Sangue Dolce ✔️

Von Formidable_Writer

23K 2.4K 710

Ang pagibig ay walang pinipili, mortal ka man o imortal, dadating ang tamang oras para maging tayo sa huli Mehr

Author's Note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Epilogue
Special Chapter

Chapter 5

430 69 15
Von Formidable_Writer

Break time na ngayon at nandito ako sa Cafeteria nasa isang sulok nakaupo, nagiisa habang tahimik at nakahukong kumakain

Halos puro mga gulay ang binili ko, yun lang kase ang mura dito kase alam niyo na puro mga mayayaman ang mga tao dito na mahilig sa mga sosyal na pagkain maliban sakin

Naniniwala kase ako sa kasabihang kapag may gulay, makulay ang buhay sa sinabawang gulay

Wag mong kantahin.

"Looks who's here?" napaangat ako ng tingin sa harap ko ng may nagsalita at nakitang ayun na naman ang mga babaeng bully na mga coloring books habang ang nagsalita na leader nila ay ngumunguya ng bubble gum

"The b*tch" tugon ng isa nyang kasama na maarteng nakahalukipkip katulad niya

Tumingin tingin pa ako sa paligid ko baka kase may iba silang tinutukoy, hindi kase The b*tch ang pangalan ko

"We're talking about you stupid nerd" ani naman ng ikatlong babae saka sila sabay na nagtawanan

'Anong nakakatawa? Stupid na nga, t*nga o boplaks.... Stupid? Na nerd? Leche flan mga siraulo ba tong mga to?'

Bumuntong hininga na lang ako na kinuha ang tray ko sabay tayo pero natigilan ako at nabigla ng tapikin ng nangungunang babae ang bitbit ko tray na may mainit na sabaw pa tuloy ay napasigaw ako sa init at hapdi ng naramdaman ng bumuhos sakin ang laman ng tray ko

Halos lahat ng mga tao dito sa tray ay napatingin at pinagtatawanan ako habang ako ito di magkamayaw at pinipigilan ang luha sa sobrang sakit ng nararamdaman dahil sobrang init nung sabaw na tumapon sakin habang pinupunasan ang sarili

"What's wrong nerdy girl?..... Bakit hindi ka gumawa ng way and gumamit ng kung ano anong science whatevers mo dyan para di ka na makafeel ng hurt?" ani nung leader na coloring book na kunware pang naawa sa tono ng kanyang pananalita

'Leche flan naman, di ko alam kung sadyang boplaks ba talaga tong babaeng to or boplaks talaga, matalino lang ako pero hindi ako doktor! My gas!'

Naitikom ko ang bibig ko ng mariin dahil nagpipigil ako ng galit ngayon habang sinasamaan sya ng tingin dahil ang mga kamay ko ngayon ay namula na mukhang napaso talaga lalo pa at di pa gumagaling ang hiwa ko sa kamay paano pa kaya ang mga braso ko kahit mahaba ang sleeve nitong uniform namin

Wala parin silang tigil sa kakatawa sakin na sana ay mabilaukan sila sa sarili nilang laway

Kaya siguro ako laging nabibiktima ng bullies dahil hindi ako lumalaban.
Sa totoo lang kaya ko silang labanan lalo na dahil tinuruan ako dati noon ni Papa about sa self defense, takot kase akong mamroblema pa si Mama kahit di niya ako naaalala o di kaya ay maguidance pa ako, sinong pupunta na magulang sakin? Ako lang din ang magmumukhang kawawa sa huli kung lalabanan ko pa ang mga walang kwentang taong katulad nila

Marahas akong nagpakawala ng malalim ng hininga, pinapahaba ang aking pasensya

Kinuha ko ang bag ko at saka aalis na sana na lalampasan ang mga makukulay na feslak ng natagpuan ko na lang ang sarili kong natumba paharap dahil may pumatid sakin tuloy ay napuno ng mga tawanan ng mga nandito ang Cafeteria

Pinilit kong itayo ang sarili at inayos lalo pa at maikli ang skirt na uniform na to ng may sakut na nararamdaman sa katawan, doble ang sakit dahil napaso na nga ang sakit pa ng dibdib ko

"A beggar like you doesn't fit here" pagmamataas pa nung ikaapat na babae sabay flipped hair

Kita ko sa gilid ng mga mata kong nagapir pa habang nakangisi ang mga babaeng makukulay bago ako napakayukong naglakad ng mabilis paalis sa sobra ng pagkapahiya at panliliit sa sarili

Nasalubong ko pa ang iilang mga estudyanteng bagong pasok palang dito sa Cafeteria na pinagtitinginan ako lalo na dahil basa tong suot ko sabay palihim akong pinagtatawanan

Nangtuluyan na akong makalayo ay tumakbo na ako papunta sa kung saan hanggang matagpuan ko na lang ang aking sariling tahimik na umiiyak dito sa isang cubicle dahil may mga tao pa dito sa Restroom ng mga girls

Ang hirap umiyak ng tahimik dahil para mo na ring pinapatay ang sarili mo kakahabol ng hininga lumabas lang ang mga luha mo ng mapayapa at walang makakaalam o makakakita

Wala akong ni anong extrang damit pamalit, magka-cut na lang siguro ako ng class kaysa naman pagtawanan pa ako ng mga tao dito

Kasabay ng ramdam kong pagalis ng mga tao dito sa Restroom ng marinig ko ang bell na senyales na klase na naman ay ang pagsakit ng tiyan ko, di ko alam kung tiyan ba yun o puson pero tumayo na ako saka itinaas ang cover nitong inidoro na inuupuan ko

Lalong dumagundong ang tibok ng puso ko sa bilis na napatigil sa tahimik ng pagiyak ng pagbaba ko ng underwear ay.....

