po akong kina-aawaan. Kaya po siguro ganon na lang kahina ang tingin ko sa sarili ko.... Kase kinaaawaan ako" pahina ng pahina kong sabi

Ang sakit rin kaseng isipin na kaharap at kausap ko ang aking Ina pero ibang tao ang turing niya sakin

"Wag kang pang hinaan ng loob hija. Nandito ako. Pwede mong maging ina-inahan pansamantala" sa sinabi niya ay magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko kaya nanunubig ang mga mata kong nginitian sya

"Salamat po, Ma.... Pwede ba kitang yakapin?" pagpaalam ko pa

Nginitian niya ako sabay tango "Oo naman"

Tuluyan ko na syang niyakap, kahit ilang beses ko na syang nayayakap sa tuwing dadalaw ako ay di ko parin maiwasang ma miss sya.

"Ayos lang yan..... Pareho tayong na aabandonado na ng pamilya... Pero ito ang tatandaan mo.... Balang araw may tao ring aagapay at mananatili sayo" ani pa niya habang yakap yakap ko sya, may kung anong kumislot sa puso ko kahit puro kalungkutan ang nararamdaman ko ay di ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Sir Cafaro

Tulala lang akong naglalakad dito sa corridor. Papunta kase ako ngayon sa office ni Sir at ngayon ang araw ng pag tutor niya sakin, nagtext sya sakin kanina na doon daw niya ako tuturuan, medyo kinakabahan na ako ngayon kaya pinili kong paliparin ang isip ko.

Malamya ako kumilos. Di kase maalis sa isip ko ang pagpapanggap ko na Nurse kagabi. Kailan pa ako naging pamilya ng mga sinungaling?

Panay ang buntong hininga ko habang papalapit na sa mala East Antarctic Plateau niyang office sa lamig. Ni-ready ko na ang sarili ko. Dala ko na rin ang mga kailangan kong gamit para sa pagtuturo niya.

Kumatok na ako pero tulad ng dati ay di sya sumasagot kaya mapagkakamalan mong walang tao sa loob. Kumatok muli ako "Sir. Ako to si Eda. Nandiyan ka b————" nahinto ako sa pagsasalita ng otomatikong bumukas ang pinto at nasalubong ko ang mga mata niya

Umayos ako ng tayo saka tumikhim na napakamot ng ulo, nilakihan niya ang pagbukas ng pintuan saka sinenyasan lang akong pumasok

Sinenyasan nya rin akong maupo matapos nyang isarado ang pinto. Nakuta kong nakaligpit ang mga papeles nya sa table pero may mga nagkakapalang libro ng math subject ang nakalagay doon. May nakita din akong printed na questionnaires.

"What lesson have you already read last night?" pagtatanong niya na ikinalito ko pa, paniguradong lutang na naman ako sa mga oras na to dahil kulang na naman ang tulog ko.

"Po?" tanong ko pabalik na ikinakunot ng nuo niya

Napaiwas ako ng tingin ng maisip na ang advance reading pala ang tinutukoy niya. Sa dami ng trabaho ko ay di na ako nakapag advance reading, ni hindi ko nga napapansing di pa pala ako kumakain.

"You did not advance reading?" papasalubong na ang kilay niya ng sulyapan ko sya ng magsalita ito

Napalunok ako. Mukhang magagalit na naman ito sakin. Para kaseng palagi syang may galit sakin sa kasungitan niya.

"Sorry po Sir.... Don't worry po susubukan ko pong makasunod sa ituturo————"

"Don't try it. Do it" pagpuputol niya sa sasabihin ko

Napayuko na lang ako at di na nakaimik. Wala na akong maisip na paliwanag. Bumuntong hininga na naman ako

Napaangat ako ng tingin sa kanya ng mag lapag sya ng makapal na math book sa harap ko dito sa isa pang table sa harap ko, dalawa kase ang table dito at naupo ako malapit sa book shelf

"Read page 14 to 30, if you're done, answer this questionnaire within an hour. Understood?" sa sinabi nya ay bigla akong nataranta lalo na sa dami ng babasahin ko at mukhang masusunog na ang utak ko dito.

"Po? I-i mean yes Sir" pagiiba ko saka nagmamadaling sinunod ang sinabi niya

Hinanap ko ang page 14 bago nagsimulang magbasa doon kahit nakakahilo na tignan ang mga numbers na nakikita ko lalo pa at medyo inaantok ako at gutom rin dahil di ako kumain kaninang break time. Ganon ako nagtitipid.

Di ko man sya tignan ay kita ko sa gilid ng mata kong naupo sya sa harap ko habang may bitbit din na libro at nagbabasa rin.

Nakakabinging katahimikan ang bumalit samin sa malamig na office nya na patagal ng patagal ay nasasanay na rin ako sa lamig.

