This Annoying Guy Is My First...

By Eleblackpearl

158K 2K 33

A girl who fell in love with a gangster, but she met him first not as a gangster but as an Annoying guy for h... More

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (Book 1)
chapter 1: First meet
Chapter 2: Untitled
Chapter 3: Punishment
Chapter 4: AG
Chapter 5: Untitled
Chapter 6: Pretending
chapter 7: Untitled
Chapter 8: Let Me Court You
Chapter 9: Untitled
Chapter 10: Untitled
Chapter 11: Red vs. Yohann
Chapter 12: Untitled
Chapter 13: Hang-out (part I)
Chapter 14: Hang-out! (part II)
Chapter 16: She Said Yes!
Chapter 17: Who's Selene and Syd?
Chapter 18: Untitled
Chapter 19: A Date
Chapter 20: Untitled
Chapter 21: Untitled
Chapter 22: Untitled
Chapter 23: Untitled
Chapter 24: Untitled
Chapter 25: Thoughts
Chapter 26: Untitled
Chapter 27: Untitled
Chapter 28: She heard it.
Chapter 29: Event
Chapter 30: Sandra
Chapter 31: Untitled
Chapter 32: A Closure?
Chapter 33: Arguement
Chapter 34: Untitled
Chapter 35: Untitled
Chapter 36: Untitled

Chapter 15: Sleeping Together

3.6K 56 4
By Eleblackpearl

CASSANDRA's POV

"Yohann." Tawag ko sa kan'ya.

Kaming dalawa nalang ang naiwan dito kung saan kami nagb-bonfire kanina. Bumalik muna sila Faye sa cottage namin, hanggang doon ay nagaasaran pa rin sila. Nakakatuwa dahil sanay na rin silang kasama nila si Red, except lang dito kay Yohann.

"Yohann." muling tawag ko dahil parang hindi niya ako narinig kanina.

"Yes, babe?" mapangasar siyang ngumiti sa 'kin.

"Tsh! Babe my foot."

"Joke lang, ano bang sasabihin mo?"

"A-Ano kasi...."

Nagdadalawang isip pa ako kung magtatanong ba ako about sa necklace niya.

"Anong ano kasi?"

"Ah, kasi..."

Naghihintay lang siya ng sasabihin ko.

"A-About sa necklace mo. I just.. Wanna ask kung matagal na ba sa 'yo 'yan?" naiilang na tanong ko.

Hyst! Kung papakinggan iyong tanong ko, napaka-useless ng dating. Hindi ko alam kung ano bang mas maayos na i-tanong about doon.

"Ito? Why did you asked all of a sudden?"

"Ahm... Wala naman. Nagandahan lang kasi ako."

He chuckled.

"Iyon lang ba? Akala ko naman kung ano, nauutal ka pa kanina."

"Pero ito, last na. Sagutin mo ng maayos, ah."

"Ang alin? Ikaw na ba ang manliligaw sa 'kin ngayon?" pagbibiro niya dahilan para hampasin ko ang braso niya pero tinawanan lang niya ako.

"Hoy, AG! Seryoso ako, ah."

"Hindi ka naman mabiro, oh."

"Psh, puro ka biro."

"Ano ba kasi iyon?" He asked.

"Ano... Umaattend din ba ang parents mo sa mga business gatherings? Like... Iyong kailangan buong pamilya kayong umattend?"

"Business gatherings here in the Philippines? Oo, five months ago, I guess? Pero hindi maganda iyong nangyari."

"Bakit naman?"

"Bukod sa boring doon, may hindi rin ako inaasahan na mangyari noong gabing iyon. I saw someone na matagal na akong iniiwasan sa hindi ko malamang dahilan. Importante siya sa 'kin, pero hindi ko inaasahang doon na tuluyang mapuputol ang koneksyon namin sa isa't isa."

"Hinabol ko pa siya that time to the point na may tao akong nabangga at hindi ko napakitunguhan ng maayos, *Chuckled*. I tried everything that I can do just for that person to talk to me again... pero mas pinili niya pa ring iwan ako at 'wag ipaalam sa 'kin ang dahilan niya kung bakit niya nagagawa sa 'kin ang bagay na iyon."

