The Untold LoveStory

By nieszajames

10.8K 358 10

"do you believe in past life? " dahil ako hindi! pero dahil sa mga madalas kong napapa naginipan parang unt... More

meet isabelle cruz
Letter
Dog
juanito / Juan
titig
white roses
feeling akward
Dream kiss
comparison
Vision
necklace
alaga
church
panyo
surreal
reality
forget
Sulyap
Unexpected
sandal
concern
litong -lito
misunderstanding
mahal kita
if we fall inlove
selos
pag lisan
He's here
ignore
hinayang
itinakda
confrontation
kanta
move on
luha
alala
this time
till death do us part
book 2- truth behind those dream
paraya
pag babago
patawad
ginoo
libro
Gusto kita
ligaya
Naramdaman
iwas
pag tatagpo
pag babago
pag Lisan
nag susumamo
pangako
pag lalakbay
buntis
pag -amin
pag babalik
kasundoan
katotohanan
inis
kapahamakan
Ang muling pag babalik

tampo

95 3 0
By nieszajames


Chapter 55


Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata at nag taka ako nang makita kong nasa isang silid na ako at bigla kong na alala na nakita ko si ginoong. Miguel sa palengke bago ako mawalan nang Malay kong kayat agad akong napa bangon subalit bigla akong bumagsak sa sahig dahil nahihilo parin ako, maya maya ay nakita kong pumasok si ginoong. Crisanto at gulat na gulat ito nang makita akong naka higa sa sahig at halos hindi maka tayo, naramdaman ko nalang na bigla ako nitong binuhat at inihiga sa pabalik sa Kama at inayos sa pag kaka higa..

Crisanto :binibini pakiusap wag mo nang pipiliting bumangon mag isa ,hindi pa maayos ang iyong pakiramdam..

Ramdam ko ang pag alala ng ginoong. Crisanto saakin kaya pinilit kong ngumiti kahit na masama parin ang aking pakiramdam.

Isabella :paumanhin ginoo, ngunit nagawa kulang naman iyon dahil gusto kong makita at makausap agad si ginoong. Miguel.

Crisanto :naiintindhan kita binibini, ngunit masyado mo nang pina pagod ang iyong sarili, tingnan mo nga yang nangyari sa iyo nagkaka sakit kana kaka hanap sa taong ayaw namang mag pakita..

Maaring tama ang ginoo.  Ayaw talaga siguro Mag pakita ni ginoong. Miguel dahil ang totoo may ibang babae na itong iniibig, bigla na namang kumirot ang puso ko at may namumuong luha sa mga Mata ko na nag babadyang tumolo dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Isabella : bakit ganun?  Bakit ang bilis mag bago nang nararamdaman nang isang Tao?  Alam mo bang nakita ko si ginoong. Miguel kanina, pinilit kong habulin siya upang makausap, ngunit nagulat ako nang makita kong may.. May kasama itong binibini at mukhang masaya sila sa isat isa..

Habang nag sasalita ako tuloyan nang bumagsak ang mga luha sa mga Mata ko, narinig ko naman ang biglang pag buntong hininga ni ginoong. Miguel at mapait itong napa ngiti saakin.

Crisanto :anong balak mo ngayon binibini?  Nais mo parin ba siyang makausap? 

Bago ko sinagot si ginoong. Crisanto saglit muna akong tumahimik at kinapa ang sarili ko..

Isabella : ang totoo niyan gusto kong malaman kong bakit niya nagawa ang mga bagay na to!

Crisanto :binibini alam kong wala akong karapatan pang himasokan ang iyong buhay o nang pamilya niyo ngunit ngayon alam mo na ang totoong dahilan kong bakit umalis si ginoong. Miguel, mas Makaka buti sigurong kausapin mo nalang ang ate Louisa mo na kalimutan nalang ito. bago pa magkaroong nang hidwaan sa pagitan nang pamilya niyo at pamilya nang ginoong. Miguel, hindi makaka buti yon binibini..

Batid ko ang labis na pag aalala ni ginoong. Crisanto saakin at sa pamilya ko ngunit hindi tama para saakin ang ginawa ni ginoong.miguel pinag laroan nito ang damdamin nang ate Louisa ko at pati narin ako at hindi ko ito mapapa tawad. kaya kailangan ko siyang mahanap at makapag higante dito, kailangan niyang maramdaman ang sakit na pinaramdam nito saakin at sa ate ko.

Isabella :alam kong nag aalala ka saakin ginoo ngunit kailangan ko siyang makita at makausap para sa ate Louisa ko...

Agad namang napa tango si ginoong. Crisanto at bahagyang napa ngiti..

