To Love Again [TSCM series 2]

By SiL3NtSnOw

152K 2.9K 221

Arwill Andre Alvarez More

The Student Council Members [series 2]
To Love Again - cHappy one
To Love Again - cHappy two
To Love Again - cHappy three
To Love Again - cHappy four
To Love Again - cHappy five
To Love Again - cHappy six
To Love Again - cHappy seven.point.one
To Love Again - cHappy seven.point.two
To Love Again - cHappy eight
To Love Again - cHappy nine
To Love Again - cHappy ten
To Love Again - cHappy eleven
To Love Again - cHappy twelve.point.one
To Love Again - cHappy twelve.point.two
To Love Again - cHappy thirteen
To Love Again - cHappy fourteen
To Love Again - cHappy fifteen.point.one
To Love Again - cHappy fifteen.point.two
To Love Again - chappy fifteen.point.three
To Love Again - cHappy sixteen
To Love Again - cHappy eighteen.point.one
To Love Again - cHappy eighteen.point.two
To Love Again - cHappy nineteen
To Love Again - cHappy twenty
To Love Again -- cHappy twenty-one
To Love Again - cHappy twenty-two
To Love Again - cHappy twenty-three.point.one
To Love Again - cHappy twenty-three.point.two
To Love Again - cHappy twenty-four
To Love Again - cHappy twenty-five
To Love Again - cHappy twenty-six
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.one
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.two
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.three
To Love Again - cHappy twenty-eight
To Love Again - cHappy twenty-nine
To Love Again - cHappy thirty
To Love Again - cHappy thirty-one
To Love Again - cHappy thirty-two
To Love Again - cHappy thirty-three
To Love Again - cHappy thirty-four
To Love Again - cHappy thirty-five
Epilogue

To Love Again - cHappy seventeen

3.2K 63 1
By SiL3NtSnOw

 

To Love Again – cHappy seventeen

 

LAUREN’s pov

Tumagilid ang ulo ni Arwill habang sinusuri si Andrei.

“Hi. I’m your father.” Sabi niya pagkatapos ng mahaba-habang titigan.

Laglag naman ang panga ko. “Bakit ikaw?”

Tinignan niya ko. “Bakit hindi?”

“H-ha? Err. Nagulat lang ako hehe.” Binalingan ko si Andrei.

“O-okay lang po.” Magalang niyang sagot. “Andrei C. Avila po ang buo kong pangalan. Malapit lang po dito ‘yung bahay namin. Pumapasok po ako sa San Diego Elementary School. Uhh... wala na po kong nanay. Si tatay po nagtatrabaho bilang mason sa Makati. Hindi po siya araw-araw umuuwi kaya madalas ako lang po nasa bahay. Ahm...” napakagat-labi siya ng wala ng masabi.

“Kyaaaaah~ Ang cute mo!” biglang yakap ko sakanya. Cute na bata talaga kahit moreno. Hindi pala-ayos na tao pero malinis naman. Masipag din ‘to kasi minsan nagtatrabaho siya para sa sarili niya.

“Hindi mo naman kailangan magpakilala ng ganun. Pangalan lang ok na. ‘Di ba Arwill?” pagbaling ko sakanya, nakatingin na siya ng masama sa kamay kong nakapulupot kay Andrei. “Oh bakit?”

“Bat nakayakap ka pa?”

Tinanggal ko. Problema nito?

He waved his hand dismissing his words awhile ago. “So, ite-train ko siya sa basketball?”

Tumango ako. “Varsity siya sa school niya at may gaganapin na laro next week. Ayun, kung pwede mo lang naman siyang turuan. Kung busy ka, okay lang. Gusto ko lang naman kasing matrain siya para lalong gumaling.” Sabay tingin ko kay Andrei na nakayuko lang. One thing I like the most about him is ‘yung pagiging mahiyain niya. Hindi niya hiniling sakin na hanapan siya ng trainer. Ako ‘tong nagprisinta dahil alam kong may ibubuga pa siya.

“You know I’ll do everything for you.” Masungit niyang sabi sakin sabay hawak sa ulo ni Andrei. “When is your game?”

“Eksaktong next week po.”

Ginulo niya ang buhok nito. “Great. Mamaya magkita ulit tayo dito.”

Nagliwanag ‘yung mukha ni Andrei. “Talaga?”

Nakangiting tumango si Arwill. “Yep. So brace yourself for the training.”

Masayang tumango lang siya at niyakap ako. “Salamat Mama! The best ka talaga!”

