Mi Querido, Espérame

By sam-ivan

2.2K 175 7

Mi Querido, Espérame My Dear, Wait For Me Maximo Isidro y Valencia has traveled to the future from the year 1... More

Mi Querido, Espérame
Capítulo 1
Capítulo 2
Capítulo 3
Capítulo 4
Capítulo 5
Capítulo 6
Capítulo 7
Capítulo 8
Capítulo 9
Capítulo 10
Capítulo 11
Capítulo 12
Capítulo 14
Capítulo 15
Capítulo 16
Capítulo 17
Capítulo 18
Capítulo 19
Capítulo 20
Capítulo 21
Capítulo 22
Capítulo 23
Capítulo 24
Capítulo 25
Capítulo 26
Capítulo 27
Capítulo 28
Capítulo 29
Capítulo 30
Capítulo 31
Capítulo 32
Capítulo 33
Capítulo 34
Capítulo 35
Capítulo 36
Capítulo 37
Capítulo 38
Capítulo 39
Capítulo 40
Capítulo 41
Capítulo 42
Capítulo 43
Capítulo 44
Capítulo 45
El Final

Capítulo 13

9 3 0
By sam-ivan

Universidad de Santo Tomas,
Intramuros, Filipinas
13:07

Kakatapos lang naming kumain na Isabella sa cafetería ng Unibersidad, at ngayon ay naglalakad kami papunta sa silid-aklatan na nasa ikaapat na palapag. Si Isabella ngayo'y nakasuot muli ng kaniyang uniporme, at muling nakapusod ang kaniyang buhok. Mayroon namang mga hibla na nalaglag sa kaniyang pagkakapusod kung kaya't lumalagaylay ito sa kaniyang batok. Napangiti na lamang ako subalit nanaig na naman ang kaniyang pagkawalang-alintana.

"¿Qué estás sonriendo?"

What are you smiling at?

Tanong ni Isabella na ngayon ay nakaharap sa akin mula sa itaas na baitang ng hagdan. Nagkibit-balikat lamang ako sa kaniya, at ngumiti. Ngumiti din sa akin pabalik si Isabella, bago tumalikod at naglakad muli.

Alas dos y medya pa lamang ang klase nila ni Isabella kung kaya't sa silid-aklatan muna kami magpapalipas ng oras. Dala-dala din ni Isabella ang libro ni Tolstoy na aking ibinigay sa kaniya kahapon.

Pagkarating namin sa silid-aklatan ay kaagad na naupo si Isabella sa pinakasulok na mesa, at naupo rin ako sa kaniyang tapat. Walang masyadong estudyante ang nandirito sa silid-aklatan sapagkat mayroon silang kani-kanilang mga pasok, puwera lamang sa ilan na nagsasaliksik.

Inilapag ni Isabella ang libro na kaniyang dala sa mesa, at tumingin sa akin. Tiningnan ko naman siya, at ngumiti.

"¿Quieres que lo lea de nuevo?"

Want me to read it to you again?

Kumunot naman ang kaniyang noo, at bahagya akong napatawa sa kaniya. Kinuha ko ang libro, at binuksan ito sa unang pahina.

"War and Peace. Author, Leo Tolstoy. Translation. Ann Dunnigan. 1968." basa ko, at binuksan ang kasunod na pahina kung saan nakalagay ang paunang salita. Tiningnan ko naman si Isabella na nakakunot pa rin ang noo.

"¿Cuándo he leído este libro?"

When did I ever read this book?

Bahagya na lamang akong natawa kay Isabella. Nakakunot lang ang kaniyang noo habang nakatitig sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang aking sarili na ngumiti dahil sa kaniyang mga nakatutuwang alindog.

"No me creerás cuando digo, pero leemos este libro hace mucho tiempo desde este día."

You won't believe me when I say, but we have read this book a very long time ago from this day.

Unti-unti namang umaliwas ang kaniyang noo habang nakatitig pa rin sa akin, at bahagyang nakangiti. "Iluminame entonces."

Enlighten me then.

"Cada vez que hago, me cerrarás."

Every time I do, you will shut me out.

Tugon ko sa kaniya, at inilapag sa mesa ang aking siko. Tinitigan ko na din siya pabalik, at kumunot ang kaniyang mga kilay.

"¿Cuándo te quisiste?"

When did I ever shut you out?

Napahawak naman ako sa aking baba, animo'y nag-iisip nang sa katunayan ay hindi mawala-wala sa aking isipan ang mga araw na nagalit siya sa akin dahil lamang tinawag ko siyang Natalia.

"Cada vez que te llamo Natalia. Esa noche cuando me llamaste mi apodo, Simong. Y ayer."

Every time I call you Natalia. That night when you called me by my nickname, Simong. And yesterday.

"Eres Simong?"

You're Simong?

Tumango naman ako sa kaniya. Kumunot na naman ang kaniyang noo, at tiningnan ako ng madiin.

"No te ves como él."

You don't look like him.

