Group Chat (GC SERIES #1) - c...

By Vinauxx

2.5M 100K 117K

MYSTERY | ROMANCE | PSYCHOLOGICAL THRILLER | HORROR Group Chat tells the story about a girl, Zhavie Fuentes... More

GC 1
GC 2
GC 3
GC 4
GC 5
GC 6
GC 7
GC 8
GC 9
GC 10
GC 11
GC 12
GC 13
GC 14
GC 15
GC 16
GC 17
GC 18
GC 19
GC 20
GC 21
GC 22
GC 23
GC 24
GC 25
GC 26
GC 27
GC 28
GC 29
GC 30
GC 31
GC 32
GC 33
GC 34
GC 35
GC 36
GC 37
GC 38
GC 39
GC 40
GC 41
GC 42
(ViVis) OFFICIAL GROUP CHAT
GC 43
GC 44
GC 45
GC 46
GC 47
Axiel (1st)
GC 48
GC 49
GC 50
GC 51
GC 52
GC 53
GC 54
GC 55
GC 56
GC 57
GC 58
GC 59
GC 60
GC 61
GC 62
GC 63
GC 64
GC 66
GC 67
GC 68
GC 69
GC70
GC 71
GC 72
GC SHIRTS NEW DESIGNS (ON SALE)

GC 65

22.3K 1K 2.7K
By Vinauxx

Rhea's POV

Fuck! Fuck! Fuck! Sana nananaginip lang ako ngayon.

My hand's still trembling as I read the message from a dummy account. Malakas ang kutob kong si Zhavie ang tinutukoy niya kaya agad akong sumagot.


Sino ka????

Hindi ako sinuka.

Wala akong panahong makipaglokohan sayo!
Kasama mo ba si Zhavie?!

Yes ;)

Anong ginawa mo sa kaniya?!

Chill.
Bitch, wala pa akong ginagawa.

What a beautiful name, fucktard.

Do you want to
save your friend?

How can i save her?
Huwag na huwag mo siyang sasaktan!

It depends.
I want you to kill someone.

Bakit ako papatay?!

To save your friend.

Gago ka ba?!
Ikaw na lang patayin ko.
Tara! Nasaan ka ba?!

Bago mo pa ako
mapatay, patay ka na.


Gago ka! Subukan mo lang talagang saktan yang kaibigan ko!

At kung sinunod ba kita makasisigurado
ba akong ligtas at pakakawalan mo si Zhavie?!

Hmm. Maybe? Hahaha!
Your bitch friend is useless, why are you wasting your time para tulungan siya? For friendship? Ew.

Don't call her a bitch, she's not like you! Ikaw ang useless dito gago! 
Anong ginawa ni Zhavie sa'yo para gawin mo ito?!

She's a bitch! Mas malandi pa sa akin!
That's why she deserves to die. Can i kill her now?

Napakalandi? Babae ka?
At sino namang nilalandi niya?!


Marami. She's everyone's favorite.
Lahat na lang.


Tangina sobrang babaw ng dahilan mo para patayin siya!


Ang daldal mo! If you want to save your friend. Kill Stacey Fuentes, her cousin. Goodluck. :)

Stacey?! Ni hindi ko nga kilala 'yon. Wala na bang ibang paraan?
Nasaan ka ba? Paano ko malalaman na safe si Zhavie?


This is the only way.
Magsesend ako ng video niya mamaya. Chat ya later. Mwa!



Sunod-sunod akong napamura matapos niya akong i-block. Hindi ko tuloy siya matawagan!

"Shit. Wala na akong choice kundi gawin 'to." Hinanap ko kaagad ang pangalan ni Axiel sa Messenger dahil kailangan ko ng tulong niya. Ewan ko kung tama ba itong desisyon ko ngunit ito lang ang naiisip kong paraan.

Siya lang ang puwede kong lapitan, si Blaster nga sana kaso ayoko munang magparamdam sa kaniya dahil hindi naging maganda ang pagtatapos nang pag-uusap naming dalawa.


Rhea Lexi Lambojo

Axieeeeel! Zhavie is in danger right now. Sabi sa akin ng dummy account na nakausap ko kasama raw niya si Zhavie.

Rhea Lexi Lambojo
Please help me. Hindi ko na alam gagawin ko, kinuha siya ng kung sinong tarantado.

Axiel Axiel
How much?

Rhea Lexi Lambojo
Ha? Anong how much?

Axiel Axiel
The ransom.

Rhea Lexi Lambojo
Ransom? Seryoso ka? Mukha bang bata at mayaman si Zhavie para kidnapin with ransom? Hindi yun ang gusto niya.

Rhea Lexi Lambojo
Sasabog na ulo ko pucha! Alam mo ba sabi nung kidnapper? Kailangan ko raw patayin si Stacey Fuentes para mailigtas si Zhavie.

Axiel Axiel
Stacey? F*ck! Si 18th???

Rhea Lexi Lambojo
18th? Member sa GC?

Axiel Axiel
Yeah. She used Zhavie as her exchange member when she left.

Rhea Lexi Lambojo
Shit. Speechless. Pero bakit? Anong kinalaman ni Stacey? Tsaka bakit kailangang ako ang pumatay. Ikaw nalang kaya pumatay, Axiel? Hehe. Baka naman.

Axiel Axiel
Where's Zhavie?

Rhea Lexi Lambojo
Aba malay ko? Wala pang sinasabi 'yung kidnapper, pero babae siya.

Axiel Axiel
May nakaaway ba si Zhav?

