The Untold LoveStory

By nieszajames

10.8K 358 10

"do you believe in past life? " dahil ako hindi! pero dahil sa mga madalas kong napapa naginipan parang unt... More

meet isabelle cruz
Letter
Dog
juanito / Juan
titig
white roses
feeling akward
Dream kiss
comparison
Vision
necklace
alaga
church
panyo
surreal
reality
forget
Sulyap
Unexpected
sandal
concern
litong -lito
misunderstanding
mahal kita
if we fall inlove
selos
pag lisan
He's here
ignore
hinayang
itinakda
confrontation
kanta
move on
luha
alala
this time
till death do us part
book 2- truth behind those dream
paraya
pag babago
patawad
libro
Gusto kita
ligaya
Naramdaman
iwas
pag tatagpo
pag babago
pag Lisan
nag susumamo
pangako
pag lalakbay
tampo
buntis
pag -amin
pag babalik
kasundoan
katotohanan
inis
kapahamakan
Ang muling pag babalik

ginoo

105 4 0
By nieszajames

Chapter 43

Maya maya ay narinig ko ang isang pamilyar na boses kaya napa dilat ako.

Miguel :nasaktan kaba binibini?

Halos nanlaki ang mga Mata ko nang makita ko si ginoong. Miguel, siya ang taong sumalo sakin mula sa pagka kahulog sa puno, dahil sa sobrang pagka gulat hindi kona nagawang makapag salita kaya napa tango nalang ako.
Maya maya ay agad na Niya akong ibinaba kaya napa tayo ako nang maayos at napa hawak sa dibdib ko dahil mas lalo akong kinabahan hindi dahil sa muntikan ko nang pagka hulog kundi dahil sa mga tingin niya sakin..

Isabella :salamat sa pagkaka salo mo sakin ginoong. Miguel

Miguel :walang ano man, buti nalang at hindi ako nahuli kong nagkataon baka nabalian kana, at tsaka bakit kaba umakyat sa punong yan?

Isabella :ano kasi.. Ki. Kinuha ko yong saranggola nang mga bata, sumabit kasi sa puno..

Agad na tumingala si ginoong. Miguel at nakita nito ang saranggolang punit punit na dahil sumabit ulit ito sa isang sanga nang mahulog ako.

Miguel :saranggola lang yan bakit mo ibinuwis ang buhay mo dahil lang diyan..

Hindi ko nagustohan ang tuno nang pananalita ni
ginoong. Miguel kaya napa taas ang kilay ko dito.

Isabella :hindi lang isang ordinaryong saranggola lang yan, laroan yan nang mga bata na sila kaloy at mga kapated niya, kaya gusto kong kunin para may mapag laroan pa sila pero ngayon sigurado akong malulungkot sila dahil nasira ko ang saranggola nila..

Nakita ko ang pag tataka sa mukha ni ginoong. Miguel kaya napa simangot nalang ako..

Miguel :at kailan kapa nagkaroon nang malasakit sa mga batang yon?

Sa pagkaka taong to hindi kona napigilan ang pagka irita ko dahil sa sinabi nito.

Isabella :bakit? Wala na ba akong karapatan para mag malasakit sa mga Tao sa paligid ko? Ginoo alam kong nag tataka ka sa mga ikini kilos ko pero pinipilit kong mag bago at ituwid ang lahat nang pag kakamali ko noon at sana makita Morin yon, nangako din ako kay ate Louisa na pa pakitongohan na kita nang maayos dahil ayuko nang mag away pa kami ulit, kaya sana bigyan mo naman ako nang pagka kakataong mag bago..

Aalis na sana ako dahil ayuko nang makipag sagutan sakaniya kaya mas mabuting umiwas nalang ako, pero bigla itong nag salita..

Miguel :paumanhin binibini, hindi ko sinasadyang husgahan ka patawarin mo sana ako..

Dahil sa sinabi niya agad ko siyang hinarap nang naka ngiti..

Isabella :hindi naman kita masisisi dahil kahit ikaw pinag malupitan korin noon, kaya sana kalimutan nalang natin yon alang -alang kay
Ate Louisa..

Hindi ko inaasahang biglang napa ngiti si ginoong. Miguel sakin kaya hindi ko napigilang mailang..

Miguel : masaya akong bumalik na ang dating isabella na nakilala ko..

Kilala? Malapit ba kami sa isat isat? Bakit pakiramdam ko may alam si ginoong miguel tungkol sakin at kailangan ko yon malaman..

Isabella :a.. Anong ibig mong sabihin?

Miguel :hindi mo na ba na aalala? Sabagay medyo matagal nadin yon dahil mga bata pa tayo non..

Isabella : wag mong sabihin na bata pa tayo magka kilala na tayo?

Miguel :talaga bang nakalimutan muna ako? Sige ipapa alala ko sayo ang lahat, Una kitang nakita, siguro nasa labing limang taon kalang noon, nasa harden ka, nong isang beses kaming bumisita sainyo ni ama, papasok palang ang kalesa namin sa loob nang hacienda niyo nang makita kitang nag lalakad mag isa, kaya pag baba namin nang kalesa agad akong nag pa alam kay ama na ,popontahan kita dahil nakita kong umiiyak ka nang mga oras na yon.

