Loving a Weirdo [Shuyin Trilo...

By senyoritayvi

9.7K 378 7

Shuyin Trilogy (I): Laging tahimik, blangko ang mata, weird umasta, pero ako'y napaibig niya. ⏫Rank: #11 in... More

Prologue
1st Chapter of Destiny
2nd Chapter of Destiny
3rd Chapter of Destiny
4th Chapter of Destiny
5th Chapter of Destiny
6th Chapter of Destiny
7th Chapter of Destiny
8th Chapter of Destiny
9th Chapter of Destiny
10th Chapter of Destiny
11th Chapter of Destiny
12th Chapter of Destiny
13th Chapter of Destiny
14th Chapter of Destiny
15th Chapter of Destiny
16th Chapter of Destiny
17th Chapter of Destiny
19th Chapter of Destiny
20th Chapter of Destiny
21st Chapter of Destiny
Chapter Break (Another POV)
Chapter Break (Another POV) Part 2
22nd Chapter of Destiny
23rd Chapter of Destiny
24th Chapter of Destiny
25th Chapter of Destiny
26th Chapter of Destiny
27th Chapter of Destiny
28th Chapter of Destiny
29th Chapter of Destiny
30th Chapter of Destiny

18th Chapter of Destiny

195 12 0
By senyoritayvi

18th Chapter of Destiny

Nakaupo ako ngayon sa forum ng University. Mag-isa lang ako. Si Shaniah kasi may pinuntahan, eh tinatamad akong sumama kaya nagpaiwan na lang ako dito. Nakaub-ob lang ako sa mesa habang naka-earphone. Nakapikit din ako. Hindi ko na muna iniisip si Zethe. Magkikita din naman kami nun mamaya kasi nagyaya na naman si Raven. What I'm bothered about is my brain dead brother... At yung nangyari kahapon sa ospital...

X X X X X FLASH BACK X X X X X

Sa wakas ay nakipag-usap na nang maayos si Rexodus kina papa at mama. Nandito siya ngayon sa ospital para harapin sila. For your info, hindi kasi siya nakatira kasama namin. Sa ibang school siya nag-aaral because he does not want to have Roises around. Baka daw kasi malito yung mga tao. Syempre! KAMBAL sila eh! -__- So yun, sa lola namin nakatira si Rex.

"Pa. Ano ba talaga nangyari? Hindi ko kasi kayo maintindihan nung tumawag kayo last week." Yes. Last week pa tumawag si papa sa kanya pero ngayon lang siya pumunta dito. -___-

"Rex. Ang kambal mo... He's brain dead." Malumanay na sabi ni papa. Si mama naiiyak na naman habang nakaupo sa tabi ni Roises.

"What?!" Tinitigan ni Rex si Roises. Roises is sleeping, of course. With machines and apparatuses attached to him. "B-Bakit??!" Rex kind of dislikes Roises but sa nakikita ko ngayon, he's shocked and worried...

"Yes, Rex. He is brain dead. Respirator na lang bumubuhay sa kanya..." Malungkot na sabi ni mama...

"And alam mo na yung tungkol sa fiancee niya. Her dad, my boss, is the one who is currently handling all our hospital bills here..." Napahawak si papa sa hospital bed... "At kapag umatras ako sa usapan namin tungkol kay Roises, he might also back out sa deal na babayaran niya yung bill natin dito--which of course, will result to..." Papa sighed... "Your brother's total death..." Napahikbi na si mama sa tabi.

"Please, Rexodus, wag mong hayaang tanggalan ng respirator itong kapatid mo..." Umiiyak na pakiusap ni mama kay Rex. Nakaupo lang ako sa couch habang nakikinig sa kanila.

"Pero ma! Alam niyo namang hindi ko ugaling makipagcommit sa babaeng hindi ko kilala! Lalo na sa babaeng mamamatay na!" Malakas at pwersadong sagot ng kapatid ko. Shhh... Wala talagang manners.

"Anak! Pakiusap! Kahit ngayon lang, maging selfless ka naman..." -Papa

"Selfless, pa?! Eh paano nga ako?? Pag naging fiancee ako nun, at pag ikinasal kami, paano ako, pa??"

"Hindi pa kayo ikakasal, Rex. Underage kayo kaya nga fiancee lang muna!"

