Sharap (Baka Girls #1)-Comple...

By gorgeouskitty

34.8K 1K 1.2K

Completed. Jasmin Samuel - isa sa mga member ng Baka Girls. Proud siyang sabihin na sa edad niyang lagpas be... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Special Chapter 1

33

424 21 47
By gorgeouskitty

Pagkaalis nila Mommy ay saktong dating ni Sir Montello dito sa bahay. May kakaiba sa kanya kaya pinagmasdan ko siyang mabuti. Ang laki ng eye bags niya sa ilalim animo'y hindi napagkatulog at may malaking problema. Lumapit ako sa kanya para tignan mabuti ang gwapong mukha nito. Hindi niya ako binibigyan ng Killer smile tanging nakatitig lang ito sa akin. "Okay ka lang ba Sir Montello?" Marahang tanong ko sa kanya. Ang buhok niyang laging nakaayos ngayon ay napakagulo. Nakatshirt na puti lang ito at Faded Jeans at rubber shoes na kulay blue. 

"Rich." Mahinang pagtatama nito sa pangalan niya. Hindi siya ngumiti bagkus ay tumitig pa ito ng seryoso. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa itsura niya ngayon. May nangyari ba sa kanya? Naiwanan ko siya kagabi sa gitna ng dance floor pero kasabay ko namn siya pauwi at hindi ko na alam ang nangyari dahil wala ako sa wisyo kagabi dahil sa alak  na nakapagpahilo at suka sa akin. 

I smiled at him to ease the tension between us. "Alam mo namang hindi ako sanay na tawagin kang Rich."  

"Yeah." Maikling sagot nito. Wala na akong maisip pa na sasabihin sa kanya. Pero ayoko naman siyang iwanan ngayon at sabihin na antayin nalang ang mga pinsan ko kung kitang-kita dito na parang may malaking dinadala at hindi nakatulog. "I'm sorry, Jasmin." 

"Huh?" 

"Kung naging selfish ako sayo." Tumaas ang isang kilay ko sa sinasabi niya ngayon. Naguguluhan man ako sa paghingi niya ng Sorry ay parang nagets ko na kung ano 'yon.  Masyado akong nagpadala sa noon at basta-basta nalang nagdedesisyon ng hindi pinag-iisipang mabuti. 

"Wala na tayong magagawa, nangyari na ang mga nangyari." Hindi ko matagpuan ang pagkasuklam na ninanais kong masumpungan. Sa halip pinatawad ko siya, I know it's a little bit unfair to Al's side pero hindi niya ako iniwanan sa halos dalawang buwang  pagkamatay ko na wala  halos na maramdaman. Isa si Sir Montello na tumulong sa akin. 

"Yun na nga, Tuwing nakikita kitang umiiyak ay mas nasasaktan ako dahil ako ang dahilan ng mga luhang 'yon." Tahimik ko lang na hinihintay ang bawat katagang lumalabas sa bibig niya ngayon. "Jasmin, hindi mo naman kailangan na magpakasal sa akin." Suminghap ako. 

"Sir Montello, ako ang nagdesisyon na magpakasal sa iyo at hindi kung sino man." Paliwanag ko. Wala siyang kasalanan sa mga nangyayari. Ako ang tangang pumayag sa kagustuhan ng Lolo ko at hindi siya na walang alam. 

"I want to marry you because we have the same feeling. Pero kung napipilitan ka lang din h'wag na nating ituloy." Nagsimulang mamula ang mga mata nito kaya mariing pumikit si Sir Montello habang ako naman ay nakatitig lang at parang wala sa sarili dahil sa mga inaamin niya. Hindi ako prepare sa mga bagay na to. 

"Hindi ko nagawang paibigin ka sa loob ng dalawang buwan at hinding-hinding mangyayari yon sa mga susunod na araw, buwan o taon pa. Mahal kita at narealize ko na kung mapapasa akin ka lang din naman gusto ko willing ka din na mapasayo ako." Aniya. 