Rhea Lexi Lambojo
Wala alam mo namang mabait yun. Langgam nga pinagsisihan niyang patayin. Paano na 'to? Anong gagawin ko? Hindi ko kilala si Stacey, paano ko siya mapapatay?

Axiel Axiel
Really? You will kill 18th???

Rhea Lexi Lambojo
Hindi ko alam.. pero yun lang daw ang paraan para maligtas si Zhavie. Ewan ko kung kaya kong pumatay ng kung sino lang.

Axiel Axiel
Woah. How i wish may kaibigan akong katulad mo that is willing and ready to kill anyone para mailigtas ako.

Rhea Lexi Lambojo
Di mo na kailangan ng ganun kasi kaya mo naman sarili mo.

Axiel Axiel
I have no idea where Stacey is. Can you send the link of that dummy account? I'll try something.

Rhea Lexi Lambojo
Sure sige. Pero what if magkita na lang kaya tayo ngayon?

Axiel Axiel
Now? Hell no.

Axiel Axiel
Nasa labas ka pa ba? Go home, gabi na. Leave this to me, ako na ang bahala.

Rhea Lexi Lambojo
Ayuko. Hahanapin ko siya at mas mapapadali 'yun kapag magkasama tayo.

Axiel Axiel
Where are you?


"Lecheng 30 minutes 'yan! Nasaan na ba iyong Axiel na iyon?" sigaw ko sabay sipa sa batong nasa harapan ko.

Malilintikan talaga siya sa akin kapag hindi niya ako sinipot!

Hindi ako sigurado kung paano ko siya napapayag na tulungan ako, siguro dahil alam niyang malapit ako kay Blaster o talagang naaawa lang sa akin. Gusto ko ring isipin na nagiging malapit na sila sa isa't isa ni Zhavie kaya siya sumang-ayon ngunit mukhang malabo iyon dahil palagi silang aso't pusa kung magtalo. 

Muli akong napatingin sa phone ko. Sabi niya nakasuot daw siya ng itim na sweatshirt, basta all-black daw pero wala naman akong nakikitang lalaking mukhang a-attend ng burol dito.

"Hala, gago! Siya na kaya 'to?" bulong ko sa sarili nang makita ang walang emosyong lalaking napakamulsang naglalakad papunta sa direksyon ko.

I locked my gaze on him for a few seconds until our eyes finally met.

He said if we noticed each other, we should raise our middle fingers as a signal. Alam kong makikilala niya kaagad ako dahil alam naman niya ang mukha ko, pero paano naman ako?

Paano kung hindi pala si Axiel ito? Baka mapaaway pa ako kung bigla akong mamakyu.

Well may pagkakahawig sila ni Blaster. Isa pa, siya lang naman ang nakasuot ng all-black dito.

Aish! Bahala na!

Nakatingin pa rin ako sa kanya ngayon. Hindi ko siya mapakyuhan ano ba yan bakit ang gwapo? Pogi ba lahat ng Pheorez sa mundo? Napasampal naman ako sa sarili ko upang matigil ang pagpapantasya ko sa kanya tsaka siya pinakyuhan. Napangiti naman siya ng makita ako at pinakyuhan din ako gamit ang dalawang middle finger niya.

"Wassup." Aniya tsaka nakikipag fist bump sa akin.

"Grabe naman iyang 30 minutes mo, inabot ng isang oras!" reklamo ko, pero titig na titig pa rin ako sa kaniya.

"Why? Sanay ka namang maghintay, right? I guess you're already immune," he spoke sexily.

"Tss, kupal!" umirap ako. Personalan na ba 'to? 

Infairness, ang lamig ng boses niya. Sobrang kalmado, iyong tipong aakalain mong walang anger issues!

My attention was drawn to the tattoos on his forearm. Ang angas! Bagay sa kaniya lalo na't ang puti niya.

Ang pogi tangina, ewan ko na tuloy kung sino mas gwapo sa kanila ni Blaster.

Kinuwento ko na lang muna sa kaniya ang lahat nang nangyari at ipinakita ang buong usapan namin ng dummy account na nag chat sa akin bago siya tanungin sa posibleng maging plano. 

"What about the video? Any update?" he asked, still looking at my phone.

"Oo. Mukhang hindi pa naman niya sinasaktan si Zhav. Wait... heto," sabi ko at hinanap ang video.

"Zhav? The fuck?" He asked. Nakakunot pa ang noo niya.

I nodded, "Oo. Zhav... Zhavie."

"How dare you to call her Zhav?!" Aniya tsaka ako nilakihan ng mata.

"Huh? Bakit bawal ba?" ako naman ang sunod na napakunot ng noo.

"YES." Pagdidiin niya.

"Ha? Bakit? May utos o batas bang bawal ko siyang tawaging Zhav?" 

"Yeah, my rule," he answered.

Sasagot pa sana ako pero agad niyang hinablot ang phone ko at inumpisahang panuorin ang video kung saan nagsasalita si Zhavie. 

Huhuhu. Live video ba yan? Huwag mo ngang higpitan 'tong tali sa kamay ko ang sakit sakit na. Mas masakit pa sa feelings kong hindi magustuhan ni Lander. Pero sino ka ba? Magpakita ka nga! Mukha kang shunga habang naka face mask may sakit ka ba?

"Tss! Lander again," ani Axiel, mukhang badtrip.

"Lander iyong crush ata ni Zhavie," dagdag ko.

"Shut up, 22nd."

Wow! Bakit parang kasalanan ko?


Kahit ganiyan na nangyari
sa iyo, lumalandi ka pa rin, 'no?
What a bitch!!!

