Mi Querido, Espérame

By sam-ivan

2.2K 175 7

Mi Querido, Espérame My Dear, Wait For Me Maximo Isidro y Valencia has traveled to the future from the year 1... More

Mi Querido, Espérame
Capítulo 1
Capítulo 3
Capítulo 4
Capítulo 5
Capítulo 6
Capítulo 7
Capítulo 8
Capítulo 9
Capítulo 10
Capítulo 11
Capítulo 12
Capítulo 13
Capítulo 14
Capítulo 15
Capítulo 16
Capítulo 17
Capítulo 18
Capítulo 19
Capítulo 20
Capítulo 21
Capítulo 22
Capítulo 23
Capítulo 24
Capítulo 25
Capítulo 26
Capítulo 27
Capítulo 28
Capítulo 29
Capítulo 30
Capítulo 31
Capítulo 32
Capítulo 33
Capítulo 34
Capítulo 35
Capítulo 36
Capítulo 37
Capítulo 38
Capítulo 39
Capítulo 40
Capítulo 41
Capítulo 42
Capítulo 43
Capítulo 44
Capítulo 45
El Final

Capítulo 2

238 10 0
By sam-ivan

12th of October 1890
Universidad Complutense de Madrid, Madrid, España

Isang linggo pagkatapos ng pagpapalista sa mga bagong mag-aaral ay mayroong isang kasiyahan na ginanap dito sa Unibersidad ng Complutense ng Madrid dito sa Madrid, Espanya, para sa mga mag-aaral na bago pa rito.

Mag-iisang buwan na simula nang kami'y nakarating dito sa Espanya ni Isagani Domingo, ang matalik kong kaibigan at kababata. Siya'y mag-aaral ng abogasya samantalang ako ay mag-aaral ng medisina rito.

Kahit noon pa man ay nais ko nang maging isang manggagamot. Lumaki ako sa isang bansang walang ibang hinangad kung hindi ay ang kalayaan. Nakikipaglaban sila para roon, at nais ko silang tulungan kahit maliit man lang gamit ang aking propesyon.

Nakasuot ng ternong asul si Isagani habang ako'y nakaitim na terno't pantalon. Narito kami sa isang malaking bulwagan sa loob ng unibersidad kung saan ginanap ang kasiyahan. Isang magiliw na musika ang pinapatugtog ng isang pangkat ng mga musikero, at sumasabay naman dito ang karamihan sa mga estudyante. Iilan lamang ang nakaupo sa kanilang mga upuan, habang ang iba nama'y nag-iinuman at nagkakatuwaan.

Gaya na lamang ni Isagani sa isang kanto, nakikipag-usap sa mga dayuhang binibini na rito rin mag-aaral. Nang nakita ako nito ay agad niya akong kinawayan at pinapunta sa kaniya.

Tahimik akong naglakad sa kaniyang kinauupuan. Umiinom ito nang isang basong alak habang panay na nakikipag-usap sa mga babae.

Napaupo ako sa isang upuan, at agad naman ako nitong nilaharan ng isang baso ng alak. Alam niyang hindi ako gaanong umiinom, ngunit palagi ako nitong pinipilit kaya tinanggap ko na lamang ito.

Nahagip ng aking paningin ang isang babaeng kasali sa pangkat na kausap ni Isagani ngunit hindi kasali sa usapan. Tahimik itong umiinom galing sa kaniyang baso habang iginagala ang kaniyang tingin sa bulwagan, hanggang sa nakita ako nito.

Sandali kaming nagkatitigan bago niya iniwas ang kaniyang tingin sa akin. Napangiti na lamang ako habang nakatitig pa rin sa kaniya. Matataas ang mga pilikmata nito, matangos ang ilong na halatang may lahi siyang Kastila. Mapipintog ang kaniyang mga labi, at nakita ko ang kayumanggi niyang mga mata nang muli siyang tumingin sa akin.

Isa siyang Espanyol.

