TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF...

By yukiinari07

1.8M 51K 2.6K

Welcome to TRUE CROSS ACADEMY! Special school for the special ones. Normal school? Big N-O! Magic school? Def... More

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)
CHAPTER 1- "YOU'RE INVITED"
CHAPTER 2-"HEAD MASTER"
CHAPTER 3- "NEW FRIENDS"
CHAPTER 4- "SURPRISE!"
CHAPTER 5- "INJURED"
CHAPTER 6- "DATE? (PART 1)"
CHAPTER 7- "DATE? (PART 2)"
CHAPTER 8- "MEET AKIRA"
CHAPTER 9- "FIRST MISSION"
CHAPTER 10- "THE PROMISE"
CHAPTER 11- "WAY BACK"
CHAPTER 12- "FIRST DAY"
CHAPTER 13- "DARK FOREST"
CHAPTER 14- "ATTACK"
CHAPTER 15- "HATRED"
CHAPTER 16- "KISS?"
CHAPTER 17- "HIS AFFECTION"
CHAPTER 18- "IT'S A DEAL!"
CHAPTER 19- "RIVALRY"
CHAPTER 20- "JEALOUSY"
CHAPTER 21- "THE UNREQUITED LOVE"
CHAPTER 22- "BOOTH LAUNCHING"
CHAPTER 23- "A DAY WITH JUSTIN"
CHAPTER 24- "PREMONITIONS"
CHAPTER 25- "THE GAME OF SURVIVAL"
CHAPTER 26- "HER TRUE FEELINGS"
CHAPTER 27- "FINALLY!"
CHAPTER 28- "HIS SIDE"
CHAPTER 29- "HIS SIDE 2"
CHAPTER 30- "CAPTURED"
CHAPTER 31- "NIGHTMARE"
CHAPTER 32- "SECRETS"
CHAPTER 33- "HEARTACHES"
Special Chapter- "Behind the Past"
CHAPTER 34- "A FRIEND'S FAREWELL"
CHAPTER 35- "POKEMON"
CHAPTER 36- "L.Q."
CHAPTER 38- "LOVE OR HATE (2)"
CHAPTER 39- "LOVE OR HATE (3)"
CHAPTER 40- "SAYING GOODBYE"
CHAPTER 41- "TRUTH AND LIES"
CHAPTER 42- "MISSING PIECE"
CHAPTER 43- "MEMORIES"
CHAPTER 44- "TRAITOR"
CHAPTER 45- "THE UNEXPECTED MEETING"
CHAPTER 46- "BEHIND THOSE EYES"
CHAPTER 47- "ALLIANCE"
CHAPTER 48- "FINAL BATTLE"
EPILOGUE
Special Chapter

CHAPTER 37- "LOVE OR HATE (1)"

26.9K 809 27
By yukiinari07

YURI's POV

Haist! Sobrang boring! Nakakatamad talaga! Wrong timing naman kasi yang emergency meeting na yan eh. By the way, nandito kami sa dining hall. Wala kaming afternoon class dahil nga sa meeting. And it's only 11:00 am! Shit lang! Matagal tagal ko pang makikita ang mukha ni pokemon.

Buti pa sila nagkakatuwaan samantalang ako, nganga! Sa kabilang dulo ako nakapwesto dahil ayaw kong makita yung mukha nung dalawa. Lalo na yung pokemon na yun na akala yata ay bamboo si Clyd kaya ayaw bitawan.

"Ano nang balak nyo?" tanong ni Ashton maya maya.

"Kain na tayo. Ano sa tingin mo Yuri?" sabi ni Xena na kaharap ko lang.

"Okay lang, gutom na din naman ako."

Tumayo na ako at nagpunta sa counter. Napansin ko ding tumayo yung apat na itlog at si pokemon na hindi maihiwalay kay Clyd. Siguro kung hindi kami magkaaway, sure na libre na lunch ko. Pero wala akong pakialam! May pera naman ako no! Hindi ko kailangan ng libre nya! Isaksak nya yun sa baga nya! Hmmpphh!!!