'May dalaw ako! Juice colored anong gagawin ko?! My gas! Leche! Flan!'

Wala akong ni isang pads na dala dahil nga namamadali ako kaninang pagpasok ko dahil late na naman akong nagising sa OT ko or Over Time sa mga works

'Leche Flan naman Eda! Bakit nagiging ulyanin ka na?! Paano niyan to? Anong gagawin ko?'

Habang nagiisip kong anong gagawin ay nagupo ulit ako sa inidoro habang nagbabawas dahil ang sakit talaga nung puson ko na naaapektuhan tong tyan ko

'Mukhang hanggang uwian pa akong mananatili dito.... Teka paano kaya kung.... Magutos ako ng kung sino dyan.... Leche nakakahiya! Wala akong ka close dito!..... Haayss bahala na nga para sa sarili mo na naman yan Eda kapalan mo na mukha mo!'

Nangmatapos akong magbawas ay nilinisan ko na ang sarili ko bago nagflash at nagdadalawang isip pang lumabas dito sa cubicle kung nasan ako pero sa huli ay maingat kong binuksan ng kaunti ang pintuan saka sumilip, sinisiguradong walang ibang tao dito bukod sakin

Nakahinga ako ng maluwag ng makumperma kong ako lang nga magisa dito sa Restroom saka ko napagisipang tulyyan ng lumabas at mahinang sinarado ang pinto nung cubicle

Nagpakawala ako ng malalim na hininga humuhugot ng lakas para basta na lang akong magutos ng kung sino di baling pagtawanan ako, insultuhin o laitin ang mahalaga makapalit na ako ng damit lalo na sa baba ko pati narin ng pads

Nagpabalik balik pa akong naglalakad dito na parang t*nga at nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba to

'Teka nga lang paano ako makakapagutos ng kung sino kung klase na pala?'

Nanlumo akong napasandal dito sa pintuan palabas dahil paniguradong magdamag talaga akong maghihintay dito na umalis na lahat ng tao dito

'Paano kung ma lock ako dito kung magdamag akong magaantay hanggang sa bumaha na lang ng sarili kong dalaw dito? Luh magkakalat ako?! My gas! Ano bang gagawin ko?! Leche Flan naman ang hapdi hapdi na nga ng mga braso at kamay ko isama mo na rin ang dibdib ko sa pagkakapatid dumagdag pa talaga to!

Napapraning na ako kakaisip ng plano na gagawin ko at stress na stress na ako

'Ano ba Eda?! Nasan na ang talinong pinagmamayabang mo?! Magisip ka! Isip. Isip!'

Huminga ulit ako ng malalim saka umalis sa pagkakasandal at marahang binuksan ng kaunti ang pintuan saka sumilip sa labas na parang chismosang butiki na pabo

Mayamaya pa ay para akong mapapatalon sa tuwa ng may nakita akong anino ng tao na papalapit dito na di ko mawari kung babae ba o lalaki

Basta ko na lang binuksan ng malaki ang pintuan saka sya hinablot papasok dito sa Restroom ng makalapit sya bago sinandal sa pader at sinarado ko ang pintuan sabay lock

Halos mapuno ako ng pagsisisi at gusto kong saktan o sampalin ang sarili ko na siguro mga 1 kilo ng mapatingin ako sa kung sino tong nahablot ko

Mukha rin syang nagulat sa ginawa kong buong lakas na paghila sa kanya habang nakasandal sa pader, ako naman ay kaharap niya at tulalang napaangat ng tingin sa kanya

'Sa lahat ng mahihila ko bakit lalaki pa?!.... At bakit sya pa?!.... Leche Flan naman talaga Eda oh! Pinanganak ba akong may balat sa pwet para laging sundan ng kamalasan?'

"What the hell?... Ahm.... Eda... What's going on? Why did you pulled me in this.... girls' Restroom?.... What happened to you?" sunod sunod at naguguluhang tanong ni Blake saka sinuyod ang tingin sakin

Napayuko akong napapikit ng mariin at pasimpleng napakagat ng labi sa pagkainis sa sarili, lalo pa ng maisip na di dapat sya nandito dahil lalaki sya lalo pa at kaming dalawa lang ang nandito sa loob mismo

'Bakit sya pa?!..... Mas mabuti na siguro tong mokong na to kaysa naman si Sir Cafaro na mismo ang mahablot ko---Teka nga?.... Bat naman nasali ang masungit na Lecturer na Adviser na yun?! '

