Group Chat (GC SERIES #1) - c...

By Vinauxx

2.5M 99.2K 115K

MYSTERY | ROMANCE | PSYCHOLOGICAL THRILLER | HORROR Group Chat tells the story about a girl, Zhavie Fuentes... More

GC 1
GC 2
GC 3
GC 4
GC 5
GC 6
GC 7
GC 8
GC 9
GC 10
GC 11
GC 12
GC 13
GC 14
GC 15
GC 16
GC 17
GC 18
GC 19
GC 20
GC 21
GC 22
GC 23
GC 24
GC 25
GC 26
GC 27
GC 28
GC 29
GC 30
GC 31
GC 32
GC 33
GC 34
GC 35
GC 36
GC 37
GC 38
GC 39
GC 40
GC 41
GC 42
(ViVis) OFFICIAL GROUP CHAT
GC 43
GC 44
GC 45
GC 46
GC 47
Axiel (1st)
GC 48
GC 49
GC 50
GC 51
GC 52
GC 54
GC 55
GC 56
GC 57
GC 58
GC 59
GC 60
GC 61
GC 62
GC 63
GC 64
GC 65
GC 66
GC 67
GC 68
GC 69
GC70
GC SHIRTS NEW DESIGNS (ON SALE)
GC 53 (CHAPTER 53)

GC 71

18.7K 869 1.5K
By Vinauxx

[Where the hell are you, Zhav?!] sigaw ni Axiel sa kabilang linya.

"Shit!" napamura na lang ako nang makita ang patuloy na pagtawag ni Axiel sa phone ko.

Patuloy pa ring tumatakbo sa isip ko ang sinabi ni Rexord kanina kung saan hindi daw ako ligtas kay Axiel at baka ako pa ang isunod na patayin niya. 

"Wait, m-malapit na ako," sagot ko kahit tanaw na tanaw ko na siya ngayon. 

Bahala na! Kailangan kong kitain si Axiel upang mapatunayan kung totoo man ang sinasabi ni Rexord pero kailangan ko ring magdoble ingat.

Sinabihan ko na lang si Rexord na makikipagkita pa rin ako kay 1st upang kahit papano ay malaman niya kung sakaling may mangyaring masama sabay delete ng chat niya sa phone ko

Hindi ko na hinintay ang reply niya dahil agad akong tumakbo papunta kay Axiel na nakabusangot ngayon ang mukha.

Baka ma-ibaon niya ako bigla sa lupa!

"Damn! Who is this beautiful creature in front of me?" Axiel giggled, staring at me from head to toe. 

"Crush mo nanaman ako, psh!" I joked. 

"You look good today, Zhav." Aniya tsaka itinaas ang off shoulder na suot ko.

Sandali akong natahimik nang dumikit ang daliri niya sa balikat ko. Tila ba'y may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko kaya patago akong napasampal sa sarili ko.

At teka! Bakit ba niya itinaas e off shoulder nga 'to? 


"I know right! I always look good," pagtataas ko ng bangko.

Isang ngiti lang ang iginawad ni Axiel na tila ba'y sumasang-ayon sa sinabi ko. 

Dapat ay kinakabahan ako dahil sa sinabi ni Rexord lalo na't kaharap ko na si Axiel. Pero bakit kalmado ang nararamdaman ko? 

I scanned him secretly. Ito ba 'yong tinutukoy ni Rexord na posibleng pumatay sa akin? Axiel was staring at me innocently, no trace of ill intention.

Is he really a bad guy? 

Axiel chuckled, "Stop staring at me, baka matunaw ako niyan."

Umirap na lang ako at napatingin sa bagong bukas tea shop sa kabilang kalsada. Napanganga ako dahil sa presyo ng promos nila na nakasulat sa malaking tarpaulin. 

"You wanna grab some, Zhav?" tanong niya nang mapansin kung saan ako nakatingin.

I pulled his arms. "Tara libre kita."

Axiel made a face. Tila'y hindi nagustuhan ang ideyang naisip ko na ilibre siya. 

"Bakit, 1st? Ayaw mo bang i-libre kita?"

"No need. Money's on me. Always." 

I shook my head, laughing. "Libre ko na, may promo naman, e."