Weh? Spell bitch. Dali spell bitch hehehe.



"What the f*ck? Hahaha! Jesus Christ! May panahon ka pa para magbiro, Zhav." pagtawa ni Axiel.

Dapat na ba akong matakot dahil tumawa at ngumiti si Axiel? Mukha siyang ewan, pareho na sila ni Zhavie!


Pinaglololoko mo ba ako?

Hehehe di mo alam spelling? Nag aral ka ba? Ang spelling ng bitch ay, Y O U. bobo hehe.

Don't try me, Zhavie!
Baka masampal kita.

Sige basta sa left ha huwag sa right. I look good kasi sa pictures kapag naka right side hehehe.


"Cute." Axiel reaction was priceless habang nakatingin kay Zhavie sa video. Tangina baliw na ba 'to?


Manahimik ka! Ise-send ko na 'tong video

kay Rhea, your friend.

Huh? Teka! Teka! B-bakit siya nasali dito?
Huwag mong idamay si Rhea dito! B
akit mo ise-send sa kaniya?!

Hmm.. ililigtas ka raw niya but before doing that,
kailangan niyang pumatay.

Baliw ka ba? Sa tingin mo ba kayang pumatay ni Rhea?! 

Umayos ka! Kung may problema ka sa akin, huwag ka mandamay ng iba!

Ang lamig lamig dito pero pinaiinit mo ulo ko!


Pft! Ang tapang mo pa rin, ha. Well.. let's see.


"Malamig? Wait! Mukhang ice plant itong lugar na 'to, tignan mo 'yong mga nasa likod ni Zhavie," saad ko nang mapagtanto ito.

His eyes narrowed, "Huh? I can't see, it's too dark."

In-adjust ko kaagad ang brightness ng phone ko upang makita niya ang tinutukoy ko.


Hoy, gaga! Sino namang ipapapatay mo sa kaniya?

Kung sino ka man umayos ka nga! Baka makulong ka pa.


And now you're concerned? Pft!
Hmm, your cousin. Stacey Fuentes.

S-stacey? Bakit si Stacey?!


Ang dami mong tanong! Ayan magsalita ka na, sabihin mo
lahat ng gusto mong sabihin kay Rhea. Time starts now!


Rheaaa! Huwag mong susundin itong loka lokang 'to ha?

Huhu huwag mong papatayin si Stacey, kahit ganun siya mahal ko 'yon.


Sabay kaming lumaki kaya please.. hayaan mo na lang ako.
Kaya ko 'to, at ayaw rin kitang mapahamak.

Maraming nangyari sa akin kanina tapos bigla akong kinuha ng loka lokang 'to! Nasa banyo lang ako tapos bigla akong nilapitan, magkaamoy pa nga sila ng pabango ni Dev--


"Fuck!" pagmumura ni Axiel nang biglang maputol ang video.

Patuloy na naging blangko ang isip ko kaya si Axiel muna ang nag-isip ng mga posible naming gawin upang mahanap si Zhavie. 

"Pero paano 'yan? Ang daming ice plant dito," tanong ko habang palabas kami ng bus station.

"Don't worry I will call my connections..." sandali siyang napatigil sa paglalakad kaya napatigil na rin ako. "You know what.. her voice is really familliar."

Agad akong napalunok dahil sa kaba.

"Sinong tinutukoy mo?"

He replied, "The one who kidnapped Zhav.. and who's Dev anyway?"

"Dev? Hmm... wait. Wala naman akong kilalang.. ah! Si Devon!" saad ko nang maalala ang babaeng bumisita sa unit ni Zhavie.

"Who's she?"

"Friend ni Zhavie, magkaklase sila," agaran kong sagot.

"Let's go," he said and continued walking.

"Saan?" patakbo akong sumunod dahil sa malalaking hakbang niya.

"Devon. Do you know where she is? Her house or some informations about her?" he replied without looking at me.

"Hindi pa ako nakakapunta pero alam ko iyong lugar kasi nakuwento sa akin ni Zhavie," hingal kong sagot.

"All right. Let's go there, then."

Napatigil kaagad ako sa paglalakad at napanganga nang makita ang dala niyang itim na big bike. Ang pogi, grabe! 

Bumalik lang ako sa wisyo nang marinig kong tawagin niya ang pangalan ko kaya lumapit kaagad ako sa kaniya.

"Wear this." Inabot niya sa akin ang helmet at inumpisahang i-switch ang motor.

"Paano ka? Wala kang helmet," sabi ko bago umangkas sa likuran.

"I can handle myself."

"Sana all! Ay.. pucha! Axiel naman!" Muntik nang mahulog ang puso ko sa kaba nang bigla niyang paandarin ang motor, napayakap tuloy ako!

"Masyadong mahigpit, luwagan mo lang baka mabugbog ako mamaya," I heard him chuckled.

"Huh? Bakit? At sino namang gagawa nun sa iyo?" 

"Blaster," he said, laughing.

Bakit nasama rito iyong hinayupak na iyon? Ewan ko tuloy kung kikiligin ako!

Hanggang sa hindi ko namalayang kusa na palang lumipat sa likuran ang mga kamay ko at doon na lang humawak.

Ayokong ngumiti pero masyadong traydor itong labi ko! Kusang nag stretch, pucha!

"Isumbong mo sa akin, ako bahala sa kaniya. Miss ko maka-pisikalan iyong kupal na iyon, e. Lagi kasi siyang nagpapatalo sa game!"

"Miss mo... siya?" he teased.

Ano ba 'yan, nagsisisi na tuloy ako sa sinabi ko! Halos ilang minuto tuloy niya akong inasar kay Blaster!