I winked at him.

“Salamat din po Papa!"

Tumango lang si Arwill.

Katulad ng nakagawian ko noon, hinatid ko si Andrei sa school. Ang pagkakaiba lang, kasama ko na si Arwill.

Naglalakad kami ni Arwill patungong room namin. No, holding hands, no intimate actions, no PDA. Just the presence of each other is enough.

“Uy, ‘yan ‘yung girlfriend ni Fafa Arwill ‘di ba?”

“Yep. Ang simple naman.”

“’Di sila bagay.”

“Ako, para sakin ok lang.”

“Siguro nagsettle si Arwill sa katulad niya para talagang hindi siya lolokohin.”

“Oo nga. Ang hirap nga naman kung maganda ‘yung gf mo, maraming aagaw. Eh ‘yan? Panatag siyang wala.”

“At least. Pero, ano naman kayang masasabi ng parents ni Fafa triple A sakanya?”

Sa wakas at nasa tapat na kami ng room. Pagpasok namin, biglang tahimik ng atmosphere. Tapos bulungan ulit. Nagkibit-balikat lang ako at umupo na sa harap.

“Hi, Lauren. Kamusta?” bati ni Zaion.

I smile. “Uy, okay lang. Ikaw? Kamusta weekend?”

“Awesome. Pupunta ka ba mamaya?”

Umiling ako. “Hindi eh. May part-time kasi ko. Sa weekend lang ako libre.”

“Sayang naman. Miss ko pa naman ‘yung luto mo.” Nakasimangot niyang sabi.

Natawa lang ako. “Bola. Ayos lang ‘yun. Baka maumay lang kayo sakin.”

“Kay Mara nga hindi kami nauumay eh, sa’yo pa kaya?”

Iiling-iling lang ako nang pumasok ‘yung panibago naming adviser para sa 3rd grading period. Sira-ulo talaga ‘tong si Zai.

--------------

“Naku-naku bestfreng! Muntik ko na talagang masapak! Eto kase pinigilan pa ko eh!” sabay amba niya ng suntok kay Jhay.

“Odi sige! Patulan mo ‘yun! Doble pa sa’yo ‘yung katawan ng taong ‘yun. Ewan ko na lang kung mapipi ka.”

“Grabe ka! Pano mo nagagawang sikmurain ‘yung pinagsasabi nila kay Lau? Eh halos—“

“Siya nga hindi nagpapaka-apekto eh. Ikaw parang ikaw ‘yung nasasabihan ng kung anu-ano.”

“Concern lang naman ako. *pout* Ayoko kasi ng ginaganun si Lauren.”

Natawa na lang ako habang sumusubo ng kanin. “Kung magsalita kayong dalawa parang wala ako dito ah. Alis na ba ko?”

“Bestfreng namaaan. Lumaban ka naman?”

I rolled my eyes. Here we go again. “Hindi ako pumapatol sa mga makikitid ang utak. Wala naman akong paki kahit anong sabihin nila basta wala kong ginagawang masama.”

Tumango-tango si Jhay. “See? Rest assured, babe. Just control your emotions pag nagpaparinig sila. Ok?”

Malungkot na tumango si Mira. “I really hate those kind of people.” Inis pa rin niyang sabi.

Isang linggo ng ganito. Isang linggo na rin akong patay-malisya. Ayokong magpa-apekto kaya hangga’t maaari umiiwas ako at ginagawa kong busy ang sarili ko.

“Oo nga pala, nakalabas na si Nikko?”

“Oo.” Tuwang-tuwa kong sabi. “Nasa bahay siya, dalaw kayo mamaya?”

“Oh my ghad! I miss that! Sige-sige!” excited na sabi ni Mira. Basta talaga overnight... nakew.

“Okay, sunduin ko kayo sa labas pagka-out ko sa work.”

Tumango lang silang dalawa.

Isa pa ‘yan si Nikko. Laking tuwa niya na nakalabas na siya ng ospital. Don’t get me wrong, nakakalabas naman ‘yun kaso minsan kailangan siyang i-confine pag ‘di na talaga kaya.

He has a tumor in his left kidney. Masyadong komplikado kaya hindi siya agad ma-operahan. Nagtetake lang siya ng gamot para mapigilan ‘yung paglaki. Naghahanap din kami ng surgeon na kayang operahan siya. So far, nasa ibang bansa ang tintutukoy naming surgeon. At wala kong pera para makapunta ng ibang bansa. Heller. Poor here yohooo!