"Hey. Eda?" pagtawag pa nito ulit sakin, napaangat ito ng tingin at gusto ko na lang talagang lamunin ng lupa dito sa kinatatayuan ko ng lumitaw ang mapangasar nyang pagngisi sakin na nakakabwesit

'Bat nagtatanong sya kung anong nangyari sakin? Wala ba sya kanina sa Cafeteria? Eh ano bang pakialam ko kung wala sya kanina ng mangyari ang pagkapahiya sakin? Haayss kainis wag na lang, mabubulok na lang ako dito'

Tumikhim ako na napaiwas ng tingin habang nangangapa sa kung anong sasabihin ko "Uh.... Wala... Trip ko lang, bakit?.... Sige na labas na chupi" mabilis kong in-unlock ang pinto saka binuksan yun para lumabas na sya bago tumingin sa kanya

Natawa sya kaya ito ako nagpipigil ng pagkainis "Sabi ko na nga ba type mo rin ako" ani pa nya ng may pagkapilyo

d[- -,]b

'Pinagsasabi nito?..... Sabi ko na nga rin nga ba playboy tong mokong na to, halata naman sa ayos pati kilos. Leche'

Sinamaan ko sya ng tingin pero nginisihan nya lang ako sabay halukipkip ng may pangaasar

Kita ko ang pagbaba ng tingin nya sa may likuran ko habang ako ito medyo nakatalikod sa kanya at mukha ko lang ang nakaharap sa kanya

Nawala ang pagkapilyo nyang pagngisi sakin habang napatitig sya doon saka ko lang naalala na, madalaw ako! Kaya ko pala sya hinila dahil doon!

"Eda.... You have a... ahm.... a blood stain on your ---" putol putol nyang sabi na nagpapalitan ng tingin sa baba ko at sa akin pero natigilan sya ng pabagsak kong nasara muli ang pintuan sabay sandal doon at hurap sa kanya para di nya na makita yun sabay yuko at ayos ng salamin ko

'My gas nakita nya! Leche Flan naman nakakahiya!'

"What's going on?.... Can you please tell me what happened?" napaangat ako ng tingin sa kanya pailalim ng may tono ng pagaalala sa pagkakasabi niya

Napaiwas lang ako ng tingin habang nangangapa na naman ng sasabihin

'sunod sunod na akong napapahiya, ano ng mukhang ihaharap ko? Lalo na sa lalaking to? Paano kung ipagkalat niya na nakita nyang may tagos ako at lalong tripan ng mga bullies?..... Ang gusto ko lang naman ay makapagtapos ng pagaaral at makahanap ng maayos na trabaho para matulungan ko na si Mama... Bakit kailangan ko pa tong danasin?'

Nakayuko lang akong nagpipigil ng mga luha bago tumikhim na umalis sa pagkakasandal sa pintuan saka binuksan muli ang pintuan paharap sa kanya para di niya makita ang bandang likod ko

"Lumabas ka na lang, sorry sa paghila sayo" yun lang ang nasabi ko na di na napigilang napagaralgal ang boses habang pinagbubuksan sya ng pinto ng di sinasalubong ang mukha niya

Nanlalabo na kase lalo ang paningin ko na sa tingin ko ay nanunubig na ang mga mata ko kakapigil ng luha at ang sakit na rin ng lalamunan ko mapigilan lang itong tumulo na naman

"Eda---" di niya na natuloy ang kanyang sasabihin ng napaangat na ako ng tingin sa kanya habang nanunubig ang mga mata sabay sabing

"Lumabas ka na lang please ayoko munang makarinig ngayon ng panlalait, please kahit ngayon lang" pagmamakaawa ko pa at nagmumukha akong t*nga ng tuluyuan na talagang unti unting dumaloy ang aking luha kaya mabilis rin akong napayuko at pinapakitang inaayos lang ang salamin pero pasimple ko ng pinupunasan ang leche flan na luha na yun

Huminga ulit ako ng malalim para subukang magpigil na umitak ulit, di niya siguro nahalatang kagagaling ko lang ng iyak kanina lalo pa at makapal tong salamin na suot ko, napaangat ulit ako ng tingin sa kanya ng di sya kumibo at nanatili lang sa pwesto nya kanina na hindi pa talaga humakbang papalabas

Lumambot ang mukha nya ngayon habang nakatingin parin sakin ngayon

"Ano pang tinitingin tingin mo dyan? Alis na alis, chupi, chupi" pangbubugaw ko pa sa kanya habang hinila sya at tinutulak tulak palabas dahil parang nagmamatigas pa talaga sya, hinaluan ko ng pagsusungit para di naman ako mukhang t*ngang mahina

Pabagsak kong naisara ang pintuan ng tuluyan ko na syang maitulak pa labas sabay lock doon, o di ba parang t*nga lang, ako tong nanghila sa kanya tas ako pa tong may ganang magpakita ng pagsusungit

Inangat ko ang tingin ko, umaasang bumalik muli ang mga luha kong nagbabadya na namang pumatak muli saka napapikit ng ganon parin ang posisyon kong nakasandal sa pintuan pati ulo habang nakaangat ang mukha sa kisame

'Eda.... hanggang dito ka na lang ba talaga?.... Lagi ka na lang bang magpapaapi? Kailan ka ba magkakaroon ng tunay na kaibigan?'

