Way Back To You

By PlayfulEros

457K 35.1K 2.8K

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nan... More

Mensahe ni Eros
Prólogo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
LVI
LVIII
LIX
LX
LXI
LXII
LXIII
LXIV
LXV
LXVI
LXVII
LXVIII
LXIX
LXX
LXXI
LXXII
LXXIII
LXXIV
LXXV
LXXVI
LXXVII
LXXVIII
LXXIX
LXXX
LXXXI
LXXXII
LXXXIII
LXXXIV
LXXXV
LXXXVI
LXXXVII
LXXXVIII
LXXXIX
XC
XCI
XCII
XCIII
XCIV
Epílogo
Mensahe ni Eros
WAY BACK TO YOU IS NOW PUBLISHED!

LVII

3.2K 280 10
By PlayfulEros

Juliet

Nakaputing uniporme si Nino. Nakayuko siya kasama ang mga kasamahang sundalong naka-asul na uniporme habang hawak-hawak ang mga mahahaba nilang baril at riple at kani-kaniya ng mga pagputok ng baril, samut-saring putok ng mga baril ang umaalingawngaw sa paligid.

Maya-maya pa'y umalingawngaw ang napakalakas na putok ng baril at humandusay si Niño sa lapag, mabilis na umagos ang dugo mula sa tama niya dahilan upang magmistulang pula ang puti niyang uniporme.

"Tinamaan si Niño!" sigaw ng isang sundalo sa mga kasamahan niyang nakadapa nang makita ang pagbagsak sa lapag ng heneral.

Agad akong napabangon na hinahabol ang paghinga ko. Basang-basa ang likod ko ng pawis at ramdam na ramdam ko ang pagtagaktak ng malamig na pawis sa noo ko. 

"Are you alright, dear?"

Napalingon ako sa tabi ng kama ko at nakita si Ina. 

"I've come to wake you up and saw that you were having a nightm—" sabi niya at bigla ko siyang hinila at niyakap. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sa akin at kung ano ba 'tong nararamdaman ko. Sobrang nanginginig ang buong katawan ko. Sobrang uncomfortable.

"Sshhh... it's just a nightmare, sweetheart. Everything's alright." Himas ni Ina sa likod ko at somehow, I found comfort in her arms. 

Tama, panaginip lang 'yon... na parang totoong-totoo.

Nang umayos na ang pakiramdam ko ay pinaligo na ako ni Ina at pagkatapos ay inayusan. Ibang klase rin 'tong kaba ko. Pakiramdam ko talaga may masamang mangyayari. 

Bigla na namang pumasok sa utak ko ang itsura ni Niño na nababalot sa sarili niyang dugo.

Napailing-iling ako. Panaginip lang 'yon, Juliet. Alam kong blue ang suot na uniform ni Niño nang makita ko noon sa simbahan ang pagkamatay niya dati at... teka, blue ba ang isusuot niya ngayon? 

"What color will Niño wear?" tanong ko kay Ina na abala sa pag-ayos ng buhok ko. 

"Today's your wedding day, sweetheart. I am certain that he will wear white." nakangiting sagot ni Ina kaya nakahinga na ako nang maluwag nang malamang hindi blue kaya hindi pa siya mamamatay ngayon pero hindi rin nagtagal ay biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko.

White...

White ang nakita kong suot niya sa gyera noong birthday niya at white rin kanina sa panaginip ko. Posible bang nagbago na nga ang nakaraan kaya nabago na rin ang pagkamatay niya ngayon?

Nataranta ako bigla. Hindi siya puwedeng mag-white or blue! Mag khaki nalang siya!

"Please tell him not to wear white or blue." sabi ko kay Ina kaya natigil siya sa pag-aayos ng buhok ko at napatingin sa akin.

"What are you saying, Juliet?" kunot-noong tanong ni Ina.

"Please just tell him to wear his khaki uniform or wear a barong or anything, just not his white or blue uniform!" nagpapanic na sabi ko kaya naman napilitan nalang si Inang utusan si Paeng na ihatid kay Niño ang sinabi ko.

♤♤

"Ayan, maayos na, anak." saad ni Don Luis sa anak na nasa harap ng salamin sa kuwarto nito matapos ayusin ang pagkakalagay ng gintong alpiler sa may kuwelyo ng puti nitong uniporme.

Tinignan pa ulit ni Niño ang mga gintong nakalagay sa kuwelyo niya, mga simbolo sa kaniyang uniporme na nagpapakitang isa siyang heneral. Lumapit si Doña Isabela na nasa may pintuan nanonood sa kanila atsaka sinamahan ang asawang pagmasdan ang anak. Nakangiti sila pareho, bakas sa kanilang mga mata ang kagalakan sa okasyong gaganapin ngayong araw... ang kasal ng kanilang bunsong anak.