Pinayagan siyang tumira sa dorm since kamag-anak ko naman. Pinakiusapan ko lang ‘yung Admin ng school. Buti talaga pumayag. Hindi ko alam kung san patitirahin ‘yung kapatid ko no. Wala kaming kamag-anak dito.

Tumunog ‘yung bell. Hudyat na tapos na ang lunch time. Narinig kong nagsalita si Ash.

“Goodbye everyone! Punta kayong concert namin ah!” then he winked at his fans slash schoolmates.

*Girls screaming at the background*

“OMG!!! Kahit saan pa ‘yan basta ikaw kasama Fafa Ash!”

“ASHLEE FOREVAH!”

“HASHTAG TEAM ASHLEE!”

“WE LOVE YOU FAFA ASH!!!”

“FOREVER ASH FANDOM!”

 “Please like my page! Thanks! Pa-follow na rin sa twiiter!”

“Hoy ang kapal mo!”

Pati fan ni Ash may saltik. Tsk tsk tsk.

Lumitaw sa gilid ko si Arwill. “Tara na?”

Tumango ako. “Uy, mamaya ah.” Tapik ko dun sa dalawa.

“Sige. Hi Arwill.”

Tinanguan niya lang si Mira. "Anong meron mamaya?” taka niyang tanong.

“Mag-oovernight kami, pre. Sama ka?”

Kumunot ang noo ni Arwill. “Nag-oovernight ka sa bahay niya?”

“Uhh... Oo?” parang kinakabahan na sagot ni Jhay. He held his hands up. “Don’t worry! Sa isang kama ako natutulog! Pramis! Saka lagi namang kasama si Mira. ‘Di ba, babe?”

“A-ah! O-oo naman! He-he-he~” tabingi ‘yung ngiti ni Mira. “Alis na kami. Nakakatakot si Arwill. Bye!” bulong niya sakin sabay hila kay Jhay palabas.

Nakakatakot daw? “Huy, bat ganyan ka kung makatingin?” pinitik ko ‘yung lukot niyang noo. “Sige ka, tatanda ka ng maaga niyan.”

“I don’t like it.”

“Ang alin?” niligpit ko ‘yung baon ko.

“You and your ex sleeping.”

“Excuse me po, si Mira ang katabi ko hindi siya. Saka matagal na ‘yun. Wala na ‘yun. Walang nangyari. Wala-wala-wala. Ok?”

“Kahit na.” Hinablot niya ‘yung bag na dala ko sabay labas ng cafeteria.

Napanganga ko. Anyare? Is this our first fight?

“Uy, sorry na.” Habol ko sakanya. “’Wag ka ng magselos. Sila na nga ni Mira oh.”

“Hindi naman ‘yun ‘yon eh.”

“Ano pala?”

“Lau, listen. You and your ex. Under the same roof. May relasyon kayo NOON. I know there is still an attraction between you two THAT TIME. Kahit na sabihing nanjan pa si Mira. Sa tingin mo anong iisipin ko ngayon na natulog na pala siya inyo. F.ck! I’m so insecure right now.”

Napayuko lang ako. Bakit ang hot niya pag nagagalit? Ang sama ko ba na siya ‘yung napapansin ko imbes na ‘yung galit niya? Grabe naman kase.

“Tama na. Naiintindihan ko na. K-kung gusto mo, sumama ka na lang samin mamaya. Para matigil na ‘yung insecurity mo. Saka...” napalunok ako. Dito ko talaga sasabihin sa cafeteria ‘yun? “...ano... mas mahal naman kita kaysa sakanya kaya... ‘w-wag ka ng ma-insecure diyan dahil 'di hamak na mas lamang ka.”

Walang lingon na hinigit niya ko sa kamay at kinakaladkad palayo ng cafeteria. “D.mn girl. You’re making me fall hard. 10 feet more below sea level.”

“Ayoko niyan. Mahina ako sa Math.”

“That’s why I love you.”

Eneber~

--------------------

“Paano nga pala ‘yung activities mo sa school?” tanong ko kay Arwill habang palabas kami ng school. Papunta na kami ngayon ng open court.

“Kanina ko pa natapos. Ganun na lang lagi gagawin ko para ma-train ko si Andrei.”

“Okay. Nakakaabala na yata ‘yun.”

“No. Okay lang sakin. Minsan ka lang naman magrequest. And I think that boy needs a lot of training he can get. He has a great stamina. Like a player.”

Tumango-tango ako. Napapansin niya rin pala ‘yun.