Ilang sandali pa ay sa di sinasadya, kumalam bigla ang tiyan ko sa gutom kaya natigilan ako at nakaramdam ng hiya ng kita ko sa gilid ng mga mata kong napatingin sya sa gawi ko at natigil sa pagbabasa

"Did you eat?" tipid niyang tanong

Mahina lang akong napatikhim saka sya saglit sinulyapan "Yes, Sir" pagsisinungaling ko pa, sa tingin ko minus 3 na ako sa langit

Mabilis akong umiwas ng tingin at pinilit magfocus sa binabasa ko ng di niya alisin ang tingin sakin.

Muli akong napa angat ng tingin sa kanya ng ilapat niya sa mesa ang librong hawak niya sabay tayo

"Let's go" naguguluhan ako sa sinabi niya habang inaayos ang pagkakatupi niya sa white polo niya sabay sulyap sa mukhang mamahalin niyang relo

Tumingin sya sakin ng di pa ako tumatayo "Saan Sir?" nagtataka kong pagtatanong

"You will stand or I'll make you stand?" seryoso nitong sabi kaya napatayo na agad ako "Put that thing done and let's go, silly" paguutos nito na tinawag na naman akong ganon

Ginawa ko ang inutos nya saka naguguluhang kinuha ang gamit ko at sumunod sa kanya ng buksan nya na ang pintuan.

'Saan ba kami pupunta?'

Maraming estudyante ang bumabati sa kanya sa mga nadadaanan namin, karamiha sa mga to ay mga senior high-school dahil ang mga ka grade level ko pababa na morning session ay tapos na ang klase

Nakasunod lang ako sa likod na Sir na medyo may kalayuan. Ayoko ko kaseng malapit na naman sa mga issues lalo pa at maraming estudyanteng babae pati bakla ang nagkakagusto sa kanya. Artistahin kase ang datingan

"Faster, the time is running. May mga gagawin pa ako" aniya matapos akong lingunin ng nasa parking lot na kami at di ko parin alam kung saan kami pupunta

Binilisan ko ang lakad ko na sumunod sa kanya pero dumidistansya parin ako. Bukod sa masungit sya sakin ay ganon na siguro ako na trauma sa kanya nung araw na nakita kong nagiba ang kulay ng mga mata niya, di ko alam kung namamalikmata lang siguro ako sa mga oras na yun.

Huminto kami sa isang maganda at mukhang mamahaling kulay itim na kotse "Get inside" napalunok akong napatingin sa loob ng kotse

'Kotse nya ba to?'

"It's my car. Get in now" bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil para bang naririnig nya ang sinasabi ko sa isip ko

"Bakit Sir? Asan po ba tayo pupunta?" naguguluhan kong patatanong

Di niya ako sinagot sa halip ay pinagkunutan lang sa takot ay pumasok na lang ako sa loob bago niya sinarado ang pinto ng kotse

Malalaki ang hakbang niyang naglakad papunta sa driver's seat, para bang nagmamadali sya.

Nang makapasok sya ay pinanood ko lang sya hanggang sa pagseat belt niya. Napatingin sya sakin pagtapos "Seat belt" nabalik ako sa wisyo ng magsalita sya

Tumango ako at sinunod ang sinabi nya kahit gulong gulo na kung ano bang ginagawa namin dito at saan kami pupunta

Nang makapag seat belt na ay binuhay nya na ang makina bago pina andar ang kotse.

Tahimik lang kami sa biyahe kahit pa gusto ko na syang tanungin ng sunod sunod, di ko na ginawa dahil alam kong konting maling sabi ko lang ay magagalit na agad to

Ang tingin ko ay sa labas lang ng bintana habang pinagmamasdan ang paligid.

"Sir" mayamaya pa ay di ko na nakaya ang katahimikan sa pagitan namin kaya binasag ko na yun na tumingin sa kanya

"Pwede na ba akong magtanong kung saan tayo pupunta?" mahinahon kong sabi, nagiingat baka kase konting maling sabi ko lang ay uminit agad ng ulo niya

"I'm driving" aniya, malayo ang sagot sa tanong ko

"Sorry po" ani ko at tinikom ko na lang ang bibig ko sabay kamot ulo

Bumuntong hininga na lang ako, gusto ko sanang umiglip saglit pero baka di niya magustuhan kaya pinilit ko na lang labanan ang antok ko at kinuha ang phone ko saka nilibang ang sarili.

Maya't maya pa ay pumasok ang kotse niya dito sa isang restaurant, bago sya nagparada.