He take a deep sigh.

Nakita kong tumulo ang luha niya pero agad siyang tumalikod sa 'kin at agad rin iyong pinunasan bago muling bumaling sa 'kin.

"A-Ayos ka lang ba? I'm sorry."

"Bakit naman magiging hindi? You don't have to be sorry." He forced a smile.

Hindi ko man kilala kung sino ang taong iyon, nararamdaman ko na talagang mahalaga siya para kay Yohann dahil kitang kita ko sa mga mata niya kanina habang nagke-kwento na nasasaktan pa rin siya.

Ang tanga ko talaga! Bakit ba kasi hindi ka na lang nagtanong ng deretso kung siya ba iyong natapunan mo ng wine that night, Sandra?!

"Hyst! Ang awkward ng atmosphere. Bakit ba kasi napunta doon iyong usapan? Why did you asked about it all of a sudden?"

"I'm sorry. It's just that... Gusto ko lang ma-confirm kung ikaw ba iyong lalaking natapunan ko ng wine that night. Parehas kasi kayo ng necklace."

"You mean... Ikaw ang babaeng 'yon?" gulat na tanong niya.

do_ob

Kung ganoon...

"Kasi hindi pwedeng may kaparehas ako ng necklace na 'to. Sariling design kasi 'to ng taong nagbigay sa 'kin nito. That person designed this necklace for me."

"Kung ganoon ikaw nga?" I chuckled.

"*Sigh* What a small world? Siguro nangyari talaga iyon dahil nakatadhana ka para sa 'kin." He winked at me.

Hindi ko mapigilang tumawa ng bahagya.

"Tumigil ka nga. Pero... Bakit naman skull ang design ng necklace? It seems like death ang ginamit niyang theme sa pagd-design ng necklace na 'yan."

"You're right. Death nga ang theme nito. Death ang ginamit niyang theme because it symbolized the life I had before, at alam niyang ganito ang magugustuhan ko."

"Alam mo may pagka-weird ka talaga. Bakit mo naman gugustuhin ang ganyan like... Hello?? Sumisimbolo 'yan sa kamatayan, ano namang connect niyan sa buhay mo? May tao bang gustong mawala ka kaya naghahanda ka na sa paraang 'yan?"
Sarkastikong sambit ko pero tinawanan lang niya ako.

"Pwede rin, parang ganoon na nga. It's hard to explain pero... Parang parte na ng buhay ko ang kamatayan. Hindi ko lang alam kung kailan mangyayari dahil makapangyarihan akong tao."

"Psh! Tumigil ka nga. Hindi magandang biro 'yan, ah."

"*Chuckled* Balang araw maiintindihan mo rin kung ano'ng ibig kong sabihin."

Bahagya na lang akong napailing-iling ng dahil sa kan'ya.

"Anyways, bakit parang interesadong interesado ka yata sa 'kin ngayon?" mapangasar na naman siyang ngumiti sa 'kin.

"H-Hindi, ah. Masama bang makipagusap ng maayos sa 'yo sa paraang ganito?"

"Hm... Hindi naman. Kakaiba ka kasi ngayon, eh. Nakakatuwa kasi na hindi ka nakipagbangayan sa 'kin."

"Ewan ko sa 'yo. Tara na nga sa loob. Papunta na sila doon, oh. At saka... Late na rin."

Hindi ko na siya inantay pang magsalita at nauna na akong maglakad sa kan'ya.
.
.
.
.
.
____________

Nandito kaming lahat sa labas ng mga hotel room namin...

"What!? Ito? Sinabi ko na kanina, 'di ba? I told you, ayoko siyang makasama sa iisang kwarto." Yohann

"Ano ka ba, Yohann? Wala nang vacant room dito, saan mo siya gustong matulog?" Jhoann

"Ah, basta. Ayokong kasama ang lalaking 'yan sa kwartong 'to. Kung gusto n'yo, magpalit na lang sila. Si Ian ang dito, at siya na lang ang doon kasama ni Liam."

"Hindi pwede, eh." Liam

"Bakit naman hindi?" Yohann

"Ayaw mo talaga?" tanong ko.

"Ayoko."

"You sure?"

