To Love Again [TSCM series 2]

By SiL3NtSnOw

152K 2.9K 221

Arwill Andre Alvarez More

The Student Council Members [series 2]
To Love Again - cHappy one
To Love Again - cHappy two
To Love Again - cHappy three
To Love Again - cHappy four
To Love Again - cHappy five
To Love Again - cHappy six
To Love Again - cHappy seven.point.one
To Love Again - cHappy seven.point.two
To Love Again - cHappy eight
To Love Again - cHappy nine
To Love Again - cHappy ten
To Love Again - cHappy eleven
To Love Again - cHappy twelve.point.one
To Love Again - cHappy twelve.point.two
To Love Again - cHappy thirteen
To Love Again - cHappy fourteen
To Love Again - cHappy fifteen.point.one
To Love Again - cHappy fifteen.point.two
To Love Again - chappy fifteen.point.three
To Love Again - cHappy seventeen
To Love Again - cHappy eighteen.point.one
To Love Again - cHappy eighteen.point.two
To Love Again - cHappy nineteen
To Love Again - cHappy twenty
To Love Again -- cHappy twenty-one
To Love Again - cHappy twenty-two
To Love Again - cHappy twenty-three.point.one
To Love Again - cHappy twenty-three.point.two
To Love Again - cHappy twenty-four
To Love Again - cHappy twenty-five
To Love Again - cHappy twenty-six
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.one
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.two
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.three
To Love Again - cHappy twenty-eight
To Love Again - cHappy twenty-nine
To Love Again - cHappy thirty
To Love Again - cHappy thirty-one
To Love Again - cHappy thirty-two
To Love Again - cHappy thirty-three
To Love Again - cHappy thirty-four
To Love Again - cHappy thirty-five
Epilogue

To Love Again - cHappy sixteen

3.2K 72 2
By SiL3NtSnOw

 

To Love Again – cHappy sixteen

 

LAUREN’s pov

Nagising ako na sobrang bigat ng pakiramdam. Ang sakit ng katawan ko parang ayoko pang bumangon. Inuna kong galawin ang daliri ko. Pinilit kong gumising kasi marami pa kong  gagawin at hindi pwedeng petiks lang. Dadaanan ko pa si Nikko, makikipagkita pa ko kay Andrei, may part-time job pa ko.

Minulat ko ‘yung mata ko at una kong nabungaran ang isang malaking chandelier sa gitna ng isang dirty white na kisame. Bakit may ganito sa kwarto ko? I blink. Teka, kwarto ko nga ba ‘to?

Paggalaw ko ng katawan ko nagulat ako sa sobrang lambot. Halos lumubog ‘yung buong katawan ko sa sobrang lambot.

Confirm, wala ko sa kwarto ko.

Napapikit ako at nag-isip. Bakit hindi ko magawang magpanic? Ano bang nangyari bago ko nakatulog?

As if on cue, bumukas ‘yung pinto at bumungad doon ang isang lalaking naka-blue sando at shorts na pambahay.

Napalunok ako.

“Gising ka na pala.” Biglang ngiti niya pagkakita sakin. Lumapit siya sa kama at umupo sa gilid ko. “Masama pa pakiramdam mo?”

Hindi ako nakapagsalita sa sobrang shock. Paano ko nakarating sa kwarto niya? Ano ba talagang nangyari?

“Nahimatay ka kaya dinala kita dito sa bahay.”

“B-bahay mo?”

“Namin.” He shrugs. “Kumain ka muna bago matulog ulit.”

“Ah.” Lumunok ulit ako. Tuyo na ang lalamunan ko. Ilang oras ba kong tulog? “Hindi na. Aalis na ko.” Bumangon ako at bumaba ko sa kabilang banda ng kama niya. Paglabas ng mga paa ko mula sa kumot, bumungad sakin ang maputi kong legs. Saka ko lang napagtanto na naka-oversized-tshirt ako at maiksing shorts.

“S-sinong nagbihis sakin?!” oh my ghad! May nangyari ba samin?! Bakit iba na ‘yung damit ko?

“Si Lee. You have my shirt, the shorts came from Lee.” Tumayo siya at lumapit sakin ng nakahalukipkip. “You don’t remember anything?”

Nag-isip ako. Bago ako himatayin, ano nga bang nangyari?

“I love you.” He place a featherlight kiss in my lips. “I love you, Lauren.”

