LADY ELAFRIS HALE
Nagkaroon kami ng pag-asa nung sinabi ni Fabian na may recipe pa siya ng antidote. Agad siyang tumayo at may kinuha mula sa tambak niyang mga libro.
"I can't believe it. maliligtas natin sila mama" sabi ni Blake. His eyes were shining like there was a glimpse of hope there. Masaya ako para sa kanila and I'm going to help them by hook or by crook.
"Yes!" masayang sabi ni Fabian at pinakita saamin ang isang makalumang papel, nagkukulay dilaw at sira-sira na ito sa gilid, halatang dinaanan na ng panahon. He started to search for it in the pages and suddenly gasped
"Here it is!" masaya niyang sabi. "The elixir of wake, ginawa ito ni Deux bago niya ako pinalayas sa bahay niya, along with the other recipes that could be useful."
"So, ano ang mga kailangan?" tanong ni Jayden, mukhang interisado siya sa paggawa since it's his expertise. Mabilis na nagbasa si Fabian at tumango-tango
"I have all the ingredients except one"
"Ano? para makuha namin, we need to make this as soon as possible" hindi maitago ni Ash ang kanyang kasiyahan. I know they all feel the same, kahit si Aiden ay hindi maitago ang munting ngiti.
"Well, kailangan ng isang uri ng halaman." He squinted his eyes para mabas ito "Ah! yung rosemarius " pinakita niya saamin ang larawan, mukhang ordinaryong mga dahon lang naman ito
"saan yan makukuha?" tanong ni Kaylie, napaisip si Fabian "meron sa tabi ng ilog di malayo dito"
mas lalo kaming sumaya, this will go smoothly, excited na akong magising sina tita Lean and I know Aiden will be so happy about it.
"Ako nalang kukuha" sabi ko, galing narin naman ako sa ilog kaya madali lang ito para saakin "Pero madilim, paano malalaman kung tama na yung kinuha ko?"
"Ang rosemarius ay mahiwaga. It's also known for its beauty during the night. pag umaga ay kulay bierde ito pero pag gabi ay nagiging kulay-lila ito, kumikinang at nagliliwanag"
tumango ako, maybe the herb that I'm supposed to get isn't really ordinary.
"Habang kinukuha niyoang rosemarius ay sisimulan na namin ang paggawa para pagdating niyo ay paglagay ng huling sangkap."
"Samahan na kita" akmang kukunin na ni Kaylie ang kanyang sapatos nang pinigilan siya ni Ash
"No, it's too dangerous if two of you go, not to mention that you're girls" sabi ni Ash, nakita kong namula si Kaylie kaya tahimik akong napangiti
"Just-just because we're girls doesn't mean we're weak!" naiinis na sagot ni Kaylie at nagkunyaring masama ang tingin kay Ash, na siyang huminga ng malalim
"okay, okay let's just say na hindi dahil mga babae kayo. You're still weak and you can't control your ability yet"
"I'll go with her" Aiden stepped out of the crowd, he was looking intently at pagkatapos ay iniripan ko siya. I hate how he thinks I'm his girlfriend, hindi pa ako nag 'oo'
They gave us meaningful smiles, tiningnan ko naman sila ng masama pabalik.
Geez, these people never know how to quit.
Bago paman kami makaalis, nilapitan ako ni Fabian at nginitian ng matamis, tinaasan ko siya ng kilay. Bigla akong kinutuban ng masama.
"You are who you are Elafris. Someone that gives light to other people, Where you came from will never define your future."
--
"Tama na ba 'tong dinaan ko?" bulong ko sa sarili habang hinahawi ang mga halaman na sumasagi sa mukha ko. Mas madilim na kaysa kanina at hindi na ako sigurado kung tama ang dinadaanan ko.
"Turn to your left" Aiden told me silently. Lumingon ako sa kanya at tiningnan siya
"I know where to go, trust me" pagbuntong hininga niya. I looked at him weirdly at sinunod ang sinabi niya. To my surprise ay tama pala ang pinagsasabi niya.
Paghawi ko muli ng mga halaman ay bumungad saamin ang napakaraming Rosemarius sa gilid ng ilog. Maliwanag at maaliwalas ang kapaligiran. You could see the reflection of light in the water.
The Rosemarius lightened the surroundings. Ngayon ko lang napansin na ito palang ang inuupuan namin ni Tyler kanina. Agad akong lumapit at tinitigan ang kakaibang halaman
Umaapaw ang kagandahan ng halaman sa madilim na kapaligiran nito. Kasabay din nito ang mga alitaptap na sumasayaw palibot dito. Everything looked so magical.
