Living with this Hot but Anno...

Por Saline0905

73.2K 2.3K 286

[Book 2 of Living Trilogy] They don't believed in second chances but they tried to work things up. They want... Mais

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
Christmas Special
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68

CHAPTER 51

683 21 3
Por Saline0905

[Jerish POV]

"Lola..."

Tinakbo ko agad ang pagitan namin ni Lola habang hindi ko mapigilan ang mga luha ko na tumulo.Naka-wheelchair na siya.Yung Lola kong malakas dati ay ngayon ay nanghihina na.Nadudurog ang puso ko sa nakikita ko.Masigla pa siya noong umalis ko pero ngayon halos nanghihina at wala ng lakas gumalaw ang Lola ko.

"I'm sorry,Lola.Sorry po talaga na iniwan ko kayo.Hindi ko naman po alam na mangyayari po ito."patuloy ako sa paghingi ng tawad pero sinasabi lang niyang okay lang iyon,na ngumingiti pa rin siya na parang wala siyang kasalanan,na tinatanggap pa rin niya ako kahit marami akong kamalian na ginawa.

Napadako ang tingin ko sa magpipinsan na nakatayo sa gilid lang.Nakatingin lang sila sakin.Tanging poot at galit ang nakikita ko sa mga mata nila.Si Rex,Calyx,Kaizer,pati na rin si Lexi.

Pinasok na namin si Lola dahil gumagabi na rin.Nagpaalam na rin si Aleon pagkatapos niyang ihatid ako.Nagpapasalamat ako na hinatid niya ako rito at handa na akong harapin ang mga problema ko.

"Nasaan si Storm?"lakas loob na tanong ko.Kanina ko pa sila gustong lumalapit pero sila ang umiiwas.Dahil lahat iyon sa galit.

Nagkatinginan sila at parang nag-uusap ang mga mata nila kung sino ang sasagot sa tanong ko.

"Sa kwarto mo."sagot ni Lexi.

Pumunta ako sa kwarto ko.Wala pa rin naman halos pinagbago ang bahay ngayon sa iniwan ko.Halos ilang buwan lang din naman ako umalis.Pero ngayon,balot na ng kalungkutan ito.Sobrang tahimik na.

Nakatapat na ako sa harap ng pintuan ko.Pumasok rin ako pagkatapos ng ilang buntong hininga na pinakawalan ko.Pagkapasok ko ay puro bote ng alak ang nakakalat sa sahig at alam kong si Storm ang umubos nun.

Nakita ko si Storm na nakahiga sa kama ko at yakap-yakap ang isang damit ko.He was sleeping while hugging my dress.Sinubukan kong hatakin yung damit ko dahil gigisingin ko na siya para makapag-usap kami.Pero di ko inaasahan na bigla niya akong itulak kaya napaupo ako sa sahig.

"She's mine!Jerish is mine!She's mine!She's mine!"nakita ko ang paglandas ng luha niya.Niyakap pa niya ng mahigpit ang dress ko at pinilit nilalayo sa kukuha nun.

My heart ached when I saw him in pain because of me.Kasalanan ko ito kung bakit siya naging ganito.I will never stop blaming myself hangga't hindi bumabalik sa normal ang lahat.

"I'm sorry,Storm!I'm so sorry for doing this to you!"niyakap ko siya ng mahigpit.

"Jerish?Ikaw ba yan?"nagising na siya kaya umatras ako upang makabangon siya.

"It's you!Ikaw ba talaga yan?Namamalik-mata ba ako?"hinawakan niya ang pisngi ko at in-examine kung ako ba talaga iyon.

"Ako ito,Storm."ngumiti ako kahit kanina ko pa pinipigilan ang iyak ko.

"Please come back to me.I'm sorry.Hindi ko sinasadya na magsinungaling sayo.Ayoko lang na iwan mo ako.I'm sorry."he hugged me so tight and I can feel that he don't want to lose me.

Yakap-yakap niya ako hanggang sa makatulog siya.Alam kong wala siyang tulog at alam kong uminom ito ng alak.Naamoy ko ang singaw ng alak mula sa bibig niya.

Bago ako lumabas ay nilinis ko muna ang mga basyo ng alak at mga kalat sa sahig.

"Kamusta siya?"tanong ni Lexi sakin pagkalabas ko.Siya ang sumalubong sakin.Wala ang ibang mga pinsan ni Storm.Galit sila sa akin.

"Hindi naman ito ang iniwan ko diba,Lexi?Hindi naman ganito ang gusto kong mangyari diba?Alam mo naman iyon diba?"nahulog ang mga butil ng luha ko.

Sa hindi ko malamang dahilan ay patuloy ang paglabas ng luha ko kahit na gaano karami ang naluha ko.Parang walang katapusan ang pagluha ng nga mata ko.

"Hindi mo gusto pero hindi mo rin inisip ang magiging consequences ng mga actions mo.Hindi mo masisisi ang mga pinsan niya.Ikaw lang ang dahilan ng lahat."

"Dahil siguro hindi ko matanggap na pinagkait nila sakin ang alaala ko at nagsinungaling pa sakin.Giving me new name and new identity.I should know the truth!"

“He just want to protect you"napatingin kami sa nagsalita na si Calyx. “I want to clear something to you.Hindi pinagkait ni Storm ang alaala mo.Ayaw niya lang madaliin mo ang lahat dahil pag naalala mo ay baka masaktan ka.Pinili niyang masaktan para sayo.Hindi ko maintindihan kung bakit masyado kang desperado sa mga alaalang iyan."