"It doesn't matter, besides I can buy the whole shop for you." 

Umirap ako, "Yabang!" 

"Here," he said, showing his black card. 

Napanganga na lang ako nang makita ang hawak niya. Ang ending, wala na rin akong nagawa kundi pumayag sa gusto niya dahil sa pamimilit niya. 

The staff greated us as we entered Amteato. Hindi ko naman alam kung anong flavor ang gusto ni Axiel kaya pinagpili ko na lang siya sa best-sellers. 

"Axiel, Thai tea or Honey dew?" I wasn't looking at him when I asked that question. Nakadalawang ulit pa ako pero wala akong nakuhang sagot sa kaniya kaya tumingin na ako sa direksyon niya. 

Nagsalubong ang mga kilay ko nang mapansing matalim ang mata ni Axiel sa tatlong lalaking nasa isang table. Pansin kong malagkit ang tingin nila sa akin pero binalewala ko na lang.

I tugged his black polo shirt and asked, "Axiel, anong gusto mo?" 

"You." Aniya tsaka napangisi.

"Huh? Ang s-sabi ko anong gusto mong flavor," paglilinaw ko.

"Tss, ikaw nga," kumento niya.

I raised a brow, "Anong 'ikaw' nga?"

"IKAW... ikaw ang bahala." Aniya.

"Tsk, ang sarap mong kausap!"

"Hindi lang kausap." pang-iinis niya saka tumawa.

Sinabi ko na lang ang order ko sa nakatayong crew. Narinig ni Axiel ang flavor na pinili ko kaya agad siyang nagsalita.

"Not that one 'cause I hate sweets, sorry."

"O, tignan mo 'yan, tss! Sabi mo ako bahala." 

"Ang sungit naman ng misis ko." Paglalambing niya tsaka hinawakan ang balikat ko. Magsasalita na sana ako pero bigla niyang hinigpitan ang hawak niya sa balikat ko.

"Hoy, Axiel! Anong ginagawa mo?" bulong ko.

"Kasama rin ba sa trabaho mo ang titigan ang misis ko?" Malalim siyang tumingin sa lalaking crew, "I know she's beautiful but fuck, stop staring at my girl if you don't want to lose your eyes."

Muling kumunot ang noo ko habang pabalik-balik ang tingin kay Axiel at sa crew. Kung gaano katalim ang tingin niya sa tatlong lalaki kanina ay mas matalim pa sa crew na kaharap namin ngayon.

Alam kong kanina pa tumitingin 'yong crew sa akin lalo na sa balikat ko, pero dedma lang ako. 

"Sorry, sir," kinakabahang tugon ng crew.

"Kuya, pagpasensyahan mo na 'yon, hehe!" bulong ko matapos lumabas si Axiel dahil biglang may tumawag sa phone niya. 

The crew spoke, "Girl, hindi kita type, 'no! Napatingin lang ako sa'yo kasi iniisip ko kung anong gayumang ginamit mo para ma-inlove sa'yo boylet mo. Siya bet ko at 'yang off shoulder mo!"

"Ah... hehehe," I akwardly laughed.

"Tss! Ilang minuto lang ako nawala," inis na sabi ni Axiel mula sa likuran na ikinagulat ko matapos maibigay ng babae ang order namin. 

Agad kaming dumiretso sa kotse niya matapos makalabas sa tea shop. Hindi ko maintindihan ang timpla ng mukha niya ngayon, parang mananapak na lang bigla.

"Anong problema mo, 1st?" usisa ko matapos niya akong pagbuksan ng pinto. 

"Tss, naiinis ako!" he sounded like a kid. "Lalo na sa suot mo."

"What kind of temper you have? Pati ba naman 'tong suot ko inaaway mo?"

"No. I mean.." he sighed deeply. "Nevermind."

"Excuse me? Hate ka rin niya 'no! Bakit gusto—" 

"Tss, daldal. Let's go." 

"Saan ba talaga tayo?" Pang-apat na tanong ko na sa kaniya iyon, hanggang sa sumagot siyang bibilihan daw niya ako ng top dahil ayaw niya raw sa suot ko. Bakit? Gusto ba siya ng suot ko? Feeling siya, ah!