"I became so selfish and deceive you. Hindi ako fair maglaro kaya naguguilty ako. Naguguilty ako dahil hindi siya ang nasasaktan kundi ikaw. Yung araw-araw kong nakikita kang malungkot at pinipilit mo lang ang sarili mo na makisama sa aming mga pinsan mo. Yung araw-araw na itinatago mo ang sarili mo sa amin para di ka lang makitang umiyak. Yung araw-araw na natutulala ka at nawawalang gumanang sa lahat ng bagay ay nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil hinayaan kong maranasan ng taong mahal ko ang magdusa sa hindi naman niya kasalanan." Ngumiti ako ng mapait dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Speechless. Hindi ko aakalain na ito ang pag-uusapan naming dalawa. 

"Sinabi ko sayo noon na tatanggapin kita ng buong puso sa oras na iwanan ka ng gagong lalaking 'yon pero hindi siya nang-iwan kundi ikaw." Nanlaki ang mga mata ko sa pagmumurang ginawa ni Sir Montello. " Iniwanan mo siya para sa Lolo mo. Iniwanan mo siya para magpakasal sa akin." Nag-iinit na ang dalawang mata ko at nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa loob ng mata ko. 

"Hindi ko ginusto ang fix marriage lalo na sa di ko kilalang babae pero ng malaman kong ikaw ang laking galak na naramdaman ko. At first, I'm so excited to see you and meet your family. Nung nagbanta ka na, hindi pala tama ang ginagawa ng pamilya mo at pamilya ko." Hinayaan ko ng tumulo ang mga luhang kanina ko pinipigilan. Tama ang pagkakilala ko sa kanya. Napakabait niyang lalaki. Kung sana siya nalang ang minahal ko hindi sana ako nasasaktan ngayon.  I don't deserve him. Masyado siyang mabait para sa akin at masyado nang bumaba ang ego nito dahil sa mga sinasabi niya sa akin.  

"But please, wag mo akong kamuhian ngayon, nandito ako hindi dahil sa lolo mo kundi dahil kaibigan mo ako." Napakamature niya sa mga bagay na to.  

"Sir Montello, I'm sorry. I tried but...." Kinabig nito ang braso ko at inilapit papunta sa kanya upang yakapin. "I want to be your friend. Ayokong masira 'yon dahil sa nangyayari sa pamilya natin at sa akin." Paliwanag ko sa kanya. Gumanti ako ng yakap sa kanya. Ni minsan hindi tumibok ang puso ko at hindi naging abnormal ang takbo ng tiyan ko pag siya ang nakakausap ko o nakakasama ko. 

" Shhhhh. Now, I want to tell you something.  May nag-utos sa Daddy ko na pilitin akong pakasalan ka at kausapin ang Lolo mo don." 

"Hi Tita. Happy birthday" inabot ko sa kanya ang regalo na nasa paper bag bago yumakap dito ng mahigpit. Hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko. Nagsuka pa rin ako kaninang umaga medyo bumuti nalang ngayon kinahapunan matapos akong matulog. Ang lala ng hangover ko ngayon isipin na iilang tagay lang naman ang ginawa ko. Tinext ko din ang mga Baka kung may iba silang nilagay sa alak pero wala naman daw. So baka Ulcer nga to. 

"Pumasok ka na sa loob at kumain para madagdagan yang timbang mo." Sabay tawa nito. Sumimangot ako sa pagpansin na naman niya sa katawan ko. "Nandon ang Mommy mo sa loob inaantay ka." Pahabol nito bago iniwanan ko na siya sa labas para harapin ang mga dumarating na bisita niya. 

Malalim akong huminga at hindi ininda ang matinding kabang nararamdaman ko ngayon. I wonder kung palalayasin niya ako pag nakita niya ako ngayon. Pero hindi ko mapigilan ang maexcite ngayon despite sa nangyari sa aming dalawa lalo na nung isang gabi. "Anong ginagawa mo dito?" Nabungaran ko na naman ang isang babae na nakatayo at halos wala ng damit sa suot nito ngayon habang nakataas ang isang kilay at may hawak na champagne. Bitch talaga ng babaeng to. Masyadong feeling wala namang class.  

Kahit nabubwisit ako sa mukha niya ngayon ay minanage ko pa rin ang sarili ko at ngumiti ng mapang-asar. "Pakelam mo." Nakita ko dito ang pagkabigla sa mukha niya. Hindi niya ata alam kung paano ako lumaban lalo na sa isang mababang katulad niya. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa aking mga labi kahit na gustong-gusto ko ng kalmutin ang mukha niyang punong-puno ng kolorete. 

