Lawrence, The Hotelier (Publi...

By Winter_Solstice02

4.7M 109K 3.4K

Lawrence dela Vega, the man who I fell in love with. Never in my wildest dreams did I think I could love some... More

Lawrence, The Hotelier
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY-THREE
TWENTY-FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FOURTY ONE
FOURTY TWO
FOURTY THREE
FOURTY FOUR
FOURTY FIVE
BOOK ANNOUNCEMENT
BOOK ANNOUNCEMENT 2
BOOK ANNOUNCEMENT

FIFTEEN

94.6K 2.4K 23
By Winter_Solstice02

Pissed And Mad

Sunday. Exactly a week has passed since Lawrence and I saw each other. The last time we talked over the phone was last Friday and he said he'd be very busy lalo na daw sa mga susunod na araw. Kontento naman na akong nagakakausap kami sa telepono pero syempre, iba pa rin pag kasama mo yung tao. At isa pa, hindi pa namin napag-usapan ang mangyayari kapag natapos na ang panahon ng internship ko. Kailangan kong bumalik sa probinsya namin para tapusin ang pangalawang semester. I'll be graduating by March next year.

Nakasandal lang ako sa hamba ng pinto habang tinitignan ang mga kaibigan kong naglalaro ng Tong Its sa maliit na terrace ng apartment. How I wish may piano dito or kahit organ man lang para malibang naman ako. Nakakatamad din kasi mag net surfing. Wala rin namang interesting na palabas sa telebisyon.

"Dear, wag kang magmukmok dyan. Sayang ang beauty. Tara dine at sumali ka." Aya ni Jaze sa akin.

"I've no knowledge with cards, Jaze." Tugon ko na sinabayan ng iling.

"But you will have, if you try. Ikaw pa! Madali mo lang matututunan to. Ano bang bagay ang hindi kayang gawin ng isang Emerald Fitzgerald?" Aireen uttered while peeking at me. I rolled my eyes. Nang-aasar pa to.

"Hindi ko alam kung papuri ba yun o pang-iinsulto, Aireen?" I smirked. "And the right question is, am I interested in learning that thing?"

"Stop persuading her. It won't work. Pag wala yan sa mood hindi nyo yan mapipilit. Para namang di nyo kilala yan." Umiiling pa si Mary na pinaglipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Whatever." I sighed boredly.

"Nung na in-love ako, hindi naman ata ako ganyan sa'yo Emz." Ngisi ni Lizette.

"Naman! Eh kasi poh, you were never really in love in the first place, akala mo lang in love ka pero hindi." sagot ni Aireen.

"Ikaw rin naman ah!" Ngumuso pa si Lizette sa kanya. Halos itapon ang brahang hawak.

"Tumigil nga kayong dalawa. Pagbuhulin ko pa kayo diyan eh. Pareho lang naman kasi kayo. Makakita lang ng gwapo, sasabihin na agad na in love." I scolded them.

"Pero bakit sa Lawrence mo, hindi naman ako na in-love dun?" Panguso pang sagot ni Aireen sa akin. Si Lizette ay humigikhik.

Pinanliitan ko sila ng mata. "Subukan nyo lang."

"Territorial." Ngumisi pa ang dalawa sa akin at si Mary at Jaze naman ay napabungisngis. "Sarap mo talang asarin, Emz."

Umirap ako. So bawal bang maging territorial? Kahit sino naman siguro ay ganun ang mararamdaman. When it comes to the ones we love, we become protective and possessive.

So, this is what it feels like when you're in love. You get to be possessive and you can't do anything about it.

Napatuwid ako sa pagkakatayo nang matanaw ko sila Juztin at Karlo na huminto sa gate namin.

"Good morning everyone! Pwede ba kami mang intrude sa haven niyo?" Bati ni Juztin. He was smiling shyly at us. Uhm no, at Lizette, I mean.

