Spirit Of The Glass 2

Por jeric719

51.7K 1.3K 203

Mga magkakaklase na gumamit ng ouija board upang magspirit of the glass, at di nila alam na ito pala ang magi... Más

Author's Note
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
15 Survivors Left
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
10 Survivors Left
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Author's Note
Game Of Life And Death

Part 52

302 4 0
Por jeric719

Buti nalang nabalik na tong story ko. Nawala kasi sya ng 1 day :(( May problema lang pala sa wattpad pero inaayos na nila :)

Col's POV

"JOHN!!!" Tarantang sigaw ko

At pilit akong kumakawala kay Jane dahil hawak nya ko sa braso ko

"Bitawan mo ko!!" Pagpupumiglas ko

At nakita ko sya na meron pa syang hawak na injection at meron itong mahabang karayom

Talagang nagpupumiglas ako sa kanya at nang magawa kong makawala ay lalapit dapat ako kay John pero humarang sya at akmang itutusok sakin yung karayom

Kaya wala akong nagawa kundi ang tumakbo sa ibang direksyon.

"John, sorry! Babalikan kita mamaya." Bulong ko sa sarili ko at nagsisimula na kong maluha.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at di ko alam kung san ako pupunta. Paglingon ko ay sinusundan ako ni Jane na lalo kong kinakatakot pero mas okay narin dahil napapalayo sya kay John.

Hanggang sa biglang tumunog yung elevator at saktong bumukas na ito. Kaya sumakay na agad ako at pinindot yung Ground floor. Pinipindot ko na rin yung button para sumara yung pinto

"Sumara ka na, sumara ka na" paulit ulit kong bulong dahil sa pagtataranta

At nakita ko si Jane na papalapit na ng papalapit sa elevator pero di parin ito sumasara

"Sumara ka na pls....." pagdadasal ko habang tinatadtad sa pagpindot nung button. At buti nalang ay sumara na ito.

"Hayyyyy" paghinga ko ng maluwag

Hanggang sa di pa umaandar yung elevator ay nagulat ako ng bumukas na ulit yung pinto.

Kaya nanumbalik muli yung kaba ko.

Pero pagbukas nito ay sobrang dilim sa paligid at wala akong nakikita. Tanging sa loob lang ng elevator may ilaw.

At may naririnig akong mga tunog sa labas pero ayaw ko nalang pakinggan dahil talagang nakakatakot

"Sht!!!! Sumara ka na plsss" pagdadasal ko at pinipindot ulit yung button para sumara

Papalapit na ng papalapit sa elevator yung tunog na naririnig ko at sa wakas ay sumara na ulit yung elevator. At umandar na ito pababa.

"Hayyyy salamat!"

Nang nasa ground floor na ay di ito bumukas at nagulat ako ng tumuloy ito hanggang sa basement.

Halaaaa.... bakit ganto?!!! Paalisin nyo na ko dito plssssss

At nung bumukas sa basement ay wala ring ilaw dito. Bukod sa isang kwarto na meron.

"Helloooo?? May tao ba dito???" Tanong ko pero wala akong nakukuhang sagot

Pinindot ko na lahat ng buttons sa elevator pero ayaw parin nito umandar. Kaya wala na kong nagawa kundi ang lumabas.

Pero paglabas ko ay bigla nang sumara yung elevator at nakita kong umandar ito paakyat.

Dahil sobrang dilim nga sa paligid ay dun nalang ako lumapit sa kwarto na may ilaw.

Pero laking gulat ko ng makita yung loob nito

"OH MY GOD"

Si Colai ay nakatali sa upuan at maraming nakaturok sa kanya na injection na punong puno ng dugo. May dugo sya sa mukha nya at parang nalapnos yung mukha nya sa bandang mata nya.

Hanggang sa narinig kong muli yung pagtunog ng elevator, kaya dahan dahan akong sumilip sa pintuan.

Pero lalo akong natakot ng makitang si Jane ang papalabas dito.

Kenneth's POV

"Iwanan ko na ba kayo dito?" Pagtataka ko kaila John nang maihatid na namin sila sa ospital

"Oo sige, magiingat kayo dun at sana matapos na to" umaasang sabi ni John

"Sana nga" sagot ko sa kanya

"Ingat kayo" sabi ni Jane at yumakap sakin bago umalis

Nakakapanibago yung mga pakikitungo nya sakin pero niyakap ko nalang din sya nga mahigpit. Tapos ay umalis na kami.

"Sure ka sasama ka Kenneth?? Dapat si John nalang yung sumama samin at pinacheckup mo yang legs mo" pagaalalang sabi ni Charlene

"Hindi na, kaya ko pa naman maglakad eh" sagot ko

At naisip ko na kailangan ay meron kaming holy water, para naman mablessan yung bangkay ni Maria

"Siguro mas mabuti kung dumaan muna tayo ng simbahan, para makakuha tayo ng holy water"

"Oo tama, kakailanganin natin yun" pagsangayon sakin ni May

"Sige, basta ituro nyo nalang sakin yung dadaanan kasi di ko kabisado" sabi ni Gwynel

Kaya naman ay yung una naming nadaanan na simbahan ay bumaba na agad ako, at pati si Charlene eh sumama.