"Eh anung silbi, pa??! Bakit kelangang ako pa maging fiancee niya??! Paano ako? May girlfriend ako! At yun ang pakakasalan ko! Yun lang pwedeng maging fiancee ko! Ayoko sa babaeng yun--"

"Hihintayin na nga lang natin na mamatay siya, Rex!" Sigaw ni daddy. Napatingin kaming lahat.

"What?!" Gulat na tanong ni Rexodus.

"A-Anung hihintaying mamatay, G-Gael?" Nanginginig na tanong ni mama.

"Sabi ng boss ko, the doctor told them na hindi na aabot sa edad na 18 yung anak niya... Right now, she's 16. Two more years na lang siyang mabubuhay."

"Two years akong magtitiis, pa?! Para ano?! Para lang patuloy na buhayin ng respirator yang kambal kong yan?! Brain dead pa! BRAIN DEAD! No matter what you do, hindi na siya gigising--!"

*SLAP!!*

Oh my Gosh... Sinampal na siya ni papa. Dapat lang! Sa mga sinabi niya, kulang pa yung sampal! -__-

"Gag* ka ba, Rexodus Orion?!" Tumayo ako. Makikisali na nga ako dito.

"Ate?" Gulat niyang reaksyon. Ngayon lang kasi ako sumigaw ng ganito sa kanya.

"Hindi, KUYA! TANGA ka ba?! Bakit? Gaano ba kabait at kaganda yang girlfriend mo ngayon?! Bakit mas pinipili mo pa siya kesa sa kapatid natin?! HA?! Ano ba nagawa ni Roises sa'yo bakit insecured na insecured ka sa kanya?! Ikaw lang naman yung nagtatanga-tangahan dito eh! Walang FAVORITE sina papa at mama! Ina-acknowledge lang nila kung sino yung mabuti! Bakit di ka magpakabait para naman mapansin ka! Hindi yang nagrerebelde ka!!" Galit na galit talaga ako!

"Ryen Eve--" Saway sana ni mama pero hindi ako papaawat!

"Hindi ma! Sobra na tong lalaking to eh!" Dinuro-duro ko si Rexodus. Biglang-bigla talaga siya sa ginagawa ko ngayon. "Ano?! Ha?! Uunahin mo lang naman pala yang kalandian niyo kesa sa pamilya mo edi ngayon pa lang tanggalin na natin yung respirator ni Roises!" Lumapit ako at hinawakan ko yung buzzer na ginagamit para tawagin yung nurse. "Oh?! Pipindutin ko na 'to para sabihin sa nurse na tanggalin na 'tong respirator!! Tutal mas gusto mo rin naman palang mamatay na lang kapatid natin kesa magsakripisyo ka kahit ngayon lang eh!!" Naiyak na rin ako... Kapag napapatingin ako kay Roises at bigla akong napapatingin kay Rexodus, parang iisang tao lang talaga sila. Parang si Roises lang din yung inaaway ko... Tae naman. ='(

"Ate..." Hinawakan ni Rex yung mga braso ko. Si papa at mama natameme na lang...

"Rex naman eh..! Pwede namang maging kayo pa rin ng girlfriend mo kahit fiancee ka na nung babaeng yun! Kung mahal ka niya, iintindihin niya yun!!" Sigaw ko habang umiiyak...

Rexodus wiped my tears at niyakap niya ako...

"Tahan na, ate... Gagawin ko na... Payag na ako... Tahan na... Sorry na..." Mahina niyang sabi sa'kin... Nakahinga naman ako nang maluwag dun... 

X X X X X PRESENT X X X X X

Basta yun yung nangyari. At yun yung nagawa ko para pumayag siya. Kahit ganun ka rebelde yun, mahal ako nun...

"Pssst wuy--oh? Ba't umiiyak ka???" Gulat na tanong ni Roseff sabay upo sa harap ko. Hindi ko siya pinansin. "Uuuy??" Inalog niya ako.

"Ano ba Roseff, kita mo nang umiiyak tatanungin mo pa kung bakit."

"Worried lang!"

"Echosero ka rin noh? Ano kelangan mo?" I wiped my tears tsaka ko siya hinarap.

"Upload mo yung pictures na nakuha mo kanina sa IT ha?" Nakangiti siya. I rolled my eyes tsaka ako umub-ob ulit.