"Break na kayo ni Al kaya wala ka ng karapatang pumunta pa dito." Parang batang nagmamaktol to sa itsura niya ngayon. Nagtinginan na ang iba pang mga tao sa amin kaya mas minabuti ko nalang na ngumiti at bigyan siya ng tinging inosente.  

Hindi ako magpapadaig sa'yo, Inday. Ipapakita ko sa ating dalawa kung sino ang mas mataas ang level at kung sino ang may class na babae. 

Lumapit ako sa kanya,magkatapat na ang aming mga balikat at halata na rin sa mukha niya ang frustration dahil hindi niya ako ma-api. "Oops. I forgot to tell you, mas may karapatan ako sa ating dalawa dahil bestfriend ng Mommy ko si Tita Mildred."Bulong ko bago binigyan siya ng isang mapang-asar na ngiti.  

Hindi ko na inantay pang makasagot siya dahil sa itsura niya ngayon ay halatang may gulong mangyayari. Hindi ko kayang sirain ang hinanda ni Tita Mildred para sa mga malalapit na tao sa buhay niya and I'm sure isa si Inday sa mga babaeng hindi invited sa party na to. Knowing Tita Mildred, she disliked her a lot at kitang-kita yon nung kasal ng isa sa pamangkin niya sa Batangas. 

Nakasalubong ko si Al na kabababa lang ng Hagdanan. Yung kaninang tapang ko ay naglaho na at napalitan ng takot. Nakita at narinig niya ang mga sinabi ko kay Inday. Lumunok muna ako bago naglakad at tumigil sa tapat niya."Pagsabihan mo babae mo, masyadong eskandalosa at luka-luka." Mahina pero matapang na sinabi ko yon. "Tsaka nga pala, ANG BAHO MO NGAYON LALO NA NG PABANGO MO." Mariing lahad ko. Tinakpan ng kamay ko ang ilong ko dahil parang masusuka ako sa amoy niya at itsura ni Al ngayon dahil galit pa rin ako sa ginawa niya sa akin. 

Naglakad na ako palampas sa kanya ng may maalala ako kaya pumihit ako pabalik at pumunta sa parang kinawawang Inday na dinaluhan ni Al kaya lalong nag-init ang ulo ko. "Hey sweetie." Tawag ko kay Inday. Tinignan ko ng masama si Al ng tangkang magsasalita na ito. " You didn't tell me na gusto mo palang maglaro. Don't worry pagbibigyan ko ang kagustuhan mong maglaro. Kung ngayon panalo ka kaya simulan mo ng magdiwang dahil sa mga susunod na araw sisiguraduhin kong ikaw naman ang matatalo." Ngumisi ako sa nanlalaking mata niya dahil sa sinabi ko.  

"Jasmin." Mahinang tawag sa akin ni Al. I pretend that I didn't hear him.  

"Ginalit mo ang isang Jasmin Samuel na member ng BAKA GIRLS, Matitikman mo kung paano ako makipaglaro." Kinindatan ko siya at umalis na sa harapan ng dalawa dahil nasusuka ako sa itsura nila kaya bago pa mangyari 'yon ay dapat ko nang hanapin ang Mommy ko na kanina ko pa nadidinig ang tawa at walang kaalam-alam sa ginawang gulo ng kanyang Unica Hija. 


Continue Reading

You'll Also Like

32K 1.7K 59
[STATUS: COMPLETED]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF NAGATO 'ATONG', THE 3RD BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. IMPRESSIVE RANK: #1 IN MOB BOOK IN ORDER: BOOK 1: G...
7.5M 208K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
177K 2.6K 38
(Completed) #51 IN TEEN FICTION (10/5/17) Bestfriend is a word for friendship, love, family, relationship, relatives. What if you and your bestfriend...
4.7K 100 34
Timothy Clifford Zantibaniez hated me eversince. Kaya naman nawindang ang mundo ko nang biglang mag-iba ang ihip ng hangin at bumait siya sa akin. An...