CASSANDRA's POV
"*Sigh* Ano ba naman 'yan? Ine-expect ko wala tayong klase ngayon kasi naman, haleeeeerr?? Valentine's day ngayon, right? And usually naman wala talaga tayong pasok sa ganitong occasion." sambit ni Faye
"Ewan ko ba? Juskoo, tinatamad akong um-attend ng klase today." sambit ni Jhoann
Nandito kaming tatlo sa cafeteria at kanina pa silang dalawa nagra-rant ng dahil lang sa may pasok ngayon.
"Ano bang meron sa inyong dalawa? Hindi naman big deal na magkaro'n tayo ng klase ngayon. At saka, helloo?? Saturday na bukas, walang pasok. Kaya ano pang pinagmamaktol niyo? Pwede namang bukas tayo mag-hang out."
"Eh, kasi naman... Mahalaga ang date na 'to para sa 'kin. May date kasi ak--- uh.. Nevermind." Faye
I raised my left eyebrow at her.
"Don't tell me, hindi tayong tatlo makakapag-hang out tomorrow?"
"Ah... Eh, m-mukhang gano'n na nga, hehehe." Faye
"Bakit naman?"
"Ganito kasi 'yan, may... Date ako."
dO_ob
"Date??"
She nodded.
"Sino namang ka-date mo? Bukod sa wala kang boyfriend, wala ka rin namang nake-kwentong lalaki sa 'min."
"Hindi ka naman siguro magagalit kung sabihin kong si---"
"Ako."
Napatingin kami sa may likuran ko ng marinig ang boses ni Ian.
Magkasama silang dalawa ni Liam.
"Anong ikaw?" kunot noong tanong ko.
Naupo silang dalawa ni Liam sa bakanteng upuan.
"Ayos lang ba na hiramin ko muna ang oras niya sa inyo para bukas?" Ian
"Bakit? Boyfriend ka ba niya?"
sambit ko at ininom ang juice na nasa harapan ko.
"Grabe ka naman, Cassandra. Bawal ba kapag suitor palang?"
do_ob
*Pfft--*
Wt?!
Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko ng marinig 'yon.
"So, kailangan ko na pala agad maging girlfriend si Jhoann kung gano'n." sambit ni Liam
"Hoy, tumigil ka nga!" Jhoann
dO_ob
"Pati ikaw??" tanong ko pa sa kan'ya.
He nodded.
"A-Ano? Akala ko ba happy friends lang kayo dito? Ano'ng pinaggagagawa niyo sa buhay niyo?" hindi makapaniwalang sambit ko.
Kaya pala gano'n nalang mag-reklamo ang dalawang 'to kanina nang malaman na may klase ngayon.
"Akala mo lang 'yon." sagot ni Faye at bahagyang tumawa.
"Tsh, kailan pa?"
"Actually, nag-start 'yon 3 days since nakilala natin sila." Jhoann
"Gano'n kadali?"
She nodded.
"About naman sa 'min, a week ago lang." Faye
Napabuntong hininga nalang ako at bahagyang napailing.
"Ito naman, parang hindi nililigawan ni Yohann, oh." Jhoann
"Shut up, Jho. I told you, pinagt-tripan lang ako ng lalaking 'yon."
"Ano? Nagkakamali ka d'yan, Cassandra." Ian
"Ano namang mali?"
"Hindi ka pinagt-tripan ni Yohann. Seryoso talaga s'ya."
"He's right." Liam
"At paano mo naman nasabi?"
"Alam mo kasi Sandra, kapag hindi seryoso si Yohann sa isang babae, hindi n'ya nililigawan. Hindi n'ya ginagawang isang biro lang ang pangliligaw. Stop thinking na pinagt-tripan ka lang niya. Seryoso siya sa 'yo. Trust us." Liam
"Oh, see? Sa kanila na rin mismo nanggaling." Faye
"Hyst, ewan."
"Speaking of Yohann. He's coming." Jhoann
"Ano naman?"
"He's with Red." Faye
Agad akong napalingon sa entrance nang malaman kong nandyan si Red.
"Ay, lingon agad, oh. Si Red ba ang gusto mo?" sambit ni Jhoann dahilan para tumawa sila.
"Tsh, hindi 'no. Tigilan n'yo nga ako." I slightly rolled my eyes at them.
Nang makarating silang dalawa dito ay hindi ko nalang sila pinansin.
To tell you honestly, hindi ko pa rin sila pinapansin since nangyari 'yong pagsasapakan nila sa mall.
Actually, hindi naman ako galit. Gusto ko lang na maging maayos ang trato nila sa isa't isa dahil hindi sila magkasundo.
"Cassandra." tawag nila.