Sabi niya sa akin. Mayroon pa siyang sinabi ng pabulong, ngunit hindi ito nasagip ng aking pandinig kung kaya't ngumiti na lang ako sa kaniya.

"Isagani cortó mi cabello cuando estábamos en carga. Lo mantendí desde entonces. ¿Te gusta?"

Isagani cut my hair when we were on cargo. I maintained it ever since. Do you like it?

Inayos ko naman ang aking maiksi na buhok, at ngumiti. Sa katunayan ay hindi naman gaanong kaiksi ang aking buhok sapagkat umaabot pa din ito sa aking noo. Mas napatitig pa si Isabella ng madiin sa akin ngunit kaagad naman itong nagbuntong-hinga, at umayos sa kaniyang pagkakaupo.

"Eres raro."

You're weird.

Tiningnan ko naman siya diretso sa kaniyang kayumangging mga mata, at bahagyang ngumiti. "Am I, Natalia?" Marahang tugon ko sa kaniya.

Napalunok naman si Isabella, ngunit hindi ito umiwas sa aking titig. Ang kaniyang maamong mukha na aking unang nakita sa gilid ni Isagani na walang emosyon ay ngayon napupuno na ng sari-saring mga damdamin. Kaagad naman siyang naistatuwa sa kaniyang kinauupuan nang inabot ko ang kaniyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Don't shut me out again. I can't take it anymore. I longed for you for days and months, Natalia. I thought you were dead. Don't shut me out, please."

Kinuha ko ang kaniyang kamay, at napabuntong-hinga na aking nakita na wala pa ring laman ang kaniyang pulsuhan. Hindi ko iyon pinansin at inilapit ang kaniyang kamay sa aking labi, ngunit kaagad niya itong hinila mula sa aking pagkakahawak. Naramdaman ko naman ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng aking mga mata habang tinititigan si Isabella na pilit na hindi tumingin sa akin ng diretso.

"I know you can't remember anything. But surely, you can remember this, and will come to remember more."  

~

"What's this?" tanong ko kay Natalia na kanina pa hindi mapigil sa kaniyang pagngiti.

"Open it, Simong!" Nagagalak nitong sambit. Napatawa na lamang ako dahil sa kaniyang kakulitan. Kinurot-kurot ko naman ang kaniyang pisngi sapagkat hindi ko na mapigilan ang tukso ng kaniyang kariktan. Sumimangot naman si Natalia, sabay kuha sa aking kamay na nasa kaniyang pisngi.

"Open it." sambit niya muli, at itinuro ang aking hawak na munting marangyang lukbot na gawa sa puti na telang satin kung kaya't kumikintab ito sa ilalim ng buwan.

"Tell me what's inside first." pilit ko sa kaniya.

"Maximo!"

Napatawa na lang ako kay Natalia na ngayon ay malapit na muling mainis sa akin. Nginuso ko ang aking labi sa kaniya, at kaagad na kumunot ang kaniyang noo at sumimangot muli. Napatawa na lamang ako kay Natalia. Hinapay ko ang aking ulo sa kanan habang hinihintay ang kaniyang pagpapasiya. Iginulong lamang ni Natalia ang kaniyang mga mata, at humakbang papalapit sa akin. Todo naman akong napangisi nang tumamyad si Natalia sa kaniyang mga paa upang ako'y maabot. Inilapit ko sa kaniya ang aking mukha, at binigyan niya ako ng isang matamis na halik sa aking pisngi.

"There. Happy Birthday, Simong." Nakangiti nitong sabi sa akin. "Open it."

"Fine." Iginulong ko ang aking mata at nagbuntong-hinga, at napailing-iling dahil sa kaniyang kasabikan. Bahagya naman siyang napatawa, at nasasabik na hinintay ang aking pagbukas ng kaniyang regalo.

Dahan-dahan kong binadbad ang manipis na lubid na nakatali sa puting satin, at kaagad na sumilaw sa aking mga mata ang isang pilak na purselas. Napangiti naman ako habang kinukuha ko ito mula sa kaniyang lalagyan. Mayroon itong munting palawit ng isang ibon mula sa Europa na kilala bilang 'turtledove'.

"Where's the other one?" Nakangiti kong tanong kay Natalia. Kadalasan ay magkapares ang mga palawit ng ibong ito sapagkat ang mga turtledove ay sumisimbolo sa wagas at walang hanggan na pagmamahalan. Ang mga ibong turtledove ay nagkakaroon lamang ng isang kabiyak panghabang-buhay kung kaya't sinisimbolo nito ang pag-ibig. Ang mga paniniwala ay sa dalawang palawit na turtledove ay kumuha ka ng isa, at iyong ibigay sa iyong pinakamamahal ang isa. Hangga't nasa inyong dalawa ang mga palawit na turtledove ay hanggang magpakailanman ang inyong pag-iibigan.

Ngumiti naman si Natalia, at ipinakita sa akin ang kaniyang pulso. Ibinaba niya ang kaniyang manggas, at doon aking nakita ang kapares na palawit sa pulseras na nakakubkob sa kaniyang pulsuhan.

"Feliz Cumpleaños."