Pumasok si Padre Ernesto at agad na napangiti nang makita ang kapatid.

"Handa ka na ba?" tanong ni Ernesto sa kapatid at napangiti ito.

"Kinakabahan ako." nakangiting sagot ni Niño at pasimple na silang nagsenyasan ng kuya.

Pagkagising palang ay humingi na ito ng pabor sa kuya na lagi naman niyang ginagawa. Nakiusap siyang tulungan siyang makatakas sapagkat may nais sana siyang gawin bago ang kasal.

"Ayos lang 'yan, lahat ay dumadaan sa ganiyan pero upang mas mapakalma mo ang sarili mo ay iiwan ka na muna namin." sabi ni Ernesto atsaka humarap sa mga magulang nila.

"Ama, Ina, hayaan na po muna nating mapag-isa si Niño upang maging mas komportable siya."

Pumayag naman ang mga magulang nila kaya lumabas na ang mga ito kasama si Ernesto. Bago tuluyang isara ang pinto ay nagsenyasan pa muli ang magkapatid. Nagpasalamat si Niño sa pamamagitan ng pagbigkas ng salitang 'salamat' na walang tunog na tinanguan naman ni Ernesto bilang pagtanggap sa pagpapasalamat na iyon atsaka binigyan ang kapatid ng tingin na nagsasabing, 'gawin mo na ang kailangan mong gawin.'

Ilang segundo matapos lumabas ng pamilya niya sa kuwarto ay dumungaw si Niño sa malaking bintana at nakitang naroon na ang mga kaibigan na nakaputing uniporme rin para sa kasal niya mamaya kaya bumaba na siya mula sa bintanang 'yon.

"Ano ba kasi ang gagawin mo at kailangan mo pa siyang puntahan? Ikakasal naman na kayo mamaya, sainyo ang buong gabi." saad ni Andong at may kung ano pang malisyosong pataas-taas ng kilay nang sabihin ang huling mga salitang binitawan. 

"Kaarawan niya ngayon kaya naman nais ko siyang batiin kaagad. Dapat ako ang unang bumati sa kaniya." sagot ni Niño. Natatawang napailing-iling nalang sina Andong at Fernan sa sinabi ng kaibigan nila. 

"At isa pa... nais ko itong ibigay sa kaniya." dagdag pa ni Niño kaya napatingin ang mga kaibigan niya sa kaniya at nakita nila ang gintong relong hawak ng heneral.

"Hindi ba't iyan ang orasang binili mo sa daungan ng Maynila bago tayo sumakay ng barko pauwi rito sa San Sebastian?" tanong ni Andong.

Tumangu-tango si Niño.

"At iyon din ang araw na nakilala ko siya."

Napangiti si Andong nang marinig kung paano binigkas ng kaibigan ang huling mga sinabi nito. Tono palang ay alam na niyang mahal na mahal nga ng kaibigan ang dalagang papakasalan nito.

Sa kabilang banda, nanatiling walang imik si Fernan. Siya, sa kanilang tatlo, ang may pinakamalinaw na alaala sa mga nangyari noong araw na iyon. Bawat segundo, minuto, at oras sa araw na iyon ay nakatatak sa isip niya na pilit niyang binabalewala. Dahil iyon ang araw kung kailan siya unang nagmahal at nasaktan dahil sa pag-ibig.

Ipapasok na sana ulit ni Niño ang orasan sa bulsa niya nang may maalala siya.

"Oo nga pala, ibabalik ko rin pala ito." sabi niya at kinuha mula sa bulsa ng uniporme niya ang kulay gintong kwintas.

Nang tumama ang tingin ni Fernan sa kwintas na iyon ay hindi na niya ito muling naalis pa sa paningin niya.

"Kay Binibining Juliet iyan, hindi ba?" tanong ni Fernan na ikinagulat naman ni Andong kaya tinitigan niya nang mabuti ang kwintas na hawak ni Niño at nabasa ang 'Juliet'  na nakalagay rito. 

"Ano ang ginawa niyo at naiwan niya ang kwintas niya sa iyo?" malisyosong tanong ni Andong na may halong pang-aasar. 

"Nakita ko lang ito rito sa aming hacienda, malamang ay nahulog niya ito nang dinala ko siya sa likod ng aming tahanan."

"At anong ginawa niyo sa likod ng iyong bahay?" nakangising tanong ni Andong na malamang ay kung anu-ano ang iniisip.