Hindi ko alam na may pagkamadaldal pala itong lalaking ito pagdating sa asaran! Pareho sila ng pinsan niya.

"Itigil mo na riyan," utos ko nang makarating kami sa labas ng eskinita malapit sa lugar nina Devon.

Nauna akong bumaba sa motor, napakamulsa naman siyang sumunod sa akin habang hawak ang mga helmet sa magkabili niyang kamay.

Ilan lang ang mga bukas na ilaw kaya medyo nakakatakot ang daan lalo na't malalim na ang gabi, ngunit may mga gising pa ring nakatambay sa labas kaya sa kanila na lang ako nagtanong dahil mukhang hindi naman mauutusan si Axiel na gawin iyon. 

"Ikaw na kumatok," utos ko kay sa kaniya nang makarating kami sa isang bahay na itinurong babae kanina. 

Axiel made a face, "Why me? Ikaw na, malapit ka na sa pinto, e."

"Tss!" Wala na akong nagawa kundi kumatok at hintaying may lumabas.

Ilang segundo ang lumipas bago kami sagutin ng isang matandang babae. Sa tingin ko hindi naman namin siya masyadong na-istorbo sa pagtulog dahil mukhang hindi pa niya nagagawa iyon. 

"Pasensya na ho sa istorbo.. pero puwede bang magtanong?" panimula ko. 

Tumango naman ang babae at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

"We are looking for Devon," ani Axiel kaya sinundan ko kaagad ng tanong kung nasa loob ba siya dahil hindi siya makontak.

"Bakit niyo siya hinahanap? Kaano-ano ano niya kayo?" the woman answered, almost a whisper.

Axiel, "Friend."

"Classmate!" Napapikit na lang ako nang hindi magtugma ang sagot naming dalawa.

"Uh... kaklase niya ho kami at kaibigan na rin. Same block kami nina Zhavie," I lied, smiling. Sigurado naman akong kilala niya si Zhavie dahil madalas siyang bumisita rito noon.

"Kanina pa wala si Devon, h-hindi ko rin siya makontak."

"Ganun ba? Kaano-ano niyo ho ba si Devon?" usisa ko.

"Pamangkin."

"Puwede ho bang i-update kami kung sakaling makauwi siya rito? May importante lang ho kaming sasabihin," saad ko sabay bigay ng number ko. Pumayag naman siya at kokontakin na lang daw ako sa oras na makabalik si Devon.  

We decided to stop at a convenience store for a while because Axiel said he was thirsty and I needed to smoke.

"Blaster is asking my location," he said before he drank the soda.

Agad akong napatigil sa pagsindi ng hawak kong sigarilyo dahil sa sinabi niya.

"Ano namang isinagot mo?" 

"I just turned on my GPS," tipid niyang sagot.

"Sinabi mo bang kasama mo ako?" tanong ko sabay buga ng usok habang nakaharap sa kaniya.

"Isang buga mo pa ng usok sa mukha ko. I will fucking break your neck." Maawtoridad niyang sabi.

"Pft! Sorry ho, Sir! Pero ano nga? Sinabi mong kasama mo ako?" kabado kong tanong.

Matagal ko na siyang gustong makita pero hindi ko alam kung bakit biglang umaatras ang sarili ko ngayon sa kaniya.

He gave me a nod, "Wait.. I'll call him."

"Gago?!" Agad kong naitapon ang sigarilyo dahil sa sinabi niya. "Huwag mo siyang tawag-"

"Shut up."

Wala akong nagawa kundi umirap na lang at huwag magsalita nang umpisahan niyang kausapin ang pinsan niya.


"Hey, yeah. I'm still with her right now... Zhavie is missing. Yeah. You're with Rexord? Nice. I want you to find something. Nah, magpasama ka kay 10th."

[Teka! Teka! Sinabi mo ba kung nasaan ako? Jusko! Papatayin ako ng babaeng 'yan!] rinig kong sigaw ni Blaster.

Axiel's eyes went wide when I suddenly grabbed his phone.

"Hoy Blaster! Talagang papatayin kita! Si Rhea Lexi 'to. Bablock mo pa ako, ha! Puputulin ko kinabukasan mo, grr!"

[Bullshit! Narinig ako ampotek, Axiel!]

"Ignore her. Are you listening to me? Afer this samahan niyo ako ni Rexord. I need a hand, asap."

[Sure sure, 10th here at your service! Yuhooo makikita ko si 22nd sa personal sa wakas, hehehe.] pagsingit ni Rexord.

I spoke again, "Ayaw kitang makita, 10th!" 

[Ako gusto ko, e. Hahaha! Ack! Aray naman, kumpadre! Bakit mo sinapok ulo ko? Huhu! Heto na nga o, ibibigay na!]

[What kind of help, my cousin?] si Blaster naman ang sunod na nagsalita.

"Find some ice plant businesses around the area, asap. And don't forget to update me," utos ni Axiel.

[Ayieeeh! Axiel my lord, bakit kaya gusto mong iligtas si Zhavie? Naku! Lover boy!]

"Shut up, 10th! I'm just doing this because Rhea needs my help!"

"Kahit si Satanas hindi sasang-ayon sa sinabi mo, Axiel. Kilala kita, in love ka na ba? Binata na talaga ang pinsan ko.] Blaster teased him, laughing.

"At may panahon ka pang tumawang ugok ka! Hoy Blaster! Nawawala ang kaibigan ko kaya tumulong na lang kayo. Wala namang mawawala kung tutulong kayo, 'di ba?!"

