My Baby cost 10 MILLION

Autorstwa PurpleSwallow

1M 23.6K 1.5K

Więcej

TEASER
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
Chap. 16
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 29
Chap. 30
Chap. 31
Chap. 32
Chap. 33
Chap. 34
Chap. 35
Chap. 36
Chap. 37
Chap. 38
Chap. 39
Chap. 40
Chap. 42
Chap. 43
Chap. 44
FINAL CHAPTER
EPILOGUE

Chap. 41

18.4K 455 31
Autorstwa PurpleSwallow

Chap. 41

“ Mommy...gusto ko pong uminum ng milk.” Biglang lumabas ang bata at natahimik ang tatlo.

“Ako na lang ang magtitimpla ng gatas mo. Halika ka na Cyril.” Agad hinawakan ni Anton ang kamay ng bata.

Muling hinarap ni Yheng si Laurence.

“Renz, desisyon ko ito. Ayaw kong itali mo ang sarili mo sa akin. Pwede ba, mag-isip ka muna.”

“Iniisip mo ba ang iisipin ng ibang tao? Ang sasabihin nila? Yheng, wala silang magagawa.”

“Renz, tumigil ka.” Diinang sinabi ni Yheng.

“Yheng, kung titigil ako sana noon pa.”

“Inuulit ko..H’wag mong itali ang sarili mo sa akin. Salamat sa pag-unawa mo sa aming kalagayan ng anak ko. H’wag mong masamain ang sinasabi ko..KAIBIGAN PARIN ANG TURING KO SA ‘YO.”

Napayuko si Laurence..

“Hindi ko maunawaan kung bakit dinagdagan mo pa ang tali na magbibigkis sa ‘yo sa nakaraan mo. Yheng, nandito ako para PALAYAIN KA.”

Agad umalis si Laurence.

Nang wala na si Laurence, muling hinarap ni Anton si Yheng..

“Ysabelle, sabihin mo nga sa akin..anong nangyayari sa ‘yo. Anong pumasok sa utak mo at paano nangyari ang dramang ito?”

-Anton

“Matagal na Anton. Matagal ko nang binalak ito. Hindi pa man naisipan ni Cyril ang magkaroon ng ama at kapatid..pumasok na ito sa aking isipan.”

-Yheng

( I-rewind natin ang utak ni Yheng... )

Nang mamatay si Mr. Gutierez, lihim na pumunta si Yheng sa burol nito. Bago s’ya umuwi, pumunta s’ya ng Mall. Sa di n’ya inaasahan nagkita sila ni Willson.

“Yheng..kumusta na?” Sabay yakap sa kanya ni Willson.

Nahalata ni Yheng ang palingon lingon ni Willson sa paligid.

“Agad n’yang hinila si Yheng sa isang coffee shop at naupo sila sa pinakasulok na parte.

“Yheng, may komunikasyon pa ba kayo ni Cydric?Nabalitaan ko kasi ang nangyari. Bago kasi umalis si Cydric, iniwanan n’ya ako ng text message na nawawala ka.”

“Wala..matagal na. Ikaw ba may komunikasyon kayo ni Cyd?”

“Wala. Simula nang mawala ka. Pinutol ko ka agad ang komunikasyon ko sa kanila. Alam mo bang, nagtago rin ako ng mga panahong ‘yon. Nung araw mismo na natanggap ko ang message ni Cydric. Umalis agad ako. Hanggang sa malaman kong bumalik sa Norway sina Clint at Kristine. Pinatago ko pa ang frozen semen ni Clint. Kasi nga utos sa akin ni Cydric. At maliban doon, sinunog ni Cydric ang kontrata ninyo. Pati ang record mo ay pinabura sa akin.”

“Frozen Semen?”

“Oo, pwedeng itarak muli sa ‘yo. Binayaran ’yon ng mahal ni Cydric para lang sa ‘yo.”

-Willson

“Bakit naman naisipan n’ya ‘yon?” - Yheng

“Kasi, nagbabaka sakali s’yang hindi mo iiwan ang bata sa kanya. At handa kang manatili na kasama ang anak mo. Kaya naisipan rin n’yang baka sakali gustuhin mo uling magkaroon ng anak..”

Matagal inisip ni Yheng ang mga bagay na ‘yon. Hanggang sa dumating ang punto na naghahanap na ang bata ng ama at kapatid.

Tinawagan ni Yheng si Willson at muli silang nagkita ng palihim.

“Ano? Alam mo, kailangang malaman din ni Clint o ni Cydric ang bagay na ito. Confidential na ito.”

“Anak parin ni Clint, ang dadalahin ko. Wala akong pakialam ko hindi n’ya kikilalaning anak ang ipagbubuntis ko..ikaw at ako lang rin naman ang makakaalam ng katotohanan. Willson, naghahanap ang bata ng ama at kapatid..Magbabayad ako kung magkano man. KALIGAYAHAN NG ANAK KO ang gusto kong mangyari dito. Hindi ko kailangan ang apelyido ng mga Madrigallanes..”

Noong araw na umalis si Yheng at Karen..

“Yheng, pag naisagawa ko na ulit itong insemination..aalis ako papuntang Amerika. Pero h’wag kang mag-alala. May itatalaga akong doktor dito..At may ibang hospital na pwede mong puntahan kung sakali magkaproblema ka. Nasa sa iyo ang desisyon kung itutuloy mo ang pagbubuntis. Lahat ito ay lihim.”

-Willson

“Will, salamat sa pagtulong mo sa akin.” - Yheng

( END )

Napatakip ng bibig si Anton matapos marinig ang salaysay ni Yheng.