Bumaba kami sa isang mukhang mamahaling clothing store. Pagpasok namin ay agad siyang binati ng mga crew na tila ba'y kilalang-kilala na siya roon. Dumiretso kami ng Women's wear at agad siyang naghanap doon. 

"Here, I think kasya sa iyo ito." Ibinigay sa akin ni Axiel ang pink na top. It was simple and cute, tali pa sa likod.

Magaling naman siyang pumili ng damit. Gusto ko rin 'yong kulay, pero hindi naman na niya kailangang gawin 'to. 

Hanggang manlaki ang mata ko matapos makita ang presyo ng damit.

Ano? Halos limang-libo? Saan ba gawa tela nito? Sa balat ng dinosaur?!

"Mahal, hehe," sabi ko at ibinalik ang damit.

"Ako? O yung damit?" Nagtatakang tanong ni Axiel.

"Siyempre 'yong damit, kailan ka pa naging mahal?"

"Ah, I thought.." napatigil siya sa pagsasalita at kinuha ang ibinalik kong damit. "

Tumango na lang ako sa request niyang iyon na ang isuot ko kaya patakbo akong pumasok sa dressing room dahil baka masipa na talaga ako palabas ni Axiel.

Infairness, bagay sa akin ang damit. Saktong-sakto, sobrang cute pa, hihi!

"That's better," he said, smiling.

"Thanks, hehe." Hinintay ko lang siyang makapagbayad sa cashier hanggang sa makalabas kami.

"Wear everything, except this, okay?" aniya saka itinapon sa basurahan 'yong kaninang suot ko.

My face was sad, "Bakit mo tinapon!? Sayang 'yon."

"I told you already, wear anything except off shoulders because it's like a trigger for me, and I might explode anytime. I just don't want those stares, baka mabulag lahat ng tao ngayon."

"Huh? Anong pinagsasasabi mo?" 

Hindi ko ba iyon naintindihan dahil English o mahirap lang talaga siyang intindihin?

"I can protect you, Zhav. You can wear whatever you want, except that top. Your shoulder is such an eye candy. I'm not controlling you on what you wanna wear, it's just that.. ito ang unang matinong araw na kasama kita. I'm trying to control myself not to hurt those bastards who keep on looking at your shoulder like they wanna undress you. You know my temper."

"Pft! Hahahaha!" I can't help not to laugh as I stared at his innocent face like a kid who was about to throw tantrums. Ang cute niya talaga tuwing nagiging madaldal siya.

Shit! Sinabi ko talagang cute siya?


Knowing Axiel's patience and temper, I understand his point and why he acted this way. May protective side pala 'tong lolo niyo! Protective in a way that he doesn't want to hurt people because he was trying to consider me, and I guess he knows that I don't want anyone to get harmed.

Axiel really did his best to restrain himself dahil kung hindi, sa tingin ko kanina pa siya nakipagsapakan.

"Oo na. Gets ko na! Mas mabuti na 'to kaysa makipagsapakan ka. Tingin mo pa lang kanina halos pumatay ka na, e."

He spoke in a low voice, "I don't mind killing someone for you."

"Huh?"

"Wala! Sabi ko ang ganda mo."

"Alam ko naman 'yon, hehe. Anyway, iyong misis pala, totoo ba 'yon? Naalala mo iyong sinabi mo kanina? Misis mo ako?"

"Mister kita," pang-aasar niya. "Oh! Is that cotton candy?"

"Oo, gusto mo?" Tumingin ako sa itinuro niya at ngumiti nang may maalala.

"Nah. I told you, I hate sweets," he answered.

"May naalala tuloy ako sa cotton candy, hehe."

Axiel's voice was shy, "This is my first time going out with a woman, to be honest.. I don't really know what to do."

"Sus! Hindi naman siguro 'to date, 'di ba?" Napatigil ako sa paglalakad.

"Pft! May gusto ka bang puntahan?" he then continued sipping his drink.

"Kapag ako nagtatanong, hmp! Teka, maghahanap ako sa phone ko."

"Just give me the name or direction ng ano..." he stopped while glancing at my phone. 

Naguluhan kaagad ako sa sinabi niya kaya muli akong nagsalita.

"Direksyon? Ng? Saan?" 

"To you heart." Sagot niya tsaka tumawa.