Crisanto : naiintindihan ko binibini, ngunit wag kang mag alala andito lang ako bilang kaibigan mo at handa akong suportahan ka, maliban sa katigasan nang ulo mo, kaya kong gusto mong mahanap ang ginoo. Mag pahinga ka upang bumuti ang pakiramdam mo..

Hindi ko napigilang mapa ngiti dahil sa pag bibiro nang ginoo. Nag papasalamat ako ngayon dahil ito ang taong nasa tabi ko at karamay ko sa nararamdaman kong herap at sakit dahil kay ginoong. Miguel. kong matuturoan kulang ang aking puso na mag mahal, tiyak na si ginoong. Crisanto ang pipiliin kong mahalin dahil sa taglay nitong kabutihan..

Isabella :maraming salamat ginoo. Dahil napaka buti mo saakin..

Crisanto : walang ano man, mas mabuti sigurong mag pahinga kana. Binibini naririto lang ako upang bantayan ka. .

Hindi na ako sumagot at muli kong ipinikit ang aking mga Mata hanggang sa hindi ko na namalayang naka tulog na pala ulit ako.

Kinabukasan pagka gising ko laking pasasalamat ko nang bumuti na ang pakiramdam ko at nakaka tayo narin ako nang maayos na hindi na hihilo kaya agad kong inayos ang aking sarili at lumabas nang silid.

Pagka labas ko nang silid nakita ko si tesa na nag mamadaling nag lalakad palapit saakin kaya ngitian ko ito dahil nasisgurado kong labis itong nag alala saakin.

Tesa :binibini hindi dapat kayo agad bumangon nag pahinga po muna sana kayo..

Isabella :maayos na ang pakiramdam ko tesa kaya wag kana mag alala, siya nga pala asan si ginoong. Crisanto? 

Tesa :nasa sala po ito kausap ni padre sito..

Isabella :si padre sito? 

Tesa:upo binibini tahanan po ito ni padre sito pumayag po itong dito muna tayo tumoloy habang naririto tayo sa San. Vicente at dahil labis din itong nag alala sa nangyari saiyo kahapon..

Isabella :ganun ba, tesa dalhin mo ako sakanila nais ko silang makausap..

Agad na napa tango si tesa at sinamahan ako nito pontahan si ginoong. Crisanto at padre sito.

Nang makarating kami nang salas agad kong nakita si ginoong. Crisanto at padre sito na nag uusap kaya agad kong nilapitan ang mga ito at nang makita ako nang mga ito halos sabay pa itong napa tayo..

Isabella :magandang araw ginoong. Crisanto at saiyo din padre sito..

Crisanto :binibini bakit ka naririto dapat nag pahinga ka pa..

Padre sito :tama ang ginoo hindi ka dapat bumangon baka bigla ka na namang mahilo..

Ngitian ko ang mga ito upang, ipaalam na maayos na ang aking kalagayan at para hindi na mag alala pa..

Isabella :salamat sainyong pag aalala ngunit maayos na aking pakiramdam ginoong. Crisanto, padre sito at salamat dahil pinatuloy niyo kami sa tahanan niyo padre sito..

Padre sito:walang ano man binibini handa akong tumolong kahit na kanino.. At wag mo sanang mamasamain kong pinilit kong alamin ang dahilan kong bakit ka naririto sa San. Vicente ang nais ko lang naman ay maka tulong at na sabi saakin ni ginoong. Crisanto na may hinahanap ka raw na isang ginoo..

Isabella :tama po kayo padre.  At sana makita ko na siya para masagot na ang bawat katanongan ko,  ngunit sa pagkaka taong ito hindi kona alam kong saan ako mag sisimula para hanapin ito, pinakawalan ko ang pagkaka taong makausap ito nong mawalan ako nang Malay kahapon sa palengke..

Padre sito:binibini wag kang mang hinayang dahil may awa ang diyos kong ano man ang nangyari saiyo kahapon nasisigurado kong may magandang dahilan ang puong maykapal mag tiwala kalang..

Isabella :sana nga po padre, siya nga pala ginoo maari mo ba akong samahan bumalik nang palengke mag babaka sakali akong baka bumalik ulit si ginoong. Miguel..

Crisanto :mas makaka buti kong dumito ka muna ako nalang ang babalik nang palengke upang abangan ang ginoo..

Sasagot pa sana ako nang biglang nag salita si padre. Sito.

Padre sito: ang sabi niyo nakita niyo ang ginoong hinahanap niyo kahapon sa palengke ngunit walang nakaka kilala dito tama ba ako? 

Crisanto :tama po padre sito..

Padre sito:kong hindi siya kilala nang mga taga dito, malamang ay hindi siya taga dito..