"Do I still have to repeat what I've said?" pabalik na tanong niya sa 'kin.

"Okay, sabi mo, eh. Kami na lang dalawa ni Red ang magsasama sa kwarto."

Bumaling ako kay Liam.

Hindi na sila nagulat dahil napagusapan na namin 'to kanina.

"Dito na lang si Cassandra at Red sa kwarto namin, tapos dyan kaming dalawa ni Ian sa kwarto mo, bro." baling niya kay Yohann.

"Magandang idea 'yan. Maso-solo ko si Cassandra the whole night." sambit ni Red at inakbayan ako. I smiled at him.

"What the heck are you all doing!? Mga sira ba ang ulo niyo?? Hindi iyon pwede!"

"At saka ikaw, 'wag mo ngang inaakbayan si Cassandra!" baling pa niya kay Red at inalis ang pagkakaakbay nito sa 'kin.

We slightly chuckled.

"Eh, 'di ba sabi mo ayaw mo ako dyan? Kaya kami na lang ni Cassandra ang magsasama doon."

"Bakit? Hindi ba pwedeng magbiro? Dito ka matulog." hinila niya si Red mula sa tabi ko at pinagtulakan papasok sa loob ng hotel room niya.

"At kayong lima, magsitulog na kayo. Good night!"

*BLAG!*

"Hoy! Iyong pinto baka masira." pahabol pang sambit ni Ian dahil padabog niyang isinara ang pinto.

Pare-parehas na lang kaming napatawa.

"Hyst, ang lokong iyon. Wala rin pala siyang magagawa, eh." Faye

"Success ang idea ni Cassandra." sambit ni Liam at nakipag-appear sa 'kin.

"Sana lang hindi sila magsapakan sa loob." Ian

"Nako, kung mangyari man iyon, it's their fault. Mababangasan ang gwapong mukha nila." Jhoann

"Let's see tomorrow. But I think... Hindi makakatulog ng maayos ang dalawang iyon because they're not comfortable with each other." I chuckled.

"Excited akong makita ang mga eyebags nila tomorrow, hahaha!"  Faye

"Tara na, matulog na tayong lahat para mas mauna tayong magising sa kanila at makita kung ano'ng kalalabasan ng idea ni Cassandra. Feeling ko masaya eh, hahaha!" Ian






















YOHANN's POV

"Hoy, ikaw. Napilitan lang ako na dito ka patulugin, ah. Kaya dyan ka sa sahig matulog."

"Hindi pwede, masyadong malamig ang sahig at hindi komportable." Red

"Edi d'yan ka sa single couch at matulog ka ng nakaupo, problema ba 'yon?"

"Why don't you try sleeping on that couch? Ikaw ang nakaisip, eh."

"You know what? I hate talking to you, man. Kung ayaw mong matulog sa sahig o sa single couch then, just try to sleep while standing there. Ang dami mong satsat, eh." nahiga na ako sa kama. Inayos ko lang ang blanket ko at tumalikod na lang ako mula sa kan'ya.

"Tsh, such a pigheaded man."

"Hoy! Naririnig ko 'yang sinasabi mo, ah! You're actually not supposed to be here. Kundi lang dahil kay Cassandra, hindi kita dito hahayaang matulog." binato ko sa kan'ya iyong isang unan na agad rin naman niyang nasalo.

Bahagya na lang siyang napailing. Pumunta siya doon sa may cabinet at kumuha ng dalawang blanket para ilatag sa sahig katabi nitong kama dahil maliit lang ang kwartong 'to.

"Turn off the lights after that. Hindi ako nakakatulog ng nakabukas ang ilaw at sana lang hindi ka maingay matulog. You're dead if you snore."
Muling sambit ko at tumalikod na ulit sa kan'ya.

Matapos niyang ayusin ang higaan niya ay pinatay na rin niya ang ilaw.

Nakakabadtrip! Ayoko ngang nakakasama ang lalaking 'yan tapos ngayon ganito pa ang nangyari.

Pero bakit ba tunay akong naiinis sa kan'ya? Kung tutuusin, hindi ko siya dapat ituring na rival dahil wala naman talaga akong gusto kay Cassandra at isang laro lang 'to.