At nagtanong agad kami sa isang sakristan na nakita namin

"Uhh, hello... tatanong lang sana namin kung pwedeng makahingi ng holy water" sabi ko sa kanya

"Oo naman po, pwedeng pwede" nakangiting sagot nya

Nag-po parin sya kahit na mukhang magkakaedad lang naman kami. At makikita mong magalang at palangiti syang tao

"May bote ba kayong dala na pwedeng paglagyan?" Pagtataka nya

At napailing nalang ako

"Wala po eh" sagot ni Charlene

"Dibale na, ayus lang, bigyan ko nalang kayo" sabi nya

"Ah sige salamat po" pagpapasalamat ni Charlene

At sumunod kami sa kanya. Meron syang kinuha na lalagyanan at kumuha sya ng tubig sa may holy water tapos ay inabot nya to samin

"Maraming salamat po" sabi namin at umalis kami ng nakangiti

Pagbalik sa kotse ay pinaandar na ulit to ni Gwynel.

"Kung mamalasin ka nga naman oh!" Pagkainis na sabi ni Gwynel

At pagtingin ko sa daan ay sobrang traffic

"Kung kailan nagmamadali tayo, tsaka magkakatraffic ng ganto" dagdag ni Gwynel

"Ganun talaga Gwynel, mahirap na masolusyunan yung traffic sa bansa" pagpapakalma sa kanya ni May

Pero nakakainis nga naman ang traffic. Dahil kung iisipin mo ay maraming oras ang nasasayang sa pagbyahe mo.

At halos ilang oras kami sa byahe nang dahil lang sa traffic na yun

"Libre lang yung holy water na nakuha nyo?" Pagtataka ni May

"Oo, ang bait nga nung nagbigay samin eh" sagot ni Charlene

"Ganun talaga, nasa simbahan sila eh" sagot ni Gwynel

"Hindi rin, marami nga ko kakilala na sobrang madasalin pero iba parin yung ugali" pagkontra ko sa sinabi ni Gwynel

"Sabagay" napagisip isip nya

At matapos ng ilang minuto ay sa wakas at nakarating narin kami sa bahay ni Principal. Kaya bumaba na agad kaming lahat para magsimulang maghanap sa bahay nya.

Col's POV

Halaaaa!! Andito si Jane!! San ako pupunta?? Walang ibang labasan sa storage room na to, kundi itong pinto na to.

Pagsilip ko sa labas ay nakita ko syang naglalakad papunta dito. Kung may sakit lang ako sa puso ay kanina pa ko inatake dahil sa kaba ko. Talagang sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Tumayo nalang ako sa dulo ng kwarto at nagaantay ng pagdating nya. May cabinet dun na maraming mga nakalagay. May mga dextrose dun at mga kung ano anong chemicals na di ko alam kung para saan ang gamit. May isa lang dun na alam ko kaya kinuha ko to at tinago ko na hawak ko to.

"Ayoko pang mamatay!!" Takot na takot na sabi ko

Talagang hindi pa ko handang mamatay at takot akong mamatay.

Hanggang sa biglang bumukas yung pintuan at pumasok si Jane na nakangiti parin at nakatingin sakin.

"Jane.... wag mo tong gawin pls...." pagmamakaawa ko

"Alam naman nating alam mo na hindi ako si Jane!" Sabi nya at narinig ko na namang muli ang isang malademonyong boses. Napakalalim at nakakakilabot

"Jane lumaban kaaa! Alam kong nandyan ka! Isipin mo kuya mo!" Tuloy tuloy kong sabi

Pero mula sa pagngiti nya ay nabalot yung mukha nya ng galit. At nakita kong may hawak hawak sya na injection at may laman ito. Hindi ko lang alam kung ano.

At nagulat nalang ako ng bigla syang tumakbo sakin at tinusok sakin yung injection.

"Agghhhh" impit na sigaw ko at ituturok nya dapat yung laman nun nang bigla kong ibuhos sa mukha nya yung laman ng bote na hawak ko

"AHHHHHHHHHHH" isang malakas na sigaw nya at napahawak sa mukha nya

ACID!! Yun yung laman ng bote na hawak ko

"AHHHHHHHH" patuloy nyang sigaw dahil sa hapdi

Tinanggal ko yung nakatusok na injection sakin at nagawa kong tumakbo palabas.

"Sorry Janeeeee"

Paglabas ko ay may naaaninag akong ilaw na nanggagaling yata sa fire exit kaya sinundan ko to. At pagkarating ay tumakbo na agad ako pataas. Bumalik ako sa 3rd floor para balikan si John at yung phone ko.

May ilaw na dito, pero pagbalik ko ay wala na si John...... ASAN NA SYA??!!!! Nakita ko yung phone ko na andun parin kaya kinuha ko na to at umalis na

"John nasan kaaaaa?!!!!" Sigaw ko at nagbabakasaling may sumagot

"Nasan man si John ay sana okay sya at buhay pa sya"

Umalis na ko ng ospital para puntahan sina Charlene at sinusubukan ko silang tawagan pero cannot be reach yung mga phone nila.

Patay!! Kailangan ko na silang masabihan! Sinabi naman nila Kenneth yung address ng principal bago sila umalis kaya alam ko papunta dun. Sana nalang ay maabutan ko pa sila dun at sana ay nahanap na nila yung bangkay ni Maria.

Seguir leyendo

También te gustarán

1825 Por LihimNaManunulat

Ficción histórica

3K 373 22
Paano nalang kung nagising ka isang araw sa taong 1825, at may mga bagay ka pa pala na hindi nalalaman tungkol sa iyong pagkatao. Isang Misteryo, isa...
DEAD OR ALIVE Por Jan -HIATUS-

Misterio / Suspenso

612 542 10
OR DUOLOGY BOOK 2 Yvonne is the last one standing in her batchmates and was given a chance to step out of their campus alive. However, it wasn't the...
954K 25.5K 111
(Book 3) of Campus Prince Meets Gangster Princess. This is the 3rd generation. 2017 by MsjovjovdPanda. Ezen Kang is a Grandson of Ozu Kang and Son of...
15.8K 550 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...