"Pork chop with 2 rice, choco cake, cheeseburger, pizza tsaka mango shake na giant nga po." sabi ko sa babae sa counter. Nag proceed na ako sa paying station para magbayad. Kaso nga lang, para akong binagsakan ng kawali sa ulo ng hindi ko makapa ang wallet ko. My Ghad! Nakalimutan ko pa yata.

"Ah, wait lang po ate ha." Hala!  Paano na ako? Sanla ko kaya muna cellphone ko?

"Pwede po bang cellphone na lang bayad? iPhone naman po tatak ate. Nakalimutan ko po kasi wallet ko eh." bulong ko sa kanya pero tinuro nya lang yung karatula na 'We only accept cash payment'.

Naku no choice. Gagawin ko ang lahat para makain lahat ng order ko. Kinalabit ko si Rin na katabi ko lang naman sa pila at minostra sa kanya na lumapit sya sa akin.

"Wag kang maingay, pautang ako, nakalimutan ko wallet ko eh. Sige na please!"

"Bakit hindi ka kay Clyd magpalibre?" bulong din nya sa akin.

"Gago ka ba? Nakita mo nang war kami. Nananadya ka yata."

"Ako na nga magpapautang, ako pa gago?"

"Bilis na kasi! Babayaran ko naman sayo eh! Baka madinig pa tayo nila pokemon!"

"Tss! Magkano ba nakuha mo?" tinuro ko naman sa kanya ang pagkain ko at nanlalaki ang mga mata nyang bumaling sa akin.

"Seryoso ka ba? Katumbas na nyan pagkain naming dalawa ni Akira!" peste ka Rin! Sige, ilakas mo pa boses mo!

"Papautangin mo ako o ililibre mo ako?" naniningkit ang mata na tanong ko sa kanya.

"Aish! Bully na nga, buraot pa!"

"Kuripot!" babayaran din pala, nag inarte pa. May maganda din palang naidudulot ang pananakot ko. Binitbit ko na ang tray ko na puno ng pagkain ng mapansin kong naniningkit ang mata ni Clyd na nakatingin sa akin.

Bahala ka sa buhay mo! Tinaasan ko lang sya ng kilay at naglakad na pabalik sa table namin. Chin up, stomach in, chest out! Huhuhu! Hindi talaga ako tinulungan! Tinitiis talaga nya ako! Mas lalong hindi ako magsosorry sa iyo! Ikaw dapat ang lumapit dahil ikaw ang lalaki!

Sa kabutihang palad ay maayos naman kaming nakatapos ng pagkain. Buti na lang talaga napigilan ko ang masuka dahil umay na umay ako sa mukha at boses ni pokemon. Bentang benta sa masa eh! At take note, sya pa nagsusubo ng pagkain kay Clyd pagkatapos ay titingin sa akin at ngingiti ng nakakaloko.

Tignan nyo na! Nasaan ang hustisya? Wag na wag lang po talaga na maiiwan lang kaming dalawa ni pokemon at siguradong makakalbo ko ang kili kili nya! Napakasarap ding dukutin ng mata at isahog sa lugaw!

Naiiyak na talaga ako. Kelan ba ako papansinin ni Clyd? Aish! Bakit ko ba sya iniisip? Sya ang may kasalanan sa akin noh! Tama!

Lesson learned yan Yuri. Wag agad magtitiwala sa mga lalaki. Pare pareho lang sila. Kung nandito sana si Justin, edi sana ma-. Wait, parang alam ko na ang gagawin ko. Oo nga! Humanda ka sa akin Clyd! Kung ikaw nakakapagtaksil, pwes, ako din! Ang kailangan ko na lang ngayon ay ang the best na kasabwat. Bwahahaha!!! I'm giving you the dose of you're own medicine!

Buti na lang may load pa ako. Sana wala din silang class. Please Lord, makiayon ka po muna sa evil plan ko.