Rexord answered, [Ang sakit naman sa tainga ng boses mo, 22nd. Para kang si Mommy, pero parang ikaw din 'yong mapapangasawa ko.. ehehe biro lang iyon, kumpadre! Pucha! Aray naman! Mapapatay ata ako ng maaga dito, makalabas nga muna. Ah, aray! Sorry na huhu!]

"Sige mamaya na lang. Thank you, Axiel," paalam ko nang ihatid niya ako sa dorm.
Napagdesisyunan ko kasing umuwi muna at mamaya na lang magkita matapos naming puntahan ang tatlong malalapit na ice plant. Masyado kasing delikado ang lagay ni Zhavie at siguradong mahihirapan kami kung wala kaming konkretong plano.

Kailangan ko ring makapag-isip ng tahimik at ihanda ang sarili ko sa mga posibleng mangyari kaya mas maganda kung sapat ang lakas ko dahil nanghihina pa rin ako sa ewan kong dahilan.

Kanina pa pabalik-balik ang tingin ko sa phone habang nasa kama, umaasang makakatanggap ulit ng mensahe mula sa dummy account na iyon.

"Sana ligtas si Zhavie," sabi ko bago ipikit ang mga mata ko.

Si Axiel ang unang pumasok sa isip kong kausapin nang magising ako dahil kailangan kong kumuha ng balita sa kaniya. Ngunit hindi ko inaasahang sa iba pa ako makakatanggap ng chat! 

At kay Blaster pa talaga! 

Napasuntok na lang ako sa unan nang mabasa ang unang mensahe niya.

Blaster Pheorez
Hi. Good afternoon.

Rhea Lexi Lambojo
Bakit???

Blaster Pheorez
Wala man lang bang good afternoon diyan?

Rhea Lexi Lambojo
Wala! Walang good sa afternoon lalo na't ikaw bumungad sa Messenger ko.

Blaster Pheorez
Galit ka pa ba? Sorry na.

Rhea Lexi Lambojo
Anong sasabihin mo? Bakit ka nagchat?

Blaster Pheorez
Answer my question muna hehe. Are you galit pa rin po?

Rhea Lexi Lambojo
Huwag mo 'kong daanin sa pag ganyan mo. Kung dati nadadala mo ko sa ganyan ngayon hindi na!!!

Blaster Pheorez
E bakit ka galit? Nagtatanong lang naman ako ah. :(

Rhea Lexi Lambojo
Anong sasabihin mo? Dali! Marami pa akong gagawin at magkikita pa kami ni Axiel.

Blaster Pheorez
Nahanap na namin kung nasaan si Zhavie

Blaster Pheorez
HUWAG KANG SUMAMA, kami na ang bahala.

Rhea Lexi Lambojo
Ayoko! Sasama ako!

Blaster Pheorez
Rhea Lexi ang kulit mo nanaman! Isa!

Rhea Lexi Lambojo
Dalawa! Tatlo! Bakit ba?! Anong pake mo? Huwag mo nga akong turuan kung anong gagawin ko!

Rhea Lexi Lambojo
Hindi kita kailangan. Ano ba kita?

Blaster Pheorez
Aww. Triple kill. Ayuko kasing mapahamak ka. Baka ano pang mangyare sa'yo. Tsaka totoo ba na hindi mo 'ko kailangan?

Rhea Lexi Lambojo
Oo. Hindi na kita KAILANGAN.

Blaster Pheorez
Sige sabi mo eh.

Rhea Lexi Lambojo
K.

Blaster Pheorez
K din.

Muli akong napasuntok sa unan nang matapos ang usapan namin. Istorbo, kainis! Tatayo na sana ako ngunit biglang tumunog ulit ang Messenger ko.


Akala ko si Axiel, hindi pala.

Blaster Pheorez
Lexi...

Rhea Lexi Lambojo
Ano nanaman?

Blaster Pheorez
Bakit hindi mo na ako kailangan?

Rhea Lexi Lambojo
Basta! At huwag mo nga akong tatawaging Lexi!

Blaster Pheorez
I always call you Lexi. Ba't ngayon parang ayaw mo na? May ibang tumatawag na ba sa'yo ng ganun bukod sa akin?

Rhea Lexi Lambojo
Yes.

Blaster Pheorez
Sino???

Rhea Lexi Lambojo
Boyfriend ko.

Blaster Pheorez
What the fuck???

Blaster Pheorez
Totoo???

Rhea Lexi Lambojo
Kasasabi ko lang.

Blaster Pheorez
Talaga?

Rhea Lexi Lambojo
Bakit ba andami mong tanong?!

Blaster Pheorez
Bakit ba kasi nag boyfriend ka kaagad?!

Rhea Lexi Lambojo
Pake mo?

Blaster Pheorez
Ah sensya na. Ano nga palang karapatan ko I'm not yours, you ain't mine.

Rhea Lexi Lambojo
Buti alam mo.

Blaster Pheorez
But it's ok. Boyfriend mo lang naman. Hindi pa asawa. Asawa nga naagaw eh. Ikaw pa kaya.

Rhea Lexi Lambojo
So, what's your point?

Blaster Pheorez
Wala. Basta huwag kang pumunta ha?

Rhea Lexi Lambojo
Paano kung gusto kong pumunta?

Blaster Pheorez
Hindi kita papakasalan.

Rhea Lexi Lambojo
Kapag hindi ako pumunta?

Blaster Pheorez
Syempre papakasalan kita.

Rhea Lexi Lambojo
PWES PUPUNTA AKO. BYE!