"Whatever, Roseff Jeim." Sarcastic kong sagot.

"Ano ba nangyari? Sino umaway sa'yo, aawayin ko rin!" Hinagud-hagod niya likod ko. Napapaiyak pa rin ako.

"Shuttup Roseff." I sighed.

"Ito naman concern na nga yung tao!" Tinulak niya ako kaya muntik akong masubsob sa lupa! Buti na lang at nahila rin niya ulit ako pabalik... Pero O___O... N-Nasobrahan yata siya sa paghila sa'kin k-kasi... Napasubsob ako sa leeg niya! Nagkayakapan pa kami ha!! -_____-

Agad akong umayos sa pagkakaupo!

"S-Sorry!" Sabi agad niya.

"O-Okay lang. Ano ba yan!" Inayos ko buhok ko... Sh*t nakakahiya... Ang awkward.

"Tss. Sige na nga lang pupunta na ako sa room natin. Alis na ako ha, baka naistorbo lang kita." Ginulo niya buhok ko tsaka siya umalis. T____T  AWKWARD...

"Hahahaha!" May hayop namang lumapit sa'kin habang tumatawa! "Ano yun? Sino yun?"

"KRESTAN?!" Gulat na gulat kong sabi! Nakita niya?! Oh no!

"Oh bakit? Haha-- Teka? Namamaga mga mata mo ah? Umiyak ka ba? Boyfriend mo yun?" Ang daming tanong nito ah?

"Julius Babao? Ikaw ba yan? Daming tanong ah?" Pamimilosopo ko.

"Hasus, ayaw pang umamin-- oh naluluha ka pa rin oh. Hiniwalayan ka na ba niya?" I don't know if he's joking or what pero wala akong ibang maramdaman kundi yung lungkot dahil sa kalagayan ng pamilya ko ngayon. Umiiyak pa rin ako... "Uy? Bakit??"

"Wala..." Yumuko ako at pinunasan ko yung mga luha ko.

"Yung totoo? Bakit ka umiiyak?" Sumeryoso naman agad siya.

"Family problem..." Malungkot kong sagot sabay buntung-hininga.

"Ahhh... Tsk... Sorry, wala akong maitutulong diyan... It's your family na kasi at it's personal na..." Hinagod na lang niya nang marahan yung likod ko... Feel na feel ko naman!

"Okay lang..." Nanginginig kong sagot sa kanya...

"Tahan na, Ryen..." Malungkot din boses niya. Ano to, gaya-gaya? Y__Y

In fairness, medyo nacocomfort niya ako sa hagod-hagod niya sa likod ko... Nanaig ang katahimikan habang patuloy niyang ginagawa yun... Humihikbi-hikbi lang ako habang nakayuko...

"Excuse me." May nagsalita bigla. Hindi yun boses ni Krestan ah? Lumingon ako.

O___O

"Zethe?" Gulat na tanong ni Krestan. Si Zethe! Hindi niya pinansin si Krestan. Nakatitig siya sa'kin.

"Pwede ba tayong mag-usap, Eve?" Seryosong tanong ni Zethe sa'kin.

"H-Ha?" I faced him na talaga. Kanina kasi medyo nakayuko pa ako.

"U-Umiiyak ka pala--S-Sige, di bale na lang..." Yumuko siya at tatalikod na sana pero bigla akong nagsalita.

"Hindi, okay lang! Sige, usap tayo." TARA! USAP TAYO! :'-D  ❤ Tumayo ako.

"Sigurado ka? Ryen?" Tumayo rin si Krestan at hinawakan niya yung balikat ko.

"Tara, Eve..." Hinawakan naman ni Zethe yung wrist ko. OMG!!! *@_@* ❤

Yung ibang mga estudyante sa forum nakatingin na rin sa'min. No, no, they must have misunderstood this! Hinila ako ni Zethe pero hinigpitan ni Krestan yung hawak niya sa balikat ko. Nagkakatitigan na sila ngayon.

I feel some tension! Gosh! Ang awkward naman nito! Anung problema ng mga 'to?!

"Eve." Seryoso pa rin at kalmado si Zethe.

"Ryen. Akala ko ba may problema ka pa?" Cool na tanong ni Krestan.