Isabella :umiiyak? Bakit? Sinabi ko ba sayo ang dahilan?

Miguel :ang sabi mo noon, dahil umalis ang iyong Ina at ang mga nakaka tanda mong kapated at iniwan ka nila sa iyong ama kaya lubha kang nalungkot dahil inisip mong hindi ka nila mahal, pero alam mo kong anong sabi ko sayo non para tumahan ka sa kakaiyak? Handa akong samahan ka sa tuwing wala ang iyong Ina at mga kapated. kaya araw araw akong tumatakas sa bahay para pontahan ka sainyo, lagi nga tayong naliligo sa sapa hanggang sa mahuli tayo nang iyong ate Louisa ang buong akala mo noon magagalit siya pero naging magka ibigan din kami, hanggang sa nagkaroon ako nang pagtingin sa ate Louisa mo, pero noong nalaman mong magka sintahan na kami bigla ka nalang nag bago, ayaw muna akong makita o makausap kaya naiisip ko minsan na baka ayaw mo sakin para sa kapated mo..

Halos hindi ako makapag salita dahil sa nalaman ko, ibig sabihin mas nauna kong nakilala si ginoong.miguel pero si ate Louisa ang minahal nito, hindi kaya umiibig ako sakaniya kaya bigla nalang akong nag bago nang malaman kong magka sintahan na sila ni ate louisa kaya pati si ate Louisa pinag malupitan ko.
Bigla akong binagabag nang konsensya ko dahil nagawa kong saktan ang mga ito kahit wala naman silang kasalanan ang tanging kasalanan lang nila ay ang mag mahalan sila kahit nasasaktan ako nang mga oras na yon.

Isabella :ginoo patawarin mo sana ako kong naging masama akong kaibigan sayo, pero hayaan mo sanang maka bawi ako sa lahat nang pag kukulang ko bilang kaibigan..

Mas lalong napa ngiti si ginoong miguel dahil sa sinabi ko..

Miguel :hindi pa huli ang lahat binibining isabella mag simula ulit tayo bilang magkaibigan?

Dahan dahan akong napa tango dito at napa ngiti nang bahagya, pero habang naka tingin ako kay ginoong. Miguel pakiramdam ko binabalot ako nang matinding kalungkotan..

Kinagabihan pagka tapos nang hapunan agad akong pumanhik sa kwarto ko at na upo sa gilid nang bintana habang naka tingin sa mga bituin sa langit.
Napa pikit ako nang bahagya nang biglang may na alala ako.
" kasama ko ang lalaking kamukha ni ginoong. Miguel pero iba ang kasootan nito pati narin ako naka tayo kami sa isang burol habang yakap yakap ako nito mula sa likod at paulit ulit nitong binibigkas ang salitang mahal kita" agad akong napa dilat at pinilit Na alisin ang alala alalang yon, hindi ko pweding isipin na ang lalaking kamukha ni ginoong. Miguel na nag ngangalang juan ay kasintahan ko, lalong lalo na hindi ko pweding isipin na kami ni ginoong. Miguel ang naka takda para sa isat isa.

Isabella : isabella tama na, hindi mo pweding hayaan na isipin na si ginoong. Miguel at ang lalaking yon ay iisa..

Hindi ko napigilang mapa buntong hininga, maya maya biglang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni ginoong. Miguel na nagalit ako sakaniya simula nang maging magka sintahan sila ni ate Louisa hindi kaya tama ang hinala ko na umiibig ako sakaniya kaya ako nagalit nang husto, kong totoo man ang hinala ko sobrang lungkot ko siguro nang mga panahong yon kaya binalot nang galit ang puso ko.

Isabella :tama lang ang naging disisyon ko na baguhin ang nakaraan ko dahil ito ang tama ang maging masaya para sakanila..

Hindi ko napigilang titigan muli ang mga bituin sa langit pero mas lalo lang akong naka ramdam nang lungkot..

Kinabukasan maaga na naman akong nagising para tulongan si ate Louisa mag luto, at kahit papano gumagaan ang bigat nang naramdaman ko, pagka tapos nang almusal niyaya ako ni ate carolina na pomonta nang palengke agad naman akong sumama dahil gusto kong mameli nang bagong gamit tulad nang suklay at mga libro na babasahin ko tuwing na babagot ako..

Nag lalakad kami ngayon sa palengke at sobrang daming tao kaya halos hindi kami maka pag lakad sa gilid nang kalsada ni ate carolina, Una naming pinontahan ay yong bilihan nang gulay tinulongan ko siyang mameli nang mga gulay na presko para lutoin para sa hapunan mamaya.