"Saan 'yong to your heart? Ngayon ko lang narinig 'yon ah. Ay wait! Hanapin ko sa Google map," sagot ko saka sinearch ang to your heart habang papunta kami sa kotse niya.

Axiel let out a sigh, "Nevermind. Let's just eat para naman magkalaman 'yang utak mo. Where do you want to eat?"

"To your heart." Sagot ko.

"Oh f*ck. Zhav, s-stop." Saad niya.

Nag-angat ako ng tingin, "Haaa? Bakit naman stop?"

"Because you're giving me heart attack. Uh, uh, i think i'm going to die. Sh*t." Saad niya tsaka hinawakan ang dibdib at umakting na kunware eh mamamatay.

Pilit akong ngumiti sa mga taong nakatingin sa amin. Ako ang nahihiya sa patuloy na ginagawa niya kaya  nauna na akong naglakad.

"Hey! Zhavie! Wait!" 

Ilang segundo kaming tahimik na naglakad papunta kung saan nakapark ang kotse niya, hanggang sa magbanggit siya ng mga pamilyar na high-end restaurant na posible naming kainan.

"Ayoko sa mga binanggit mo masyadong mahal.. saka hindi pa ako gutom."

"Uh huh, but it's already 5 pm. Where do you want to go, then?"

"Punta tayo ng peryahan," sagot ko matapos niya akong pagbuksan ng pinto. 

"What the f*ck is peryahan?"

Natawa na lang ko nang makita ang reaksyon niya.

Rhea's POV

"Huwag na! Salamat na lang, Blaster! Magpapasagasa na lang ako!" reklamo ko.

"Go on! Gusto mo edi magtawag pa ako ng sasagasa sa'yo. Tss!" Inis na sabi niya habang nagbabangayan kami sa loob ng kotse niya.

"Pwede namang ikaw na lang, bwisit!" umirap ako.

Halos sampung minuto nang nakahinto ang kotse dahil sa traffic kaya maglalaro raw muna siya sa phone niya. Kanina lang niya ako nagawang pansinin, galit pa!

"Eh bakit kasi ngayon pa? I'm starting to rank up my--uh! Bullsh*t! Rank game yun! I'm playing Rhea! I'm playing!"

"Isakripisyo mo naman 'yang isang araw na hindi makapaglaro! What if I die tomorrow? O kahit nga ngayon, e! Sina Axiel nagde-date na, e tayo?"

"Wala! Magkasama lang sa loob ng kotse tapos inaaway mo 'ko," he answered, pouting.

"Tss! Nakaka-inggit! Napakamanhid mo talaga, kainis ka!" 

"Axiel and me are different. Zhavie and you are different. They're different, we are different! Stop acting like a child, Rhea."

"Wow! Ako pa ngayon? Oo na! Gusto ko lang naman gumala dahil bagot na bagot na ako sa dorm. Alam kong ayaw mo akong i-date! Maglaro ka hanggang gusto mo, bababa na ako! Matalo ka sana, gago!"

"Where are you going?!" he shouted.

"Evahn will be my new date! Tutal nasa Mall siya ngayon. Ge! Salamat ha!" Inis na sagot ko sabay sara ng malakas sa pinto.

Sarap basagin ng pinto, lalo na mukha ng may-ari!

"Who the f*ck is that f*cking Evahn!?"

"None of your business, Mr. Pheorez! Maglaro ka na!" agad akong tumalikod. Bumusina pa siya ng tatlong beses pero hindi na ako lumingon, bahala siya diyan!

I saw Evahn's Facebook story earlier kaya alam kong nandito siya sa Mall kung saan kami naabutan ng traffic. Lagi ko siyang nakakalaro noon sa isang online game dahil magkasama kami sa dati kong clan. 

"Wassup, Lexi!" said Evahn, holding a shoe box. 

"Nakabili ka na?" Nakangiti kong tanong kahit badtrip pa rin ako dahil kay Blaster.

"Yeah, who's with you?" Naglakad siya papalapit sa akin.

"I'm alone. Iyan na ba napili mo? Patingin."

Nakangiti naman niya itong binuksan at inabot sa'kin.

"Hayop! Ang angas ng bagong kicks, ah!"

