Sangue Dolce ✔️

By Formidable_Writer

23K 2.4K 710

Ang pagibig ay walang pinipili, mortal ka man o imortal, dadating ang tamang oras para maging tayo sa huli More

Author's Note
Disclaimer
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Epilogue
Special Chapter

Chapter 1

1.2K 91 24
By Formidable_Writer

Hi! Good morning! Good evening and Good afternoon! My name is Eda Ilaria Gaviola, I'm 18 years old, sasabihin ko pa ba ang address at birthday ko? Pakicomment na lang kung interesado kayo.

Huminto ako sa pagaaral ng dalawang taon at nagfocus ako sa pagtatrabaho, kahit ano ano na lang ang pinapasukan kong trabaho sa hirap ng buhay at lalo na sa pang bayad ng bill sa panghospital ni Mama.

Nariyan ang pagka janitress ko, waitress sa restaurant, kung minsan naman ay tumutugtog ako ng piano sa mga en grandeng mga party ng mga mayayaman.

Nang malaman ni Mama na nagtatrabaho ako at di na nagaaral ay  na galit sya sa akin dahil bakit ko daw inuuna ang pagtatrabaho at binalewala ang pagaaral ko gayong mas may maganda akong kinabukasan kung makakapagtapos ako.

Sa pangaral ni mama sakin ay naisip ko ulit na magaral dahil ayaw kong magalit sya sakin lalo na ay baka mamoblema sya sakin at baka maapektuhan ang sakit niya, nai-stroke s'ya nung nakaraang linggo lang at hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin s'ya.

Sabi ng doctor may Hemorrhagic stroke syang sakit na kailangan operahan meron din daw syang Alzheimer's disease na kaya pala ay di niya na ako maalala at inakala ko noon na nabagok ang ulo niya pero Alzheimer na pala ang pinakamasakit na sakit dahil sa tuwing bibisitahin ko sya pagkatapos kong magtrabaho ay kailangan ko pang ipaalala sa kanya kung sino ako at kaano ano nya ako.

Di ko na din mahingian ng tulong si papa dahil sumama na ito sa kabit niya at may iba na syang pamilya't anak na inaalala, di ko alam kung kahit ba minsan ay sumagi sa isip niya na alalahanin kami ni mama kung naalala niya pa ba ako na only child nila ni mama, kung kahit ba minsan ay pinagsisihan niyang iwan kami at basta bastang ipinagpalit sa iba.

'kumusta na kaya si papa? Masaya ba sya sa bago niyang pamilya? Sana alagaan niya ang mga anak niya sa ibang babae tulad ng pagalaga niya sakin noon, kung paano niya ako hagkan at mahalin nila mama, namimiss ko na rin sa salita nilang dalawa nila mama na tawagin akong anak, dahil kahit si mama ay di ako naaalala'

Nandito ako ngayon sa isang mall bumibili ng school supplies ko at inihahanda ang sarili ko para sa first day of class pero habang naglalakad ay tulala ako na nanunubig ang mga mata sa tuwing sumasagi sa isip ko ang kalagayan ni Mama.

Hindi ako transferee sa papasukan ko ngayon pasukan, doon parin ako magaaral sa dati kong private school na University of Percipient.

Dati akong scholar sa school na yun, yung una kong pasok doon.

Nung malaman ng mga prof ko na magaaral ako ulit ay tuwang tuwa sila dahil meron na daw palagi sasagot sa mga recitations nila ng walang pagkakamali.

Hindi naman sa pagmamayabang actually ako ang top 1 palagi sa buong ka level ko noon at ako rin ang may pinakamataas na average sa lahat so ayun ganon nalang nadismaya ang prof ko ng malaman nilang hihinto ako noon sa pagaaral pero ganon din sila kasaya ng malaman nilang babalik na ako.

[^.^]

Ganyan sila kasaya, lalo na ang mga prof na paborito ako dahil sa taglay kong talino.

Binansagan din nila ako ng Campus Nerd dahil alam nyo sa makapal kong mga salamin at lagi din akong nakaponytail ng isa, si mama rin mismo ang nagdesign sa buhok ko noon na bangs dahil daw bagay sakin.