Pinapakulo talaga dugo ko ng Blaster na 'to! Sanay na ako sa mga ganyang linyahan niya pero hindi na niya ako madadaan sa mga ganun ngayon! Alam kong madalas kaming mag-asaran tungkol sa pagpapakasal at pagiging magkarelasyon noon, pero dati na iyon at hindi na siya uubra sa akin!


Block Blaster Pheorez?

Yes  No


Tss! Akala niya siya lang ang magaling mang block? Pakyu siya!


Agad uminit ang ulo ko nang si Blaster ang una kong nakita sa lugar na sinabi ni Axiel kung saan kami magkikita. Poging-pogi pa siyang nakasandal sa kotse habang pinaglalaruan ang itim na lighter sa kanan niyang kamay.

Kung normal na araw ito at maayos kaming dalawa baka nayakap ko na siya sa saya dahil dumaan din ang halos isang buwan na hindi kami nagkita. Ngunit iba ang ihip ng hangin ngayon kaya mas gusto ko na lang siyang tadyakan!

Abala si Axiel sa paggamit ng phone niya habang katabi ang isang lalaking mukhang pinakabata sa kanilang tatlo. Si Rexord na kaya iyon? Infairness ang gwapo pala talaga ng kupal na 'to, ha! 

"Wow! Wow! Wow! Sino 'tong magandang dilag na paparating?" bati ni Rexord habang papalapit ako sa direksyon nila. 

"My wife." Seryosong sabi ni Blaster.

"Wife? Tangina mo," bulong ko.

I rolled my eyes and showed him my middle finger. Kay Axiel muna ako dumiretso dahil mukhang wala pang balak tumigil sa pang-aasar si 10th.

"Kumpadre, may asawa ka na? Ang aga mo namang nag-asawa.. pero familliar siya, e. Ay- Rhea. Oo nga siya nga! Asawa raw hahaha, asa!" Rexord teased.

"Pft!" si Axiel.

"22nd! Hi! My name's Rexord, si 10th, isa sa pinakapogi sa GC," pakilala niya matapos lumapit sa akin.

"As far as I know, pangit 'yong 10th," pang-aasar ko.

Tawang-tawa naman si Blaster matapos marinig ang sinabi ko.

"Hehe, kulang ka ata sa tulog kaya hindi mo ma-appreciate kapogihan ko. Nice to meet you pala," aniya saka pinunasan ang kamay bago i-abot sa akin.

"Tsk. Like wise," nakasimangot kong sagot saka nakipagkamay sa kaniya.

Kawawa, baka mangawit.

"Ang ganda mo pala talaga," saad niya. Ewan ko kung nang-aasar dahil sa tono ng boses niya.

"Alam ko," taas noo kong sagot bago sila pagmasdang tatlo.

Axiel was wearing black cargo pants that matched his white sneakers. Nakabukas naman ang itim niyang polo na may puting shirt sa loob. Magulo ang buhok niya dahil sa hangin pero bumagay pa rin sa kaniya. Mas bagay kasi sa kanya ang messy hair para sa akin. 

Blaster's outfit looked so chill. Itim na pantalon at isang designer brand na oversized shirt, while Rexord paired his denim short with a dark blue streetwear shirt.

"Axiel, anong gagawin?" I asked as I looked at him. 

"We already have a plan. Let's just stick with it. I'll tell you later, hang on 'cause I'm doing something," he answered without looking at me.

"Sige," sagot ko saka nilapitan si Blaster upang humingi ng sigarilyo. "Yosi nga."

"Ako na lang yosihin mo," saad ni Rexord. "Yosihin mo labi ko, hehe. Jokes!" pagbawi niya nang makita ang masakit na tingin sa kaniya ni Blaster.

"Baka gusto mong iyang labi mo paputukin ko?" pananakot ni Blaster.

"Hehe! Joke nga lang. O, ito nasa akin 'yong yosi," sambit ni Rexord saka inabotan ako ng isa.

"Lighter?" tanong ko dahil wala akong dala.

"Ah, oo nga pala," taranta niyang sagot.

Agad niyang binuksan ang lighter kaya inilapit ko ang sigarilyong nasa bibig ko upang masindihan niya.

Nanunukso naman niyang inilapit ang mukha sa akin, ngunit hindi ko muna iniwas ang mukha ko dahil hindi pa nasisindihan ang nasa bibig ko.

Mamaya ka sa aking kupal ka!

"Parang gusto ko atang manuntok ngayon, Axiel." Biglang sabi ni Blaster tsaka hinimas ang kamao. Natawa naman si Axiel tsaka binalik ang tingin sa phone niya. "Rexord, masyadong malapit. Potangina mo!!!" Sigaw ni Blaster.

"Pft! Anong malapit? Hindi kasi maabot ng lighter 'yong yosi kaya nilapit ko," pagrarason ni Rexord.

"Kamay o iyang lighter ang nilalapit hindi mukha, gago! Tabi nga!" sigaw niya sabay tulak kay 10th.

"Aray ang sakit, huhu."

Hindi na ako nagulat sa ipinakita ni Blaster. Ganito siya kahit noon, e. Masiyadong protective, mabuti na lang at wala akong nakatatandang kapatid dahil siguradong tatalunin niya iyon dahil sa mga ganitong drama niya.

He always acts as if he is an older brother protecting his younger sister. 

"Rexord umayos ka. May asong galit," pang-aasar ko.

Parang bata namang umirap si Blaster matapos marinig ang sinabi ko. Pogi pa rin niya, lintik!

"After you guys smoke, let's leave this place," utos ni Axiel saka nilapitan ang motor niya.