Sunod naming popontahan sana ay ang bilihan nang isda pero masyadong maraming Tao kaya iniwanan muna ako ni ate carolina sa isang tabi, habang Naka tayo ako nag masid masid ako sa paligid masyadong abala ang lahat parang ako lang yata ang Naka tayo dito sa isang tabi..
Maya maya napukaw ang atensyon ko nang marinig kong may sumisigaw na
" mag nanakaw mag nanakaw"
Agad kong hinanap kong saan nang gagaling ang sigaw at nakita kong may lalaking tumatakbo paponta sa kinaroroonan ko, malamang yon ang mag nanakaw kaya bigla akong nag handa para hulihin ito, nang malapit na sakin ang mag nanakaw hinawakan kong mabuti ang bayong nahawak ko at nang isang dipa nalang ang layo niya sakin, buong tapang kong himapas ito sakaniya at nakita kong natumba ang mag nanakaw pero hindi ko inaasahang makaka tayo agad ito at galit na galit na napa tingin ito sakin, nakita kong may bigla itong dinukot sa likod niya, at nanlaki ang Mata ko nang makita ko ang isang patalim, bigla agad akong kinabahan, nag isip ako nang paraan para hindi niya ako masaktan pero sobrang nataranta na talaga ako kaya bigla nalang ako napa sigaw nang bigla nitong itinaas ang patalim para isaksak sakin..
Ang buong akala ko nasaksak na ako pero nagulat ako nang biglang may humawak nang kamay ko at hinila ako para tumakbo, nilingon ko yong mag nanakaw pero nakita kong natumba ito at namimilipit sa sakit, muli kong binalingan ang lalaking may hawak nang kamay ko at gulat na gulat ako nang makilala ko si ginoong miguel, pano niya nalaman na, nasa palengke ako at pano Niya nalaman na sa bingit nang kamatayan ako kong hindi siya dumating para iligtas ako..
Napa hinto kami sa pag takbo nang masugurado nito na hindi na kami sinusundan nang mag nanakaw, hingal na hingal ako dahil sa layo nang tinakbo namin kaya halos hindi ako maka pag salita nakita ko naman na bigla akong hinawakan ni
ginoong. Miguel at tiningnan kong may sugat akong natamo..

Miguel :binibini hindi kaba nasaktan? Wala kabang sugat?

Isabella :wa.. Wala ayus lang ako, sa. Salamat dahil niligtas mo na naman ako..

Miguel :ano bang nangyari? bakit gusto kang saktan nang ginoong yon?

Isabella :magnanakaw ang lalaking yon gusto kulang naman tulongan ang babaeng ninakawan niya pero hindi ko inasahan na madadamay pala ako..

Dahil sa narinig ni ginoong. Miguel bigla niya akong hinawakan sa braso nang mahigpit na ikinagulat ko.

Miguel :binibini hindi mo dapat ginawa yon, pano kong hindi ako dumating? Pano kong nasaktan ka?

Imbes na magalit din ako kay ginoong miguel hindi ko napigilang mapa ngiti dahil nakita ko ang matinding pag aalala nito sakin..

Isabella :ginoong. Miguel makinig ka sakin, hindi natin pweding kalabanin ang naka tadhana, kong naka tadhanang masktan ako wala tayong magagawa don, pero ang naka tadhana ay ang dumating ka para tulongan ako kaya heto ako ligtas at walang anumang sugat..

Nakita kong biglang huminahon ang mukha ni ginoong. Miguel at agad niya akong binitawan kaya mas lalo akong napa ngiti sakaniya at napa ngiti rin ito sakin.

Miguel : hindi ka na nga talaga bata, isa kanang ganap na binibini..

Bigla akong nakaramdam nang hiya dahil sa sinabi ni ginoong.manuel kaya palihim ako napa ngiti..

Isabella :ah. Ikaw bakit ka nandito at pano mo ako nakita?

Miguel : may bibilhin sana akong libro nang makita ko si binibining carolina at sinabi niyang kasama ka niya kaya hinanap agad kita..

Hinanap? Bakit niya ako hinanap? Ayuko mang bigyan nang kahulogan ang sinabi nito pero hindi ko maiwasan.

Isabella :hinahanap? Pero bakit?

Miguel :nakalimutan mo na naman? Ang bata bata mo pa, makakalimutin kana, diba nga magkaibigan na ulit tayo?

Isabella :ah oo nga, oo mag kaibigan na pala ulit tayo, pasensya kana..

Miguel : ayos lang yon, gusto mo bang sumama sakin muna habang wala pa si binibining carolina.

Isabella :saan tayo poponta?

Miguel :basta magugustohan mo don..

Mag tatanong pa sana ako nang bigla na Naman akong hawakan sa kamay ni ginoong. Miguel at hinila para umalis, habang nag lalakad kami na hawak hawak nito ang kamay ko hindi ko napigilan ang kakaibang saya na hindi ko maintindihan, bakit kahit pilitin kong pigilan pero hindi ko magawa.

*_______________________________*

Don't forget
To vote
My story
Thank you






Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 179K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
69.2K 3.2K 24
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
906K 30.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.