Happy Birthday.

Nakangiti nitong sambit sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang aking sarili at hinila siya palapit sa akin. Ngumiti lamang si Natalia nang dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kaniya, at hinalikan siya ng marahan. Ipinikit naman ni Natalia ang kaniyang mga mata, at dinamdam ang paghipo ng aking labi sa kaniya. Inilagay ko ang aking noo sa kaniyang noo, at tumitig sa kaniyang mga nakabibighaning mga mata.

"Muchos gracias, mi amor."

Marahan kong idinampi ang aking labi sa kaniyang noo, at hinayaan ko na lang na ako'y malusaw sa kaniyang mga ngiti at tingin.

Sa ilalim ng buwan at ng mga tala, ay kanilang muling nasaksihan ang magpakailanman naming pag-iibigan ni Natalia. Sa mga oras na ito habang kami'y nakatayo dito sa gilid ng tulay ng Westminster sa London ay isa sa ang aking pinakahindi-malilimutang kaarawan.

~

Tinupi ko ang aking manggas hanggang sa aking siko, at ipinakita kay Isabella ang purselas na kaniyang iniregalo sa akin sa aking ikadalawampu't-anim na kaarawan.

Napatitig naman doon si Isabella, at napatingin sa akin. "¿Quién tiene el otro turberado?"

Who has the other turtledove?

Tanong niya sa akin. Napakunot naman ang aking noo bago ako nakapagsalita. "You."

Si Isabella naman ngayon ang mayroong nakakunot na noo. Napabuntong-hinga na lamang ako, at tinanggal ang purselas galing sa aking pulso at kinuha ang kaniyang sulat mula sa aking bulsa. Nabigla naman si Isabella, at binigyan ako ng isang tingin na nagbabatid na hindi niya naiintindihan ang aking ginagawa nang kinuha ko muli ang kaniyang kamay galing sa mesa. Binuksan ko ang kaniyang palad at inilagay doon ang kaniyang sulat. Aking itiniklop ang kaniyang kamay, at tumingin diretso sa kaniyang mga nakabibighaning mga mata na ngayon ay punong-puno ng iba't ibang magkahalong mga emosyon. Isinunod ko naman ang aking purselas na aking isinuot sa kaniyang pulsuhan.

"Cuidas esto por ahora. Espero que recordarás todo, Talya."

You take care of this for now. I hope you will remember everything, Talya.

Nakangiti kong tugon sa kaniya. Kinuha ko na muli ang libro ni Tolstoy, at nagsimula ng basahan muli si Isabella. Unti-unti namang umaliwas ang mga mata ni Isabella habang patuloy na nakikinig sa aking binabasa. Napakapamilyar ng sandaling ito, yung mga hindi mabilang na mga oras na kami'y tumatambay sa loob ng silid-aklatan kapag kami'y walang pasok. Ang halos na matuyo ko nang lalamunan dahil sa kakabasa ng libro kay Natalia. At ang aking unti-unting pagkahulog sa walang katapusang laro ng pag-ibig na aking inaakala na ako lang ang maglalaro ngunit hindi pala.

Tumunog ang smartphone ni Isabella kung kaya't napahinto ako sa pagbabasa, at kinuha niya iyon.

"Ya es 2:15."

It's already 2:15.

Sabi ni Isabella, at tumingin sa akin. Akin namang nilagyan ng palatandaan ang libro, at isinara ito. Sinunod ko naman si Isabella pababa ng hagdanan patungo sa silid-aralan ni Maestro Trujillo. Sa mga nagdaang araw ay magaan naman ang pakikitungo ng maestro sa akin, at palagi niya akong pinapayagan na tanawin ang kanilang aralin ukol sa kasaysayan ng politika kung kaya't naging magaan rin ang aking loob sa kaniya.

***

Pagkatapos ng panghuling pasok ni Isabella ay tumawag sa kaniyang smartphone si Marco na nagsasabi na nandoon na siya sa paradahan ng mga sasakyan. Lumakad naman kami ni Isabella patungo roon, at pinaandar na ni Marco ang sasakyan nang maayos na ang aming pagkakapuwesto sa likuran.

"Marco, puwede bang dumaan muna tayo sa SM Cubao?" tinig ni Isabella kay Marco na tumango at iniliko ang sasakyan sa kanan.

Liningon ko naman si Isabella na ngayon ay nakatanaw lang sa labas ng bintana. Alas kuwatro pa lamang ng hapon kung kaya't hindi pa nagtatakip-silim ang kalangitan, at abala pa rin ang mga tao sa kanilang mga ginagawa. Nakatitig lang ako kay Isabella habang nagpapalit-palit ang mga tagpuan sa kaniyang likuran. Hindi niya naman ako napansin sapagkat taimtim siyang nakatanaw sa mga pangyayari ng mga karaniwang tao sa labas. Mayroong mga batang paslit na nagpalaboy-laboy at nakikipaglaro sa kanilang mga kabata. Mayroong mga kabataan na naglalakad pauwi galing sa paaralan. Mga magkasintahan na walang pakialam sa mga nangyayari sa mundo habang sila'y magkahawak ng kamay, kasabay ng kanilang mga yapak at pintig ng puso.