Ibinaba niya muli ang kaniyang baso, at muling umiwas ng tingin. Mas lalo pa akong napangiti nang hinawi nito ang kaniyang mga buhok na lumalagaylay sa gilid ng kaniyang mukha. Marikit itong kumilos, at muling napako ang kaniyang tingin sa akin.

"Maximo, nakikinig ka ba sa akin?" tanong ni Isagani. Umiling-iling na lamang ako nang di siya tinitingnan, at narinig ko ang pagbuntong-hininga nito. Nagkatitigan pa rin kami ng kung sino man ang Kastilang iyon, hindi na niya iniiwas ang kaniyang mga titig.

Marahan akong ngumiti sa kaniya, at siya naman sa akin.

Maganda ang kaniyang mga ngiti. Nakakabighani't nakakapanghalina.

"As I was saying, Maximo." ani ni Isagani at bumaling sa akin, kahit na ayaw ko siyang pakinggan. "This is Marie-Louise Lefèvre, Amelia Pierre, Suzanne Horenberger, Agnés de la Fuente, and, Natalia Vizcaíno."

Iniwas ko na ang aking titig sa kaniya, at isa-isang kinamayan ang mga bibining kaniyang ipinakilala. Napatigil na lamang ako nang ang dapat ko na sanang kamayin ay ang babaeng aking katitigan kanina. Nakatayo na ito, nakalahad ang kaniyang kamay sa akin. Ngumiti ako rito, at siya naman sa akin nang bahagya.

Magaan kong kinuha ang kaniyang kamay, at dinamdam ang init ng kaniyang balat. Nang tiningnan ko ito ay nakatingin na pala ito sa akin. Marahan kong inangat ang kaniyang palad sa aking labi habang nakatingin pa rin sa kaniya.

Walang bakas ng kung anuman ang kaniyang mukha, ngunit siya'y ngumiti pa rin sa akin.

Ayaw kong bitawan ang kaniyang kamay. Nais ko siyang makilala at makasama. Nagustuhan ko kung paano kumabog ang aking dibdib habang nakatingin siya sa akin. Nagustuhan ko kung paano niya ako napapangiti nang wala sa sarili.

Natalia.

"Ladies, I present to you, Maximo Valencia. My friend, and your future doctor." pagpapakilala ni Isagani sa akin sa mga dayuhang binibini.

Hindi ko na ito binalingan ng atensyon sapagkat nanatili ang aking mga mata kay Natalia. Marahan kong ibinaba ang kaniyang kamay, at bumalik na siya sa kaniyang pagkakaupo. Naupo na rin ako, ngayon ay sa tabi na niya.

***

Dumaan ang ilang mga oras ay naglalakad na kami patungo sa dormitoryo ng mga babae, hinahatid sina Natalia at ang kaniyang mga kaibigan.

Nauna si Isagani sa akin, kinokonsorte sina Marie-Louise at Suzanne. Marahang nagtatawaan ang mga ito dahil sa kaniyang biro, hindi naman ako nakisali sapagkat narito ako sa kanilang likuran.

Sina Amelia Pierre at iyong isa pang Kastilang binibini ay hindi na sumabay sa amin sapagkat inanyayahan silang sumayaw ng iilang mga kalalakihan, kung kaya't nauna na lamang kami. Sa katunayan ay inanyayahan din ng isa naming kaibigan na si Herman si Natalia, ngunit tinanggihan niya ito at napagpasyahang umuwi na lamang.

Si Natalia ay nasa aking tabi, kami'y magkasabay ng hakbang.

Tiningnan ko ito, at napangiti na lamang muli. Binalingan niya rin ako ng tingin, at kumunot ang kaniyang noo nang nakita nitong nakangiti ako sa kaniya.

Ibinalik ko na ang aking mga mata sa unahan, nakangiti pa rin. Magaang humahakbang si Natalia habang nakatingin diretso sa unahan. Binalingan ko muli siya ng tingin, at isinaulo ang detalye ng kaniyang mukha.

Nang lumingon ito sa akin ay agad na nasagip ko ang kaniyang kayumangging mga mata na animo'y lumiliwanag sa malamlam na ilaw, ang matataas nitong mga pisngi na bahagya nang namumutla dahil sa lamig ng gabi, at ang mumunting mga buhok nito na lumalagaylay sa kaniyang ulo.

