Started with a Fake Relations...

By EightFinityAndBeyond

211K 7.2K 485

They start as a fake couple.. What will be the end of their story? -- (COMPLETED) This story is not yet fully... More

Started with a Fake Relationship <3
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
AUTHORS NOTE
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23: Luke and Melissa Side.
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Not an Update.
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 46.2
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 52.2
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 54.2
Last Chapter ♥
SWAFR: EPILOGUE ♥

Chapter 12

4K 153 4
By EightFinityAndBeyond

Salamat sayo Little_Miss_Writer sa pag-vote sa lahat nang Chapter! :)))) Sorry di ko madedicate sayo, phone lang kasi gamit ko. Next time po, promise! <3

Here's the update. Enjoooooy!

SHAIRA's POV

"Im sorry. Dahil sakin kaya nangyayari sayo to. At bilang ganti, Nandito ako para protektahan ka. Pangako yan."

Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan yang mga salitang binitawan ni Ethan sakin nung araw na yun. Amoy na amoy ko ang alak sa mainit na buga nang hininga niya, Hindi niya alam gising na ang diwa ko nang mga oras na yun. Simula nun lalong bumibilis ang tibok nang puso ko at parang may nagliliparang paru-paro sa Tiyan ko sa tuwing maaalala ko yun at higit sa lahat sa tuwing makikita ko siya. Siguro nga, nahulog nako sa kanya.

Isang linggo na ang nakalipas simula nung mangyari yung ginawang pananakit sakin nila Venus. At isang linggo din akong hindi pumasok. Sa tuwing maaalala ko kasi yung pananakit at pagtutulungan nila sakin hindi ko mapigilang hindi maiyak. Nalaman ko din kay Ethan na pina-suspend nang Principal sina Venus nang isang linggo. Ngayong araw ay Lunes na, papasok nako sa school matapos ang mahabang pahinga ko, Sana.. Wala nang mangyaring ganun ulit. Kasi sobrang sakit.

"Anak! Nandito na si Ethan. Bumaba ka na diyan." sigaw ni Mama mula sa Baba. Oo, nga pala. Simula din nung araw na yun, lagi nang nakadikit sakin si Ethan. Palagi niya kong dinadalaw dito sa bahay pagkagaling na pagkagaling niya sa school. Minsan nga iniisip na nila Mama at Jared na baka Boyfriend ko na siya. Well, Boyfriend ko naman talaga siya kaya lang... Fake lang.

"Opo Ma! Bababa na po!" tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at bumaba na.

"Mag-iingat kayo anak ha?" paalala ni Mama. "Opo ma." sagot ko sabay yakap sa kanya.

"Tara na Ethan?" sabi ko kay Ethan na nakatingin saming dalawa ni Mama. "Sige po Tita, Alis na kami." paalam niya kay Mama at lumabas na kami nang bahay. Nag-prisinta sakin si Ethan na lagi na lang daw niya akong susunduin sa bahay, para sabay kaming papasok. Nung una ayaw kong pumayag pero dahil sa pagpilit niya, pumayag na din ako. Sa ilang araw na lumipas, napakabait at maalaga sakin ni Ethan. Sa tuwing ganun ang ginagawa niya parang may nagkakarera sa puso ko.

"Hop In" saad niya. Nag-nod ako at pumasok na sa Passenger Seat. Umikot siya at sumakay na din at nagsimula nang magmaneho.

"Pagkatapos nang Second Subject mo pupuntahan kita, wag kang aalis." untag niya habang nasa gitna kami nang byahe. Bigla akong napatingin sa kanya.

"Ha? Bakit? Para saan?" sunod-sunod kong tanong.

"Hindi mo pa rin ba alam? Di ba ilang beses ko nang sinabi sayo na dapat tayo lagi ang magkasama sa tuwing may Vacant time ka? Baka mamaya'y lapitan ka nanaman nila Venus at saktan ka. Lalo na ngayon, makakapasok na sila." sabi niya na may halong pag-aalala habang nakatingin sa Kalsada at tuloy sa pagmamaneho.

"O-okay." sagot ko na lang. Alam ko namang lahat nang ginagawa niya ay para sa akin. Pagkatapos kasi nang Second Subject ko may Vacant kaming 2 hours.


Pagkarating namin sa school, pinagtitinginan kami nang mga Estudyante, kasabay nang tingin nila ang pagbubulungan nila about samin, lalo na sakin.

'Grabe! Talagang sila?'

'Ghaaad! I can't believe na totoo yung sinabing yun ni Prince? Akala ko pagpapanggap lang'

'Omygee! Infernes bagay sila.'

'Ang landi talaga'

"Wag mo na silang Pansinin." walang lingong sabi niya sakin. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Meaning, hinolding hands niya ko.

*Dugdug.Dugdug*

Shems! Yung puso ko.