Napangiti ako ng marahan habang minamasdan si Isabella sa aking gilid. Kanina niya pa tinanggal ang pagkakapusod ng kaniyang buhok kung kaya't ngayon ay umaalon ito hanggang sa kaniyang baywang. Medyo natakpan din ng kaniyang buhok ang kaniyang mukha kaya't hindi ko ito gaanong masilayan. Bumagal ang takbo ng paligid kasabay ng kaniyang paglingon, at pagtama ng aming mga mata. Hindi naman umiwas ng tingin sa akin si Isabella kung kaya't ngumiti ako sa kaniya. Bahagya naman siyang ngumiti pabalik sa akin na muling nagbigay-bagyo sa aking kalmadong dibdib.

"Pagbigyan mo ako."

Napakunot naman ang noo ni Isabella habang nakatingin sa akin.

"Samahan mo kami ni Tía Claudia bukas sa bahay-ampunan. May ipapakilala ako sa iyo."

Ngumiti naman siya, at tumango. Bumalik na muli sa kaniyang dating posisyon si Isabella, at muling tinanaw ang mga isa-isang nagliliwanagan na mga bahay at tindahan.










"Salamat." tugon ko kay Isabella nang muli kaming makasakay sa sasakyan na minamaneho ni Marco.

"Ito lang ang magagawa ko."

Napakunot naman ang aking noo, at binalingan ng tingin si Isabella na nakatingin pala sa akin. Ngumiti lamang siya at muling nagsalita. "Hindi naman kita masasamahan sa mga klase ng medisina kasi hindi 'yon ang kurso ko."

Bahagya naman siyang napatawa sapagkat hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa akin, at kung bakit niya ako binilhan ng isang smartphone.

"Paano?"

Napatawa muli si Isabella, at nagsalita. "Akala mo hindi ko nakikita kung paano ka tumatanaw sa mga silid-aralan ng medisina sa tuwing naglalakad tayo patungo sa klase ko kay Dr. Montecarlos?"

Napangiti na lamang ako kay Isabella nang matandaan ko ang mga oras na ako'y tumitingala sa mga bintana ng gusali ng Medicina kapag patungo kami sa silid-aralan ni Dr. Vanesa Montecarlos, ang malupit na maestra nila Isabella sa Psicología.

"Ano naman ang kinalaman nito?" sabi ko sa kaniya, sabay pakita sa smartphone na kaniyang binili para sa akin.

"Gagamitin mo 'yan para ipagbigay-alam sa akin kung nasaan ka."

Kumunot muli ang aking noo, at ngumiti si Isabella sabay lapit sa akin sa upuan. Kinuha niya ang kaniyang smartphone mula sa kaniyang tampipi, at kinuha niya rin ang sa akin.

"Alam mo na kung paano 'to gamitin." sabi niya habang patuloy na  pinipindot-pindot ang salamin ng aking smartphone.

Sinilip ko naman kung ano ang ginagawa niya ngunit mga letra at numero lamang sa teclado ang aking naiintindihan. Pagkatapos ng pagpipindot ni Isabella ay ipinakita niya sa akin ang kaniyang ginawa sa aking smartphone.

"Pindutin mo lang ito, at matatawagan mo na ako." tugon ni Isabella habang nakaturo ang kaniyang daliri sa isang munting simbolo na kulay berde na kagaya sa hugis ng bagay na kinausap ni Margaret noong una akong napadpad sa Casa.

Ibinigay na ni Isabella ang smartphone sa akin, at kaagad kong pinindot ang berdeng simbolong iyon. May tumunog naman na isang nakakagaan na himig mula sa panig ni Isabella. Kinuha ni Isabella ang kaniyang smartphone, at mayroon siyang pinindot doon. Inilapat niya iyon sa kaniyang tainga at nagsalita. Bigla naman akong napatitig sa smartphone na aking hawak nang may nagsalita mula doon. Inilapit ko iyon sa aking tainga, at pinakinggan ang boses na nanggaling rito.

"Eres tan extraño."

You are so weird.

Tinig ni Isabella. Lumingon ako sa kaniyang kinauupuan, at kumunot ang aking noo nang napagtanto ko na boses pala ni Isabella ang aking narinig mula sa smartphone. Tiningnan ko muli ang salamin ng aking smartphone. Isabella. Iyon ang nakalagay sa itaas na bahagi nito, at mga ibang simbolo na hindi ko mawari ang nasa ibaba ng kaniyang pangalan.

Ipinaliwanag sa akin ni Isabella ang mga kahulugan ng mga simbolong iyon, at napatango na lamang ako. Pinindot ko ang magkapareho ng hugis ng simbolo kanina ngunit kulay pula ito, na ang ibig sabihin ay tapos na kayong mag-usap o pipindutin lamang kapag kayo'y tapos ng mag-usap.