To Panda: May klase kayo?

"Ui Yuri,  bakit ka nangingiti? Sino ka text mo?" tanong ni Ashton. Lahat sila ay napunta ang atensyon sa akin at tila ba hinihintay ang isasagot ko. Nginitian ko lang sila ng pagkatamis tamis sabay sabi...

"I'ts a secret."

"Secret? Yung deodorant?" tanong ni Alex.

"Kahit kailan talaga wala kang utak Alex."
From Panda: Wala nga eh. Bakit? =)

"YEESSSS!!!"

"Luh? Nababaliw na si Yuri!!" naku bahala kayong pagtsismisan ako! Wa ako care.
To Panda: Lika dito sa dining hall dali!

"Sino kaya katext nya? Ngiting ngiti eh."

"Boylet!" sagot ko sa kanila at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsama ng mukha ni Clyd. Hah! Akala mo ha!
From Panda: Okieee!!! Punta na ako!!! ♡

Hikhikhikhik!!! Ngayon pa lang, natatawa na ako, pano pa kaya mamaya?

"Guys, punta lang ako wash room." paalam ko sa kanila at palukso luksong nagpunta na ako sa wash room. Ilang minuto lang ay lumabas na din ako. Wag kayong ano! Nagwiwi lang po ako!

Nagulat ako ng paglabas ko ay nabungaran ko ang isang lalaki sa labas ng wash room. Mukhang hindi sya mapakali dahil paikot ikot lang sya sa pwesto nya. Ohhh?! Siguro natatae sya tapos puno ng tao yung cr ng lalaki kaya hinihintay nya akong matapos para dito sya magkalat ng lagim.

"Pssttt!!!" agad naman syang napalingon sa akin at napansin ko ang butil butil na pawis sa mukha nya. Naku, baka lalabas na!

"Pasok ka na sa loob, tapos na ako." tinignan nya lang ako na parang nagtataka sya sa mga sinabi ko.

"Hindi ba natatae ka na? Okay na. Wala namang tao sa loob. I-lock mo na lang yung pinto tapos i-flush mo na lang. Wala nga palang tissue, naubos ko na. Wala ding tabo. Kung may scratch paper ka naman dyan, yun na lang gamitin mo." humakbang na ako palayo sa kanya pero agad ding napahinto ng tawagin nya ako.

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Wag nyang sabihin na pabibilhin pa nya ako ng tissue o kaya magpapabantay pa sya sa akin? Pepektusan ko talaga sya!

"A-ano kasi, g-gusto ko lang ibigay sa iyo ito." sabay abot sa akin ng heart shaped box na hawak nya. Hindi ko yun napansin kanina ah! Kinuha ko na iyon sa kanya dahil baka magbago pa isip nya. Ang ganda pa naman! Kulay pink tapos may ribbon din na pink. Transparent ang takip nito kaya naman nakita kong chocolate ang laman nito. At mukhang mamahalin dahil kulay gold yung balat ng chocolate. Pero bakit naman kaya nya ako bibigyan nito?

"Ahm, thanks. Pero, bakit mo nga pala ako binigyan ng chocolate? Don't tell me, sinusuhulan mo ako para ibili ka ng tissue?"

"H-hindi ah! A-ano kasi, may gusto ako sayo Yuri! I-idol talaga kita!" iyon lang ang sinabi nya at kumaripas na sya ng takbo palayo sa akin. Problema kaya nun? Ni hindi man lang nilinaw kung anong gusto nya sa akin. Gustong hiramin, gustong iutos, gustong hingin, gustong ipabili, gustong ewan! Dumadami na talaga ang kaso ng paghithit ng kilikili dito sa Academy. Nagsimula na akong maglakad pabalik at halos mapalundag ako sa gulat ng may bigla na lang magsalita pagliko ko sa hallway.