Napabuntong hininga na lang akong parang kuba na naglakad ng matamlay pabalik muli sa cubicle na yun at sinarado ang pinto bago muling naupo saka napatingin sa relo ko

'Mukhang mahaba haba pa akong magiintay matapos ang araw ng klase na to, wala na talaga akong mukhang ihaharap nito lalo na kung ipagkakalat ng mokong na yun kung anong nangyari at nakita nya sakin, juice colored'

Dumukdok na lang ako sa may tuhod ko na naisipan kong matulog na lang muna kahit kakaiba sa pakiramdam na basa na nga ang suot mo basa ka pa down there

Hindi na tuloy ang akma kong pagtulog ng maya maya pa ay biglang kumatok doon sa pintuan palabas kaya naiangat ko ang aking ulo sa pagkakadukdok

"Eda it's me, Blake can you open this door and take this? " napakunot ang nuo ko ng marinig muli ang boses nya mula sa labas at may halong pagtataka sa huling sinabi niya

'Take this? Ang alin? Tsaka anong ginagawa nya pa dito?'

Sa pagkakuryoso ay tumayo na ako saka lumabas doon sa cubicle at dahan dahang lumapit sa pinto doon sa palabas, nagdadalawang isip pa akong buksan yun pero sa huli ay binuksan ko rin ng kaunti

Umangat ako ng tingin sa kanya na sinalubong nya ang tingin ko sabay abot nung paper bags sakin, binigyan ko syang ng nagtatakang tingin habang nagpapalitan ng tingin sa paper bags na bitbit nya at sa kanya

"Ano yan? Anong gagawin ko dyan?" kunware ko pang pagsusungit para umalis na sya dito at sinusubukang may labanan sya ng tingin lalo pa at nakikita nya ako sa ganitong sitwasyon

Sinenyasan nya lang ako "Just take this" kaya napangiwi ko na lang yung kinuha saka napapasulyap sa kanya bago dahan dahang sinilip kung anong laman nun " i hope that helps you, i know nothing when it comes to women's stuff.... So.... ahm..." habang sinasabi niya yun ay napapakamot sya sa ulo nya at di matuloy tuloy ang sasabihin kaya tuluyan ko ng binuksan yun

Nanlaki ang mga mata ko at naiwang tulala na di makaimik habang nakatingin doon sa loob ng paper bags

'NapkinS..... Ang daming napkins! As in! My gas! Pang isang taon ko na yata tong gamitan! Leche Flan binili nya na halos lahat ng brands ng mga napkin!'

Napakalkal ako doon ng di oras at tinitignan ko pa talaga kung anong laman kahit alam ko namang puro napkins ang laman nung isang paper bag na malaki at talagang paper bags pa talaga ang gamit, napatigil ako sa paghalukat doon ng makita ko ang isang bagay na to

'Leche Flan bat may diaper dito?!'

"Ahm.... Sinali ko na rin yan para sure... hehe...." napatingin ako sa kanya ng kunot nuo pero nagpeace sign lang ang mokong kaya nginiwian ko sya

'Teka nga bakit ang bait niya sakin ngayon?'

Isasara ko na sana ang pintuan ng bigla syang sumigaw paano ba naman hinarang nya ang kamay nya sa pintuan kaya mabilis ko yung nabuksan ulit, napahawak sya sa kamay nyang naipit kaya nagugulat akong napatingin sa kanya, kinakabahan at natataranta

Binaba ko muna ang bitbit kong mga paper bags saka mabilis na inagaw ang kamay nya na yun at tinitignan tignan kung may nabugbog ba o dumugo doon pero ilang segundo pa ang nakalipas ng wala akong nakita doon

Sinamaan ko sya na napaangat ng tingin ng marinig ko ang matunog nyang pagngisi kaya pabigla kong binitawan ang kamay niya "Hey I'm just kidding" natatawa pa nitong pahabol ng isasara ko na ang pinto muli

'Binabawi ko na ang sinabi ko, lokoloko parin pala sya'

Nang masara ko na ang pintuan ay napasandal akong napatingin sa paper bags na binigay nya

'San ko ba ilalagay ang iba dito? Iuuwi ko to lahat? Binili nya talaga yan para sakin? Bakit nya naman ginawa yun? Tsaka kung di ako nagkakamali na kapag lalaki mismo ang bibili ng mga yan ay for sure nakakahiya sa part ng pagkalalaki nila yun'

Pumasok na ako sa cubicle muli habang bitbit ang mga yun saka inasikaso ang sarili

'Aba't binilhan pa talaga ako ng mga underwears?!'