Inalis nya na ang seat belt niya kaya inalis ko na rin yung akin bago sya bumaba at sinarado ang pinto. Naisipan kong buksan na ang pinto ng kotse sa tabi ko para makababa na rin

Nang makababa na ako ay nasa harap ko na sya agad na aakma sanang pagbubuksan ako kaya kita ko na naman ang bahagyang pagkakunot ng nuo niya sabay bawi ng kamay niya sa akma niyang pagbukas sa pinto ng kotse

'Ay di naman ako na inform na magpapaka gentleman ka pala, Sir'

Napakamot ulo na lang ako. "Let's go" aniya at sumunod na lang ako

'Anong ginagawa namin dito?'

"Good morning Ma'am, Sir" bati samin ng guard na pinagbuksan kami ng makapunta na kami sa entrance nitong restaurant

Nginitian ko rin ang guard pero sa pagngiti ko niyong pa balik ay bigla na lang humarang si Sir sa harap ko, napaangat ako ng tingin sa kanya, nasalubong ko na naman ang pagkakunot ng nuo niya

"I said let's get inside. No smiling to strangers" napangiwi ako sa pagkastrikto niya. Dahil pati ang pag ngiti sa guard ay ipinagbabawal niya

'Balihasa kase di uso sayo ang ngumingiti. Bahala ka dyan basta ako ngingiti and stay positive'

Nahinto ako saglit ng may pumasok na namang kalokohan sa isip ko bago ulit tumingin sa kanya. Napataas ang dalawang kilay niya ng ngitian ko sya ng gusto kong ngiti sabay waky sa kanya na para bang nagpapa-picture.

Gusto kong matawa ng umiwas lang sya ng tingin sakin at napailing iling na lang kaso di ko na ginawa baka maasar na sakin.

Naglakad na lang sya papasok at sumunod naman ako habang napasulyap ulit ako sa guard, ganon na siguro ako ka lokaloka ng ngitian ko rin sya sabay waky dito kaya natawa ito sakin.

"Table for two" ani Sir sa waitress na lumapit, tumango naman ito

"Follow me Ma'am, Sir" ani ng waitress samin, para akong naiilang sa tawag sakin. Di sanay tawagin ng Ma'am

Nailibot ko ang paningin ko dito sa restaurant sa kalaki at ka en grande tignan nito. Alam kong nagtatrabaho din ako sa restaurant noon pero di ko pa rin maiwasang humanga sa mga naglalakihang lugar tulad nito.

Naupo na si Sir sa table namin, sinenyasan niya akong maupo, kaharap niya. Naupo naman ako

'May meeting ba sya dito? Or kakain kami dito?'

"What's your order Ma'am and Sir?" ani ng waitress na nakangiti samin, dahil doon naalala ko ang sarili ko sa kanya.

"What's yours?" nabalik ako sa wisyo ng magsalita si Sir

Napakurap ako ng ilang beses sa kanya "Po?" wala na naman ako sa sariling napatingin sa kanya, dahil sa pagkabigla

"I don't want to repeat what I said" pagsusungit na naman nito sakin

'Bakit niya ako pinapapili? Anong meron?..... Teka.... Ililibre niya ba ako?!..... Luh.... Nakakahiya!'

Naitikom ko na lang ang bibig ko saka kinuha ang menu sa harap ko at pumili na doon. Dahil naiisip ko na baka ako ang pabayaran niya ay konti lang ang inorder ko yung kaya lang sa budget, pero ang isang pagkain doon ay halos katumbas na ng pang isang lingguhan kong baon. Kaya natagalan pa ako sa pagpili.

"Don't worry. My treat" mas lalo akong nakaramdam ng hiya ng ililibre niya nga ako.

"Po?...." yun na naman ang salitang lumalabas sa bibig ko

"Choose as many as you want" aniya saka sumandal sa kinuupuan

Lalo akong natigilan sa sinabi niya.

'Wow galante..... Sa bagay mukha namang RK tong si Sir'

Kahit may kakapalan ang mukha ko ay syempre tao din ako na marunong mahiya kaya konti lang inorder ko. Pasta, lobster, oyster, carbonara, crab, lechon baboy na pinadamihan ko yung balat na crispy, sa dessert naman ay isang slice ng cake pero iba't ibang cake yun, ice cream, halo halo, at salad. Di ba konti lang talaga in-order ko.

Halos magkandauga-uga ang waitress sa paglista ng mga in-order ko "Yun lang po, salamat" ani ko sabay malaking ngiti sa waitress, tumingin naman sya kay Sir nagaantay ng i-oorder niya

"Wine, please" lalo akong nahihiya sa kinauupuan ko dahil yun lang ang in-order niya

'Naku naman Eda. Dapat kumain ka man lang kahit konti kanina. Yan tuloy dagdag gastusin ka pa kay Sir..... Eh kase naman, sabi tutor lang, bakit napunta kami dito para maglunch?'

"Is that all, Ma'am and Sir?" ani ng waitress samin. Di sumagot si Sir sa halip ay sakin lang sya nakatingin na para bang ako ang inaantay niyang sumagot.