"Ngayon, puwede ka nang magpalaboy-laboy kung saan basta dala-dala mo ito." sabi ni Isabella sa akin, at itinuro ang hawak kong smartphone. "Mahahanap at mahahanap pa rin kita."

Dalawang tango, at isang ngiti ang aking ipinamalas kay Isabella na ngayon ay bahagyang nakangiti sa akin. "Kahit pa ako'y magtago sa iyong puso?" Nakangiti kong tanong sa kaniya.

Napawi naman ang ngiti ni Isabella, at iniwas ang kaniyang tingin sa akin. Napabuntong-hinga na lamang ako, at ibinaling ang aking tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Ilang minuto ang dumaan at nakauwi na kami sa mansyon ng mga Alfonso. Nauna akong lumakad papasok ng bahay nang isang himig galing sa aking smartphone ang nasagip ng aking tainga. Napatigil ako, at kinuha iyon galing sa aking bulsa. Inilagay ko ang aking daliri sa ibabaw ng berdeng simbolo at pinadulas ito pataas upang masagot ang tawag.

"Patawad."

Tanging sambit ni Isabella mula sa smartphone, at tinapos ang tawag kasabay ng kaniyang paglagpas sa akin. Sinundan ko naman siya ng tingin papasok ng bahay, at bahagya na lamang akong napangiti nang unti-unting umaliwalas ang aking dibdib.

***

"Sasama ka sa'min bukas, anak?" tinig ni Tía Claudia na napahinto sa kaniyang pagkain, at tumingin kay Isabella.

"Opo, Ma." tipid na sagot ni Isabella, at isinubo ang karne na nakatusok sa kaniyang tinidor.

"At ano namang nakain mo para magbago ang gawi mo tuwing Sabado?"

Napatingin naman kami sa pintuan ng kusina kung saan nanggaling ang boses na iyon. Napangisi na lamang si Isabella kay Christian na ngayon ay taas-kilay na nakatingin sa kaniya. Mukhang galing pa sa kaniyang opisina si Christian sapagkat nakaterno at pantalon pa ito. Nakasandal siya ngayon sa pintuan ng kusina habang diretsong nakatingin kay Isabella.

"Christian!" sambit ni Tía Claudia, at tumayo. Habang si Ginoong Lorenzo ay nanatiling nakaupo pagkatapos magpalitan ng tingin sa kaniyang panganay.

"Yung pagkain na nasa asul na lalagyan sa refrigerator." Nakangising sagot ni Isabella sa kaniyang kapatid.

Nagbago naman ang ekspresyon ng mukha ni Christian, at agad-agad na binuksan ang refrigerador. Kinuha niya ang asul na lalagyan na siya ring lalagyan kung saan aking nabasa ang dalawang nakadikit na mga papel galing sa kaniya at kay Isabella. Kinuha ni Christian ang papel na idinikit ni Isabella, at binasa ito. Napatingin lamang siya ng diretso sa kaniyang kapatid habang unti-unting nagtiim-bagang ang kaniyang mukha. Si Isabella naman ay pilit na pinipigilan ang kaniyang pagtawa at pagngisi kay Christian na ngayon ay parang handang-handa ng ilibing ng buhay ang kaniyang kapatid. Bahagya naman akong napatawa dahil sa tensyon na nasa mga titig ni Christian na binabale-wala lamang ni Isabella.

"Kung magpapatayan kayo, magpatayan na kayo. Manunuod lang kami dito." Nakangising tugon ni Ginoong Lorenzo sa magkapatid.

Napabuntong-hinga na lamang si Christian, at umupo sa tabi ni Hannah. Tumingin naman sa kaniya si Hannah, at bahagya itong ngumiti sa kaniya na sinuklian din ng ngiti ni Christian.

"Sasama ka talaga bukas, Isay?" tanong ni Christian kay Isabella.

Napawi naman ang mga ngisi ni Isabella, at napalingon kay Christian na nasa kabila ng hapag. Si Christian naman ngayon ang nakangisi habang si Isabella ay animo'y sasabog na dahil sa hindi ko maalam na dahilan.

"Christian." Pag-awat ni Tía Claudia kay Christian na ngayon ay iniinis si Isabella.

Napawi na rin ang ngisi ni Ginoong Lorenzo, at ngayon ay patuloy lang sa pagnguya ng kaniyang pagkain. Nagtataka kong binaling ang aking tingin kay Isabella na nasa aking tabi na nag-aapoy pa rin ang mga titig sa kaniyang kapatid. Ang kaniyang kamay ay nakakuyom ngayon sa ilalim ng hapag kung kaya't dahan-dahan kong hinawakan iyon. Nabigla naman si Isabella sa aking ginawa, ngunit unti-unting humupa ang kaniyang mala-apoy na mga titig.

"H'wag mo akong tawaging Isay, Kuya. Pakiusap." tugon ni Isabella kay Christian. Tumango lamang si Christian, at nagsimula ng kumain. Kinuha ni Isabella ang kaniyang kamay mula sa akin, at tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo. Dumiretso naman siyang umakyat sa hagdanan.











Pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan namin ay dumiretso kaagad ako sa ikalawang palapag. Kakatok na sana ako sa kuwarto ni Isabella nang narinig ko ang kaniyang paghikbi. Nagbuntong-hinga na lamang ako, at pumasok sa kuwarto na aming pagsasaluhan ngayon ni Christian.

"Hindi ka ba nangyayakap tuwing gabi?" tanong ni Christian sa akin. Umiling-iling lamang ako, at siya'y tumango. Inaayos niya ngayon ang kaniyang panig sa higaan kung saan siya matutulog, samantalang ako naman ay sa kabilang panig.

Lumapit ako sa gabinete kung saan nakalagay ang mga larawan ni Christian noong siya'y bata pa. "Sino siya?" tanong ko, sabay kuha sa litrato nila ng babaeng Kastila.

Lumingon naman si Christian sa akin, at umupo sa gilid ng higaan. "Florencia del Bosque. Ang una kong pag-ibig."

Napasandal ako sa gabinete habang hawak-hawak ang kanilang litrato. "Anong nangyari?"

"Wala na siya. Tutol ang kaniyang ama sa relasyon namin. Pinauwi siya sa Espanya ngunit hindi siya nakarating." Kumunot naman ang aking noo kay Christian. Nagbuntong-hinga lamang siya, at iniyuko ang kaniyang ulo. "Bumagsak ang eroplanong sinasakyan niya sa Pasipiko."

Nagbuntong-hinga muli si Christian, at ako'y tumango na lamang. "Paumanhin. Hindi ko na dapat itinanong."

Tiningnan naman ako ni Christian, at bahagyang ngumiti. "Ayos lang, Maximo. Walong taon na rin ang lumipas nang nangyari ang trahedyang iyon."

Tumango lamang ako, at ibinalik na sa dating puwesto ang litrato nina Christian at Florencia.

Lumakad naman ako sa palibot ng kama, at inilapag sa maliit na mesa na nasa gilid ng higaan ang aking smartphone. Inilagay ko rin doon ang relos na minana ko kay Ama, at ang litrato ni Natalia.













Alas onse kuwarenta y singko na ng gabi kung kaya't dapat na akong antukin ngunit animo'y hindi ako dinadalaw ng tulog. Nakahiga lamang ako sa aking panig ng higaan habang nakatitig sa kisame. Walang laman ang aking isipan ngunit parang mayroon akong gustong malaman. Bumalik naman sa aking ulo ang nangyari kanina sa hapag. Tinawag ni Christian si Isabella sa kaniyang palayaw, Isay. Ngunit hindi iyon nagustuhan ni Isabella. Bakit nga ba?

Ipinikit ko naman ang aking mata, at nagkunwari na tulog nang gumalaw si Christian sa kaniyang panig. Maya-maya ay may narinig ako na mga yapak ng mga paa, at ang pagbukas ng pinto sa kuwarto na tinutulugan namin. Hindi nga ako nagkamali sapagkat si Christian nga iyon. Napaupo na lamang ako sa higaan, at pinagnilayan kung akin bang tatawagan si Isabella. Ngunit natutulog na ata siya ngayon kung kaya't bumalik ulit ako sa aking pagkakahiga nang tumunog ang  smartphone sa aking gilid.

Kinuha ko iyon, at pangalan ni Isabella ang bumungad sa akin. Napakunot na lamang ang aking noo, at sinagot ang kaniyang tawag.

"Isabella." bati ko sa kaniya sa smartphone.

"Salamat."

Kumunot naman ang aking noo, at tumayo. Lumakad ako papunta sa asotea, at binuksan ang capiz na tabing nito. Agad na bumati sa akin ang malamig ng hangin ng hatinggabi, at ang mga ilaw na nakahilera sa daan. Sumandal ako sa barandilya ng asotea, at tiningala ang madilim na kalangitan.

"Bakit gising ka pa?"

Tumahimik naman siya sa kabilang linya, at akin na lang narinig ang kaniyang pagbuntong-hinga.

"Hindi ka rin ba makatulog?"

"Uh-huh."

"Ako rin."

Naramdaman ko naman na siya ngayo'y bahagyang nakangiti kung kaya't napangiti rin ako.

Walang nagsalita sa amin pagkatapos ng huli kong sinabi. Namayani ang katahimikan, ngunit hindi naman kami naiilang sa isa't isa. Ngumiti na lamang ako sa kawalan habang pinapakinggan ko ang kaniyang paghinga. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinawagan, ngunit ako'y nagpapasalamat.

"Para saan iyong 'Salamat'?" tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya kaagad na nakasagot.

"Dahil pinigilan mo ako kanina."

Kumunot naman ang aking noo. Magsasalita na sana ako ngunit siya'y nagpatuloy.

"Ayokong tawagin ako ng 'Isay' nina Kuya, Mama, Papa, at kung sinuman."

"Bakit? Bakit ayaw mong tawagin ka sa iyong palayaw?"

Narinig ko naman ang kaniyang pagbuntong-hinga mula sa smartphone.