Isabella :ngunit padre nakita ko mismo siya kahapon dito at malakas ang kutob ko na malapit ko na siyang makita..

Padre sito: teka lang may naisip ako, kong hindi siya taga rito malamang taga hacienda alfaro ito ang haciendang tumo tulong saamin dito at ang may Ari nito ay si ginoong. Jose alfaro..

Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ni padre sito hindi kaya nasa hacienda alfaro si ginoong. Miguel..

Isabella : hacienda?  Padre saan ko po ba makikita ang hacienda alfaro? 

Crisanto :ngunit binibini hindi pa tayo sigurado kong naroon nga ang ginoo.

Isabella : alam ko naman yon ginoo ngunit lahat nang may kaugnayan sa pweding pontahan ni ginoong. Miguel popontahan ko gaano man ito kalayo..

Padre. Sito:o siya sige ipapahatid ko kayo  sa kutsero ko paponta roon..

Hindi ko napigilang mapa ngiti dahil sa sinabi ni padre. Sito, nararamdaman ko, doon ko makikita sa hacienda alfaro si ginoong. Miguel ...

Pagka tapos naming mag agahan agad na ipinahanda ni padre. Sito ang kalesang sasakyan namin paponta sa hacienda. ALFARO...

Habang naka sakay kami sa kalesa ni ginoong. Crisanto hindi ko mapigilang kabahan at mangamba hindi ko talaga alam kong ano ang mararamdaman ko kapag nakita ko ito at ang binibining kasama nito, gusto kong magalit at masaktan ngunit wala akong karapatan.

Nataohan ako sa malalim na iniisip nang marinig ko si ginoong. Crisanto na nag salita kaya napa tingin ako dito.

Crisanto :alam kong nag aalala ka binibini pero sa tingin ko naman ay magiging maayos ang lahat ..

Isabella :sana nga ginoo..

Pinilit ko nalang mapa ngiti para hindi na mag alala si ginoong. Crisanto saakin masyado ko na itong pinag aalala sa araw ,araw na kasama ako nito..

2 oras din ang biyenahe namin   hanggang sa marating namin ang hacienda alfaro. Hindi ko napigilang ilibot ang aking mga Mata sa paligid dahil sa ganda nang hacienda, hindi ko MA itatanggi na di hamak na mas maganda ito kumpara saaming hacienda, napaka lawak nang lupain na sakop nang kanilang tahanan at halos 3 bahay ang naka tayo sa loob nang hacienda at sa gitna nito ay ang napaka laking masion at sa tingin ko ay yon ang tahanan ni ginoong. Alfaro..

Pa baba na ako nang kalesa,nang inalalayan ako ni ginoong. Crisanto kaya napa hawak agad ako sa kamay nito upang hindi ako maherapan bumaba..

Crisanto : ito na yata ang hacienda alfaro binibini..

Isabella :oo nga tara na wag na tayo. Mag aksaya nang panahon nais ko nang makita ang ginoo..

Agad na napa tango si ginoong. Crisanto at tuloyan na kaming nag lakad papasok nang mansion, at sa pag pasok namin ay sinalubong kami ng isang may katandaang babae at mukhang magiliw ito dahil sinalubong kami nitong naka ngiti..

Soleng:magandang araw binibini, ginoo anong MA ipag lilingkod ko sainyo?

Crisanto :magandang araw din po ginang kaibigan po ako ni padre sito.
At pinaponta niya po kami dito, upang makausap si ginoong. Alfaro

Soleng:ganun ho ba, tuloy ho kayo ginoo, binibini hintayin niyo nalang po si ginoong. Alfaro rito at tatawagin kolang siya sandali sakaniyang silid aklatan..

Crisanto :sige po ginang maraming salamat..

Agad kaming dinala nang ginang sa sala upang maka upo habang hinihintay si ginoong.alfaro , nang maiwan kami ni ginoong. Crisanto inilibot ko ang aking paningin sa loob nang bahay at may naka agaw nang pansin ko, ang isang larawan nang binibini kasama ang isang matandang lalaki at sa tingin ko ay ito ang ginoong. Alfaro.ngunit bigla akong kinabahan nang maalala ko ang binibining kasama ni ginoong. Miguel nang makita ko ito sa palengke ,Hindi ko ito gaanong masyadong na mukhaan dahil naka tagilid ito pero malakas ang kutob kong baka ito ang babaeng kasama nito, at pag nagkataon maaring narito nga ang ginoo..

Napukaw ang pag iisip ko nang biglang may nagsalita at agad akong napatingin dito ..