"Hindi ko makuha yung point niya kung bakit kailangan niyang magsinungaling!!"

Sinuklay ni Calyx ang buhok niya at umigting ang panga niya.Halatang naiinis na siya sakin.Hinawakan ni Lexi ang braso nito para pigilan na kumawala ang galit nito.Ilang buntong hininga ang pinakawalan nito bago nagsalita.

"Hindi mo ba makuha yung point ko?!Gusto ka nga niyang protektahan dahil mahal ka niya!Ayaw niyang umabot sa punto na hahanapin mo yung pagmamahal ng ibang tao habang siya ay nandito inaalay ang buong puso niya sayo."sabi ni Calyx sakin na sobrang sakit para sakin.

"Talk to him,Jerish.You need to clear things between you and Storm.That's what you need."

Umalis na sila at naiwan ako.Kailangan ko ngang kausapin si Storm nang masinsinan.Ayokong magtagal pa itong problemang ito.Tinakbuhan ko na ito at naging duwag.

PAGKAGISING ni Storm ay agad niya akong tinanong kung babalikan ko na ba siya,kung bakit ako bumalik rito.Na-miss niya raw ako at nag-aalala sa ilang buwan kong pagkawala.Umaakto siyang okay pa rin ang lahat.

"I want to talk about us."

Napansin ko ang pagseryoso ng mukha niya at umayos siya ng upo.

"What about us?"

Ilang buntong hininga ang ginawa ko bago ko nasabi ang gusto kong sabihin.

"Hindi ko alam kung mahal pa kita."

Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha niya.Alam kong masakit ito para sa kaniya pero kailangan niyang malaman ito.

"Mahal mo ba talaga ako o minahal mo lang ako dahil sa kasinungalingan ko?"

Ako ang hindi makapagsalita sa sinabi niya.Hindi ko alam pero yun yung totoo.Yun yung sinasabi ng puso ko.May parte siya sa puso ko pero hindi bilang lalaking mahal ko.

"I'm sorry."

Pagak siyang tumawa.May mapait na ngiti sa mga labi.

"Natandaan mo na siguro,na ako si Storm Smith,yung kaibigan mo lang,yung pinsan ng mahal mo,yung kailanman ay hindi mo magugustuhan.Natanggap ko naman.Natanggap ko naman na hanggang dun lang talaga pero di ko alam kung bakit itong puso ko patuloy na umaasa."dinuro pa niya ang puso niya at tumulo ang butil ng luha sa mga mata niya.

Nakikita ko yung sakit sa mga mata niya.Gusto kong punasan ang mga luha niya pero hindi pwede,ayokong umasa pa siya.

"Humihingi ako ng tawad sa mga kasinungalingang pinilit kong ipasok sa utak mo.Katulad ng boyfriend mo ako,totoong anak natin si Riku.Alam ko naman kung ano ang tama at mali,pero nagpapakabulag ako.Ginagawa kong tanga ang sarili ko.Pinapahirapan ko yung sarili ko,kasi nasobrahan ako sa pagmamahal sayo."

Ang sakit na itong napakabuting taong ito na minahal ako,umiiyak sa harap ko at nasasaktan ng dahil sakin.Hindi ko alam kung bakit ako pa yung minahal niya kahit alam niyang masasaktan lang siya.

"Ayokong mahalin ka,Storm,dahil lang ayaw kitang masaktan.Gusto kitang mahalin dahil mahal kita hindi dahil masasaktan ka at naawa ako sa iyo.Pero alam mong hindi iyon mangyayari diba?"

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto.Pinipigilan ni Storm na umagos ang mga luha niya pero hindi niya ito magawa.Alam kong nasasaktan rin siya.Alam kong gusto niyang bumalik lang kami sa dati,yung masaya pa kami.Pero hindi pwede,niloloko lang namin ang isa't isa.

"Hahayaan kitang pag-isipan muna ito at ganun rin ako...."natigilan ako sa sinabi niya at napatingin "...dahil hindi ko na alam ang kinakalagyan ko sa buhay mo.Ayokong umasa pa rin sayo.Ayokong mabuhay na sayo lang umiikot ang mundo ko.Ayokong maging extra lang sa istorya mo.Kasi akala ko sa istorya na ito,ikaw at ako ang bida pero akala ko lang pala lahat dahil isang extra lang ako.Babalik na lang ako kapag maayos na ang isip ko at ang isip mo."

Tumayo na siya at akmang aalis pero napatigil siya sa sinabi ko.Ayokong isipin niya na ganun lang siya.

"Oo,pwedeng extra ka lang sa buhay ko.Pero ikaw yung extra na nagpaintindi sakin ng mga bagay.Mahalaga ka sa istorya.Mahalaga ka sa istorya ko."nginitian ko siya pagkatapos kong punasan ang luha ko.

"Pwedeng extra ka lang sa buhay ko,pero pwede ka namang gumawa ng sarili mong istorya at maging bida nito.Malay mo mahanap mo na yung kasama mong magiging bida sa sarili mong istorya."ngumiti siya ng tipid sakin bago ako iniwan sa kuwartong ito.

Continuar a ler

Também vai Gostar

256K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
927K 31.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
124K 4.4K 17
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
506K 8.4K 35
Eros Delvan is the most attractive professor Clariz met at school. Their interactions are always minimal, so she expects to graduate with nothing mor...