"Oh, ano'ng ginagawa niyo dito? Magl-lunch?" patay malisyang tanong ko.
"Hindi." Red
"I'm here to say sorry. I'm sorry about what happened." dugtong pa n'ya.
Bumaling naman ako kay Yohann at tiningnan siya na para bang tinatanong kung may sasabihin din ba siya.
"Ahh, ako. I'm also here to apologize. I'm sorry. Hindi na mauulit."
"Talaga lang, ah?"
"Kung gano'n 'wag kayo sa 'king mag-sorry."
"Huh??" nagtatakang tanong pa nila.
"Kung talagang hindi na 'yon mauulit, 'wag kayong mag-sorry sa 'kin."
"Eh, kanino?" Red
"Mag-sorry kayo sa isa't-isa."
"What?? Mag-sorry, hindi ako hihingi ng sorry sa lalaking 'yan 'no. Tsh!" agad na angal ni Yohann.
"Ha! At hindi rin ako mags-sorry sa 'yo." sagot naman ni Red.
"Ahh, gano'n? Sige, 'wag na kayong mag-sorry sa isa't-isa. Mag-away nalang kayo habang buhay! Don't you ever dare talk to me, again."
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at akma na sanang aalis nang hawakan ni Yohann ang braso ko.
"Sandali lang, Sandra. Sige, gagawin ko na."
"Hindi, labag yata sa kalooban niyong dalawa, eh. Sige, 'wag na." sarkastikong sambit ko.
Sila Jhoann ay bahagya pang napatawa dahil sa sinabi ko.
"I'm serious." Yohann
Muli siyang bumaling kay Red.
"Pre, pasensya na sa nagawa ko."
"Pasensya na rin." Red
Parehas silang bumaling sa 'kin.
"Oh? What are you waiting for? Mag-shakehands na kayo."
"May gano'n pa??" walang ganang sambit nila.
"May angal kayo?" I raised my left eyebrow.
"W-Wala, sabi ko nga 'yon ang gagawin namin. Ito kasing sira*long 'to ayaw gawin, eh." Yohann
"At naninisi ka pa? Eh, ikaw nga 'yong may ayaw." sagot ni Red at nag-shakehands na silang dalawa.
Parang gusto ko nalang matawa sa kanila. Halata naman kasing napipilitan lang talaga silang sundin ako.
Hahahaha!
"Tanggal angas niyo niyan mga pre." Liam
"Under pala kayo kay Cassandra, eh." sambit pa nila Ian dahilan para muling mapatawa ng bahagya sila Faye.
"Shut up!" sabay na sambit ni Yohann at Red.
"Always in sync!" Jhoann & Faye
*Chuckled*
"Alam niyo nagseselos sa'min si Sandra." Faye
dO_ob
"Bakit naman?" sabay na namang sambit nang dalawa.
"Hoy, Faye, manahimik ka nga. Anong pinagsasabi mo d'yan?"
"Sus, alam niyo kasi, parehas kaming may date bukas ni Faye. Actually, dapat ngayon 'yon ang kaso may klase. And since mabait kaming mga kaibigan n'ya, ayaw naman namin siyang pabayaan na mag-hang out mag-isa, kaya sana samahan---" Jhoann
"Don't worry, hindi siya mag-iisa. May date din kami bukas." Red
dO_ob
"A-Ano'ng ikaw? Hindi pwede dahil kami ang may date bukas." Yohann
do_Ob
"Ako ang kasama niya bukas." Red
"Hindi ikaw, kundi ako." Yohann
"Will the two of you just stop? Nagsisimula na naman kayo, eh. Wala akong sasamahan sa inyo bukas. Tapos!"
"So, ano? Ano'ng gagawin mo bukas?" Jhoann
"Maghi-hiking mag-isa."
"Mag-isa??" sabay-sabay na tanong nila.
"Ano? Gulat na gulat?? Bakit? Hindi ba pwede 'yon? Huh?" sarkastikong sambit ko.
"Sasamahan kita, delikadong mag-isa do'n." Yohann
"Sasamahan din kita." Red
"Bakit sasama ka pa? You're just going to disturb us." Yohann
"Tsh, wala ba akong karapatan? Akala mo kung sino 'to." Red
"Ano'ng sinabi mo?" Yohann
"Enough. Matanda na ako, okay? I can go by myself whenever I want."
"Alam niyo, may naisip ako." Faye
Tumingin kami sa kan'ya na para bang naghihintay ng kasunod na sasabihin niya.
"Para maging maayos 'to, what if mag-hiking or outing nalang tayong lahat? Para mas masaya ang bonding. First time na mangyayari 'yon kung sakali."
Pare-parehas kaming napaisip nang dahil sa sinabi niya...
To be Continued...