"Eve?" Sabi ulit ni Zethe. Yun bang parang hinihintay lang niya yung sagot ko at wala siyang pakialam sa sinasabi ni Krestan.

"Krestan, sama na muna ako kay Zethe ha?" Lumapit ako kay Zethe kaya natanggal yung pagkakahawak ni Krestan sa'kin. 

"Okay. Una na'ko..." He smiled at us bago siya umalis.

Hinila na naman ako ni Zethe papunta sa Grand Stand ng University. Kami lang yung nandun. Umupo ako... Shocks nanginginig ako!

"May mahalaga lang sana akong itatanong sa'yo, Eve..." Umupo si Zethe sa tabi ko.

"A-Ano yun, Zethe..?" Kinakabahan kong tanong.

"M-May boyfriend ka ba..?" Parang kinakabahan din yata siya.

*O___O* Natahimik ako. B-Boyfriend? Bakit siya n-nagtatanong?!

"W-Wala! B-Bakit??" O___O Gusto mo rin ba ako?? Waaah!

"Kasi..." Kinagat niya labi niya... Ang cuuutee! Nakanganga lang ako habang nakatitig sa kanya... He's not looking at me in the eyes.

"Kasi ano, Zethe..?" 

"Eve..." Bahagya niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko.... 

*Lub-dub! Lub-dub!*

Nag-iinit mga pisngi ko dito! Heellpp! *___*

"Z-Zethe... A-Anung...--"

"May gusto ka ba..." He sighed. Nagdadalawang-isip siya sa idadagdag niya... 

Oo Zethe. Gusto kita. May gusto ako sa'yo... Do you feel the same way?? Please confess it now! Yan lang hinihintay ko.

"Kay Ven..?" Dagdag niya--

WHAT?! Tinatanong niya kung gusto ko si Ven?! That's ridiculous!!

"Ano?!" Gulat kong reaksyon. "Bakit mo naman naisip yan?!" I am so disappointed! Pero tama kutob ko! Feeler nga si Ven! 

"N-Nagtatanong lang--"

"Hindi ko siya gusto! At hinding-hindi ko siya magugustuhan!" Tumayo ako. "Sabi ko na nga ba't yan yung iniisip niya. Kung makatingin siya sa'kin ganun-ganun na lang! Pwes, Zethe! Tell him he's wrong!" I took my bag at tumalikod. "And you're wrong, Zethe." Mahina kong sabi. Aalis na sana ako pero hinawakan niya yung kamay ko.

"Bakit nagalit ka agad, Eve? Nagtanong lang naman ako." I stared at him pero BLANK FACE pa rin talaga siya! O__O Kelan pa ba magbabago expression ng mukha nito?? 

"Kasi nga mali eh! Ayokong ganun!"

"Anung mali? Anung ganun?"

"Na iniisip niyong gusto ko siya!" Oh gosh my emotions are so unpredictable! Sobrang naiinis ako na nalulungkot na ewan! Di ko ma-explain!

"Hindi naman--nagtanong nga--"

"Tama na nga yan. Basta yun yung sagot. Hindi ko siya gusto, Zethe. Hindi talaga."

"Oh sige. Mag-usap na lang ulit tayo pag wala ka nang pinagdadaanan..." He sighed...With a blank face.

"Sige. Tara na." Nauna akong maglakad. Nakasunod lang din sya sa'kin habang nakapamulsa. Hindi na siya kumibo ulit. Nakatungo na lang din siya.

Tsk! I am so embarrassed of what happened. Nag-expect na naman siguro ako. Yun pala yun. Lang'kwenta... Alam kong mali yung naging reaksyon ko but I don't regret what I did. Mabuti nang nalinaw ko ang lahat. I just hope Zethe didn't get scared of me... Haaay. Malas. Nagkausap nga kami ng private, wala namang nangyari. Still no progress. Tsk. =/

Continue Reading

You'll Also Like

535K 12.1K 51
Tyler Lee. Gangster. Cold, mayabang, arogante, hot, gwapo, habulin ng mga babae, walang respeto sa babae, pero pagdating sa kaniyang pamilya ay hindi...
7.4M 202K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
263K 4.9K 41
Love is like basketball... First, you learn the fundamentals. Second, you play by the rules. Lastly, you do it with your HEART! - Board of wisdom