Napa-blink ako ng sunod-sunod. ‘Yun ba talaga ‘yung nangyari? Hindi ba ko naghahallucinate lang nun?

Napalunok ako. “S-sinabi mo ba talaga ‘yun?”

Alam niya kung anong tinutukoy ko. Napa-iwas siya ng tingin sakin at nagblush.

Seriously?! Arwill Andrei Alvarez is blushing?! Unbelievable!

Tumayo ako sa kama at lumapit sakanya. Ang lambot din ng carpet niya. Lahat malambot. Ano pa kayang malambot? Hmmm...

I smile.

“Natatandaan ko na. Sorry kung ‘di ako nakasagot kaagad. Ito na pala ‘yung sagot ko.” tumingkayad ako at mabilis na hinalikan ang mga labi niya. I knew it! Pati labi niya ang lambot!

Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin lang sakin but I can see the amusement in his eyes.

“Mahal din kita, Triple A.” kinurot ko ‘yung pisngi niya. Waaaah! Ang lambot din!

“Minahal na pala kita sa maikling panahon natin bilang fourth year students. Iba ka sa mga lalaking nanghihingi sakin ng advice dahil alam kong seryoso kang gagawin mo ‘yon. Nalulungkot ako sa tuwing may nakikipagbreak sa’yo dahil hindi nila alam kung ano ang pinakawalan nila. Minahal kita hindi dahil gusto kong talunin si Jean, minahal kita dahil ikaw ‘yan. Ikaw si Arwill. At sabi ko sarili ko, kapag naging akin ka, hindi ako gagaya sa mga ex mo. Dahil ikaw ‘yung tipo ng lalaking hindi dapat sinasayang. Mahal—“

Hindi ko na natapos ang pagmomonologue ko dahil bigla niya kong sinunggaban ng halik. I can feel him smiling against my lips.

He hug me so tight to the point na hindi na ko nakahinga. “I can’t believe I have you as my girlfriend now. God! Thank you. Thank you!”

I chuckled. Ang lalaking ‘to talaga, wala pa nga, ang saya-saya na. Grabe.

Tiningala ko siya. “Pakainin mo muna ko.” I pout. He kiss me again.

He chuckled. “Alright, your highness.”

Napailing na lang ako. Masyado yatang mabilis ang mga pangyayari pero ang gaan ng pakiramdam ko. Haay.

-------------------

Limang pares ng mga mata ang nakatingin saming dalawa ni Arwill. Umayos ako ng upo at umiwas sa mga tingin nilang mapanuri. Wala dito si Ash kasi daw nagshu-shoot ng bagong music video.

I sighed. Ang awkward. Nakaka-conscious ‘yung mga tingin nila.

ZAION: Kayo na?

Biglang akyat ng dugo ko sa mukha ko. Grabeng straightforward naman ‘yan?! ‘Di ba pwedeng tanungin muna nila kung anong nangyari?

Suddenly, Arwill held my hand and raise it infront of them. “Oo, kami na.”

FREED: Yes! Wooo! Congrats pare! Dalawa na tayong taken woooo!

ZAION: Ay! Badtrip! Yoko na! Ganyan naman kayo eh! Dadaya!

LOCUS: *just rolled his eyes*

KEN: *sipping his lollipop* This calls for a celebration.

LESTER: Congrats, Ar. Yabaaaaang, naunahan pa ko.

Inirapan siya ni Arwill. “Bagal mo kase.”

LOCUS: Let’s eat.

And with that holy two words of Locus, sumunggab na sila sa pagkaing nasa harap. Boset! ‘De sana kumain na lang muna sila bago magtanong. Mahalaga pa ba ‘yung status namin ni Arwill kesa sa pagkain nila? Mga sira-ulo.

Mabuti na lang at apat na oras lang akong tulog. Maaabutan ko pa ‘yung part-time job ko at si Nikko. Si Andrei, tinext ko na kanina. Nasa bahay lang daw siya at nag-aaral. Sipag eh? Weh? Syempre joke lang daw.

Pagkatapos kumain, nagkanya-kanya na silang lahat. Ako naman, nagbihis na ng pantalon na baon ko. Pero ayaw akong pabihisin ni Arwill ng t-shirt.

“Ang laki-laki ng t-shirt mo eh.”

“And you look good with my t-shirt on. Just leave it. Tara na, hatid na kita.”

Tinignan ko siya ng matagal. Ganun din siya sakin. Hindi niya ko tinigilan sa pagtitig. Habang tumatagal, nako-conscious na ko kaya ako rin unang sumuko. Poknat!