Di ko alam kung tinutulungan niya ba ako o sadyang may pagkamanyak din sya kase naman halos lahat ng mga pangangailangan ko ay nandito na, isama mo pa ang bra at at bumili din sya ng panibagong isusuot kong uniform

' Eda naman baka nagmamagandang loob lang talaga sayo yung tao tapos ikaw pa tong may ganang magsabi na manyak sya.... Pero sobra na kase tong mga binili nya eh baka mamaya nito singilan na ako agad.... huhu nagkautang tuloy ako sa mokong ng di oras'

Matapos ng pagasikaso ng sarili na nakapagpalit na rin ako lahat ng suot ko ay nilagay ko ang mga hinubad ko na nakatupi na rin yun ng sinuksok ko yun mismo sa pinakailalim ng paper bag bago lumabas ng cubicle at naghugas ng mga kamay saka inalis ang suot kong salamin bago naghilamos sa mukha para mahimasmasan ako

Matapos magpunas ay kinuha ko na ang mga paper bags bago confident ng buksan ang pintuan palabas

Nangmakalabas ako ay natigilan pa ako ng mapatingil ako dito sa may gilid ng pintuan dahil hanggang ngayon ay nandito parin ang mokong na nagkakalikot ng kung ano ano sa phone nya saka napatingin sakin at napaalis sa pagkakasandal sa pader ng makita ako

Napaiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ang laki laki na ng utang ko sa kanya lalo pa at alam kong mahal tong bagong uniform ng school namin na suot ko ngayon, kaya nga isa lang ang uniform ko eh

Rinig ko ang mga yapak niyang papalapit sakin dahil nakayuko ako ngayon at di makatingin sa kanya paano ba naman sobra ng nakakahiya lalo pa at lalaki sya na ginawa o binilhan pa ako ng lahat ng mga yun

Kaharap ko na sya ngayon, tumikhim ako bago umangat ng tingin sa kanya pero nasalubong ko ang pagngiti nya sakin habang sinusuyod ang tingin sakin kaya napangiwi ako "Bat nandito ka ba?" tanong ko kaya napatingin sya sa mukha ko

Ako naman ang nginiwian niya "Waiting for you to say something" anito na pinakita pang seryoso sya kaya napaiwas ako ng tingin sabay ayos nung salamin ko at napakamot ng ulo

"Salamat" pagsabi ko nun ay napaangat ulit ako ng tingin sa kanya

"I don't accept salamat or thank you" ani pa nito na ikinataas ng kilay ko

"Luh, ano ba dapat gawin ko para pasalamatan ka?"

Napaangat pa ng tingin ang mokong at mukhang nagiisip pa "Ahm..... Just give me a kiss then kwits na tayo———" di niya na natapos ang sasabihin ng magsalita ako.

"Leche! Flan! My gas! Pinagsasabi mo?" salubong na kilay kong sabi pero tinawanan lang ako ng mokong kaya napahampas ako sa braso nya n ikinatigil nito at napahimas doon

"Ouch! Eda? Why did you hit me?" reklamo pa nito

"Siraulo ka kase! Anong pinagsasabi mo dyan ha? Gusto mong isubsob ko yang nguso mo sa inidoro?!" pagpoprotesta ko pa pero nginisihan nya lang ako

"It's ok for me especially if yung inidorong nagamit mo na ang madidikitan nitong labi ko---" ani pa niya sabay nguso sakin pero natigilan ito sa kanyang sinasabi ng hampasin ko na naman sya sa braso

"Leche Flan ka talaga!" naiinis ko na talagang sabi

"Maybe, kaseng sweet siguro ako nun---"

"Asa" pangpuputol ko na naman sa kanya

"What the hell? Di pa ako sweet sa lagay na yan? I bought you the things you need, parang namamaliit ang pagkalalaki ko habang hiyang hiya akong bumibili ng mga yan and then sasabihan mo lang ako ng ganyan then mananakit ka pa?" pagrereklamo pa nito sabay simangot

Nginiwian ko sya "Leche Flan naman nagpasalamat na nga ako eh tas mangingwenta ka pa, bahala ka na nga dyan" ani ko at lalampasan na sana sya ng hawakan niya ako sa may siko sabay hila sakin pabalik kaya tinalasan ko sya ng tingin na daig pa ang mga kutsilyo sa kamay ni Wolverine pero sa mata yung akin

"Where are you going?" aniya, pinagkunutan ko sya

"Wala ka na dun" pagsusungit ko pa sabay alis nung pagkakahawak nya sakin at nangunang naglakad

"Hey Eda!" pagtawag pa nito pero nagpatuloy lang ako sa mabilis na paglakad at iniwan sya don

Panay ang iwas ko nitong mga nakalipas na oras kay Sir Cafaro lalo pa at natatakot na akong makabangga pa sya na baka magalit pa sya lalo sakin pero panay naman ang papansin nitong si Blake sakin kaya pinagiinitan ako ng ulo ng mga kababaihang umaaligid sa kanya kahit ako na nga tong layo ng layo sya naman tong lapit ng lapit at napakakulit

"Leche Flan naman. Oo na sasama na ako sayo! Masaya ka na? Ha?" inis kong sabi kay Blake ng mangulit syang ayain nya daw akong lumabas sa Saturday or Sunday kung kailan ako pwede

Naglalakad kami dito sa may hallway habang nagpumilit pa syang sya na daw muna ang bibitbit nung mga paper bags hanggang sa maihatid nya daw ako palabas

Napapaisip kase ako sa trabaho ko, may trabaho ako tuwing Saturday and Sunday na iba't iba ang schedule lalo na dahil iba't iba din ang mga trabaho ko kaya wala talaga akong time para gumala, isa pa bakit naman sya magaaya sakin, eh hindi naman kami close

Pinagbigyan ko na lang lalo pa't malaki ang utang na loob ko sa kanya

'Bakit pa kase ako nagkadalaw eh, ang malas ko na lang talaga palagi'

Ang laki ng ngiti niya ngayon.