Napagtanto ko na lamang na panay akong nakatitig kay Natalia nang nabangga ako sa likod ni Isagani. Lumingon lang ito sa akin at ngumisi na para bang alam na niya kung bakit ako nabangga sa kaniya.

Nilibot ko ang aking paningin at nakitang narito na pala kami sa harapan ng dormitoryo ng mga babae.

Nilingon ko si Natalia, ngunit naglakad lamang siya patungo sa kinaroroonan nina Marie-Louise bago tumingin sa akin.

"So, I think this is already a goodbye." wika ni Isagani sa tatlong binibini na aming inihatid.

Ngumuso si Marie-Louise, ngunit natawa na lamang si Isagani dahil doon.

"You must not look at me like that, Mademoiselle. I can assure you, you can still see me for years of studying in the same university."

"Bonsoir, Monsieur Domingo. J'espère pouvoir vous revoir bientôt." (Good night, Mr. Domingo. I hope to see you again soon.) tugon ng binibini at nagdampi ng magaan na halik sa pisngi ni Isagani.

Ngumiti lamang si Isagani sa kaniya.

Kumaway sa amin si Suzanne bago niya binuksan ang pinto ng dormitoryo at pumasok. Sumunod sa kaniya si Marie-Louise habang nagpapalitan pa rin ng ngiti kay Isagani.

Aking binalingan ng tingin si Natalia at nakitang nakatingin na ito sa akin. Ngumiti ako sa kaniya, at siya'y dali-daling umiwas ng tingin.

"Good night, Natalia."

Napatingin ito sa akin bago tumalikod. Nang dapat ay isara na nito ang pinto ay ngumiti ito.

"Good night, Maximo."

Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi hanggang sa nakarating din kami ni Isagani sa dormitoryo ng mga kalalakihan.

Kinabukasan ay napagpasyahan namin ni Isagani na maglibot dito sa loob ng Unibersidad. Papalabas na sana kami nang dormitoryo nang nakasalubong namin si Señor Gustavo, ang tagapangasiwa ng aming dormitoryo.

"¿A dónde vas?" (Where are you going?) tanong nito nang nasagip kami ng kaniyang tingin.

""Vamos a hacer un recorrido por toda la universidad, Señor." (We're going to take a tour of the entire university, Sir.) sagot ni Isagani, at tumango naman si Señor Gustavo.

Akala ko'y papalabasin na kami nito ngunit mayroon pa itong kinuha galing sa ilalim ng kaniyang tsaketa, at saka'y inilahad sa amin ni Isagani.

"Necesitarás estos pases para entrenar dentro de la universidad durante los fines de semana." (You're going to need these passes to get inside the university during weekends.) wika nito, at aming kinuha na ang mga pases sa kaniyang kamay.

Tumango kaming dalawa ni Isagani. "Gracias, Señor." ani ko.

"Fuera vamos,"

"Si,"

Lumabas na kami ni Isagani sa dormitoryo ng mga lalaki, at agad na sumalubong sa amin ang maaliwalas na hangin sa umaga. Nakaharap ang aming dormitoryo sa norte kaya't hindi masyadong maaraw sa bahaging ito.

Nagtungo kami sa pasukan ng Unibersidad, at ipinakita sa guardia ang aming mga pases. Agad din naman kaming pinatuloy nito, at nagsimula na kaming maglibot.

Nakita namin ang bulwagan kung saan naganap ang kasiyahan kagabi, ngunit nilampasan lamang namin iyon.

Nagsimula nang umakyat si Isagani sa hagdan patungo sa silid-aklatan na nasa ikaapat na palapag kung kaya't sumunod na lamang din ako.

Pagkarating namin doon ay agad kong iginala ang aking mga mata kung saan aking nahagip ang karatula na nagsasabing, Biblioteca de estudiantes C.U.M. adelante, at isang tunod na nagtuturo kung saan.

