CASSANDRA's POV
"Nandito ka rin?" naka-crossed arms na sambit ko ng may tumabi sa 'kin dito sa inuupuan ko sa rooftop.
"Obviously." sagot niya.
"Tsk! Alam mo bang ayaw kitang makita dahil naiinis ako sa 'yo?"
Bumaling siya sa 'kin.
"Look, I'm sorry sa nagawa ko kanina. Kasi naman..."
"Kasi ano?"
"W-Wala, basta sorry."
"*Sigh* Nevermind."
"Oo nga pala, I am really curious."
Muling sambit ko.
"About what?"
"Are you really serious? Sa pangliligaw mo sa 'kin?"
"I told you, seryoso ako. Hanggang kailan mo ba 'ko balak tanungin ng gan'yan?"
"Kasi naman, hindi kapani-paniwala. Hindi ba wala ka namang gusto sa 'kin? So, anong purpose ng pangliligaw mo?"
"Sira ka ba? Do you honestly think that I'll court you kahit na wala naman akong gusto sa 'yo?"
"Hindi malabong mangyari 'yon."
Humarap siya sa 'kin.
"Listen to me, alam kong palagi kitang iniinis at ako lagi ang dahilan kung bakit ka nabibigyan ng punishment, but it doesn't mean na kaya rin kitang paglaruan."
"Actually, hindi ko rin alam kung paano 'to nag-simula. Basta, I just found myself slowly falling for you. Wag mo sanang isipin na ginagawa ko lang 'to para pagtripan ka or what."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
Kung ganun... Seryoso nga talaga siya sa 'kin?
Bahagya akong napangiti na agad ring napawi.
Hyst, bakit ba ako napapangiti nang dahil lang sa sinabi niya?
Sandra umayos ka nga! Wag kang basta-basta maniniwala sa kan'ya.
KELLY's POV
Nandito ako sa loob ng isang bookstore habang nagti-tingin tingin ng mga libro sa bookshelves dahil may hinahanap ako.
Bagong released lang ang libro na 'yon and I've heard na mabilis siyang nas-sold out.
Sana naman meron pa no'n dito.
Pag-tingin ko sa itaas ng bookshelf ay agad ko naman 'yong nakita dahilan para mapangiti ako, ang kaso...
Saktong paghawak ko sa libro ay may humawak din do'n.
d-,-b
Napabaling ako sa kung sino mang tao 'yon.
do_ob
"Ikaw?" gulat na tanong ko habang hindi pa rin binibitawan ang libro at gano'n din siya.
"A-Ako?" kunot noong tanong niya na bahagya pang inituro ang sarili niya.
"Oo, ikaw. Ikaw 'yong siraulong lalaki sa airport!"
"Miss-- what? Excuse me lang, hindi kita kilala and I don't know what you're talking about. Akin na nga pala ang librong 'to." hinila niya 'yon dahilan para mabitawan ko.
Aalis na sana siya pero muli kong hinawakan ang libro.
"At bakit mo naman kukunin 'to? Fyi, I'm the one who saw this first."
"pero ako ang unang nakakuha."
"I don't care! Basta ako ang unang nakakita nito, akin na nga 'yan." hinila ko 'yon mula sa kan'ya pero hindi niya binitawan.
"Ako ang unang nakakuha nito. Humanap ka nalang ng ibang libro d'yan."
"What? Bakit hindi nalang ikaw ang gumawa no'n?"
"Hindi pwede. Nagiisa na ang librong 'to and I've heard na matagal pa bago ulit mag-released nito ang author ng librong 'to."
"Pwes, 'yon din ang dahilan ko! Just give this to me!"
"No." sagot pa niya habang naghihilahan kami sa libro.
Tuloy lang kami sa pagtatalo at paghihilahan ng libro hanggang sa...
*SCRATCH*
do_ob
Napunit 'yong libro!
"Aish!! Nakakainis!"