“Lauren.” Tawag niya nang matahimik kami bigla.

“Oh?”

“I’m sorry.”

Napatingin ako sakanya. Nakatagilid siya kaya hindi ko makita ‘yung mukha niya. “Para san?”

“Sa... mga sinasabi nila sa’yo.”

“’Yung mga bumubulong? Hayaan mo na ‘yun.”

He held my waist and pulled me against him. “I’m really pissed off. Kanina. Tapos nadagdagan lang nung sinabi mong nag-oovernight si Jhay sa inyo. Hindi naman talaga ako nagagalit kaagad. Ewan ko ba pagdating sa’yo.”

“Okay lang ‘yun. Saka ‘di ba sabi ko ‘wag tayong papa-apekto sa tsismis? Bahala sila.”

“Yeah.” Dinampian niya ko ng halik sa sentido at humiwalay na dahil nasa open court na kami. Nandun na si Andrei. Sinalubong niya kami.

“Hey, boy.” Ginulo niya ‘yung buhok ni Andrei.

Natawa lang ako sa simpleng gesture na ‘yun. Para na silang mag-ama talaga.

Nakapagpalit naman na ng sando at basketball shorts si Arwill. Pati sapatos. Pinanuod ko silang maglaro. No match si Andrei. Magaling eh. Hanggang sa napansin kong dumadami ‘yung napapahintong babae sa court at parang nagdedaydream habang nakatingin sa dalawang naglalaro. Poknat! Pinagnanasaan pa yata. Bata pa si Andrei! ‘Wag ang anak ko!

Everytime he shoots, he will look at me and then wink. That’s his way of saying na “Para sa’yo ‘yun.”

Paksyet ang sweet niya. Pakagat sa pandesal. Sige na please.

Nang padilim na, nagpaalam na ko sakanya dahil may trabaho pa ko. Nag-insist si Arwill na ihatid ako pero ‘di ko siya pinayagan kasi nga maglalaro pa sila ni Andrei.

Minsan napapaisip ako kung ganito ba si Arwill sa lahat ng naging girlfriend niya. Siguro nga iba dahil hindi naman kami pare-pareho pero syempre hindi naman nawawala ‘yung mga dati niyang habit nung may girlfriend pa siya. Surely, may namimiss siya sa mga ‘yun. Nag-iisip tuloy ako ngayon ng mga bago kong ipapatikim sakanya. ‘Yung hindi pa nagagawa ng mga ex niya sakanya.

Hep! Not the green thing. Naniniwala akong kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, maghihintay at maghihintay kayo ng tamang panahon para dun. Right?

Palabas na ko ng Rocket Coffee nang nakita ko si Arwill na nakasandal sa poste malapit sa back door.

Napa-straight siya ng tayo ng nakita kong lumabas. Automatic na kinuha niya ‘yung bag ko sa balikat. “Bakit hindi mo sinabing naghihintay ka pala? Malamok dito.”

“Ok lang. Ayokong guluhin ka pag nagtatrabaho.”

“Arwill.” nagbabanta kong sabi.

Napangiti siya. Ang weird ng taong ‘to. “Bat ka nakangiti?”

“Wala. Ang sarap lang pakinggan ng pangalan ko sa bibig mo. Let’s go?”

Posible bang maubusan ako ng dugo sa taong ‘to? Lahat na yata napunta sa mukha ko eh. Buti na lang hindi pa ko nagdodonate ng dugo ngayon taon.

“Sira ‘to.”

Huminga ko ng malalim ng nasa tapat na kami ng dormitory. Heto na naman po tayo.

Here goes nothing...

Continue Reading

You'll Also Like

156K 2.7K 66
Narinig mo na ba yung kantang Somebody's Me? Ang lungkot diba? Tungkol siya sa isang taong nagmamahal ng patago. Yung hindi niya masabi sa mahal niya...
169K 2.1K 28
[COMPLETED] BOOK TWO ]] We're married. Masaya? Oo, sobra. Syempre kasama mo na ang taong mahal mo araw-araw. Parati mo siyang nakikita, inaalagaan k...
63K 1.5K 27
"I love her since then- I love the feeling of chasing her, of trying to reach her gaano man kahirap na abutin siya. Hindi ako magsasawang tumakbo mah...
277K 4.2K 43
"bakit ba ayaw mo sa akin chris ? bakit?" pigil hininga kong tanong. alam kong masasaktan lang ako sa isasagot niya. wala akong magagawa ganito ako k...