"Oh, kayo pala! Oo naman basta ba may food kayong dala." Sambit ni Lizette na nakatanggap ng magaan na sabunot mula kay Mary. Napangisi ang dalawang lalake at sabay na itinaas ang mga kamay nilang may bitbit na pagkain.

"Yun oh! Pizza hut at chicken joy! Tara pasok kayo!" Eksaheradang sambit ni Aireen. Ito na rin ang tumayo para pagbuksan sila ng gate. Nakalock kasi ito.

Nginitian ko sila nang magtama ang aming paningin. I've seen Karlo's cheek turned red. Ang cute niya pag namumula. Lumulutang ang pagiging mestizo nito.

"Emz, wala ata tayo sa mood? Tamlay natin ah." Puna ni Juztin. Sinamahan ko silang ilagay ang pagkain sa kusina. Malapit na ang tanghalian. Mukhang sadya talaga ang pagdalaw ng dalawa sa amin dahil sapat ang pagkaing dala ng mga ito para sa aming lahat.

"Nope, bored lang. Wala na kasi akong maisipang gawin. Ayoko rin naman ng nilalaro nila. Hindi ako marunong." I laughed. Juztin exused himself to use the washroom after he placed the food on the kitchen counter.

"Don't worry, hindi ka nag-iisa." ngiti ni Karlo sa akin.

"Bored ka rin?" I innocently asked him. Humilig ako sa kitchen counter.

Tumawa ito. "Nope. I mean hindi rin ako marunong maglaro ng baraha." He confided. Parang nahihiya pa. Tumawa na rin ako. Nakakahiya bang malaman ng iba na wala kang alam sa braha?

"Now, we have something in common!" Wika ko habang tumatawa.

"Oy, pasali naman ng usapan niyo. Ang daya ha." Singit ni Juztin na kakalabas lang sa wathroom. Lumapit sa lababo na nasa tabi ko. He washed his hands thoroughly. Kung pagbabasehan ang paraan ng kilos at pananamit ng dalawa, malalaman mong galing sila sa marangyang pamilya. They have this finesse na bihirang makita sa karaniwang tao.

"Thank you sa libreng food ha. Anong pumasok sa isip ninyo at bumili kayo ng pagkain? Marami ang dala niyo ha." Nasa sala na kami at nanonood ng TV. Pumasok na rin ang mga kaibigan ko at nakisali na rin sa amin.

"Ahm, birthday ko kasi." Wika ni Karlo na napakamot pa sa ulo. Nasurpresa naman kami sa sinabi niya.

"Pwera biro?" Mary asked, doubtful.

"Yung totoo?" Singit naman ni Aireen.

"Weeehhh?" Panunuya pa ni Jaze. If I know crush niya ang dalawang ito. But then again, he always has a crush to every guy he sees.

"That's true. Kaarawan niya talaga ngayon. Actually, nakapag spend na siya ng birthday niya kagabi with our team. Kaso gusto niya sa inyo rin daw." Ngisi pa ni Juztin sabay siko kay Karlo na napasimangot sa eksplenasyon ng una.

"Aww. I'm so touched." Si Jaze.

"Okay lang ba?" Nahihiya pang tanong ni Karlo.

"Sus! Naman! Game kami dyan! So ano bar tayo mamayang gabi?" Bulalas ni Aireen na tinanguan ng lahat. Okay lang din naman sa akin since bored din ako.

"Gusto mo lang ata makasama si Emz eh. Nako may boy...." Ang nawika ni Jaze na hindi natuloy dahil binato ko ng unan. I gave him a deadly glare that made him raise his two hands in the air and mouthed sorry.

"Ang gustong sabihin ni Jaze is, bawal muna si Emz magboyfriend. Magagalit kuya niya sa kanya." Salo ni Mary na sinamaan din ng tingin si Jaze.

Hay nako si Jaze. Mapapahamak pa ako pag nagkataon. Tumango lang naman ang dalawa ngunit hindi nakaligtas sa akin ang paglambong sa mukha ni Karlo.