"Do you want to eat? Don't worry, since you're beautiful right now, it's my treat. Please join me, I'm hungry," ngumiti siya.

Ang pogi rin ngumiti, jusko! 

"Tang'na! Right now lang talaga ako maganda? Pero sige na nga. Saan ba tay—" napatigil ako sa pagsasalita nang may biglang may umakbay sa akin.

"I don't think Rhea can join you because the two of us are going on a date right now," said Blaster, smiling at me.

"Pinagsasabi mo?" bulong ko at kinurot ang tagiliran niya.

"Sorry darling, I'm a bit late." Muli siyang ngumiti na para bang walang nangyari kanina.

I whispered again, "Ulol! Anong trip mo?!"

He chuckled, "Naghintay ba ng matagal ang Lexi babe ko?" Pinisil niya ang pisngi ko.

Shit! Kikiligin ba ako o maiinis?

"Lexi, do you know him?" asked Evahn.

"Lexi? Talaga lang, ah. Tss, ako lang may karapatang tumawag sa kaniya 'yan, bro." Humarap sa akin si Blaster at inilapit ang mukha kaya napapikit ako, "Come on, I'm hungry. I badly want to eat you, I mean, I want to eat your favorite."

Hindi na ako nakapagpaalam kay Evahn dahil loading pa rin ang utak ko ngayon habang hinihila ni Blaster ang kanang kamay ko.

"Hoy! Anong Lexi babe ka riyan? Akala ko ba ayaw mong makipagdate sa akin?" bulyaw ko nang mapatigil kami sa paglalakad.

He asked innocently, "Kailan ko sinabi na ayaw kong makipagdate sa'yo?"

"K-kanina!" napangusong sagot ko.

"Kanina 'yon, hehe. Saan mo gustong kumain?" Bakit ang sexy ng boses? Nakakaasar!

"G-gago." Pucha, kinikilig ako.

"Sus! Huwag mo nang pigilan 'yang kilig mo baka maihi ka, saka next time kung may iba kang i-de-date pumili ka naman ng mas pogi kaysa akin, nakakawala ng respeto, e."

"Ha? Bakit naman?" Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.

"Mukhang pagong na tinorture 'yon, e! Pumili ka naman ng maayos. It's kinda disrespectful, tignan mo naman 'tong kapogihan ko." Nagpogi sign pa ang kupal.

"Anong pagong na tinorture ka diyan?  Pogi nga ni Evahn, e."

"Tss! Bumalik ka na doon. Doon ka na sa kanya! Choo! Layas! Alis! Uuwi na ako!"

"Gusto ko sa'yo, e! Siyempre mas pogi ka, gago! Alam mo namang ikaw pinakapogi sa paningin ko, e."

Shocks, ang rupok ko.

"Ayan! Let's go darling eat na kita. I mean tayo pala. Eat na tayo hihi!" Malanding sabi niya tsaka hinawakan ang kamay ko. Ahhh! Holding hands while walking.

"Sige. Eat me. I mean, eat na tayo."

"Eat mo 'ko, darling." Napakindat niyang sabi tsaka naglipbite.

I laughed, "Gago kadiri!"

"Masarap naman, haha! Ginutom ako kaya ako bumalik. Nakita ko kasi 'yong tarpaulin ng chicken joy at sakto nakita kita, ayoko namang kumaing mag-isa."

I crossed my arms, "Sinabi ko bang mag-explain ka?"

"Hindi, pero baka kasi nag-assume ka na binalikan kita kaya huwag ka nang umarte diyan, gutom na talaga ako baka ikaw talaga makain ko kaya tara na!"

Humawak sa kanang kamay ko sabay aya sa aking tumakbo.

Shit! Holding hands while running. Kilig ako! 

Zhavie's POV

"Ahh! Huhuhu! Ahhh!" Sigaw ko dahil nasa horror train kami ngayon at takot na takot ako samantalang si Axiel ay nakapoker face lang.

"This sh*t is so boring," he said, wearing a straight face. Siya lang ata 'yong taong hindi sumisigaw sa loob ng horror train ngayon.

Lalo akong napakapit sa kanya dahil sa sobrang takot. Hanggang sa may bumulagang multo sa harapan niya. "F*ck off. Rexords face is more scary than you." Saad neto.

