The Billionaire's Son

Od hanmariam

6M 195K 25.7K

Christian Sage Monterio is not someone you messed up with. At age 17, he's fearless, bold, and dangerous. Ho... Viac

The Billionaire's Son
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Part II
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Special Chapter

Chapter 27

71.8K 2.3K 109
Od hanmariam

Chapter 27

"Ma'am, hindi daw po muna makakauwi si Sir dahil nagkaproblema sa palayan..."

Hindi maipinta ang mukha ko sa balitang inihatid ni Tonyo sa akin kinaumagahan habang kumakain ako sa lamesa. Suki stole a glance from me, trying to see my reaction. Tumango ako sa aming driver.

"At gusto niya pong magpadala ng pamalit na damit," dugtong pa niya.

Nagtaas ako ng kilay sa kaniyang sinabi. "Bakit? Nasaan ba ang cellphone niya at parang ang hirap naman yatang tawagan ang asawa niya dito sa bahay?" pagtataray ko.

Tumikhim si Tonyo, marahil ay nakaramdam ng biglaan kong pagbabago sa mood. I bit my lower lips in guilt. Pagod kong iminuwestra ang kwarto namin.

"Ikaw na ang kumuha, Tonyo..."

Namilog ang mga mata niya sa aking sinabi. "P-Po? Pero-"

"Nee-san, I'll do it." Biglaang tumayo si Suki mula sa pagkakaupo at bahagya akong nginitian. She also offered a reassuring smile to our nervous driver. "I'll get the clothes for Kuya..."

I shrugged and continued playing with my food. Bigla akong nawalan ng gana sa narinig na balita. Kung tutuusin, puwede ko lang lakarin ang palayan upang makita kung totoo talaga ang sinasabi ni Sage. But going there would only mean that I don't trust him, right? But I still wanted to know what happened... bakit hindi siya nakauwi kagabi?

Lumabas sa kwarto namin kinalaunan si Suki, dala-dala ang pamalit na ipapabigay kay Sage. She handed the clothes to Tonyo. Balisang tumingin ang driver sa akin bago tahimik na nagpaalam. Nang makaalis na siya ay binalingan ako ni Suki.

"Did you had a fight with Kuya Sage?" tanong niya sa akin.

Umiling ako. "It's actually... nothing, Suki. Sige na, at baka mahuli ka pa sa klase mo."

Laking pasasalamat ko nang magpatuloy na lamang siya sa pag-kain at hindi na ako kinulit pa. I took a shower again and changed into a pair of black leggings and maroon longsleeves. Nagkulong ako sa kwarto. Sinubukan kong tawagan si Mayor para i-update ang mga purchaser o di kaya'y makapag-meeting na kami ng architect. I wanted to submerge myself in work now that Sage is ignoring me.

"Pasensiya na po, busy si Mayor ngayon. Nasalanta kasi ng bagyo ang Caraga kaya naroon siya at namimigay ng relief goods..." sagot ng sekretarya niya matapos masagot ang aking tawag.

My shoulders slumped in disappointment. Balak ko pa sanang magtrabaho nalang ngayong araw.

"Ganun ba? Salamat, ah..."

"Sige po, Ma'am. I'll just tell her to return the call."

Ibinaba ko na ang tawag at pagod na tiningnan ang kabuuan ng aming kwarto. This used to be my room. But Sage renovated it. Pinalaki niya ito at pinalagyan ng banyo. Walang pintura noon ang pader ng aking kwarto. Kaya naman maaliwalas sa pakiramdam ang pinaghalong asul at putting pintura sa bawat pader na nakapaligid sa akin.

I played games using my phone. I even tried watching K-Dramas but I couldn't bring myself to focus. Lumilipad ulit ang utak ko kay Sage at sa kung ano ang ginagawa niya sa rice field. Kasama niya na naman ba si Allana? Ano na naman ba ang suot ng empleyadong yun ngayon?

I groaned out loud. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at napagpasyahang pumunta sa rice field. Di bale nang maglakad ako. Puwede naman akong magpayong. Di bale nang magalit sa akin si Sage. At least I know what's going on.

Inaayos ko pa ang isang strap ng aking sandals nang biglang tumunog ang gate. Nag-angat ako ng tingin. Mula sa bintana ay tanaw ko na ang matangkad na anino ng aking asawa na bumababa mula sa kabayo. I stop tying my sandals and watched him enter the house. Suot niya na ngayon ang mga damit na ipinadala ni Suki kay Tonyo kanina.

He scanned the surroundings. Tumigil iyon sa aking direksiyon. Sage's lips went into a thin line.

"Hindi ka raw kumain?" pambungad niya sa akin sa nagagalit na tono.

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"Tonyo said that you're barely touching your food when he left," he said in a disapproving tone. "What's wrong, Mal? May masakit ba sa iyo? Kailangan ba nating bumalik sa hospital?"