"Nag-usap lang kami, Andong." natatawang sagot ni Niño atsaka pinasok na muli ang mga gamit sa bulsa at naglakad na sila.

Hindi pa nakakailang hakbang ay napahinto na rin naman agad sila sa paglalakad sa tapat ng pintuan ng kanilang mansyon nang makasalubong ang isang pamilyar na karwahe at huminto ito nang makalagpas sa kanila. 

Karwahe ito ng mga Guillermo at bumaba mula rito si Estevan Guillermo, kapwa heneral ni Niño.

Agad na tumapang ang mukha ni Niño maski na ni Andong. Tanging si Fernan lang ang nanatiling kalmado kahit pa ipinagtataka niya kung bakit napadpad dito ang kapwa sundalo.

"Naku! Ngayon nga pala ang kasal mo, hindi ba?" sambit ni Estevan na tila ba nang-aasar. 

"Bakit ka nandito?" seryosong tanong ni Niño.

"Hindi ko na rin papatagalin pa ang pagpunta ko rito. Pinapadala ka ng Señor Presidente sa timog, palitan mo raw ang heneral na nakadestino roon dahil may iba pang ipapagawa sa kaniya ang Señor Presidente." sagot ni Estevan na nakapagpakunot sa noo ni Niño. 

"Ngunit binabantayan ko ang pagsalakay ng mga Amerikano mula sa hilaga ng San Sebastian." saad ni Niño.

"At ako na ang bahala sa mga iiwan mo rito." dagdag ni Estevan sa sinabi niya kanina, mukhang nang-aasar ito at umepekto naman ang mapang-asar niyang asta sapagkat napipikon na si Niño sa kaniya lalo pa sa sinabi niyang siya na ang bahala sa mga iiwan ni Niño at hindi naman lingid sa kaalaman ni Niño na dumidiskarte itong si Estevan kay Juliet. 

"Ngayon ang araw ng kasal niya!" protesta ni Andong at saktong bumukas ang pintuan ng mansyon sa tapat nila at lumabas dito ang mga Enriquez. 

"Anong nangyayari rito?" nagtatakang tanong ni Don Luis.

"Magandang umaga, Don Luis." bati ni Estevan sa alcalde atsaka tinuloy ang sasabihin.

"Narito ako upang ipagbigay-alam sa inyo na pinapatawag ng Señor Presidente si Niño."

"Ngayon??" tanong ni Doña Isabela.

"O-Opo..." nakayukong sagot ni Estevan sapagkat alam niyang halong gulat at pagkainis ang namamayani kay Doña Isabela.

"Ngayon ang kasal ni Niño. Hindi siya maaaring umalis. No se ira!" (He will not leave!) mariing sabi ni Don Luis.

"Lo siento pero las ordenes son ordenes, Señor." (I'm sorry but orders are orders, Sir.) sagot ni Estevan at nagpaalam na.

"No te vayas, Niño." (Do not go, Niño.)  saad ni Doña Isabela sa anak, bakas sa mukha nitong alam naman niyang pupunta si Niño sapagkat tapat ito sa kaniyang tungkulin ngunit nagbabakasakali pa rin siyang mag-iba ang ihip ng hangin.

"Si me dijeron que me fuera, yo iré." (If they tell me I should go, then I shall go.) sagot ni Niño.

♤♤

Maraming salamat sa pagbabasa!

General José Cándido Alejandrino y Magdangal (December 1, 1870 – June 1, 1951)

General Benito Natividad (seated, 2nd from right), Lt. Col. José Alejandrino (seated, 2nd from left) and their aides-de-camp.

(Baka nalilito po kayo bakit Lt. Col. nakalagay sa picture, hindi pa kasi siya general niyan hehe)

Link ng article tungkol sa buhay ni Gen. Alejandrino:

https://en.m.wikipedia.org/wiki/José_Alejandrino

Follow me PlayfulEros, vote, and comment! 💙

 - E

Continue Reading

You'll Also Like

330K 2.2K 6
Books, Smarty Glasses, Braided Hair, and a fucking quiet Me. That's how they define a nerd. I mean, I agree most of the time, but not always. In my s...
28.7K 1.5K 38
She's a college girl who dream to be a successful journalist, and she can do everything for her dreams that lead her to find out her past life She di...
6.9K 347 65
Mi Amor: Until the End (Revised Edition) ENERO 1898 "Marami na akong nakasalamuhang tao pero ang swerte mo kasi wala pa ni isa ang pumant...
1M 22.4K 55
Gangster? Gangster ang mommy at daddy ko noon. Sila ang tinaguriang pinakamalakas at pinakamataas sa isang organisasyon. Ang orginasisasyong ito ang...