Pumipila na ako dito sa counter pagtapos kong mamili ng mga school supplies namili rin ako ng mga libro na gusto kong basahin lalo na kapag boring ako kaya  sa bahay ay may sarili kaming bookshelf na maliit para sa mga libro ko.

Kapag nga lang may sobra akong pera na kakabili ako ng libro pero syempre hiwalay iyon sa ipon ko para sa bill ni mama at minsan ay di na ako nakakabili ng libro o minsan ay di na ako nakakabili ng pagkain ko sa sobrang pagkaipon.

Minsan din ay ang mga sobra ng mga costumer na pagkain sa restaurant na pinagtatrabahuan ko ay ang kinakain ko na palihim

Pinunasan ko ng palihim ang nanunubig kong mga luha sa ilalim ng salamin ko bago nagbayad at kinuha ang mga pinamili ko ng matapos i-counter saka lumabas na

Naglalakad na ako palabas doon sa pinamili ko pero nasa mall parin ako at plano ko namang bumili ng mga gulay at karne para magluluto ako para kay mama

Habang naglalakad ako ay di ko napansin.... Nasasahig na pala ako papaano ba naman kase may nakabangga ako!

Grabe ang sakit ng mga balikat ko na tumama sa kanya di ata tao nabangga ko ehh parang pader ata ang tigas kase ng katawan nito at dahil sa pagkakabangaan namin ay ayun ang pangit ng bagsak ko mabuti nalang at nakasuot ako ng jeans at simpleng t shirt lang, kung palda pa to ay paniguradong makikitaan ako sa pagkabagsak ko.

Tumingala ako kung sino ang nakabangga sa akin pero ang labo ng nakikita ko at narealize ko bigla na nahulog pala ang salamin ko dahil sa pagkakabangga sa kanya, di ko na rin hawak ang plastic na kung saan andoon ang pinamili ko.

Kinapa kapa ko ang sahig para hanapin ang salamin ko dahil ang labo talaga ng nakikita ko bukod sa puro liwanag lang ito.

Ilang minuto pa ako naghanap doon at nahawakan ko na ang kanina ko pa hinahanap kaya agad ko iyong sinuot ng maayos na ang nakikita ko ay kaagad hinahanap ng mga mata ko ang nakabangga sa akin, ng makita ko sya ay sigurado akong sya ang bumangga sa'kin.

Nakakailang hakbang palang sya na nakatalikod sa akin at nakapamulsang naglalakad pinagtitinginan narin ako ng mga tao dito kaya agad akong tumayo kasabay ng kaagad kong pagkumuha ng notebook sa mga pinamili ko at ibinato sa kanya, dahil naiinis ako, pagkatapos niya akong banggain ay di man lang magsorry at basta na lang akong lalayasan.

Nagulat ako sa sunod nyang ginawa ay habang naglalakad sya patalikod sa gawi ko ay sinalo nya ang notebook na tatama sana sa ulo nya gamit ang kanang kamay nya na nakapamulsa parin ang isa nya pang kamay.

'Luh sya si Cyclops ata ito grabe may mata ba sya sa likod nya tapos may lazer?Papaano nya yon nasalo ng di tumitingin sakin?'

Tinignan nya ang hawak nyang binato kong notebook "Kuya mawalang galang na ah——"nahinto ako ng  tawag ko ng dahan dahan syang lumingon sa akin na ikinanganga ko.

' Luh sya anong nangyayari sayo Eda? Ano ka ngayon bakit di ka makapagsalita?! Ano na? Magsalita ka!Na Eda wow ka tuloy'

Makalaglag mga panty pagnakita nyo kung gaano ka gwapo tong nilalang na nasa harapan ko, ang mga mata nya grabe ang ganda sobra ng mga to parang syang color blue na may pagkagrey na may pagkagreen na di ko maipaliwanag kung ano ba talagang color dahil parang ngayon ko lang yun nakita sa buong buhay ko grabe ang ganda talaga parang bigla akong natulala sa mga mata nya at di makagalaw.

Mayamaya pa ay di ko alam kung bakit...... Naglalakad ako papalapit sa kanya na para bang may nagkokontrol sa akin papalapit sa gawi nya! At hindi ko rin maalis ang tingin ko sa kanya na sa tingin ko ay tulala ako ngayon!

'anong nangyayari sakin?!Bakit ako naglalakad ng di ako ang nagkocontrol sa mga paa ko? Nananaginip ba ako?!'