"Kaninong kotse 'yon?" tanong ko matapos ituro ito.

"Sa akin. Bakit? Trip mo ba?" ani Rexord. 

Sasagot na sana ako ngunit bigla siyang bumulong. 

"O, 'diba? Effective iyong ginawa ko kanina. Edi napatunayan kong may something nga sa inyo ni Kumpadre, pft!" 

"Ha? Hindi ko gets," kunot-noo kong sabi. 

Nakangisi siyang lumayo sa akin at muling nagtanong. 

"Ano, Rhea? Trip mo bang sumakay sa kotse ko?"

"Oo naman, bakit hindi? Ang pogi ng sasakyan. Ganiyan mga gusto ko, e. Kaso hindi ako marunong magdrive."

"Siyempre pogi may-ari. Hehe, sige sakay ka sa akin. I mean, sa kotse ko."

"No! Sa akin siya sasakay. I mean, sa kotse ko." sabat ni Blaster.

I immediately refused, "Huh? Ayoko! Kay Rexord ako sasakay, pogi ng sasakyan, e."

"Rexord, ikaw magdrive ng kotse ko, ako naman sa kotse mo," utos ni Blaster.

"H-ha? Pero-" wala sa sariling banggit ni Rexord.

"No buts," said Blaster in a serious tone.

Napairap na lang ako, "Tsk. Sige sa kotse na ako... kapag si Rexord ang nagdrive."

"Bakit ba ayaw mo sa akin? Pogi rin naman kotse ko, ah?" parang batang reklamo ni Blaster.

"Kasi ayaw mo sa akin," bulong ko pero agad ko ring binawi. "Uh.. kasi ano, ayoko nga! Unli?"

Ano ba naman 'to! Kailangan na naming hanapin si Zhavie!

"Sa akin ka sasakay whether you like or not! Huwag mo 'kong piliting buhatin ka, Lexi."

"Ang iingay niyo! Ride mine, Rhea. I mean sa motor ko. Pati 'yan pinag-aawayan pa, e!" bulyaw ni Axiel.

"Ay oo nga, 'no? Bakit hindi ko naisip iyon? Sige sa iyo na lang," I agreed. Ayoko na kasing pahabain pa.

Matapos ang ilang minuto, sinabihan kaagad kami ni Axiel ng mga gagawin bago umalis. Sana hindi pumalpak dahil sobrang kinakabahan ako!

"Rhea, Kapit kang mabuti sa akin, okay?" bilin ni Axiel nang makasakay ako sa motor.

"Ha? Bakit?" sabi ko habang inaayos ang upo.

"I'll drive fast. Medyo malayo iyong ice plant dito. Bakit ba ang dami mong tanong? Basta kumapit ka," inis na sagot niya saka isinuot ang helmet.

"Ang dami? Eh iisa lang naman."

Napatili na lang ako nang bigla niyang paandarin ang sasakyan. Feeling ko maaga kaming susunduin ni Kamatayan dahil sa ginagawa niya!

"Ang bilis oy!" Pagrereklamo ko pero hindi niya ako pinansin. Lalo ko pang hinigpitan ang pagkapit ko sa kanya at nakayakap na ako sa kanya ngayon. Nasa likod namin sila Blaster at Rexord. Ang bango, pota. Amoy baby.

Hanggang sa makarinig kami ng sunod-sunod at malalakas na pagbusina mula sa likod kaya agad akong napalingon.

Bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Blaster. Mukhang sa face niya ata inspired iyong characters sa angry birds!

Bakit ba busina nang busina 'tong lalaking 'to? Ayaw tumigil!

Sunod namang tumingin si Axiel sa likuran at natawa dahil sa reaksyon ni Blaster.

"Seloso naman ng boyfriend mo."

"Boyfriend? GAGO!" sigaw ko. Muntik ko na tuloy siyang mahampas!

Sabay-sabay tumigil ang mga dala nilang sasakyan malapit sa lugar kung saan hinihinalang naroon si Zhavie. Paano kaya nalaman na nandito siya? Ang galing naman!

Dahan-dahan kaming dumiretso sa likuran at umakyat sa mataas na pader. 

"Mukhang kotse 'yon ng kidnapper," saad ni Rexord sabay turo isang kotse.

"Alam niyo na ang gagawin," Axiel reminded them in a low voice.

Nanlaki ang mga mata ko matapos itaas ni Axiel ang suot niyang damit. Medyo kita ko tuloy iyong abs— ang ibig kong sabihin iyong baril na nasa loob!

"Bakit may dala kang baril?" bulong ko.

"Why? What's wrong? What do you want us to bring? Kahoy? Kutsilyo? Itak?" Pamimilosopo niya.

"Us? Edi mayroon din silang dala?"

"Yeah, and you.. of course. Here." Inabot niya ang isang baril ngunit hindi ko ito kinuha.

"Para saan 'yan? Bakit kailangang mayroon din ako?"

"For self-protection. You want this or yes?" 

"Wow, ha! Salamat sa choices, Admin!" Wala na akong nagawa kundi kunin ito at itago sa loob ng damit ko.

"Ano, tara na?" pagsingit ni Blaster.

Tumango naman kaming lahat.

"Partner tayo, Rhea Lexi..." dagdag ni Blaster sabay hawak sa kamay ko.

Agad akong bumitaw sa kanya, "Anong partner ka riyan? Ayaw kitang kasama. Si Axiel na lang partner ko baka sa iyo ko pa maputok itong baril."

Rexord laughed, "Ano, kumpadre? Magbabangayan kayo riyan o hahanapin na natin si 20th?"