"Sino? Ah! Huhuhu!" sigaw ko nang bigla akong hinawakan ng white lady o kung anumang multo 'yon.

He shouted, "Rexord nga, bingi!"

Bagot na bagot siyang lumabas matapos tumigil ang horror train. Buti nga napilit ko siyang pumunta rito, e. Halos kalahating oras din kaming bumiyahe upang makapunta sa peryahan na 'to.

"Doon naman tayo sa octopus! Hihi!" masayang sabi ko at hinala ang braso niya.

"How much is the ticket? Ako na ang bibili," tanong niya. Ako kasi ang bumili ng ticket sa horror train kanina.

"40 pesos isang ticket," I answered quickly.

"Give me two tickets." Saad neto sa nagbebenta ng ticket at inabot ang 1k.

"Wala kang barya sir?" Masungit na tanong ng lalaki.

"I don't have. Kung mayroon man hindi isang libo ang ibibigay ko, common sense, please."

"Nagtatanong lang, e." Irita niyang kinuha 'yong pera.

"I know. You asked and I answered your question, tss."

"Ay, kuya ito na lang hehe." Iniabot ko ang 80 pesos sa lalaki. Baka magsapakan pa kasi silang dalawa, e.

"Ang sungit ng boyfriend mo. Baka di kayo niyan magtagal. Hiwalayan mo na."

"Pray for it. Dahil kung nagtagal kami. Katawan mo paghihiwalayin ko." Saad ni Axiel. Hinila ko naman siya dahil baka gumawa pa ng gulo.

"Anong kapag nagtagal tayo? Hindi pa nga tayo, Axiel."

Mukhang hindi niya narinig 'yong sinabi ko kaya hinayaan ko na lang at nagsalita ulit, "Axiel, nakakatakot 'tong ride na 'to, hehe."

"Sinabi mo na 'yan kanina sa horror train. Tss! Mukhang pang batang rides 'to e," sagot niya habang paupo kami.

Wala nanamang emosyon ang mukha niya habang nakaupo kami. Hanggang sa pabilis nang pabilis 'yong octopus. Nagulat ako sa biglang pagsigaw niya.

"Ahhh! F*ck! Stop! Stop this thing! Ahhhh sh*t!"

"Hahaha! Pangbata pala, ah!" I teased. Nakakatawang pagmasdan ang bawat reaksyon ng mukha niya kaya agad ko itong kinunan ng video.

"Fuck this shit! Stop! Fucking stop! Or else I'll kill you! Stop this, motherf*cker!" sigaw niya sabay tingin sa baba.

"Sa tingin mo ba maririnig ka? Hahahaha! Woaaaah!" Itinaas ko ang kamay ko dahil sa saya.

"Fuck!!!" Puro lang siya sigaw at mura hanggang matapos ang ride.

Gulong-gulo ang buhok niya nang makababa kami. Nabanggit niya na ata lahat ng mura sa mundo.

"Where is that f*cking—" Bigla ko siyang pinigilan at hinila papunta sa ferris wheel. Susugurin niya talaga 'yong lalaki? Jusko!

"Dito na lang tayo, hehe. Kalma ka lang!" I advised.

"And what the f*ck is this sh*t again?!" Pagrereklamo niya.

"Hindi nakakatakot 'to, hehe." Umirap lang siya at bumili ng dalawang ticket.

"This is so fcking high," sabi niya nang makaupo kami.

"Mukha kang ano.. never mo pa talagang nasubukan 'to noong bata ka?" seryosong tanont ko.

"Yeah. Never. My childhood memories was boring. My father and I were always fighting, and my mother was really sick kaya laging akong mag-isa."

"Wala kang ibang pinsan na ka-close o kaibigan na kalaro mo noong bata ka?" In-interview ko muna siya dahil hindi pa naman nag-uumpisang gumalaw 'tong ferris wheel.

"I had, pero si Blaster lang, but of course may mga kaibigan siya bukod sa akin 'cause he's different, he's friendly. He introduced me to his friends, especially Rexord."

"Ah.. kaya pala sobrang close niyo, magkakaibigan na pala kayo simula bata pa kayo," nakangiting sabi ko.