Pinilit kong kontrolin ang sarili kong mga paa at pahintuin ito dahil di ko alam kung bakit ako naglalakad ng diretso lang ang tingin sa gawi nya, mayamaya pa ay nagtagumpay akong pahintuin ang sarili ko sa paglalakad ng pilit ko ring iniwas ang paningin sa mga mata nya dahil di ko alam, para akong hinihigop ng mga yun at parang hinihypnotised ako ng mga mata niya.

Dalawang talampakan na lang ang layo namin sa isa't isa at ng tumingin ulit ako sa kanya ay nakita kong medyo nagulat sya at parang di makapaniwala.

'Bat ganyan makareact tong lalakeng to? Sya na nga tong nangbangga sya pa to may ganang magreact ng ganyan? Kung di lang to gwapo baka kanina ko pa to inupakan ehh'

"Kuya, matanong kita ah ikaw ba yung bumangga sakin?"

Naglakas loob akong nagsalita dito sa lalakeng ito kahit naiilang ako sa pagtingin nya sa akin, papaano ba naman kase simula ng lumingon sya ay di nya na inalis ang tingin nya sa akin at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa, tumingin ulit sa akin na para bang pinagaaralan ako

'Luh kinakabahan ako napacreepy ng nangyari kanina kase naman di parin ako makamove on kung papaano ako nakapaglakad ng ganon ganon lang? Siguro ako talaga nagkokontrol non at di ko lang napansin dahil siguro na-a-attract ako ng mga mata nya? Oo tama, kung di ako nananaginip tapos sya may gawa nun sakin kanina baka pagkamalan ko na syang kapatid ni Purple Man '

Tinignan ko rin sya mula ulo haggang paa nya bago ulit tumingin sa kanya na hindi nagpapatinag sa kagwapuhan niya,napansin ko na puro black ang mga suot nya, leather na blazer below the knee, black t-shirt sa loob, black din na pants, at black na leather shoes

'Luh sya a-attend ata sa patay si kuya aminin ko ang gwapo nya lalo sa suot nya'

Pansin ko na ang kinis ng balat niya at sobrang puti! I mean maputi din naman ako pero sya sobrang puti talaga.

'di kaya nagugluta pa to? Nasobrahan ata para na kaseng bangkay ang balat niya nakulangan ata sa dugo'

Ang weird lang ng mga mata nya kase parang di mo maexplain kung anong color tsaka.

'Luh sya oh ang tanggad nya grave!'

Hanggang dibdib nya lang ako at ang katawan n'ya.

'Luh sya ang macho mala Superman at Captain America ang peg idagdag mo pa yung amoy nya sobrang bango nakakaadik mukha din syang may half korean at half ibang lahi na di ko alam pero nakakasiguro ako na hindi half Filipino '

Haggang ngayon naiilang parin ako sa kanya dahil hanggang ngayon titig na titig pa rin sya sa akin kaya naglakas loob na akong magsalita at tignan sya ng diretso sa mga mata na kunwari galit

'Pero galit naman talaga ako ahh ang sakit kaya ng pagkakabangga ko sa katawan nya parang bakal ata na bunggo ko, ang sakit din ng pwet ko sa pagkakabagsak epic failed yung pagbagsak ko nakakahiya sa mga nakakakita nun na ang iba ay palihim pang natawa, ang sarap tuloy isa isang tanggalin ang mga ngipin nila para di na dila makatawa o makangiti, di man lang ako nilapitan o tinulungang makatayo'

"H-hoy!" utal ko pang sabi at tinuro ko pa ang mukha nya

' Luh Eda! Bat ka ba nauutal?!'