"So.... We will be having our date————" natigilan sya ng gulat akong makapagsalita

"Luh ano?! Leche flan, ano na namang pinagsasabi mo ha?!"

Hindi ko na napigilang magtaas ng boses kaya napapatingin samin ang mga taong nadadaanan namin dito sa hallway habang sabay kaming naglalakad dahil sya ang nakisabay sakin

"A date. Don't tell me na you don't know that?" natatawa pa nitong sabi, pinagkunutan ko sya "You know what you're really funny, one of my type" dagdag pa nito na ikinatigil ko sa paglalakad kaya ganon din sya bago ko sya sinamaan ng tingin

"Ano ba talagang kailangan mo ha?" nakapamewang ko ng sabi "Hindi tayo close para yayain mo akong---" nahinto ako sa sasabihin ko ng mapansing naagaw na pala namin ang atensyon ng mga nandito kaya napatingin ulit ako sa kanya at nakitang napatingin din sya sa paligid

Sa kawalang magawa ay hinablot ko ang palapulsuhan nya saka sya kinaladkad na nagpatianod naman ang mokong sakin hanggang sa madala ko sya dito sa labas na walang masyadong tao at malapit kami sa parking lot ng school na to

"Hoy lalaki, ako wag mo kong pinagloloko ha kung ayaw mong matikman tong mala Iron man kong kamao, sino ka para yayain mo akong makipag date? Leche flan naman di tayo close, Oo may utang ako sayo pero wag ka namang mangabuso, My gas, juice colored" pagbubunganga ko pa habang nakapamewang sabay ayos ng salamin ko habang nakikinig lang ang mokong sakin

"Tsaka anong pinagsasabi mong funny? Mas funny ka funnywalang funnywala kang ganon tayo ka close" dagdag ko pa

Nakasalubong lang ang mga kilay kong nakapamewang habang sinasamaan sya ng tingin pero ang mokong ayun ngumisi lang sakin saka dahan dahang humakbang papalapit sakin "We're not close..... yet?" ani pa nito habang papalapit ng papalapit kaya napaatras ako papalayo

Sa kakaatras ko ay di ko namalayang may bato pala sa may likod kong nakaharang sa daan kaya bigla na lang akong natalisod doon kaya ayon mabilis syang napatakbo papalapit sakin at laking pasasalamat ko na naman ng masalo nya ako na nahapit ako sa may bewang

Pero laking kinaiinis ko naman ng pagharap ko sa kanya ay ganon na lang kalapit ang mga mukha namin sa isa't isa

Saglit kaming napatitig sa isa't isa hanggang sa ang pagngisi nya ang pumutol doon "We're close now" ani pa nito dahilan para mapaayos ako ng tayo sabay tulak sa kanya at sinamaan sya ng tingin

Sabay kaming napatinging dalawa sa may gilid namin ng may matunog na tumikhim doon at ganon na lang ang paninigas ko sa kinatatayuan ng makitang, Si Sir Cafaro iyon!

"Pwede na ba akong dumaan?" malamig nitong sabi samin sabay sulyap sa akin pero umiwas agad ako ng tingin ng magtama ang paningin namin dahil masalubong mo lang ang mata niya ay para ka ng maninigas sa pwesto mo sa sobrang lamig nun

Nagkatinginan pa kami ni Blake dahil ang laki laki naman ng pwesto dito bakit sa pagitan pa namin sya dadaan, ako na ang umatras papalayo para makadaan na si Sir

Nakaiwas lang ako ng tingin kase panay ang iwas ko sa teacher na to natatakot na may magawa na naman ako na ikinagagalit nya

"Remember our rule, no dating here in school" anito saming dalawa ni Blake kaya napaangat ako ng tingin sa kanya, palihim akong napangiwi

'Leche flan? Ano daw? Iniisip nya bang may relasyon kami nitong mokong na to?'

"S-Sir it's not what you think Sir.... I mean hindi kami ano.... Hindi kami gaya ng iniisip mo---" natigil ang sasabihin ko ng magsalita sya

"Enough of your explanations, Ms. Gaviola" pangpuputol nito sakin kaya napayuko na lang ako dahil baka sumabog na naman sya at sabihan ako ng masasakit na salita

"Sir i think it's your obligation to listen for what your students want to explain, imbes na sungitan mo sya" napaangat ako ng tingin sa kanila ng sinagot ni Blake si Sir Cafaro na para bang pinagtatanggol ako

"I have no time for explanations" pagmamatigas at magsusungit ni Sir

"Really? But you have time to disturb us" sarkastikong ani Blake kaya kinakabahan na ako sa kung anong pwedeng mangyari dahil teacher ang kinakalaban nya

Kita ko ang pandidilim ng mukha ni Sir at pagtitiim ng bagang habang sobrang lamig nyang tinignan si Blake "Are you trying to argue with me, Mr. Farnacio?"