Pero may mali, eh. May mali sa nararamdaman ko. Whenever I'm saying that I don't like her, I feel like I'm just lying to myself.

Do I... Really like her?

Hyst! Ayokong isipin. Hindi iyon pwedeng mangyari.

This is just a game, Yohann. You can't fall for her and she's the one who should fall in this game.

"Tulog ka na ba?" dinig kong tanong niya.

"Ano naman sa 'yo?"

"Ayaw mo na nandyan ako sa paligid because you're scared that Cassandra might like me, right?"

"Tsh! Why would I be scared that she might like you? Kaya kong i-respeto kung anong magiging desisyon niya."

"Hindi mo naman kailangang magalit sa 'kin. *Chuckled* Don't treat me as if I'm your rival. Sabihin na nating may gusto nga ako sa kan'ya, pero wala akong balak na agawin siya sa 'yo."

"I'm still courting her, kaya wala pa rin akong karapatan na angkinin siya. If you really like her, then court her as well. May the best man win."

"Naisip ko na rin 'yan noong una, pero mas pinili ko na lang na 'wag ituloy."

"Kasi alam ko na una palang, talo na 'ko." dugtong niya.

"Paano mo naman nasabing talo ka na? Ni hindi mo pa nga sinusubukan and in fact, we don't even know who she really likes."

"Sa tuwing nakakasama ko si Cassandra at nababanggit ka niya sa 'kin, doon ko napapansin na may gusto rin siya sa 'yo pero itinatago niya sa paraan na hindi mo mahahalata."

"She's acting like she's always annoyed or mad at you, pero ang totoo, may gusto na rin siya sa 'yo. And I guess, success naman ang ginagawa niya kasi talagang hindi mo nga nahahalata. *Chuckled*"

"Tsh, paano ako maniniwala sa mga pinagsasabi mo? Mas masaya si Cassandra kapag kasama ka niya, that's why I think she likes you too. Pero kung totoo nga na gusto ka rin niya, hindi pa rin ako titigil na ligawan siya not until... Sabihin niya sa 'kin na tumigil ako."

"Let's say na masaya nga siya kapag kasama niya ako, pero siya na rin mismo ang nagsabi... Na isang kapatid at kaibigan lang ang turing niya sa 'kin."

Bakit parang masaya akong marinig na walang gusto sa kan'ya si Cassandra?

Hindi ako pwedeng magkagusto sa kan'ya ng tuluyan, at saka isa pa... May iba akong gusto at hindi si Cassandra iyon.

Hindi ako pwedeng umatras sa dare ng dahil lang sa kan'ya. Hindi pwede.



























CASSANDRA's POV

"Good morning!" bati nila Ian sa 'min pagkalabas namin ng kwarto.

"Good morning." bati rin namin nila Faye.

"Ano? Kamusta iyong dalawa? Hindi pa ba lumalabas ng room nila?" tanong ko.

"Hindi pa rin, eh. I guess natutulog pa rin sila." Liam

"Ang akala ko nga mas nauna pa silang gumising, eh. Late na rin kasi tayo nagising." Ian

"Siguro nga tama ang hula natin kagabi na hindi sila makakatulog ng maayos. *Chuckled*" Faye

"Ang mabuti pa, gisingin na natin sila. 8:00 am na, oh." Jhoann

Pumunta si Ian sa tapat ng room nila Yohann.

*Knock knock*

"Yohann, gising na ba kayo?" sambit ni Ian habang ginagalaw galaw ang door knob.

"Huh? Hindi sila nag-locked ng pinto?" dugtong pa niya ng bigla itong mag-bukas.

Hindi na siya nag-dalawang isip pa at pumasok na lang sa loob. Sumunod naman kami sa kan'ya.

"Hoy, Yohann---- What the?!" Ian

"Bakit? Anong meron?" kunot noong tanong ko.

Lumapit kami sa kan'ya at....

do_o!b

"Oh my God!" sabay sabay pang sambit namin nila Jhoann at Faye na bahagya pang napatakip ng bibig ng makita namin si Yohann at Red.