“Tara na nga.”

Hinatid niya ko sa ospital. Nagpakilala siyang boyfriend ko sa harap ng kapatid ko. Parang tanga lang. Siya na nagpakilala sa sarili niya. Ni hindi man lang ako pinagsalita. Masama tuloy tingin sakin ni Nikko. Blame it to my one-hell-of-a-crazy boyfriend.

“Dito ka na lang. ‘Wag ka ng pumasok.”

“Sa sulok lang ako, ‘di ako mag-iingay.” Pakiusap niya.

“Eh ayoko ngang makita mo kong nagtatrabaho.”

“Eh gusto ko eh.”

“Nababaliw ka na.”

“Gwapo naman.” Tapos dumiretso siya sa entrance ng Rocket Coffee at umupo sa pinaka-dulo kung saan wala masyado nakakakita sakanya.

Tigas ng ulo! Urgh! Ganito ba talaga ‘to? ‘Di ba hindi naman? Anyare?

“Pst! Type ka yata nung lalaki sa dulo oh. Kanina pa nakatingin sa’yo.” Sabi ni Ate Venus. Kanina pa siya ganyan, nakatingin lang sakin. Nag-order nga ng kape at cake, ‘di naman ginagalaw. Wala lang. Parang tuod siya dun. Sinusundan ako. Ilang beses na kong nagkamali sa pagplace ng order dahil sa kanya. Nakaka-asar talaga. Buti wala dito si Sir Rocket kundi naku! Wala na kong trabaho.

“Hayaan mo siya, Ate Venus.”

“Ehhhh! Ang gwapo kasi eh. My God! Parang si Rocket. Ang gwapo pag naka-black!”

“Yuck ka, Ate! Child abuse!”

“Gagi! Syempre kay Rocket lang ako. Puntahan mo kaya ‘yung lalaki. Nakaka-distract sa mga customers eh. Panay ang lingon sa gawi niya.”

Nag-360 degrees ang tingin ko sa buong shop at true enough, halos mabali ‘yung mga leeg nila makita lang si Arwill pero siya? Dedma. Sakin lang nakatingin. Parang ako lang nakikita.

Kinilig naman daw ako.

One hour before ng closing, iilan na lang ‘yung mga customers. Umupo ako sa harap ni Arwill na nakangiti na sakin.

“Pagod ka na?” tanong niya. He smoothen my forehead  kasi nakakunot-noo ako.

Paano ko pa magagawang magalit sakanya kung nagiging sweet siya ngayon? Badtrip ‘to!

“Ikaw? ‘Di ka ba napapagod kakatingin sakin? Halos tatlong oras ka ng nakaupo lang jan.”

Umiling siya. “I’ll never get tired watching you.”

Napabuntong-hininga ko. “Arwill, wala pang twenty-four hours tapos ganito ka na? Sabihin mo nga, may pinagdadaanan ka ba ngayon?”

Umayos siya ng upo at napakamot sa batok na parang nahihiya. Cute po!

“Ewan ko rin. Basta gusto ko lagi kitang nakikita. I can’t get enough of you. Kinulam mo ba ko?”

Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa. Napa-aray siya. “Naghahanap ka yata ng break-up eh.” inis na tinignan ko siya.

Para siyang nabato sa kinauupuan niya at ‘di na nakagalaw.

Wuy! Sineryoso niya ‘yun?! Anak ng!

“Joke lang! Galaw-galaw, baka ma-stroke— Aww!” siya naman ang sumipa sakin sa ilalim.

“Wala pa tayong twenty-four hours break na agad? Laki ng problema mo ah.”

“Ikaw kasi eh. Manong umuwi na lang. Napeperwisyo mo pa ko.”

“Bakit? Wala ba kong karapatan na puntahan ka dito?”

“Uy grabe! Mag-aaway na ba tayo ng lagay na ‘to?”

“Hindi, ang saya-saya nga natin eh. Tuwang-tuwa ko sa joke mo. Isa pa nga.” Sarcastic niyang sabi.

“Arwill naman.” Nag-puppy eyes lang ako sakanya.

Pero lintek! ‘Di gumana! Tumayo siya. “Eto na, aalis na. Tinignan ko lang naman kung may nambabastos sa’yo dito o ‘di ka kumportable sa pag-tatrabaho mo. Sorry ah. Concern lang kasi ko. Hayaan mo, last na ‘to. ‘di na ko magpupunta dito para ‘di ka madistract. Bye.”