"Ayaw ko lang."

Magtatanong pa sana ako ngunit napagtanto ko na ayaw niyang pag-usapan ang tungkol doon kaya't pinigilan ko na lamang ang aking sarili.

"Isang tao lang ang dapat na tumawag sa akin gamit ang palayaw kong 'yon."

"Sino?"

"Hindi ko alam."

Nangunot muli ang aking noo sa kaniyang sagot.

"Hindi ko siya kilala. Nakalimutan ko siya."

Muling nagbuntong-hinga si Isabella. Napabuntong-hinga na lang din ako. Hindi ko alam kung sino ang kaniyang tinutukoy, marahil ang taong iyon ay nanggaling sa panahong ito sapagkat Isabella ang kaniyang ginagamit na pangalan dito.

"Maayos lang iyan. Maaalala mo rin siya pagdating ng tamang panahon. Gaya nga ng sinabi ng aking ina, ang isipan man ay nakakalimot ngunit ang puso ay hindi. Maaari mang matangay ng panahon ang kaniyang pagkakakilanlan sa ating mga isip, ngunit ang mga ala-ala ay naroon pa rin, nakabaon sa ating mga puso."

Narinig ko ang kaniyang maginhawang paghinga na siyang nagpangiti sa akin.

"Dahil sa sinabi mong 'yan, gusto ko nang makilala ang ina mo."

Unti-unti namang napawi ang aking ngiti nang sumagi sa aking isipan ang mga ala-ala namin ni Ina, at kung paano siya walang awang pinatay ng isang Kastila.

"Wala na siya."

Nagbuntong-hinga lamang ako, at pinakinggan ang katahimikan na namamayani muli sa amin ni Isabella.

"Paumanhin. Ngunit kagaya ng sinabi ni Simong, hindi tuluyang namamatay ang iyong mga mahal sa buhay. Marahil ay hindi na natin sila makikita, ngunit alam natin na nand'yan lang sila sa tabi-tabi. Nandoon lang sila sa mga tala, nakatingin at nakabantay sa atin."

Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi. Kahit papaano, unti-unti na niyang naaalala ang aming mga usapan noon. Naisalin niya pa sa Tagalog.

"Kaya't kung may masagip kang tala sa gabi, kawayan mo, at sabihin ang mga katagang ito."

"Ako'y nangungulila na sa iyo. Ngunit gayunpaman, ikaw ay hinding-hindi mapaparam sa sutil kong pusong ito."

Dugtong ko sa kaniyang sinabi--- na minsan ko ring sinabi--- habang nakatingala sa kaisa-isang tala sa gabing ito. Bigla namang natahimik si Isabella. Nilingon ko ang asotea ng kaniyang kuwarto, at siya'y nandoon, nakatayo habang hawak ang kaniyang smartphone sa kaniyang tainga. Nakatingin sa akin gamit ang kaniyang mga kayumangging mga mata na animo'y kumikintab sa malamlam na liwanag na nanggaling sa buwan na nasa aming tapat.

Nginitian ko lamang siya. "Hindi ka pa ba matutulog? Baka matakot sa iyo ang mga bata bukas dahil sa namamaga mong mga mata." sabi ko sa kaniya galing sa smartphone.

Bahagya naman siyang napangiti, at nagsalita rin galing sa kaniyang smartphone.

"Hindi naman siguro nakakatakot ang mga namamagang mata. Kung matatakot man ang mga bata, hindi rin naman ako nag-iisa." ngisi niya sa akin.

Napailing-iling na lamang ako sa kaniya, at dahan-dahang lumakad sa barandilya na katapat ng asotea ng kaniyang kuwarto.

"Hindi mamamaga ang aking mga mata." tugon ko sa kaniya.

"Tingnan natin bukas." Natatawang tinig ni Isabella galing sa smartphone. Tumawa na lang din ako habang umiiling-iling.

"Matulog na tayo? Baka hindi ka kakaibiganin ng mga bata dahil namamaga ang iyong mga mata."

"Baka ikaw ang hindi nila kakaibiganin."

"Magkaibigan na kami ng mga bata, samantalang ikaw?" Minasahe ko naman ang aking baba, animo'y nag-iisip. "Baka akalain nila na ikaw ay isang aswang, sapagkat ano namang gagawin ng isang babae sa hatinggabi kung hindi naghahanap ng makakaing mga tao?" taas-kilay kong tugon sa kaniya.

Nag-iba naman ang ekspresyon ni Isabella, para bang naiinis na siya sa akin.

"Biro lang." Dali-dali kong tugon sa kaniya, at napaatras dahil sa kaniyang matinding titig. "Kahit kailan, hindi ka talaga mabiro." Bahagya kong tawa sa kaniya, at itinaas ang dalawa kong kamay, senyales na ako'y titigil na sa pang-aasar sa kaniya.

"Nakakainis ka." sambit niya sabay kuha sa smartphone mula sa kaniyang tainga, at tumalikod.