Nauna akong lumakad papunta sa silid-aklatan. Nagulat na lamang ako nang nakitang nakabukas ito. Wala naman kaming ibang nakitang mga estudyante rito sa loob ng unibersidad. Nagkatinginan kami ni Isagani ngunit nagkibit-balikat lamang ito sa akin.

Sinilip ko ang loob ng silid, at nakitang maayos naman ang kalagayan nito, ngunit walang katao-tao.

Humakbang ako papaloob ngunit natigilan nang tumama ang isang mabigat na bagay sa aking ulo.

Napasuray-suray ako sa aking mga paa bago nakabalik sa aking sarili, at naramdaman ang sakit sa aking ulo.

Napalingon ako sa gilid ng pintuan, at nakitang si Natalia na nakatayo sa ibabaw ng isang silya, hawak-hawak ang isang makapal na libro. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat sa akin, bahagyang tumamlay ang kaniyang mukha, at halatang nanginginig na ang kaniyang katawan.

"Dios mío, Natalia! ¿Qué hiciste?" (My God, Natalia! What did you do?) isang sigaw sa di kalayuan mula sa amin.

Dali-dali kong kinuha ang libro sa kaniyang pagkakawak na sadyang napakabigat, at inalalayan siya pababa ng silya.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon, at nakita ang mga kaibigan ni Natalia na kakalabas pa lamang galing sa mga nagtataasang mga istante.

"Agnés, what are you ladies doing here?" tanong ni Isagani sa babaeng sumigaw kanina. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa tatlong babae.

Lumakad palapit sa amin si Agnés, at sumunod naman sa kaniya si Marie-Louise na may dala-dalang isang maliit na libro. Sumunod naman si Amelia habang dala-dala ang tatlong malalaki at makakapal na mga libro.

Napalingon ako kay Natalia nang naramdaman ko ang kapit nito sa aking camisa, hindi na pantay ang paghinga nito at mas nanginginig pa ang kaniyang mga paa. Maski ang kaniyang kamay na nakakapit sa akin.

Hinarap ko ito, ngunit agad itong nawalan ng malay.

"Natalia!"

Agad ko siyang nabuhat, at isa-isang lumapit ang kaniyang mga kaibigan na halatang nag-aalala para sa kaniya. Hinipo ni Agnés ang noo at leeg nito, at tumingin sa akin at sa iba.

"Ella tiene fiebre." (She has a fever.)

Kunot-noo ko itong tiningnan ngunit agad kong ibinalik ang aking atensyon kay Natalia. Mas namumutla siya ngayon kaysa kagabi, o di kaya'y kagabi pa talaga siya ganito?

Hindi ko alam.

Nawalan na rin ng kulay ang mga labi at pisngi nito, at nagsimula na rin siyang pagpawisan kaya't mas nagmadali ako sa paglakad. Mas bumibigat ang paghinga nito sa bawat hakbang na aking ginawa. Dumiretso kami sa kanilang dormitoryo, at dahan-dahan siyang inilapag sa kaniyang higaan.

Hindi pa siya gumigising simula noong sandali siyang pinainom ng gamot ng tagapangasiwa ng kanilang dormitoryo. Nanatili ako sa kanilang silid ni Agnés na kaniyang pinsan, habang nakikipag-usap pa ito sa labas kay Señora Jocasta.

Pinagmasdan ko siya habang siya'y natutulog. Unti-unting bumabalik ang kulay ng kaniyang mukha, at napangiti ako roon. Bumalik na sa dati ang kaniyang paghinga, at kung titingnan ay animo natutulog lamang ito.

Natawa na lamang ako nang bahagya, at marahang hinipo ang bukol na aking natanggap kanina. Dahan-dahan ko itong tinulak pabalik sa dati nitong anyo, ngunit masakit kaya hinayaan ko na lamang iyon.

Natawa na lamang ulit ako nang napagtantong sobrang lakas ng pagkahampas ni Natalia sa libro sa aking ulo, sa bagay, makapal at mabigat iyong libro ni Tolstoy kaya hindi na ako magtataka kung bakit kumikirot ngayon ang aking ulo.