"Pretty isn't it?" Hindi ko namamalayan na tumango na pala ako sa sinabi ni Aiden. I was too absorbed in looking at the magical plant. bigla akong natauhan at kinuha mula kay Aiden ang basket.
"Kailangan na nating magmadali para matapos na ni Fabian ang potion" tahimik kong sabi at nagsimula ng pumitas
"I'm sorry if I blamed you earlier. I was just scared and shocked" tumingin ako kay Aiden, puno ng lungkot ang kanyang mga mata habang sinisinagan ng ilaw ang kanya mukha. Napakaamo nito, I wanted to touch his gentle face but I stopped before I actually did it.
"Hindi naman kita masisisi eh." Tipid akong ngumiti "If something similar happened to my mom I would've felt the same thing"
If my mom was in the same situation and I find out that the guys that I like is connected to who did this, I would be heartbroken. Hindi ko siya masisisi kung ganoon ang naiisip niya.
"This should be enough" sabi ko habang hawak ang basket na may nagliliwanag na halaman. Tumayo ako at inayos ang suot ko
A warm hand pulled my arm and hovered me in his hug. Di ako makagalaw dahil sa gulat
"A-adien" bulong ko. walang boses na lumalabas sa bibig ko, I was too taken aback. He hugged me tighter, bigla akong nanlambot. He was warm and he smelled good, naririnig ko rin ang pagtibok ng puso niya. I can't help but feel relaxed under his hug.
"You know that I like you right? You know that whatever happens I'll be here for you right?"
Napangiti ako at napapikit, kumalma ang isip at puso ko sa yakap niya. He felt so warm. I like him too, I like him so much that it hurts.
"H-hindi tayo pwede" My voice cracked trying to say those words. I want to make you happy, I want to like you back pero hindi pwede. Hindi dapat.
He pulled away from our hug at tiningnan ako ng maigi, he looked irritated and hurt
"Why? Am I not enough? I promise I'll do anything for you!"
"Hindi kasi ganon! I can't be with you! I carry the blood that harmed your parents! Nandoon ka! I did horrible things to you! I'm a monster!"
Napatigil siya at namuo ang galit mula sa mga mata niya
"But that doesn't define you remember?! I don't care who your family is! I don't care where you came from or-or if your grandfather made potions and spells for bad people! I like you okay?! I like you for who you are!"
I cried even harder, I just wanted to be happy with him but why did it have to be me.
"No! You don't freaking understand! If I break---If I break and Eris comes out tapos tayong lahat! You should know better! I killed a monster with my bare hands! Kaya kahit anong sabihin mo walang mangyayari! Nothing will work!"
"How can you say that If we won't try?!"
My breath hitched. Patuloy parin ang pag agos ng mga luha ko, I'm crying so much these days. It's pathetic. Dati-rati I won't even drop a single tear, ngayon halos isang balde na ang iniiyak ko.
"Please stop" mahina kong sabi "Whether it will work or not wala paring mangyayari. I don't even have feelings for you" I told him coldly.
Tiningnan niya ako, puno ng sakit at galit ang ang kanyang mga mata. Lumapit siya sa akin pero mas lumayo ako sa kanya hanggang nabangga ang likod ko sa puno.
"Aiden hindi kita gusto. Ayaw ko sayo kaya please" nahihirapan kong sabi sa kanya. Hindi ako makahinga sa sobrang lapit niya.
Kumunot ang noo niya at umiigting ang panga niya, I know he wanted to shout at me, get angry with me at tatanggapin ko iyon. I couldn't love someone who I hurt, It's just toxic.
"Liar" bulong niya. Mabagal ngunit malalim ang bawat paghinga niya, puno ng pagtitimpi ang ekspresyon niya sa mukha. Napakagat labi ako. I tried to reached his face.
"Aide--"
Pareho kaming napalingon kung saan kami nakarinig ng pagsabog. May itim na usok kung saan nakatayo ang bahay ni Fabian. Napatigil kaming dalawa at nagkatinginan.
Mabilis kong kinuha ang ilang pirasong halaman at mabilis kaming tumakbo papunta sa kanila.
Please, sana nananaginip lang ako.
--
END
Facebook Acct: Daybreakue
Fb page: Daybreakue WP
Fb Art page and Art Shop: Daybreakue
Twitter: Daybreakue