"Anong tinitingin tingin mo dyan ha kuya?!" inis kong sabi sa kanya na tinuturo turo pa mukha nya at nanlaki naman ang mata nya na parang gulat na gulat

'bat ba ganyan makareact to?! Kanina pa ito ahh? Pipe ba sya? Sayang gwapo pa naman kung di sya nakakapagsalita ay baka pinagkamalan ko ng kamag anak ni Black Bolt to'

Habang nakatingin kami sa isa't isa at nanlilisik ang mga mata ko ay inabutan ko sya ng ballpen para  isulat sa notebook ko na hawak niya ang sasabihin niya sa pagaakalang pipe sya

Napataas ang isa kong kilay ng makita ko at marinig na bahagyang natawa ng mapatingin sa hawak kong ballpen na di niya pa inaabot

" Luh sya oh, kuya ok ka lang? Nasisiraan ka na ata ng bait? Sabihin mo lang ng madala kita sa mental" mataray ko pang sabi sa kanya at napacrossarm pa habang nakaanggat ang isang kilay ko sabay ayos ng salamin ko

'ayan sige Eda tarayan mo pa di porke qwapo at pipe magyayabang na?ano ngayon kung pipe sya ano kakaawaan ko na? Ako nga tong apat ang mata gaya ng sabi nila pero di sya naawang bunguain ako sa malabato niyang pangangatawa, Di man lang marunong magsorry pagkatapos nyang makabangga?! Tapos ganito pa makatingin to, naku, naku, naku, di uubra sakin kagwapuhan mo kuya'

Hindi parin sya sumagot at nakatingin lang sya sa akin di ko alam para bigla lalong lumamig sa paligid ko at bigla akong nangilabot

'Luh sya anong meron? kanina pa tong weird na pakiramdam na to para kaseng ang creepy ng awra ng lalakeng to lalo na sa mga mata niya, lumamig lalo bigla simula pa kaninang paglapit ko sa kaniya na hindi ko maintindihan kung may pagkainit ba o malamig ang trmperatura dito sa mall'

Nakatingin lang sya sa akin sa mga mata ko pero tinignan ko lang sya ng bored look na may pagtataray

'di yata naririnig ang pinagsasabi ko o di niya ko naiintindihan gusto nya lang ng ibang tawag sa kanya? Tss matry nga'

"Hoy kohya nakashabu ka ba ha? O pipe ka lang? Kanina kapa tingin ng tingin, eh kung dukutin ko yang mga mata mo ha?" inis na sabi ko sa kanya dahil nababadtrip na ako kase kanina nya pa ako tinititigan at napangisi na naman sya!

'ano ba baka matunaw ako!——ay este baka masapak ko to! '

d[ - -,]b

Bigla syang nagsmirk dahilan para matulala na naman ako saglit

'Luh sya Eda wews sya na ang manly ng pagkakasmirk at ang cool ng dating na mas nakakagwapo sa kanya———pero naiinis ako!Oo tama naiinis ako! May pa smirk smirk at pa ngisi ngisi pang nalalaman ang yabang naman nya tignan '

Tinaasan ko pa lalo ang kilay ko at nagsmirk din ako sa kanya

'oh diba ang manly ko na din ba tignan?Baklang manly'

Dahil doon sa panggagaya ko sa kanya ay naging seryoso bigla ang pagkakatingin nya sa akin na para bang ang lalim at ang itim ng pagkakatingin niya, di ko alam kung bakit ako nakaramdam ng takot at nangilabot na naman ako pero di ko na lang pinansin iyon dahil baka malakas lang ang aircon dito sa mall at ngayon lang ako nilamig ng ganon na sobrang lamig na

"Hoy koyha ano na namang tingin yan ha? Nakashabu ka talaga siguro noh? Bat di mo kase sagutin tanong ko kung ikaw ba ang nakabunggo?! Leche flan naman! At tsaka kung ikaw ang nakabunggo bakit di mo man lang ako tinulungang makatayo naku grabe ang pangit ng pagkakabagsak ko, at isa pa koyha ahh di mo ba alam ang salitang 'Sorry?!' ha?! S. O. R. R. Y, Sorry! Humingi ka na ng sorry at patawarin na kita, dali na para di maubos pasensya ko sayo.... Isulat mo na lang ang words na yan dyan sa bagong bili ko na notebook " inis na inis kong sabi na may diin sa salita

Ilang saglit pa ng  pero di parin sya sumagot at nakatingin parin sya sa akin hanggang ngayon!

'Luh ang weird niya talaga, grabe na nakicreepyhan na ako sa lalakeng to mga pre makaalis na nga!'