Tinanguan ko ang waitress "Opo. Yun lang ate girl, salamat" ngiti ko pa dito, para syang natawa sa tawag ko sa kanya. Ganon na siguro nakakatawa tong pagmumukha ko.

Nang makaalis na ang waitress ay saka ko palang sinalubong ng tingin si Sir "Sir.... Sure ka ba na yun lang order mo? Sure ka rin ba na ililibre mo ko?" mahina kong sabi na bahagya pang nilapit ang ulo ko sa kanya na parang nakikipagchikahan.

Pinagkunutan niya ako "Do I look like I'm kidding?" seryoso nyang ani kaya natigilan ako saka umayos ng upo

'Sabi ko nga seryoso ka. Naninigurado long nomon. Bakit kase yun lang in-order mo? Di ba kasya sa dala mong pera ang na order ko o.... Diet ka Sir?'

"If you're thinking that I can't afford what you ordered or i don't have enough money, you're wrong. Di lang ako basta basta nagugutom" aniya na para bang naririnig nya ang nasa isip ko

Natigilan ako sa huling sinabi niya "Di ka basta basta nagugutom, Sir? Ano ka Sir, Alien?" natatawa ko pang sabi na nagbibiro

Kaso wala yata talaga sa bukabolaryo nya ang salitang joke. Dahil nangunot na naman ang nuo niya.

"Charot lang Sir ito naman di mabiro. Smile naman dyan" sinubukan ko pang magpatawa pero di nagbago ang walang emosyon niyang mukha saka napabuntong hininga lang tumingin sa labas, para bang pinagpapasensyahan niya ako.

Tuloy ay bahagyang nawala ang pagngiti ko sabay kamot ulo, napahiya na naman ako.

Maya't maya pa ay dumating na ang order namin at wine lang nga ang kay Sir.

"Why are you doing that?" aniya na napahinto sa paginom ng wine niya ng mag sign of the cross ako

'Bakit bawal na bang magdasal?'

"Magdadasal Sir, para pasalamatan ang Panginoon" sa sinabi ko ay naibaba niya ang wine glass niya saka pinatong ang mga siko sa mesa

"There's no God" nabigla ako sa sinabi niya, habang nakatingin lang sya sa labas

"Paano mo naman nasabi yan Sir? Totoo po si Papa Jesus" ani ko na parang batang nakikipagprotesta sa demonyo———este sa teacher

"If he's real.... Then why he lets people die?" natigilan na naman ako sa sinabi niya

Huminga ako ng malalim, may punto nga naman sya pero hindi sapat ang rason niya para paniwalaan niyang walang Diyos

"Lahat kase tayo Sir ay nakatakdang mawala sa mundong ito.... Kahit hindi man tao.... Basta namumuhay ay nakatakdang mamatay.... Nabuhay tayo para mamatay, at mamamatay tayo para may mabuhay" malalim kong sinabi sa mahinahon na tono na ikinatingin niya sakin

"What do you mean?" aniya na para bang sya ang estudyante at ako ang guro ngayon

Huminga ako ulit ng malalim kase gusto ko ng magumpisang kumain.

"Ang ibig kong sabihin, Sir. Kaya tayo nakatakdang mabuhay para sa  misyon natin sa buhay. Kaya rin tayo nakatakdang mamatay dahil yun na ang senyales na tapos na ang misyon natin sa buhay" ani ko

Saglit syang di naka imik naka napababa ng tingin ng marealize niya ang pinagsasabi ko.

"Imposibleng mawalan tayo ng Panginoon dahil kung wala sya, wala na rin sana tayo sa mundong ito sa simula palang" malalim kong dagdag, di na sya nakapagsalita.

"Kaya Sir kung ano man ang mga hugot mo sa buhay. Magpasalamat parin tayo kay God na ginagabayan niya tayo sa ating mga problema at nakakagising tayo sa pagtulog natin araw araw" ani ko sabay ngiti sa kanya na ikinatingin niya sa mga mata ko

Wala man lang syang sinabi at kinuha lang ang wine niya sabay sandal ulit at tumingin sakin, saka niya ako sinenyasang kumain na. Nginitian ko sya ulit kase naman kahit masungit sya sakin ay masaya ako na nakaranas din ako ng libre.

Di ko na lang sya pinapansin dahil kahit di ko tignan alam kong nakatitig at pinapanood niya lang akong kumakain ng mabilis, habang lumalagok lang sya ng wine.

****

Continue Reading

You'll Also Like

570K 1.8K 6
𝘼𝘾𝙊𝙎𝙏𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #1 HIS BODYGUARD WIFE Maayos na ginagampanan ni West ang mga normal na gawain niya bilang isang mafia queen suba...
13.6K 821 55
A probinsyana girl named Bejay that born to be a girl's scout that accidentally caught the attention of the hottest and sexyiest famous vlogger/strem...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
15M 482K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...