Napangisi na lamang ako habang nakatingin kay Isabella na papasok na sa kaniyang kuwarto. "Ikaw ay matulog na, Binibini. Ayaw kong matakot ang mga mumunting mga bata sa iyo." Lumingon naman siya sa akin, at binigyan ako ng isang matinding tingin bago tuluyan nang pumasok sa kaniyang silid. Naiwan naman akong nakangisi sa asotea sa gitna ng gabi.

Pumasok na ako sa loob ng silid. Ako'y humiga muli sa aking panig ng higaan, at inilagay ang aking kamay sa ilalim ng aking ulo habang nakatitig sa madilim na kisame. Mabilis na dumaan ang isang oras, ngunit gayunpaman ay ako'y nandito pa rin, hindi pa rin dinadalaw ng antok. Hindi pa rin bumabalik si Christian kung saan man siya nagpunta. Napabuntong-hinga na lamang ako, at tumayo galing sa aking pagkakahiga. Lumabas ako ng pintuan, at dumiretso sa kusina upang uminom ng malamig na tubig.

Isinalin ko ang malamig na tubig na mula sa refrigerador sa baso. Iinumin ko na sana ang tubig nang may narinig akong isang mahinang ugong mula sa isang parte ng kusina. Sa gilid ng refrigerador ay mayroong isang pinto. Inilapit ko ang aking tainga roon, at isang ungol ang nasagip ng aking pandinig. Napalunok na lamang ako, at binalot ng kaba ang aking dibdib. Dali-dali kong ininom ang tubig sa aking baso, at lalakad na palayo nang sa aking pagtalikod ay si Isabella ang aking nakita. Sinundan ko lamang siya ng tingin nang ako'y nilagpasan niya, at kumuha ng baso. Binuksan niya ang refrigerador, at nagsalin ng tubig. Walang nag-iimikan sa aming dalawa, at mga mahihinang mga ungol na nanggaling sa kuwartong iyon ang umaalingaw-ngaw lamang sa loob ng kusina.

"Halos tatlong taon na rin silang ganyan." tinig ni Isabella, at inilapag ang kaniyang baso sa lababo.

"Sino?" Nagtataka kong tanong kay Isabella.

"Si Kuya Christian at Hannah." Nakangising wika ni Isabella, at lumingon sa pinto ng kuwarto kung saan nagmula ang mga maselang tunog.

"May relasyon sila?"

Tumango naman si Isabella, at sumandal sa aparador na nasa gilid ng platapormang pangluto.

"Matagal ding naghinagpis si Kuya mula sa pagkamatay ni Ate Florencia. Ngunit isang gabi na lang ay nakita ko silang nag-uulayaw ni Hannah dito sa kusina."

Tumango-tango lamang ako habang nakikinig kay Isabella, at pilit na hindi isinasaisip ang ginagawa ni Christian ngayon kay Hannah.

"Inampon nila Mama at Papa si Hannah noong labing-pitong taong gulang ako. Tatlong taon mula sa trahedyang nangyari kay Ate Florencia."

"Alam ba nila Ginoong Lorenzo at Tía Claudia ang kanilang relasyon?" tanong ko kay Isabella, ngunit umiling-iling lamang ito.

"Ni hindi nga alam ni Kuya na alam ko." Nakangising sabi niya sa akin. "Wala rin akong balak na unahan si Kuya sa pagsabi kina Mama at Papa. Siya ang may karelasyon, siya dapat ang magsabi." Makatuwiran nitong tugon.

Tumango lamang ako, at napaisip. "Sa bagay, siya rin naman ang lalaki." Sumang-ayon naman si Isabella sa aking sinabi, at tumango.

Napalunok muli ako nang mas lumakas pa ang mga tunog na nanggaling sa kuwartong iyon. Napatingin ako kay Isabella, na kaagad din namang umiwas ng tingin sa akin. "Patuloy lang ba tayong makikinig dito? Ako'y naiilang na, lalo na't ika'y nandito." tugon ko sa kaniya ngunit ibinulong ko yung huli kong sinabi.

Napatingin naman sa akin si Isabella, at kumunot ang kaniyang noo. "Pakiulit?"

"Ano?"

"Yung binulong mo, pakiulit."

Napangiti na lamang ako dahil sa kaba, at kinamot ang aking batok. "W-wala iyon."

Nagtataka naman akong tinitigan ni Isabella. Kahit na malamig dito sa loob ay pinagpapawisan pa rin ako dahil sa kaba na aking labis na nararamdaman ngayon. Mga ugong naman ngayon ng lalaki ang umaalingaw-ngaw sa kusina. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sa loob ng kuwartong iyon, ngunit isa lang ang aking maisisiguro, may kababalaghang nangyayari roon.

Hindi pa rin inaalis ni Isabella ang kaniyang nagtatakang titig sa akin, na aking labis na kinaiilangan.

"M-matutulog na ako." sabi ko, at pilit na iniwas ang aking tingin sa kaniya.

Napangisi lamang siya sa akin, at nauna nang umakyat paitaas. Napaginhawa naman ako ng malalim, at saka siya sinundan.

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
20.9M 766K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...