Akmang tatalikod na ako at maglakad paalis ng biglang hindi ko maigalaw ang katawan ko at na estatwa lang ako sa kinatatayuan ko at nagulat na naman ako lalo ng biglang gumalaw ang mga paa ko at unti unting humarap sa kanya, pagharap ko ay sobrang lapit nya na sa akin as in

ssssoooobbbbrrraaanggg llaaappiiiitt

d(o.o)b

Malabo na nga paningin ko dudulingin nya pa ako at heto ako mga di ko maigalaw ang katawan ko, di ko rin maalis ang tingin ko sa mga mata nya na para na naman akong hinihigop ng mga iyon

Pilit kong inaalis ang tingin ko sa mga mata nya at pilit ko ring ginagalaw ang katawan ko

'akala ko ako talaga mismo ako ang nagpapalakad sa sarili ko kanina papalapit sa kanya pero hindi parang may kumokontrol sa akin! My gass natatakot na ko at kinakabahan na rin! Kamag anak nga siguro to ni Purple Man, Nananaginip ba ako?! Pwedeng pakisampal ako ngayon na?'

Mayamaya pa ay nagwagi ako dahil naalis ko na ang paningin ko sa mga mata nya at nakakagalaw na rin ako kaya dali dali akong umatras papalayo sa kanya, mga apat na talampakan na ata ang layo namin

Mayamaya pa ay tumingin ulit ako sa mukha nya at nagulat na naman ito nangbigla akong mapalayo sa kanya "I-ikaw b-ba yung p-parang kumokontrol s-sa g-galaw ko? Oh nananaginip l-lang ako?" utal ko pang sabi na tinuro ulit sya dahil kinakabahan na talaga ako sa mga nangyayari and at the same time natatakot na rin ako dito sa lalakeng to

Biglang naging seryoso masyado ang mukha nya" Sei tu" (it's you) sabi nya pa at tinignan ko sya na ' pinagsasabi mo kohya?'-look

"Luh koyha di ka pala pipe kundi nakashabu ka nga! Grabe ang lakas na ng topak mo! Ikaw na nga tong nakabunggo manghihingi ka pa ng C2? Nauuhaw ka ba? Mukha ka namang mayaman pwede kang bumili dito sa mall try mo sa may grocery baka maraming C2 don , tsaka sige koyha maghanap ka na ng kausap mo di ko na rin kailangan ng sorry mo at akin na pala yung notebook ko " sabi ko pa na pinilit ko na wag mautal dahil sobrang creepy nya na talaga at ano ano pang pinagsasabi nya

Lumapit ako sa kanya, akma kong kukunin ang notebook ko ng itinaas nya ito " Luh koyha akin na nga yan!.... Akin na sabi ehh!..... Ibigay mo na kase ano ba!!.... Ano ibibigay mo oh ibibigay mo?!leche flan naman oh " inis na sabi ko sakanya na pilit inaabot ang notebook ko sa kamay nya na di ko maabot abot kase ang tangkad nya talaga

Napahinto lang ako ng hiningal ako sa kakaabot ng notebook ko at narealize ko nalang na.......

'Soobbbraaannggg llaapppittt ko na naman sa kanya!!'

Nakakahiya kase nakapalupot ang kanan kong kamay sa batok niya  at......... At....... Yung mukha nya ngayon ay..... Ay nasa leeg ko na!!!!

Nakita kong napapikit sya at...... Inaamoy nya ata ang leeg ko!! Dahilan para mapalunok ako sabay bitiw sa kanya at lalayo na sana ng magulat ako lalo ng hapitin niya ang bewang ko!

Sa pagkakahawak niya sakin at sa lapit namin ay para akong nakatabi ng yelo na nasusunog dahil di maipaliwanag kong anong temperatura ang bumabalot sa katawan ko ng magkalapit kami

'naku po hindi lang ata creepy ito kung di may pagkamanyak din!'

Naistatwa na naman ako ng ilapit niya ako sa kanya, saka nya pinantay at inilapit ang mukha nya sa akin na naduduling na naman ako, saka nya ibinaba ang kamay nyang may hawak na notebook at inilagay iyon sa may likuran ko dahilan para mas lalo akong lumapit sa kanya at soobbrrraanggg bilis ng tibok ng puso ko ngayon

Sa ginagawa nya at amoy na amoy ko ang hininga

'Luh in fairness mabango talaga sya ahh'

Konting maling galaw ko lang ay..... Mahahalikan ko sya!! Kaya di ako makagalaw sa pwesto namin at di rin ako makapagsalita dahil nakakahiya kung mabaho pala ang hininga ko sa sobrang lapit namin

Pagtapos nya akong titigan ng ganon katagal na halos di na ako makahinga ng maayos at bumibilis lalo ang tibok ng puso ko na halos matunaw na ako sa titig nya ay bigla na naman sya nagsmirk saka sya dahan dahang ibinaba ang tingin papunta sa ilong ko hanggang sa labi ko!