"To be honest, ayoko sa mga tao noong bata pa ako, and I guess until now? Well.. maybe, you know, sometimes it feels suffocating, pero nasanay na rin."

"Hmm, introvert ka gano'n? Nga pala, paano mo nakilala si Rexord?"

"Schoolmate siya ni Blaster sa dati niyang school before he transferred to my school," he replied.

Natigil kami sa pag-uusap nang biglang umandar ang ferris wheel. I-nenjoy lang namin ang lamig ng hangin at tanawin sa baba.

"O, I can see the whole view here," nakangiti niyang sabi habang inililibot ang paningin nang umandar ang ferris wheel.

Now I can see his pure smile. Ang rare, at sobrang weird sa feeling, pero mukhang sa piling tao niya lang ipinapakita 'yong ngiting 'yon. His eyes were very happy, mukhang ang lungkot niya kasi palagi. Ibang version ni Axiel ang nakikita ko ngayon.

"Sabi sa'yo, ganda 'di ba? Hehe!" I laughed.

"Yeah, it is indeed beautiful," sagot niya habang nakatingin sa akin, "And I can't stop looking..."

"Huh? E, ba't sakin ka nakatingin?"

He smiled, "Because you're beautiful like those stars in the sky. Sobrang... ganda."

Ano raw? Dinedma ko lang ang sinabi niya dahil hindi ko gets at hindi ko gaano narinig. Nagtanong na lang ulit ako ng puwede pang itanong.

"Axiel, 'yong mga ibang gc members, kilala mo ba?"

"I'm hungry," aniya nang tumigil ang ferris wheel. "I want to cook, gusto mong pumunta sa place ko? I'll cook for you."

"Baka ako ang iluto mo niyan, ha?" biro ko habang pababa kami.

"You're not even yummy, tss! O, shit. Be careful!"

Muntik na akong madulas, mabuti na lang at nasalo niya ako. Sana pati puso ko masalo, charot!

"Try me," pang-aasar ko.

"Iluluto kita?" he asked, smirking.

"Hindi, kainin mo 'ko."

I pressed my lips together, iniiwasan kong tumawa o ngumiti habang nakatingin sa kaniya dahil sa biro ko.

"Hmm, d-do you really want me to eat to you?"

"Choice mo," I answered, laughing.

He laughed softly and pinched my cheeks, "I won't eat you, saka na kapag kasal na tayo."

I slapped his shoulder, "Naks! Ikaw na winner!"

"Pero pwede rin..." he grinned as he licked his lower lip.

I looked up at him, "Puwede ring ano?"

"Puwede rin kapag pinilit mo 'ko.. kakainin talaga kita." 

"Leche ka, haha!" I slapped his shoulder.

"Pft! Bibiro lang, e. Tara na?" kinuha niya ang kaliwang kamay ko.

"Saan tayo?" I asked, pero sa kamay kong hawak niya ako nakatingin.

"My house, of course."

"E-eh?!" napakunot na lang ang noo ko nang bigla siyang tumawa na parang may ibang iniisip at agad ding nagseryoso nang huminto kami sa kotse niya.

"Zhav, are you from Paris?" he asked, rubbing his chin.

"Huh? Hindi, bakit?" 

"Ahh, I thought you were from Paris, because..."

"Banat ba 'yan? Hehe! Because? Dali! Huwag na pabitin."

"Because Eiffel for you." Nakangiti niyang sabi. "Will you marry me?"

Napakatakip ako ng bibig dahil sa tanong niya, "J-Joke ba 'yan?"

"Yeah. How did you know? Hahaha!" Paghagalpak niya ng tawa. "Tara na nga sa bahay baka mapakasalan pa talaga kita ng wala sa oras. Ang cute mo, kainis." Aniya tsaka kinurot ang magkabilang pisngi ko.

A/N
#SANAALL

Continue Reading

You'll Also Like

159K 4.1K 28
Ikinagulat ng buong mundo ang muling pagbabalik ni Johan. Ang inakala nilang bayaning nag-alay ng buhay para sa pagkakaisa at kapayapaan ay muling gu...
3.2K 1.3K 26
"A murderer who killed a lot of murderers." - SEA_GM DONT READ THIS IF YOU ARE AFRAID OF THE DARK.
120K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...