Mahimbing na natutulog si Natalia sa kaniyang higaan, samantalang ako'y pinagmamasdan siya sa isang silya.

Marahang gumalaw ang kaniyang mga mahahabang pilikmata, kasunod ay ang kaniyang pagdilat.

Agad na napako ang kaniyang tingin sa akin, at dali-daling napaupo sa kaniyang higaan.

Bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka at paghihinala, ngunit nginitian ko lamang ito.

"Maximo,"

"Natalia,"

Iginala niya ang kaniyang tingin sa kaniyang silid at bahagya siyang napaginhawa, ngunit nanatiling nakaalerta ang kaniyang mga mata sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya. Wala akong gagawing masama, nawa'y malaman niya iyon.

"What are you doing here?"

"You passed out after you hit me." sagot ko sa kaniya, at muling hinipo ang bukol na aking natamo.

May namuong katahimikan sa aming dalawa bago niya napagpasyahang wasakin ito.

"Lo siento mucho."

"No te preocupes, esta bien. ¿Eres tú?" (Don't worry, it's fine. Are you?) Hindi niya ako sinagot, at hindi niya rin ako tinitingnan. "Natalia, don't worry about me. I'm fine, are you? Tell me." I need to know.

"I'm good." Matabang niyang sagot.

Nagbuntong-hininga na lamang ako, at hinayaang mamuo muli ang katahimikan sa aming dalawa.

Tiningnan niya ako, bakas sa kaniyang mukha ang pagkakasala. Hindi ko iyon nagustuhan. Ngumiti ako sa kaniya, ngunit gayon pa rin siya nakatingin.

"Necesitaba eso. Así que puedo asegurarme de que estoy pensando en lo que estoy pensando." (I needed that. So I can make sure that I'm thinking right about what I'm thinking.)

Tumaas ang kaniyang kilay. "What are you thinking?"

"That you are the most beautiful creature my eyes had ever laid on. And that never have I encountered someone as you, and about how much I would give just to know you well."

Nanatili akong nakangiti sa kaniya, siya nama'y hindi maalam ang kaniyang sasabihin.

Hindi kalaunan, ay natawa na lamang kaming dalawa. Namula ang kaniyang mga pisngi, at alam kong ganoon din ako. Tinawanan na lamang namin ang aking pagtatapat. Masaya akong nakikita siyang tumatawa at ngumingiti.

Nang napako ang aming tingin sa isa't isa ay ni isa sa amin ay walang balak na umiwas.

Nawala kami sa aming sarili at sa mundong aming ginagalawan habang nakatingin sa isa't isa. Hindi namin narinig ang pagbukas ng pinto kung saan napabalik kami sa realidad nang nagsalita si Isagani.

Sinabi niya'y gusto raw akong kausapin ni Señora Jocasta tungkol sa nangyari sa silid-aklatan.

Tinanguan ko lamang siya, at tumayo. Isinara ni Isagani ang pinto, at napabaling ako kay Natalia. Nilalaro niya ang kaniyang mga daliri, at napangiti na lamang ako roon.

Tumingala siya sa akin, at bahagyang ngumiti.

"I will come back to check on you. Wait for me."

Tumango siya, at lumabas na ako.

Continue Reading

You'll Also Like

638 62 19
Ano nga ba ang saluobin ng isang babaeng iniwanan ng kasiyahan at tinalikuran ng kaliwanagan? Samahan si Skylar Joy Marina, siya ang babaeng masaya a...
26.9K 859 19
Sunny is a famous student sa kasalukuyang panahon na makakapag travel to past, makakapunta sya sa panahon kung saan ang pilipinas ay nasa ilalim pa n...
72.6K 1.3K 32
[Highest Rank #15 in Historical Fiction Highest Rank #1 in History] [[EDITING]] Ang kwento ng pagibig at trahedya mula 1903 hanggang 2018. Si Esperan...
27.5K 1.9K 39
[ UNEDITED ] Isang antique collector si Yuan Clemonte sa edad na dalawampu't dalawa. Nag-aaral ng Fine Arts sa St. Vincent College of Fine Arts. Mala...