Akala ko ay doon lang sya hihinto ng ibaba niya pa ang tingin hanggang sa leeg ko at di ko alam kung leeg ba o dibdib ko na ang tinitignan niya dahil maluwag ang t shirt na suot ko!

"M-manyak ka ah!" gusto ko syang itulak pero di ko magawa dahil parang may inerhiya na pumipigil sakin

Mayamaya pa ay napalunok na naman ako ng ilapit niya ang mukha niya sa may leeg ko at inaamoy amoy yun dahilan para mangilabot na naman ako!

Lumayo sya sa akin at inalis nya na rin ang kamay nya sa bewang at likod ko, nasa isang talampakan ang layo namin pero malapit parin kami pero mas ok na yun para makahinga ako ng maluwag pero di parin ako makagalaw at napatingin ulit ako sa kanya ng bigla syang magsalita ulit "Sei tu" (it's you) sabi nya at nagtataka na naman ako sa pinagsasabi nya ng ulitin niya ang salitang yun

" Luh kohya yan lang ba ang kaya mong bigkasin?" sabi ko pa sa kanya at nagsmirk na naman sya

'ayy nakashabu talaga '

"Koyha ganyan ka ba talaga? ang weird mo kase ——" naputol ako sa sasabihin ko ng lumapit sya ulit sa akin at bigla nyang kinuha ang salamin ko at napatakip naman ako sa mga mata ko para masanay sa labo ng nakikita ko

"a-ano ba ibalik mo nga ang salamin ko ang labo na ng nakikita ko!leche flan naman oh!" sigaw ko pa sa kanya na nanliliit ang mga mata ko at kinakapa kapa sya para hanapin ang kamay nyang may hawak na salamin ko

Habang kinakapa ko sya palagay ko ay nakahawak ako sa mga dibdib pero binaliwala ko lang iyon ang importante ay mahanap ko ang salamin ko

Naiilang ako dahil hinahawakan ko ang matipuno nyang—ibig kong sabihin ang katawan nya na may wirdong temperatura

'ano ba Eda kailan kapa marunong mangnasa ng tao ano ba wag ka ngang manyak at magpakahawa sa kamanyakan ng lalakeng to, ang mahalaga dito ay makuha mo ang salamin mo at baka sirain nya pa ito  puro malabo na lang ang makikita ko my gass at di ako makakauwi ng wala akong salamin!'

"Uyy kohya? Wag ka namang magtrip ng ganyan oh ibalik mo na ang salamin ko, ano bang gagawin mo dyan? ibigay mo na!hindi na nga kita pinapasorry lakas pa ng trip mo at nangmanyak ka pa! Leche flan ka! doble doble na ang kasalanan mo, lagot ka sakin kapag nabawi ko sayo salamin ko at irereklamo kita sa nagawa mo sakin! " hindi nagpapatalo at naiinis ko pa lalong  sabi habang kinakapa kapa parin sya na nangliliit ang mga mata at nakayuko lang ako

Bigay sakin ng mama ko yan, pinaghirapan niya yan para lang mabili ako at mapacheck ang ang mata ko, at isa pa baka kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao dito'

Patuloy lang ako sa pagkapa sa kanya hangang mapunta ako sa balikat nya na papunta sa braso nya at akma ko ng hahawakan ang kamay nya na nagbabakasakaling nandoon ang salamin ko ng bigla nyang itaas ulit ang kanang kamay nya kaya naisip ko na nandoon ang salamin ko

Pilit ko na namang inaabot iyon at napakapit ako sa balikat nya para itulak sya pa baba at maabot ko ang salamin ko, wala na akong pakialam kahit masubsob pa sya sa leeg ko dahil mahalaga sa akin ang salamin na iyon!