Ay grabe talaga! “Hala! Sorry!” hinawakan ko siya sa braso. “Hindi naman ‘yun ‘yung ibig kong sabihin. Umupo ka na jan. Malapit naman na kong mag-out. ‘Wag ka munang umalis. Please?”

Tumigil siya at nag-isip. “Sige, kiss mo muna ko.”

“Pwedeng mamaya na lang?”

“Yoko.”

“Ang arte mo naman! Mamaya na. Kahit damihan ko pa. Sige na, hm?”

“Hm? I don’t like that word.”

“Huh? Baket?”

“Because you look so cute that all I want to do is to forgive you.”

Kagat-labi akong tumango nang namumula. Bwiset. Nagawa pa kong pakiligin kahit nag-aaway na kami. “Sige na, jan ka lang, bibilisan ko.”

Thirty-minutes kong tinapos ang trabaho ko at maagang nag-out. Nag-hihintay na sakin si Arwill sa labas. Gamit lang namin ‘yung bike niya.

“Asan na ‘yung kiss ko?”

Demanding na bata. Hinalikan ko siya sa pisngi pero mukhang ‘di masaya. “Isa pa. Akala ko ba marami?”

“Atat ka? Wait lang, may itatanong pa ko.”

“Go.” Nagmamadali ang peg?! Wow ah. Ge.

“Anong pinag-usapan niyo ni Jean?”

Kanina pa ‘yan nagsusumiksik sa utak ko at kating-kati na kong itanong sakanya.

He shrug. “Pinapalayo ko lang siya sakin dahil ikaw na ang mahal ko. Sinabi ko rin na kung gusto niya ang kompanya namin, edi kanya na. Pa-ampon ko pa siya kay Dad eh.”

Natawa naman daw ako dun. “Adik ka.”

“Sa'yo lang.”

“Wow. Banat ba ‘yan?”

“Baket? Kinilig ka ba?”

“Oo.”

“Ok.”

End of conversation. Ang sayang kausap eh no?

“Akala ko babanat ka pa eh. Grabe ang harsh mo naman sakanya.”

“Okay lang ‘yun. Sa sobrang pagmamahal ko sakanya nagawa kong mabulag. But I forgave her. Okay lang na ipagpalit ako sa ibang bagay ‘wag lang sa lalaki.”

Tumango-tango ako. Ego nga naman ng mga lalaki!

“Kaya rest assured na ikaw na lang ang babae sa buhay ko bukod kay Mama.”

“’Di kaya magsawa ka kaagad sakin?”

“Magsasampung taon na tayong magkasama, ngayon pa ba kita pagsasawaan? Ngayong minahal na kita at bahagi na ng buhay ko?”

“Sabi ko nga. ‘Di mo naman kailangan pakiligin pa ulit ako. Grabe na. Quota ka na.”

“Huh?”

Ay buang na ituuu! “Wala! Sabi ko inaantok na ko! Lika na! May pasok pa bukas! Goooo!”

“Asan ‘yung kiss ko?”

Anak ka naman ng nanay mo oh! Akala ko nakalimutan na!

Pinugpog ko siya ng halik sa buong mukha niya. “Ayan, magsawa ka. Quota ka na sa kiss. Tama na.”

“Opo, bukas naman.”

“Ano ka? Pang-isang linggo na kaya ‘yun!”

“You’re kidding me.”

“No, I’m olding you.”

Naglahad siya ng kamay. “Pili ka sa daliri ko.”

Nagtataka man, pinili ko ‘yung ring finger. Tapos ‘yun ‘yung pinangkiliti niya sa bewang niya. “Ha-ha-ha! Nakakatawa grabe. Sakit ng tiyan ko. Dalhin mo na ko sa ospital! Ah! Ah! Ah!” pinagsasapak ko siya. Sira-ulo!

Sira-ulo si Arwill André Alvarez!!! Ganito pala ‘to kaharot?! Pambihira!

Continue Reading

You'll Also Like

155K 2.8K 50
WARNING: This story have grammatical errors, scenes that isn't accurate, and confusing parts. Bare with it since I'm too lazy to edit my stories. Cla...
24.9K 1.6K 87
Hi i'm Chloe Morgan , 26 years old , half filipina half australiana medyo may pagka impakta. I'm the famous wedding planner around the world ( search...
148K 8.3K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
77.4K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...