"What if I'am?" palaban na ani Blake dahilan para maglabanan sila ng malamig na tingin na para bang may kuryente sa pagitan ng tinginan nila

Kahit kase adviser namin sya ay halatang ilang taon lang ang agwat namin kaya paniguradong di oras nyang papatulan si Blake kapag nagkataon

Papagitna na sana ako para awatin sila ng biglang may malamig na hangin ang napadaan dahilan para matakpan ng ilang hibla ng buhok ko ang mukha ko, ng alisin ko yun ay nagtaka ako ng natitigilang napatingin sakin si Sir na mabilis sinuyod ang paningin sakin mula ulo hanggang sa baba ko bago napatigil ang tingin sa leeg ko

Mas lalo akong nagtaka na pati na rin si Blake ng magtakip sya ng ilong nya habang nakatingin sakin, napasulyap sya saglit kay Blake

Naiwan kaming tulala habang sinusundan sya ng tingin ng bigla na lang itong magmadaling umalis ng walang pasabi habang takip takip ang ilong nya at umiigting ang panga na para bang may pinipigilan

'Anong nangyari kay Sir? Ang weird niya talaga minsan'

"What.... the.... hell? What's going on with him? He's so weird" kunot nuo akong bumling dito sa mokong na to bago hinampas ang braso nya "Hey! It hurts, you know" angil pa nito saka bahagyang lumayo sakin "Why the hell did you hit me again?"

Pinagkunutan ko lang sya "Alam mo bang nakakawalan ng modo yung pagsagot mo kanina sa kanya? Adviser paman natin yun, madadamay ako ng di oras sayo eh" pagpoprotesta ko pa pero nginiwian niya ako

"So what? I don't care, tsaka di ba dapat masaya ka kase pinagtanggol pa kita---"

"Pinagtanggol mo mukha mo, lalo mo pa akong pinahamak, paniguradong madadagdagan ang kasalanan ko nyan---" pampuputol ko sa kanya pero natigilan ako ng magsalita sya ulit

"Kasalanan? Eda wala kang kasalanan, sadyang pangit lang talaga ang ugali nung Adviser natin----"

"Haayss ewan ko sayo kausapin mo sarili mo dyan, marami pa akong gagawin, nasasayang lang oras ko dito" ako naman ulit ang nagpaputol sa sasabihin nya bago inagaw sa kanya ang nga paper bags na bitbit nya tutal binugay nya na naman sakin yun at nagpasalamat naman ako kaya kwits na kami nitong mokong saka sya nilayasan doon

"Hey! Eda, wait! Tuloy pa ba date natin? Hey wala ng bawian ah!" pahabol pa nito pero naglakad lang ako ng mabilis makalayo lang sa kanya na naging takbo na yata

'Leche flan bahala ka sa buhay mo!'

Takbo lakad lang ako ng mapansin kong di na ako sinundan ni Blake ng tumingin tingin ako sa paligid, sa paglilibot ko ng paningin ay nahagip ng mga mata ko si, Sir Cafaro na naman

Aalis na sana ako na liliko ng daan ng may mapansin talaga akong kakaiba sa kanya, paano ba naman nandito sya sa likuran ng school kung saan may malapit din na exit dito habang nakatukod ang isang kamay sa pader at nakatalikod sya sa gawi ko, bumaba ang tingin ko sa mga papeles nyang bitbit nya kanina pero ngayon ay basta na lang ito nakakalat at nililipad ng hangin

'Anong nangyari sa kanya? Ayos lang ba si Sir?...... Mukha naman sigurong ok...... na hindi sya eh'

Sinubukan ko pang silipsilipin ang mukha nya mula sa pwesto ko dito sa likuran nya pero di ko makita kaya napangiwi na lang ako sa sariling kakengkuyan

Napakamot na lang ako sa ulo at maglalakad na sana salungat sa kung saan sya pero napalingon ulit ako sa kanya saka napapadyak sa pagkainis sa sarili

'Haayss, pupulutin ko na lang yung mga gamit nya baka kase sabihin ng kung sino mangmakakita samin dito ay wala akong puso'

Huminga ako ng malalim saka nagdadalawang isip kung lalapit ba kase sobrang bilis na ng tibok ng puso ko ngayon sa sobrang kaba lalo na dahil may kaunting takot akong nararamdaman sa lecturer na to, higit sa lahat napaka weird pa ng ikinikilos pero di parin mawawala ang pagiging malakas nyang datin o ma appeal

'Pupulutin mo lang naman Eda baka kase mahalaga yung mga papeles na yan at madumihan pa'

Dahan dahan na akong maglakad ng maingat papunta sa gawi nya bago ko iniisa isa ang mga napulot ko, wala ang tingin ko sa papel kundi nasa likod nya, inaabangan ko kase kung kailan sya lilingon o mapapansing may tao sa likuran niya pero wala man syang kibo at nanatiling ganon ang posisyon ng pagkakatayo