"Ano ba ibibigay mo o bigay mo? Ang lakas na talaga ng topak mong lalake ka!Leche flan naman oh" mahabang nanliliit ang mga mata ko ay sinusigawan ko sya  na pilit nilalabanan ang pag garalgal na ng boses ko dahil naiiyak ako sa tuwing kinukuha ang salamin ko bigay kase iyon ni mama, mahalaga talaga sa akin yun

"look at me" sabi nya na ikinagulat ko  kasabay na mapapamura na lang sa pagkainis

' Luh sya marunong pala magenglish ehh nagsasalita pa sya ng pangalien kanina, na sa tingin ko ay hingi ng hingi ng C2'

Ang ganda ng boses lalo na sa in-english nito, ang manly pakinggan

Sinunod ko sya para lang mabalik na ang salamin ko pero di ko sya matignan ng diretso dahil sobrang labo ng nakikita ko na pumipikit pikit pa, sumasakit na lang ang ulo at mata ko dahil sa labo ng mga nakikita ko

Mayamaya pa ay bigla akong nagulat sa mga nakikita ko ngayon dahil unti unting luminaw ang paningin ko habang nakatingin ako sa kanya na para bang daig pa kung nakasalamin ako!

Napahawak ako sa mukha ko at nagulat na naman ng wala akong suot na salamin pero ang linaw ng nakikita ko at nakita ko ang nakataas nyang kamay na hawak ang notebook at salamin ko

Natatakot at kinakaban lalo ako sa mga nangyayari ng tumingin ako sa paligid ko at bigla ulit itong nanglabo, ng ibalik ko naman ang tingin ko sa kanya ay luminaw ito ulit dahilan para mapaatras ako sa takot at pagkabigla

Naghaharumintado na ang puso ko ng  magsmirk sya ulit sa akin at dahan dahang lumapit sa akin habang ako ay umaatras sa kanya "Scared?" sabi pa nito na mas natakot lalo na sa mga mata niya na para bang naglu-glow in the dark yun dahilan para  manginig nginig akong napapikit bigla dahil sa sobrang takot na nanunubig ang mga mata ko dahil matatakutin talaga ako

'please kung panaginip man ito sana magising na ako ngayon! Please... Please... Please!'

Maya maya pa ay dahan dahan kong iminulat ang mata ko at mas lalo akong nagulat na napatulala ng mawala na sya sa paningin ko, kinapa ko ang mukha ko na may suot na ulit  akong salmin ngayon, nahawakan ko rin na basa ang mukha ko

' kaya pala malinaw na nakikita ko, tsaka teka umiiyak ba ako?'

Napatingin naman ako sa kanang kamay ko dahil sa palagay ko ay may hawak hawak ako at ng tinignan ko iyon ay yun yung mga pinamili ko, napatingin din ako sa paligid ng wala naman akong kakaibang napansin

' nananaginip ba ako habang naglalakad ako?Luh sleep walking lang ang peg, Parang wala namang nangyari ehh siguro nga nananaginip lang ako'

Nagkibitbalikat lang ako at nagumpisa ng maglakad papunta sa bilihan ng mga gulay at karne

Habang naglalakad ako ay di ko maiwasang matulala at isipin ang mga nangyari sa panaginip ko

'para talaga kaseng totoo ehh, pero ang creepy at ang weird ng panaginip nayun..... Malamang Eda panaginip nga eh'

Natauhan lang ako ng may kumakaway na kamay sa mukha ko na para bang pinapabalik ako sa wisyo at natauhan nga ako doon

"Ano po sa inyo ma'am?" sabi ng lalakeng tindero habang nakangiti at ngumiti dina ako sa kanya ng bahagya

"ahm isang kilong baboy po kuya" sabi ko dito at kumuha na sya ng baboy saka iyon tinimbang at binalot nya iyon bago ako nagbayad

Pumunta ako ngayon sa pamilihan ng mga gulay at bumili ng di gaano kadami dahil pinagkakasya ko sa pera kong dala ang bibilhin ko kasama na rin dito ang pamasahe ko pauwi at papuntang hospital saka pauwi ulit sa bahay

Nangmatapos akong bumili ng mga kakailanganin at buhat buhat ko na ang mga iyon at napagdesisyunang umuwi na para makapagluto na