My eyes widened in surprise nang biglang agawin ni Axiel ang kamay ko mula kay Blaster, "Let's go, Rhea." 

Patuloy niyang hinila ang kamay ko papunta sa direksyon na napag-usapan namin kaya wala nang nagawa si Blaster kundi sumama kay Rexord dahil kailangan naming maghiwa-hiwalay  upang mapadali ang paghahanap kay Zhavie.

"Shit!" Muntik nang mapalakas ang sigaw ko nang bigla akong madulas dahil sa tubig galing sa mga tunaw na yelo. Mabuti na lang at nahawakan ako kaagad ni Axiel. 

"Hey. Be careful." Mahinang sabi niya habang hawak ang kanyang baril. Bakit ganun? Ang sexy ng boses!

"Sorry." Sabay kaming napatigil at nagtago sa isang sulok matapos makarinig ng boses.

Mukhang sa direksyo nina Zhavie iyon! 

Agad uminit ang ulo ko nang makita ang walang malay na si Zhavie habang nakatali ang mga kamay at paa sa upuan.

"Axiel, mukhang wala dito 'yong kidnapper. Posible kayang marami sila?"

"I don't know-- fuck? Where are you going!?" gulat na tanong niya.

"Papakawalan ko si Zhavie."

"Are you freaking serious?! Gusto mo bang mamatay?! Stay here! Don't make a move hanggang wala pa akong sinasabi."

Hearing that, I gave him a nod. Naaawa kasi ako sa sitwasyon ni Zhavie kaya gusto ko na agad siyang pakawalan.

Muli kaming natahimik ni Axiel nang makarinig kami ng malalakas na yapak kaya lalo kaming tumago.

Hindi na ako nagulat nang makitang isang babae ang lumapit kay Zhavie. Nakasuot siya ng sumbrero at nakatalikod kaya hindi ko siya makilala.

"Hoy, Zhavie! Gising!" utos niya.

"Siya na ata 'yong kidnapper," I whispered.

"Obvious ba?" Pamimilosopo ni Axiel.

Hearing that, I kicked his right foot.

"Tangina mo. Ang hilig mo mambara."

"Tangina mo rin," Axiel replied softly.

Gusto kong mainis, pero bakit sinabi niya iyon sa ganoong tono? Nakakainis na, ha! Kung hindi lang talaga ako tinutulungan ng lalaking 'to, e.

"Heto! Kumain ka! Hindi pa oras ng kamatayan mo kaya kumain ka muna dahil baka mamatay ka sa gutom."

"Her voice is really familliar. Fuck, sino kaya?" bulong ni Axiel.

Zhavie exclaimed, "Shunga ka talaga, 'no? Paano ako makakakain kung nakatali 'tong kamay ko? Ano ako aso? Makakain ko ba 'yan?! Ano? Susubuan mo ba ako?"

"Pft! Matalino din pala itong babaeng 'to," bulong ko.

Napangisi si Axiel dahil sa sinabi ko sabay iling at mahinang natawa.

"Ang suwerte mo naman para subuan ko. Siyempre tatanggalin ko 'yang tali sa kamay mo. Duh! Huwag mo nang subukang tumakas dahil hindi ka makakalabas dito," inis na sabi ng babae saka tinanggal ang mga tali sa kamay ni Zhavie.

"Wala bang tubig? Ano ba 'yan!" reklamo ni Zhavie.

"Pft!" Axiel chuckled.

"Tss. Here!" Walang ganang inabot ng babae ang tubig kay Zhavie.

"Axiel.. Paano natin—" napatigil kaagad ako pagsasalita nang biglang tumunog ang phone ko.

Dahil sa gulat, agad kong inilabas ang baril. Ngunit sa sobrang taranta ko ay aksidente kong nasagi ang isang container na dahilan upang gumawa ito ng ingay

Shit! Shit! Shit!

"Sino yan?!" sigaw ng babae.

Pareho kaming nagulat ni Axiel nang makita ang biglang pag-atake ni Zhavie roon sa babae.

"Ang sama mo!" sigaw ni Zhavie. Agad niyang sinakal ito gamit ang tali kaya aksidenteng natanggal ang suot niyang sumbero na dahilan upang makita ang hitsura nito.

"Bibilang ako once you-holy fuck?!" gulat na sabi ni Axiel.

"B-bakit?" tanong ko.

"What the fuck?" saad ni Axiel na akala mo'y nakakita ng multo.

"Huh?" kabado kong tanong dahil hindi ko na alam ang nangyayari.

"I know her," sagot niya sabay turo sa babae.

"S-sino?"

"Si 6th. 1 2 3, run!" Kaya agad akong tumakbo at ginawa at inumpisahang gawin ang plano. Potangina mo, 6th!!!

Continue Reading

You'll Also Like

17.1K 1.4K 34
Cursed Stories #1 | A lie will cause harm, so is the truth. *** A novelette. "Rain, rain, go away. Come again another day." There's a curse in Lorrai...
71.1K 3K 25
Ang "love" walang pinipili 'yan. Kasarian, itsura, hugis ng katawan, taas at estado sa buhay. Kahit nga isa ng multo ay pwede mong mahalin. Kapag ti...
1K 97 63
Si Psyche Faith Dimagiba ang babaeng gagawin ang lahat para lang mapansin ng lalaking kanyang minamahal kaya naman ginamitan niya ito ng gayuma. Ngun...
1M 15.9K 9
In a twisted game of life and death, how far will you go to save yourself? Welcome to Crudelis University. A school that will make your lives a livin...