I blinked. "Uhm, no?"

Nang tuluyang lumapit si Sage ay doon ko pa napansin ang bakas ng pagod sa kaniyang mukha. He ran his fingers through his hair. "Then what's wrong? Why aren't you eating your breakfast, Mal? Alam mo bang makakasama yan para sa bata?"

"I thought there's an emergency in the farm?" I asked instead, biting my lower lips.

"Yes. Three of our ten grain millers broke down. We need to fix them all night otherwise we wouldn't be able to meet the required sacks of grains for tomorrow's export."

Bumaba ang aking tingin sa kaniyang maduming kamay. Mukha itong nadumihan dahil sa grasa o paghawak ng kung anumang kinakalawang na bagay. I calmed down a bit.

"You and your men were up all night at the farm?"

Pagod na naupo si Sage sa sofa. "Yes... and they still need me right now there. I rushed home when I heard from Tonyo that you seem to feel ill."

Tuluyan na akong tumayo at itinabi ang aking mga sandals. Lumapit ako sa kaniya. "Sage, if there's someone feeling ill right now, it must be you." tumabi ako sa kaniya at pinagmasdan ang namumuong eye bags sa ilalim ng kaniyang mga mata. "You look so tired. Kailangan mong magpahinga..."

"It's okay," he shrugged. "It would be unfair to my men. Lahat kami ay walang tulog kagabi pa. Umuwi lamang ako upang siguraduhin na maayos ang kalagayan mo..." bumaba ang tingin niya sa aking tiyan. "At ng anak natin."

I smiled tightly at him. Ang inis at sama ng loob na nararamdaman ko para sa kaniya ay unti-unting nawawala. "We're both fine, Sage. You have nothing to worry about."

He pulled me closer and sighed tiredly. Ihinilig niya ang kaniyang ulo sa aking balikat at bahagyang pumikit.

"I just want the best for my son, Mal..." he murmured. "That's why I am doing this. So please... please take care properly. That's all I could ask for."

Kinain ako ng guilt dahil sa pagseselos ko kay Allana kahapon. Tumango ako at niyakap siya. Sage hugged me back and within seconds, he dozed off to sleep. Tuluyan na akong naawa sa kaniya. Talagang pagod na pagod siya.

Nanatili ako sa ganoong posisyon kahit na nangangalay ako dahil ayaw kong magising si Sage.

Hinaplos ko ang aking tiyan at napangiti.

"Wala naman palang dapat ipag-alala, Baby Leon, eh. Daddy is just working hard for us..." bulong ko.

As if my son could understand me, I felt him kick softly inside of my womb for the first time.

Days passed and Sage continued his usual routine at the farm. Isang tawag mula sa Mayor ang gumising sa aking panghapong tulog.

"Pasensiya ka na talaga, hija!" bulalas ng matandang mayor mula sa kabilang linya. "Masyado lang talaga akong naging abala sa pagresponde ng mga nasalanta ng bagyo at walang signal doon."

"Ayos lang po, Mayor..." I answered politely and stifled a yawn. I glanced at the clock. Mag-aalas dos na ng hapon.

"Anyway, pinakiusapan ako ni Architect Saturnina Mercado na sa bahay niya nalang kayo mag-meeting."

"Oh..." I glanced at the floor to look for my other slipper. "Yeah, sure. Wala po iyang problema,"

"Alam mo ba kung saan ang bahay nila? Malapit lamang sa municipal ang nilipatan niyang bahay,"

"Kung gayon ay malapit lang pala sa amin..." wika ko at dinampot ang suklay. "Puwede ko po siyang puntahan ngayon, Mayor."

"Great! Gusto ko sanang kausapin kayong dalawa ngayon pero abala pa rin ako, eh. Kapag may initial design na kayong dalawa, saka tayo mag-set ng meeting sa town hall o sa bayan... mag-usap tayong tatlo,"

"Sige, Mayor... wala pong problema."

Ibinaba ko na ang tawag matapos niya akong mabigyan ng numero ni Architect Saturnina. Sinilip ko ang labas para hanapin si Tonyo at magpahatid na lamang sa kaniya.

"Naku, Ma'am, kaninang umaga pa po umalis si Tonyo. Busy din po yun sa pagdedeliver ng mga nagaling na bigas sa bayan. Mukhang maganda po ang harvest nila sir ngayon..." balita sa akin ni Cynthia.

"Ganun ba? I guess I'll have to take the trike, then..."

"Saan po ba kayo pupunta? Para masabihan ko si sir sakaling umuwi siya ngayong hapon,"

"Sabihin mo may kikitain akong kaibigan sa bayan. Hindi naman ako magpapagabi. Sige, Cynthia!"