Masaya ang buong maghapon namin. Nagpunta pa kami sa kanto at nagrent ng videoke machine. At yun nga, wala na namang ginawa ang mga ito kundi ang ipasa sa akin ang mikropono.

Hindi miminsan na nahuhuli ko ang panakaw na titig sa akin ni Karlo. Hindi ako manhid para hindi ko makuha ang gusto niyang iparating pero wala talaga siyang maaasahan sa akin. Once na mag-confide siya sa nararamdaman niya sa akin, I'll tell him straight to the point para hindi na siya umasa pa. I want us to be friends and I prefer us to be that way for the longest period of time.

Kinagabihan ay nagtungo kami sa Clubmix Bar. Dito ko unang nakita si Lawrence at sa panahon na iyon, siguro ay nakuha na rin nito ang puso ko.

"Drinks, anyone?" Ttanong ni Juztin. Sinabi namin ang mga gusto naming inumin. Mataas ang tolerance ko sa alak pero ruit juice lang ang inorder ko.

"Emz, nag eenjoy ka ba?" Baling sa akin ni Karlo na nasa tabi ko. Nakatapat ang bibig niya sa tainga ko para marinig ko ang boses niya. Ngumiti ako.

"Yep. Ikaw ba? Dapat mag enjoy ka rin. This is your day." Ngiti ko sa kanya pero hindi na ako bumaling sa direksyon niya baka magtama ang hindi dapat magtama.

"Of course. Best birthday so far because you are here." Bulong niya ulit sa tainga ko.

Tumango ako at lumayo ng konti. "That's.... good to know." Ang tangi kong nawika.

Mayamaya lang ay nagbago ang genre ang music Pumapainlang ang kantang All of Me ni John Legend. Nagulat ako ng naglahad ng kamay si Karlo sa akin.

"May I have this dance, please?" His eyes were pleading, and I didn't have the heart to say No.

Inabot ko ang kamay ko sa kanya at pumagitna na sa dancefloor. May iilang pares din ng kabataan ang sumasayaw nang marahan sa saliw ng awitin. Hinapit ni Karlo ang bewang ko at wala akong magawa kundi ipulupot na rin ang mga braso ko sa leeg niya. Pagbibigyan ko siya dahil kaarawan niya. Kahit nagtutumutol ang kalooban ko.

"Emz..." Dinikit niya pa lalo ang katawan niya sa akin. Ibinaling ko ang aking mukha sa ibang direksyon.

"I know alam mong may nararamdaman ako sa'yo. I'm sorry but I just can't help it. You are not just beautiful outside, but more inside. At dahil diyan kaya lalong nadagdagan ang paghanga ko sa'yo. Maswerte ako dahil nakilala kita at naging kaibigan. Mahalaga ka sa akin Emz. Pero sana bigyan mo ako ng pagkakataong iparamdam sa'yo kung gaano ka ka-espesyal sa akin." Mabagal pero may diin na sambit ni Karlo sa akin. Nakatitig siya sa akin na puno ng pag asam.

Wala akong maramdaman ngayon sa kanya kundi awa. Awa kasi hindi ko masusuklian ang pagtingin niya sa akin.

"Karlo, mahalaga ka rin sa akin. Dahil kaibigan kita. I'm sorry kung hindi ko kayang tugunan ang damdamin mo. I'm sorry kung masasaktan ka ngayon sa sasabihin ko. Hindi ko intensyong makapanakit sa damdamin mo. Pero gusto ko lang magpakatotoo. I want us to be friends. Just friends. I'm sorry kung hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sa'yo." Umiiling-iling ako habang nagsasalita. Gusto kong tumitig ng tapat sa kanya pero ito mismo ang umiwas ng tingin sa akin. Pain was visible in his eyes.