"Give me that fucking chocolate." nakahalukipkip sya habang nakasandal sa pader pero hindi naman sya nakatingin sa akin. Ako kaya kausap nya? Baka naman ibang tao, masyado lang akong assuming. Humakbang ulit ako palayo.

"I said, give me that fucking chocolate!" this time, napalingon na talaga ako sa kanya dahil sa intensity ng boses nya. Normal nang kulay pula ang mata nya pero may mas pupula pa pala don. Nagtatagis din ang bagang nya na tila ba nagpipigil sya ng galit. Problema ng isang to? Eh ako nga dapat magalit sa kanya diba?

"Ano na naman bang problema mo? Bakit ka ba nandito ha? Baka mamaya hanapin ka pa ni pokemon!" pero imbes na sagutin ako, kinuha nya sa akin ang chocolate. Syempre hindi ako papayag na makuha nya iyon kaya naman nakipaghatakan ako sa kanya. Ipaglaban ang karapatan ng chocolate!

"Bigay mo sabi sa akin!" sigaw nya.

"Ayoko! Akin to eh!"

"Bibigyan na lang kita ng mas marami basta ibigay mo sa akin ito!"

Jusko naman! Bakit ba napakadesperado nyang makuha ito? Don't tell me, kapag nakuha nya ito, ibibigay nya kay pokemon? Wala na siguro syang mabili na tulad nito kaya naman ako ang trip nya!

"Maryosep ka naman Clyd! Kung gusto mong bigyan ng chocolate si pokemon, wag mo namang pagtripan itong akin! Naghihirap ka na ba at hindi ka makabili ng branded na chocolate?" inis na inis na talaga ako sa kanya! Kahit ano yata gagawin nya para kay pokemon!

"Huh?"

"Look Clyd, limang piso apat lang ang flat tops, syete ang cloud nine, big bang o kaya choco mucho. Piso isa yung krim stix, choco balls tapos may tig pipiso na din na nips. Kung medyo gipit ka, pwede na yung chocobot o kaya hani. Kung wala ka talagang budget, magbilot ka na lang ng lupa wag lang 'tong chocolate ko!"

"Ano bang sinasabi mo? Tsaka hindi ako naghihirap no! Baka ikaw yun. Nananakot ng iba para lang makakain. Wag ka na kasing makulit at ibigay mo na sa akin ito! Promise, bibilhan kita ng mas marami at mas masarap!"

Waahhh! Nakakainis na talaga! Nakakapoot ka na Clyd! Tinutulak mo talaga ako sa sukdulan! Ayaw ko mang gawin ito, wala akong choice. Bahala na si Batman.

Hinila ko ng pagkalakas lakas yung chocolate at pagkatapos ay sumalampak ako sa sahig. Tinanggal ko na yung ribbon at pagkatapos ay binuksan ko na ito.

"Gusto mo talaga ito ha? Gusto mo? Sige, ibibigay ko sa iyo pagkatapos kong gawin ito!" Binuksan ko itong lahat at nang matapos ako, nilawayan ko ito ng isa isa. Sinigurado ko talagang may laway ko lahat ng chocolate. Tignan natin kung magkainteres ka pa dito. Wala akong pakialam kahit pa daan daanan ako dito.

"O, eto na! Kainin mo ng sabay sabay!" pinipilit ko sa kanyang iabot pero ayaw na nyang kuhanin. Tignan nyo nga! Kanina lang nagpapakamatay na makuha tapos ngayong binibigay ko, ayaw na nya!

"Yuck! So gross!" yun lang ang sinabi nya sa akin at iniwan na nya ako. Ibinalik ko na lang ulit yung wrapper ng chocolate para makain ko mamaya.

"Ang tagal mo yata sa cr, Yuri?" sabi sa akin ni Alex pagdating ko.

"Ah, may gusto kasing kumidnap ng chocolate ko kaya ayun, pinaglaban ko muna."

"Ano yun, choconap?"

"Alam mo Alex, minsan naiisip ko talaga na patayin kita."