Kita ko pa ang pagkuyom ng mga kamao nito na mas lalong nagsilabasan ang mga ugat nya sa mga kamay, saglit akong napasulyap sa mga pinupulot ko at napatulala doon, sa di malamang dahilan ay lalong dumagundong sa kaba ang puso ko ng makitang kung di ako nagkakamali ay mga documents ko yun dito sa schools o ano ano pang mga informations about sakin

Kitang kita ko ang pangalan ko sa mga papeles lalo na sa huli kong napulot ay kita ko pang may picture din ako doon, dahan dahan akong napaangat ulit ng tingin sa may likuran nya bago napalunok, nagdadalawang isip kung ibibigay ba sa kanya to o ano

Napalunok ako ng mapatingin sa isang kamay niyang nakatukod sa pader, kaya pala may kakaiba akong napapansin doon at kaya din may napapansin akong kulay pulang bagay sa puti nyang polo na suot dahil.....

'May dugo iyon! Juice colored! Sanay naman akong makakita ng kung ano anong sugat pero bakit napakawirdo ng nararamdaman ko palagi sa tuwing nakikita ko ang presensya nya?! Leche flan para talagang may kakaiba kay Sir!'

Pigil hininga akong unti unti pang lumapit sa kanya at sinusubukang wag gumawa ng ingay bago ako nagdadalawang isip kung kakalabitin ba sya o tatawagin sya para lumingon sakin at mabigay ko to

Huminga ako ng malalim para makakuha ng lakas, sa huli ay inangat ko na lang kamay ko saka nanginginig na kinalabit ng tatlong beses ang likuran niya

Natigilan akong napatingin sa kamay ko ng maramdaman kong may kakaiba din maski sa temperatura ng katawan ni Sir kahit may telang nakaharang, mahirap ipaliwanag

Hindi sya humarap sakin, mukhang di naramdaman ang pagkalabit ko dahil napakahina lang nun na parang nangangalabit lang ng isang insekto para di ito tumalsik

Kaya naisipan kong kalabitin ulit sya "S-Sir Cafaro.... A-ahm..... Sa inyo po ba to?---" buong lakas akong umimik na pero ganon na lang ang paghagip ko ng hininga ng bigla na lang syang mabilis na hinarap ako at di pa man ako napapatingin sa mukha nya ng ganon nya rin ako kabilis na basta na lang hinila

Sa isang kurap ay di ko namalayang..... Nakasandal na ako sa pader at nasa harapan ko na sya habang nakaharang ang mga braso't kamay niya sa mga gilid ko, sa madaling salita ay na-corner na ako ni Sir!

Pigil hininga at nanginginig ang mga labi kong napaangat ng tingin sa kanya sa takot ng biglaan nyang ginawa, natigilan ako at napatulala sa kanya ng kung di ako nagkakamali ay nagiba ang kulay ng mga mata niya

Sa pagkakaalam ko ay kulay brown o kape ang kulay ng mga mata niya at para akong namamalikmata ng sa tingin ko ay pula talaga ang nakita kong kulay sa mga mata nya kanina pero saglit lang yun dahil kulay brown na ulit ang nakikita ko kaya sa huli ay di ko namamalayang nakikipagtitigan na pala ako sa kanya!

Naghuhurumintado parin sa bilis sa pagtibok tong puso ko ng pilitin kong alisin ang tingin sa mga mata niya na para bang nahi-hypnotise ako at unti unting napatingin sa mga braso't kamay nya lalo na sa nakita kong may mantsa ng dugo kanina

Kung di ako nagkakamali ay wala naman akong nakikitang sugat sa mga kamay nya o palapulsuhan niya

'Baka naman mantsa lang to na kahit saan lang nadikit ni Sir ang sleeve ng polo niya?'

Dahan dahan muli akong napatingin sa kanya at muling nasalubong ang napakalamig nyang tingin na para bang kaya ka nyang kainin ng buhay

Nanginginig ang mga kamay at labi ko, sa sobrang kaba ay parang di oras akong matutumba sa panglalambot dahil pati ang mga tuhod ko ay nanginginig na rin

'Ganito ba talaga ako kamatatakutin na pati sarili kong Adviser ay kinatatakutan ko ng sobra sobra? Juice colored gusto ko ng makaalis dito! My gas!'

"What are you doing here?" napakaseryoso nitong sabi na para bang sa bawat salita niyang binibitawa ay may kapangyarihang patumbahin ako kahit sa boses nya palang

' Juice colored, kung ano man tong binabalak ni Sir sakin sana di niya gawin, ayaw ko pang mamatay, lalo na't ayaw ko pang makuha ang pagiging birhen ko!'

(T^T)

****



Weiterlesen

Das wird dir gefallen

2M 69.1K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
55.4K 2.1K 60
Every people have a hidden Secret . She's Shion, a maid of Family Hart and she's 'THE MYSTERIOUS MAID'
924K 26.4K 48
✴FICTION ✴COMPLETED ✴UNEDITED ✴HEAVEN WINTER SNOW LOURDE♥
13.7K 821 55
A probinsyana girl named Bejay that born to be a girl's scout that accidentally caught the attention of the hottest and sexyiest famous vlogger/strem...