Ginoong. Alfaro:magandang araw saaking mga panauhin, ako nga pala si ginoong. Jose alfaro at maari ko bang malaman kong anong pangalan niyo, ginoo, binibini?

Agad kaming napa tayo ni ginoong. Crisanto at lumapit kay ginoong. Alfaro para kamayan ito..

Crisanto :ako nga pala si ginoong. Crisanto santibañez ..

Isabella :ako naman po si binibining. Isabella Monte. Gracia..

Ginoong. Alfaro :kinagagalak ko kayong makilala, siya sige MA upo na Muna kayo..

Agad kaming bumalik sa pag kaka upo at ganun din si ginoong. Alfaro..

Ginoong. Alfaro :nasabi ni soleng saakin na kaibigan raw kayo ni padre. Sito, may nais ba itong iparating na minsahe para saakin?

Dahil sa tanong ni ginoong. Alfaro nag katinginan muna kami ni ginoong crisanto at mukhang naunawaan naman nito na kinakabahan ako sabihin dito ang totoong pakay namin  at ayukong gumawa nang kahit na anong gulo ang nais kulang naman ay makausap nang tahimik si ginoong. Miguel..

Crisanto :ang totoo po niyan, nasabi ni padre sito saakin ang inyong mga Gawain dito sa hacienda, alam ko pong dahil sainyo ay maraming taga San. Vicente ang natutulongan niyo upang magka roon nang maayos na trabaho kong kayat naisip kong personal na bumili nang mga gamit na inyong ipinag bibinta tulad nang banig at kong ano, ano pa upang madala ko saaming bayan at kong magustohan ito nang aking ama, imumungkahe kong sainyo na kami mag aangat nang mga kagamitan..

Nagulat ako sa sinabi nang ginoo dahil hindi ko ito inaasahan kaya napatingin ako dito at nakita kong napa ngiti ito saakin, marahil ay ang pag bili nang mga kagamitan mula sa hacienda'ng to ang ginamit niyang dahilan upang mahanap namin si ginoong. Miguel...

Halatang nasiyahan si ginoong. Alfaro sa sinabi ni ginoong. Crisanto kaya napa ngiti ito..

Ginoong. Alfaro :ganun ba, magandang ideya nga yan ginoo, at isa pa malaking tulong ito sa mga taga San. Vicente..

Crisanto :ginoo kong inyong papa hintulotan maari ba naming makita ang mga kagamitan na inyong ipinag binili?

Ginoong. Alfaro :walang problema iyon, halika kayo at dadalhin ko kayo sa kabilang bahay kong saan ginagawa ang mga banig at ang mga kagamitan pambahay na gawa mismo nang mga Tao sa San. Vicente..

Crisanto :maraming salamat po..

Agad na kaming tumayo upang pomonta sa kabilang bahay nang biglang may nag salita mula sa pinto at halos sabay sabay kaming napa tingin dito..

Clara: ama may panauhin pala tayo bakit hindi niyo ako sinabihan?

Ginoong. Alfaro :anak kanina kapa ba riyan?  Halika at ipapa kilala kita sa ating mga panauhin ito si ginoong. Crisanto at binibining. Isabella at ito naman ang aking nag iisang anak na si Clara.

Agad na nag pakilala kami dito ngunit habang tinititigan ko ang binibini matinding kaba ang aking nararamdaman na hindi ko MA ipaliwanag, Hindi ko napigilang MA inggit sa taglay nitong kagandahan kaya siguro nabihag nito ang puso nang ginoong. Miguel..

Clara:masaya ako at ang hacienda namin ang napili niyong pontahan, ama kayo na ang bahala sa mga panauhin natin kailangan na po naming umalis ni ginoong. Miguel..

Nang marinig ko ang sinabi nang binibini halos huminto ang mundo ko tama ang hinala ko naririto nga ang ginoo at kasintahan nito ang babaeng nasa harap ko, biglang sumikip ang dibdib ko at napa tingin ako kay ginoong. Crisanto na halatang nagulat din..

Maya maya pa ay may narinig kaming papasok nang bahay at halos huminto ang tibok nang puso ko nang makita ko kong sino ang taong ito Si.. Si ginoong miguel.

Saglit na nag tama ang mga Mata namin ni ginoong miguel at halatang nagulat rin ito nang makita ako kaya agad nitong binawi ang tingin saakin at napa tingin sa naka ngiting si clara.

Sa mga oras na to parang gusto kong umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko akala ko masakit na yong nakita ko siyang may kasamang iba ngunit mas masakit pala malaman ang katotohanan may mahal na siyang iba.

Continue Reading

You'll Also Like

811K 38.5K 27
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
124K 5.5K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
2.5M 158K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
766K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...