Ngumiti siya pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. "That's okay. Expected ko na ito. Pero masaya pa rin ako kasi at least, nalaman mo rin ang nasa loob ko. Wag kang mag-alala, masaya na ako na kaibigan ang tingin mo sa akin. At least meron pa rin tayong koneksyon, kesa wala talaga. Hindi na ako aasa Emz, naniniwala naman kasi ako na kusa mong mararamdam ang pagmamahal sa isang tao sa hindi sinasadyang panahon. Just like what happened to me. Too bad because we don't share the same feelings." Nakangiti na siya ng totoo ngayon sa akin. Nginitian ko rin siya pabalik.

Tama ka Karlo, dahil iyan mismo ang naramdaman ko unang tama pa lang ng mga mata ko kay Lawrence. At hindi ko na ata kaya pang maramdaman pa iyon sa ibang lalake sa buong buhay ko.

Pagkatapos niyon ay ibang paksa ang aming pinag-usapan. Alam kong nasasaktan pa rin ito pero wala na akong magagawa pa doon. Hindi ko kayang suklian ang pag-ibig niya sa akin gayong may iba nang nagmamay-ari ng aking puso.

The atmospehere became light after the talk. Bumalik kami sa mesa. May sinabi si Jaze na ikinatawa namin. May ibang kalalakihan ang lumalapit sa table namin. Buti na na nga lang at kasama namin sila Karlo at Juztin na handa atang makipagsuntukan ninuman.

Kinuha ko ang cellphone ko para sana tignan kung may mensahe ba ako. Ngunit kahit anong pindot ko ay hindi ito nag-power on. Empty na pala ang battery ko! Baka mamaya tumawag si Lawrence! Lagot ako nito! I checked my wristwatch. It's past 12 midnight. Napasarap ang kasiyahan namin na hindi ko na namalayan pa ang oras. Nag-aya na akong umuwi dahil tipsy na rin sila.

**********

Nasa harap na kami ng gate. Nilingon ko ang direksyon nila Karlo.

"Salamat sa treat. Happy birthday ulit." Sabi ko sa kanya at tinapik ng bahagya ang balikat nito.

"Salamat Karlo! Sana araw-araw birthday mo!" natawa kami sa sinabi ni Jaze na mukhang may tama na talaga. Ilang tequila kaya tinira nito?

"No worries. Basta kayo, malakas kayo sa amin eh." Ani Karlo at kumindat sa amin.

Ngumisi si Juztin at inakbayan si Karlo. "So paano, sa uulitin ha! Pasok na kayo!" Ininguso pa nito ang pintuan namin. Kumaway muna kami bago pumasok sa aming gate. Sila Karlo at Juztin ay nagtuloy na sa kanilang apartment.

Hawak ni Mary ang susi ng pinto. Kumunot-noo siya at tumingin sa amin.

"Nakalimutan ko bang i-lock ang pinto? Alam kong ni-lock koi to eh, pero bakit bukas." Naguguluhan niyang sambit.

Nagtinginan kaming lahat. Wala naman sigurong manghihimasok sa loob. Ilang beses na rin naman naming nakakalimutang i-lock ang pinto dahil sa pagmamadali.

"Okay lang yan. Pasok na tayo, antok na talaga ako." Napahikab na si Aireen at binuksan ang pinto. Diri-diretso na rin kaming pumasok sa loob. Hindi na kami nag-abalang buksan ang ilaw dahil pumapasok naman sa bintana ang sinag ng ilaw mula sa poste sa labas.

Pero hindi pa kami nakakaakyat sa hagdanan ay bigla na lang bumukas ang ilaw ng lampshade sa sala.

Napatulala pa kami ng mag-materialize ang lalakeng nagbukas nito. Nakadipa ang magkabilang braso nito sa sofa habang nakadekwatro. His face was impassive. He looked tired and exhausted. But at the same time, pissed and mad.

God, I'm so dead.


Continue Reading

You'll Also Like

294K 16.1K 39
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
9.7M 198K 46
If there is one thing Vander Lewis regrets that is rushing through life.
161K 4.7K 62
Girl and boy hates each other. Typical. Cliche even. But who knows, they might just be the perfect match for each other.
639K 42.4K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...