Imbis na sa kama sila natutulog ay nasa sahig sila parehas. Nakaunan si Yohann sa braso ni Red, habang si Red naman ay nakayakap sa kan'ya at iisa lang rin ang blanket na gamit nila.

"Pfft-- totoo ba ang nakikita nating 'to?" natatawang sambit ni Liam.

Kinukuhanan na nila ng pictures iyong dalawa.

Hindi ko rin maiwasang matawa.

"Hindi ko ine-expect na ganito ang madadatnan natin sa kanila."

"Hahaha, ang sweet nilang tingnan. Ang inaasahan ko ay buong gabi silang mag-aaway." Jhoann

"Kaya pala ang himbing ng tulog nila." Faye

"Ngayon may pang-asar na tayo sa kanila, lalong lalo na kay Yohann hahaha!" Ian

Tuloy pa rin sila sa pagkuha ng pictures hanggang sa unti-unti nang magising iyong dalawa dahil sa mga flash ng cellphone nila.

"Hyst! Ano ba 'yannnn?" antok na sambit ni Yohann and at the same time naiinis dahil sa mga flash na nakatutok sa kanila.

Hindi pa rin niya napansin kung ano'ng klase ang lagay nilang dalawa at umayos pa siya ng higa hanggang sa....

"WAAAAHHHHHHH!!" sigaw niya ng mapansin na kasiping niya si Red at itinulak ito. Nang dahil doon ay tuluyan na ring nagising si Red.

Agad na lumayo sa kan'ya si Yohann at bumangon.

"Hoy, ikaw!"

"Ano bang problema mo? Ang aga-aga ang ingay." Red

"W-What did you do to me!? Gag* ka ba? Bakit nakayakap ka sa 'kin kanina?! Bakit magkatabi tayo!!?" sigaw ni Yohann habang nakatakip sa harapan niya iyong blanket.

"Wala akong ginawa sa 'yo, ah. It's all your fault! Nalaglag ka mula sa kama kagabi. Ang hirap mong gisingin kaya wala akong nagawa kundi ang pabayaan kang nakasiping sa 'kin."

Wala kaming magawa dito kundi ang tawanan sila.

"Edi sana ikaw na lang iyong lumipat sa kama. Use your common sense!"

"Masyado na akong antok para doon."

"Tsh! Nakakadiri ka, nakayakap ka pa sa 'kin kanina!"

"Bakit parang ako pa ang sinisisi mo? Ni hindi ko nga alam na yakap kita. Ginawa mo pang unan ang braso ko."

"You two, that's enough. Hindi niyo naman kailangang magtalo pa, ang sweet niyo ngang tingnan kanina, eh." mapangasar na sambit ko.

"Hindi namin ine-expect iyon, ah." Faye

"Bagay kayong dalawa, bro." Ian

"Trueeee!" pag-sangayon namin ni Jhoann.

"Shut up!" Yohann

"Tsk, tumigil nga kayo." Red

"Mauna na kaming bumaba sa inyo, ah. Doon na lang tayo mag-breakfast sa resto malapit sa entrance ng hotel." Liam

"Bilisan niyo, ah. Baka magsapakan pa kayo dyan." Ian

Gaya nga ng sinabi ni Liam ay pumunta na kami sa resto.

Good for 12 people ang nakuha naming table dahil iyon na lang ang available at nag-order na rin kami.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang orders namin, pati na rin sila Yohann. Nakasimangot na naman siya. I guess dahil sa nangyari kanina. Alam ko naman kasi na ayaw na ayaw talaga niya kay Red tapos ganoon pa iyong nangyari hahaha!

Ang cute niyang tingnan.

Yeah, I won't deny it. Hindi ko na ide-deny pa na may gusto nga ako sa kan'ya.

I don't know kung kailan at paano nangyari iyon. Basta ang alam ko lang... Gusto ko na rin siya.

Naupo na silang dalawa sa vacant seat na nasa left side ko. Katabi ko si Yohann at katabi niya si Red.

"Anong mukha 'yan, bro?" Liam

"Umagang umaga naka-simangot ka. Hindi ka ba masaya na magkasiping kayong dalawa ni Red buong magdamag? Hahaha!" Ian

"Mukha ba akong masaya? Huh? Tigilan niyo 'ko, ah." Yohann

Nag-simula na kaming kumain.