"Just look what you've done!" inis na dugtong ko pa.
"Pwede ba, miss? Stop blaming me. Ikaw 'tong naunang manghila ng libro."
"at nakipag-hilahan ka naman! Now suit yourself. Ikaw ang mag-bayad n'yan. D'yan kana." akma na sana akong aalis nang hawakan niya ang braso ko.
"Sandali, hindi naman yata tama 'to. Ikaw ang nauna 'di ba? Kaya ikaw ang magbayad."
"Ano? Matapos 'tong masira saka mo ibibigay at pababayaran sa'kin? Ang kapal mo, ah!"
"Ikaw rin naman ang may kasalanan."
"Ewan ko sa 'yo. Ikaw ang magbayad n'yan. Bahala ka sa buhay mo Mr. Who ever you are!"
Pilit kong inalis ang pagkakahawak niya sa 'kin at matapos 'yon ay lumabas na ako ng bookstore.
Nakakainis ang lalaking 'yon! Ang sarap niyang saktan!
"Hoy, miss! Sandali lang!" dinig kong habol niya sa 'kin.
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya.
"What?!"
"Alam mo ba kung gaano kamahal ang librong 'yon? Tapos hinayaan mo lang na bayaran ko 'yon ng mag-isa?"
"So what? Ikaw naman ang dahilan kung bakit nasira 'yon, eh."
"Parehas tayo." sagot pa niya.
"Yeah, whatever. You know what? Kung tutuusin pangalawang atraso mo na 'to sa 'kin, eh."
"A-ano? At paano naman nangyari 'yon? We just met earlier."
"Ah, so hindi mo ako natatandaan? Ako lang naman yung babaeng inagawan mo ng taxi sa airport nitong nakaraan."
Bahagya pa siyang napaisip.
"Ah, Oo. I remember you."
Sarkastiko akong tumawa.
"Ha! At talagang parang natutuwa ka pa, ha?"
"No, it's not that. I'm sorry for what I did. May urgent meeting lang talaga ako that time."
I just rolled my eyes at him.
"I think we're now quits."
"And how come na nangyari 'yon?"
"It's because I paid the book that you also broke."
"Hoy! Dapat lang naman na bayaran mo 'yon ano? Kasi hindi naman masisira 'yon kung hindi mo inagaw sa 'kin. D'yan kana nga!" sambit ko at iniwan na siya do'n.
YOHANN's POV
"Should we just considered na talo na kayo sa dare?" sambit ni Brandon habang nagsasalin ng alak sa baso niya.
Nandito kami sa bar.
"Wag ka namang masyadong magmadali, pre. Konting panahon nalang, makukuha na namin ang loob nilang lahat." Liam
"Anong 'wag magmadali? Baka nakakalimutan niyong lampas isang buwan na simula nang mangyari ang dare?"
"Kasalanan mo rin 'yan. Ikaw ang nag-suggest ng dare, kaya matuto kang mag-hintay." sambit ko habang pinapaikot-ikot ang alak sa loob ng basong hawak ko.
"Hoy, Yohann. Wag mo sanang kalimutan na pumayag kayo sa gusto ko, kaya kung hindi niyo 'yon magagawa, alam mo na ang mangyayari."
"Just give us two more weeks, sinisigurado ko sa 'yo na magagawa namin 'yon and if not, feel free to take kung ano'ng nakataya sa dare." Ian
Napatingin naman sa 'kin si Brandon.
"Wag mo akong titigan ng gan'yan. Hindi ako magiging against sa ngayon, lalo na't gusto ko na ring matapos ang connection namin sa mga kagaya niyo."
"Ha! Mabuti na'ng nagkakaintindihan tayo. Siguraduhin niyo lang na tutupad kayo sa usapan kung ayaw niyong pati buhay ng mga kasamahan niyo, kunin ko."
"Well, let's see. Alam ko namang puro salita ka lang." I smirked.
To be Continued...