Naglalakad na ako palabas at papunta na sa sakayan ng jeep ng kanina ko pa nararamdamang may sumusunod sa akin at may parang nakamasid kaya mabilis akong naglakad at pumunta sa mataong lugar para doon na pumara ng jeep

Nasa loob na ako ng jeep at umaandar na ito, pakiramdam ko parin na may nakatingin sa akin kaya tinignan ko isa isa ang mga tao dito pero wala namang ni isa sa kanila ang nakatingin sa akin

'bat ganon parang pakiramdam ko talaga na kanina pa may nakatingin sa akin sa di kalayuan pero parang wala naman, baka naghahalucinate lang ako dahil sa pagod at kailangan ko na talaga ng tulog'

Bumaba na ako sa isang kanto na kung saan babaan papunta sa bahay namin, kakaunti lang ang ilaw at napakadilim na ngayon dito sa kanto

Hanggang ngayon ay kinakabahan parin ako na mas nadagdagan dahil malakas talaga ang kutob ko na may nakamasid sa mga kilos ko kanina pa pero hindi ko ito makita

Kanina ko pa tinitignan ang paligid ko na ako lang magisa ang naglalakad dito at sobra na talaga ang pagkabog ng mabilis ng puso ko sa kaba at takot na nararamdaman ko ngayon

Nagmamadali ako sa paglalakad habang bitbit ang dalawang plastic sa magkabila kong kamay kaya hindi ako makagamit ng flashlight ngayon

Mayamaya pa ay biglang humangin ng napakalamig at pamilyar din sa akin ang lamig na yun kaya na tigil ako saglit at pinakiramdaman ang nasapaligid ko

"Ay luh leche flan!" bigla akong napatalon sa gulat ng may biglang tumunog at sa tingin ko mga lata iyon

Napahinto din ako ng may napansin akong isang anino ng tao sa bubong ng isang bahay sa di kalayuan at kinakabahang tinignan ko ulit iyon ay...... wala naman akong makita

'Juice colored napapraning na ata ako simula kanina pa, napakaweird talaga ng nangyayari sa akin ngayong araw na ito'

Nagdirediretso lang ako sa paglakad ng mabilis halos di na ata lakad ang tawag dito ehh mukhang tumatakbo na ako sa takot na nararamdaman ko, muntikan na rin akong magkandarapa sa sobrang taranta ko at pagkapraning ko dahil sa nararamdaman ko ngayon ay sa tingin ko ay papalapit sa akin ng papalapit ang kanina pa sumusunod sa akin

'Juice ko tulungan nyo po ako, kung may nagawa man akong kasalanan juice colored ay sorna, please help me! ayoko pa pong mamatay '

Pabilis ng pabilis ng pabilis ang pagtakbo ko na ilang beses na rin akong nadapa at nasugatan pero hindi ko pinansin iyon

Nakahinga ako ng maluwag ng natatanaw ko na ang bahay namin at dali daling pumasok doon, sa sobrang pamamadali ko ay pabagsak kong sinarado ang pinto at dali daling sinindi ang ilaw sa bahay, napasandal ako sa pintuan ng makahinga na ako ng maluwag na napahawak pa sa dibdib ko

' grabe ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot parang ayaw ko ng lumabas ng bahay, pero kailangan dahil bibisitahin ko si mama at nagtatrabaho may trabaho rin pero bakit ba ganito ang pakiramdam ko sa tingin ko ay may nakatingin parin sa akin! Ay Leche flan naman oh! Ako pamo ang magisa dito sa bahay!'

Mabilis akong kumilos at isinarado ang mga bintana at kurtina saka binuksan lahat ng ilaw dahil sa sobrang pagkapraning at matatakutin

d(e^e)b

****

Continue Reading

You'll Also Like

570K 1.8K 6
𝘼𝘾𝙊𝙎𝙏𝘼 𝘽𝙇𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #1 HIS BODYGUARD WIFE Maayos na ginagampanan ni West ang mga normal na gawain niya bilang isang mafia queen suba...
12.6M 179K 99
Highest Rank #3 in romance (01/08/19) [Carrying the Billionaire's Heir ] Nakipag-One Night Stand si Andrea Sanchez sa hindi kilalang lalaki. Ngunit s...
8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
12K 109 101
You can put these quotes in your stories.. Just made this to help yah guys