"By the way Yuri, we're planning na pumunta sa amusement park. Ano sama ka? Parang group date lang." tanong sa akin ni Lira.

"Paano naman sya sasama, wala syang date? Kita nyo nang si Clyd ang partner ko." mukhang hindi ko na kailangan pang ipakilala pa kung sino ang nagsalita.

"And who told you na wala akong date?"

"Meron ba?"

"Of course! Baka nakakalimutan mo na isang Yuri Raven ang kaharap mo." tumayo ako nang makita kong papasok ng dining hall ang pigura ng lalaking kanina ko pa hinihintay. Nang makalapit ako sa kanya, agad ko syang niyakap.

"You missed me that much, eh?" 

"Makisakay ka na lang sa akin bubwit. Kapag pumalag ka, sasabihin ko kay Bea na may gusto ka sa kanya." bulong ko dito.

"H-how did you...."

"Of course I know about it. I maybe your crush but your heart belongs to her, right? Don't worry, hindi kita ibubuking sa kanya." Hinila ko na sya palapit sa table namin para hindi sila magduda.

"Guys, sya date ko."

"Anong ginagawa mo dito bubwit ka?" tanong ni Clyd sa kanya.

"Bingi lang kuya? Kakasabi nga lang nya na date ko sya."

"Upo muna tayo Clark." iginiya ko sya paupo pero may ibang bagay na nakakuha ng atensyon ko.

Nakabukas ang box ng chocolate ko at halos ilang piraso na lang ang laman. Nang tignan ko sila, nakita kong nagkalat ang wrapper at lahat sila ngumunguya pwera lang si Clyd na halatang nagpipigil ng tawa. Pinakamarami yatang nakain si Alex.

"SINO NAGSABI SA INYO NA KAININ NYO ANG CHOCOLATE KO?!" sabay sabay pa nilang tinuro si Clyd na pulang pula na sa kakatawa.

"BWAHAHAHAHA!!! Ako bakit? Pffttt! Hahahaha! Sorry, hindi ko talaga mapigilan. Hahahaha!!!!"

"Ang damot mo naman Yuri. Parang chocolate lang yan eh." sabi ni Rin na tuloy pa din sa pagnguya.

"In fairness ha, masarap! Kaso nga lang may moist na. Pero okay lang, added flavor yata yun or syrup." Oo syrup yun Lira! Laway syrup!

Hindi ko alam ang magiging reaction ko. Gusto kong mainis sa kanila and at the same time, gustong gusto ko silang tawanan.

"Bakit ayaw mo pang tikman Yuri? Masarap, promise." sabi naman ni Akira.

"Pffftt! No need Akira, natikman ko na yan lahat kanina."

"What do you mean?" sabay sabay nilang tanong.

"Bago kasi kayo kumain ng hindi sa inyo, alamin nyo muna ang history ha. Baka mamaya hindi nyo alam kung saan yan nanggaling."

"Hahahaha!!! To make it short, lahat ng chocolate na kinain nyo, pfffttt! Bwahahaha! Lahat ng iyan, nilawayan ni Yuri. Alam nyo na kung bakit may moist? Hahahaha!!!"

"YUCK!!!!" sabay sabay nilang sigaw.

Kung nakakamatay lang siguro ang pagtawa, malamang kanina pa kami pinaglalamayan ni Clyd.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 14.7K 22
There is only one RULE in this SCH0OL... UNVEIL THE MYSTERIES AND UNMASKS THE ENEMIES!!
851K 25.9K 68
Si Stella Franz ay isang typical na unemployed fresh graduate ng Advance Information Technology sa taong 473 G.E.. Due to her frustration to find a...
3M 76.4K 62
"Maitatama ba ang kasalanan pagtinago ang katotohanan?" Lucy is just a typical young adult, she's fierce, bold, smart, pretty, curious, easy going pe...
10.3K 822 42
[COMPLETED] READ GHOST SECTION BEFORE THIS. Sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaang may mawala pa. Ako ang magbabayad sa kasalanang ako mismo ang...