Tinahak ko na palabas ang aming bahay. Sakto namang may tricycle na dumaan sa tapat namin. Isa nalang ang kaniyang pasahero at inihatid niya muna ito bago kami dumiretso sa municipal hall. Hindi ko inakalang medyo lubak pa pala ang daanan patungo sa bahay ni Architect Saturnina. Nang makita ko na ang konkretong bahay nila at ang matangkad na babaeng naghihintay sa akin sa labas ay pumara na ako.

"Engineer Mallory Monterio?" tanong niya nang nakangiti. I smiled back at her. I think she's new to town. Ni minsan ay hindi ko pa siya nakita. Ang kaniyang tuwid na tuwid na buhok ay umabot hanggang beywang. She also had bronze skin and bright eyes. Palakaibigang ngiti ang iginanti niya sa akin. "Architect Saturnina Mercado..." aniya at iniabot ang kaniyang kamay. "You can just call me Saturn..."

"Okay, Architect Saturn..." I smiled back as well.

"Ikaw ang asawa ni Sage Monterio, hindi ba? Ang may-ari ng planta at palayan?"

Nahihiya akong tumango sa kaniya. Bumaba ang kaniyang tingin sa aking tiyan.

"At magkaka-anak na pala kayo!" bulalas niya. "That's good to know."

"Thank you,"

"Pasensiya ka na at medyo makalat pa ang bahay, kakalipat ko lang kasi..." wika niya habang naglalakad kami papasok ng kaniyang bahay. May nakapatong na mga box sa gitna ng sala. "Hindi pa rin tuluyang nakukuha ng dating may-ari ang kaniyang mga gamit rito,"

"You're not from here?" I asked, out of curiosity.

Tipid siyang ngumiti sa akin. "Nope. I'm from the south,"

Tumango lamang ako at naupo sa pang-isahang sofa. Iginala ko ang aking paningin. Totoong naglilinis pa nga siya sa bagong bahay.

"Anyway, what would you like to have? Coffee, tea, or milk?"

"A glass of milk will do,"

"Coming!" masigla niyang sagot sa akin.

Oddly, the house feels so familiar to me. Malaki ito ngunit kulang sa renovation. Walang pintura ang loob at labas ng bahay. A wired fence surrounds the property and a bed of dying flowers on the yard. But Saturn is an architect. I'm sure, in no time, she'll be able to transform this house into a home. A lovely one.

Mayamaya pa ay bumalik na siya na may dalang tray at may lamang dalawang mug. Iniabot niya sa akin ang isa. Kinuha niya isa-isa ang mga box na nakapatong sa coffee table at pumasok sa kwarto. Saka niya inilapag ang kaniyang mga materials sa lamesa.

Saturn then started talking about her plans for the bridge. I listened attentively to her but something caught my eye. A card fell from one of the boxes she moved from the coffee table. Kinuha ko ito.

It's an ID.

"Vince Gideon Castillo?" namilog ang aking mga mata nang makita ang litrato ni Gideon sa ID. He looks a few years younger here.

"Oh..." Sumilip si Saturn sa hawak kong ID. "Siya ang dating may-ari nitong bahay. Naiwan niya siguro kasama ang iba pa niyang mga gamit dito,"

Hindi ako makapaniwala sa nakita. Tinitigan kong mabuti ang ID. Tila napansin yata ni Saturn ang pagkabalisa ko dahil tinanong niya ako.

"May problema ba, engineer?"

Mabilis akong umiling at ibinalik ang ID. I tried to listen to her but my mind is preoccupied with the thoughts of Gideon. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa meeting naming dalawa.

Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay iyon pa rin ang laman ng isipan ko. At laking gulat ko pa nang makita ko siyang nagkakape sa aming bakuran kasama si Sage.

I rushed toward him. Nginitian niya ako.

"Mallory, I have great news-"

"Gideon Salvador..." wika ko at huminto sa kaniyang harapan. Nawala ang ngiti sa kaniyang mukha nang makita niya kung gaano ako ka-seryoso. Maging si Sage ay nagtaas ng kilay na para bang nagtatanong kung anong mayroon. "Or should I say, Vince Gideon Castillo?"

Nanlaki ang mga mata ni Gideon sa aking sinabi. Maging si Sage ay nagulat.

"Castillo?"

He lowered his gaze to the ground.

"Gideon..." I trailed off. "No—Vince..."

"I can explain, Mallory." Anito sa mahinang tinig.

"Yeah..." I crossed my arms over my chest. "I want to know... sino ka ba talaga?"

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
3.3K 111 30
Lance Justin Alazar. An MVP... but a playboy in town, yet even though he was able to play women's heart a lot of times, he was still broken because...
Mío Od Yiling Laozu

Všeobecná beletria

84.8K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
ORGÁNOSI I: Broken Mask Od C.C.

Všeobecná beletria

290K 22.3K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...