"You don't have to be like that. Ang cute niyo kayang tingnan kanina." I chuckled.

"Cassandra, pati ba naman ikaw?"

"She's right. Gusto mo ulitin natin?" mapangasar na sambit ni Red na akma na sana siyang yayakapin pero agad siyang umiwas.

"Do you wanna die early? Huh? Lumayo ka nga sa 'kin!"

*Laughs*

"Hay nako, hindi na ba talaga kayong dalawa magkakasundo?"  Faye

"Ewan ko ba sa isang 'yan. I already told him that he don't have to treat me as his rival, kasi hindi ko naman aagawin si Cassandra sa kan'ya." Red

"Ikaw lang naman pala ang may problema dyan Yohann, eh." Ian

"Pwede ba? Just shut up!---" Yohann

"Heyy!"

do_ob

Iyong lalaking nanggulo sa 'kin kahapon.. Ngayon naman ay apat na lalaki na ang kasama niya. I think kaibigan niya ang mga iyon.

"Mukhang nagkakatuwaan kayo, ah." Brandon

"What the h*ll are you doing here?" Yohann

"Gusto lang naming maki-table sa inyo. Wala nang ibang vacant seat dito, eh." Brandon

"Hindi lang naman ito ang restaurant sa hotel na 'to. Pwede naman kayong lumipat." Liam

"Pero mas gusto namin dito, at saka... Gusto rin kasi naming makilala ng mabuti ang mga magagandang babaeng kasama niyo, lalong lalo na siya." he pointed at me.

do_ob

"Hoy, Brandon. Kung mangugulo ka lang, umalis ka na." Ian

"Sino ba talaga ang mga mukhang adik na 'yan? Kahapon ko pa nakikita ang mga pagmumukha niyan sa resort, eh." Red

"At sino ka rin ba?"

"Nag-recruit ka ba ng bagong member niyo? Dark?" dugtong niya.

Nag-recruit? What does he mean? At saka sino si Dark?

"Sinigurado mo bang magaling humawak ng armas at magaling makipag-laban ang isang 'to? Baka mamaya lalampa lampa 'to kapag nagkaroon ng war."

"Baliw ba ang lalaking 'to? Ano'ng pinagsasasabi niya?" Red

"Tumigil ka na, Brandon. Wag mong hintayin na magkaroon tayo ng gulo dito." Liam

"Bakit? Masama bang kilalanin ang new member ng grupo niyo? Gusto ko siyang subukan---"

*BLAGGG!*

do_o!b

Gulat kaming napatingin kay Yohann ng padabog niyang bitawan ang kutsarang hawak niya na naglikha ng malakas na ingay. Tumayo siya at lumapit kay Brandon.

"Doon tayo sa labas." Hinawakan niya ang kuwelyo nito at hinila papunta sa labas nitong resto.

Sumunod din naman sa kanila iyong apat na lalaking kasama ni Brandon kanina.

"Ano'ng nangyayari?" Jhoann

"Hyst! Sinasabi ko na nga ba. Dito lang kayo, ah. Walang susunod. Red, pakibantayan sila." Ian

Sumunod din silang dalawa ni Liam doon.

"I'm being nervous. Paano kung magaway-away sila doon." Faye

"Hindi malabong mangyari iyon. Kita niyo naman, halatang galit na talaga si Yohann." Jhoann

"I don't get it. Ano ba iyong ibig sabihin noong lalaki? Anong bagong recruit? May sinasabi pa siya about sa armas at war." kunot noong sambit ko.

"Oh my--- mga sindikato ba sila?" Faye

"Gaga, kung sindikato sila, bakit sila kilala nila Yohann? Ang tapang-tapang pa nga nila kung harapin ang mga mukhang adik na lalaking iyon." Jhoann

"They're so weird. Ang mabuti pa, hintayin na lang natin silang makabalik at hayaan natin silang magpaliwanag tungkol doon." Red

















To be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

93.9M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
34.6K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
2M 95.8K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
422K 12.2K 54
VALDEMAR SERIES #3 After the tragedy of the Valdemars on the controversial death of their patriarch, Liliana Allysia promised that she will distance...