Nang makarating na kami ni Ethan sa Room ko, nagsalita siya.

"Antayin mo ako dito okay? Para walang mangyaring masama sayo." sabi niya sabay ngiti, minura naman ako nang dimples niya. Shet lang!

"Oo Ethan." sagot ko sabay ngiti. Nagulat ako nang hilahin niya ang kamay ko at bigla akong niyakap nang mahigpit. Hindi ko alam kung anong dahilan niya, pero kung ano man ang dahilan niya wala akong pakielam basta... Kinikilig ako.

"Makinig ka sakin okay? Ayoko nang maulit yung ginawa sayo nila Venus Last Time." bulong niya sa tenga ko. Tumingin ako sa paligid at bakas sa mukha nila ang Gulat at ang sama nanaman nang tingin nang iba sakin.

Bumitaw siya sa yakap, at umalis na.

"Grabe Best ha? Yang' Ethan na yan, may pahug-hug pang nalalaman." may kalakasang sabi ni Melissa. "Pero infernes, nakakakilig yun." dagdag pa niya. Nahampas ko siya sa braso.

"Tumigil ka nga diyan!" saway ko sa kanya. Buti na lang wala yung Prof namin ngayon, bigla kasing tinawag ng Principal. "Sus! Kinilig ka naman?" nakangising sabi niya. Hahampasin ko sana siya pero nakaiwas siya. Bakit biglang naging ganito si Best? Samantalang ayaw nga niya kay Ethan e.

"Diba't ayaw mo kay Ethan? Bakit parang kinikilig ka sa ginawa niyang pagyakap sakin kanina?" nakita ko ang gulat sa mukha ni Melissa.

"Ahh. Kasi, nung matagal kang absent, sumasama samin si Ethan, kaya yun' naging close kami. Hehehe."

"Good. Nice to hear." saad ko.

"Masaya kana niyan huh?"

"Siyempre. Para wala nang tensyon at selos na nagaganap sa inyong kaibigan ko at kay Ethan." nakangiting sabi ko. Totoo naman e' mas magandang close na sila para diba? Hindi nako mag-aalala kung galit ba sila sakin kasi di nako nakakasama sa kanila dahil nga kay Ethan. He wants me to his side, all day long. Yeah. Ganun na siya ka-protected sakin. Ayaw niya kasing masaktan ako nang dahil lang sa kanya.

"Nangingiti ka diyan?"

"H-huh? Baliw!" shems yan! ngumiti na pala ako sa naiisip ko.


"CLASS LISTEN!" pagkapasok ni Prof.Psycho yan agad ang bungad niya. Psh -___-

"Wala tayong Class today! May Urgent Meeting kaming mga Professors with Mr.Jimenez. Ayon sa mga teacher, about daw yun sa acquiantance party nang school." pagkasabi nun ni Prof. naghumayaw naman ang hiyawan sa room. Ghaaad! Para namang elementary mga to!

"QUIET!!!!" napatakip ako nang tenga sa pagsigaw ni Prof. Tumahimik naman ang lahat.

"Okay, i gotta' go. You may leave now. See you on wednesday." paalam ni Prof at lumabas na.

"Omiiigaaaad! Acquiantance na? Shems! Im so Exoiteeeeed!" tili ni melissa. Okay. siya na excited.

"Anobayan! Ingay mo!" reklamo ko.

"K.J ah? Hmp!" ismid niya.

"Hoy Mondejar! Tawag ka ni Prince Ethan!" sigaw nang Classmate kong Tomboy.

Nagulat naman ako. Seriously anjan agad siya? May klase pa siya alam ko!

"Ohhhhh. I smell something lovey here." pang-aasar ni Melissa sakin na animo'y inaamoy-amoy ako.

"Tse. Lovey ka dyan!" sabi ko sabay walk out at punta sa labas.


"Tara na." sabi niya.

"Teka may klase ka diba? Mamaya pa vacant kong 2hours. Di lang tuloy klase namin sa Psycho."

"I know. Kaya nga ko nandito para sunduin ka. Sumama ka sakin at maki-sit in ka sa klase namin." ma-otoridad na sabi niya.

"P-pero..."

"No buts. Just get your Bag and come with me." para akong aso na sumunod sa sinabi niya. Okay. Para sa kaligtasan ko naman ito mula kayna Venus.

"Bes. Makiki-sit in daw muna ako sakanila." sabi ko kay Melissa.

"Ohh. Okay lang." sagot niya. Nginitian ko siya at tumalikod na.

Nang makalapit nako kay Ethan bigla niya kong hinawakan sa kamay.

Napatingin lang ako sa kanya, ngumiti na naman siya at lumabas ang dimples niyang nagmumura.


Holding each other's hands,

Makes me felt thousand shiver down to my spine.

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...