“ Iisang dugo lamang ang gusto kong tatakbo sa mga anak ko. Masakit man isipin na nasaktan ako ng kanilang ama. Pero hindi na importante ‘yon..mauunawaan nila ako balang araw.. Kalimutan man ako ng ama nila...kalimutan man sila ni Clint..BASTA’T KASAMA KO SILA MALIGAYA NA AKO.”

“Ysabelle, mahal ka naman ni Laurence. Alam mo ‘yon. Desidido s’yang pakasalan ka.”

-Anton

Umiling si Yheng..

“Anton, ayaw kong mag-isip ng ibang bagay..isipin ko muna ang anak ko..Love can wait..alam mo ba ‘yon.”

-Yheng

“Alam mo, hindi ka na ba naniniwala sa Prince Charming mo?”

-Anton

Natawa si Yheng..

“HINDI KO NA KAILANGAN SI PRINCE CHARMING..kung noon atat na atat ako sa kanya..ngayon SORRY NA LANG S’YA!”

Sabay irap ni Yheng.

Nang umuwi si Laurence sa kanyang pamamahay, naupo s’ya sa sofa at parang hindi makapaniwala sa lahat..hindi akalain ni Laurence na magagawa ni Yheng ang lahat ng ‘yon.

“ Sana hindi na lang babalik ang ama ni Cyril. Sana ako nalang ang pipiliin ni Yheng..Sana magbago na lang ang lahat.. Alam kong iisang dugo ang nanalaytay sa sinapupunan ni yheng at ni cyril.”

-Laurence

Ibinalita naman nina Yheng at Anton sa bata ang pagbubuntis nito..

“Cyril, ilang buwan nalang meron ka ng kapatid. Binigay na ni Santa Claus ang wish mo.”

-Anton

“ Talaga po. Asan na po?”

Tinuro ni Yheng ang kanyang tiyan.

“Meron ka ng kapatid.” - Yheng

“Mommy, pwede ko po bang makita?”- Cyril

“Anak, saka na. Surprise muna. ” - Yheng

Napangiti naman ang bata.

“Thank you Mommy, meron na akong kapatid.”

Nagkatinginan ang magpinsan sa reaksyon ng bata.

-------------------------------------------

Pagkaraan ng ilang buwan...

Sa bahay ni Donya Elisa..

Madalas na papansin ng matanda ang pagiging malungkot ni Clint. Maging si Cydric ay nakakapansin din.

“Cydric, nag-aalala ako kay Clint. Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko tuwing nakikita ko s’yang tahimik.”

“Hindi lang kayo Lola. Pati ako nag-aalala na rin. Marahil iniisip n’ya kung saan n’ya makikita ang mag-ina n’ya.”

Huminga ng malalim ang matanda.

“Sana nandito lamang sa Pilipinas si Yheng..hindi n’ya naisipang pumunta ng abroad.” - Donya Elisa

Biglang may naalala si Cydric..

Tumawag s’ya sa bangko na minsang may nahulog ng pera sa kanya ng 10 milyon.

“Hello. This is Mr. Cydric Madrigallanes..meron ba kayong kopya ng video nung babaeng nagdeposito ng pera sa account ko ng 10 million?”

( Yes, Sir. )

Agad tinawag ni Cydric si Clint..

“Clint, let’s go. Pumunta tayo ng bangko.” Hinila ni Cydric si Clint.

Nang marating nila ang bangko, agad nakipagkita sila sa Manager at dinala sila sa monitoring room.

Nakita at nakilala agad ni Cydric ang babae..

“Si Karen ang nagdeposito ng pera..kapatid s’ya ni Yheng..ibig sabihin ibinalik ni Yheng ang bayad.” Bulong ni Cydric kay Clint.

“May CCTV sa labas ng bangko, tignan ninyo kung saan papunta ang babae..” Utos ni Clint.

Nang tinignan ang ibang video, nakita nilang may nakaparadang isang sasakyan sa harap ng Bus Terminal..nakita nilang may tila nagbabantay sa sasakyan na ‘yon na isang tindera ng mga kakanin.

Nakita pa nilang binayaran ni Karen ang tindera. Saka sumakay si Karen.. at tila magkakilala ang dalawa.

Biglang lumabas si Cydric at Clint.. pumunta sa terminal.. nakita nila ang tindera..

“Excuse me..kilala mo ba si Karen Calangitan?” - Cydric

“Opo. Kaklase ko po s’ya dati.”

“Nasaan s’ya?”- Clint

“Hindi ko po alam kung saan sila nakatira ngayon. Pero ang alam ko, meron silang kamag-anak sa ASSUNCION. Tsaka madalas si Karen pumunta doon.”

Nagkatinginan ang dalawa..

“May alam ka ba sa kamag-anak o kakilala nila doon?” - Cydric

“Wala ho.”

Nagkatinginan ang dalawang lalaki.

“May kutob ako na nasa Assuncion si Yheng.”- Clint

“Malaki ang Assuncion..hindi natin agad mahahanap s’ya doon.” -Cydric

“Siguro naman isa o dalawang cable TV company ang meron doon.” - Clint

“Paano kung hindi sa cable tv company nagtatrabaho si Yheng. O di kaya nasa abroad s’ya.” - Cydric

“Imposible, hindi iiwan ni Yheng ang anak namin para malayo sa kanya.” - Clint


Czytaj Dalej

To Też Polubisz

253K 3.8K 30
"Is it wrong to love a person too much?" ~ Ryah
689K 13.7K 51
She's famous. She's a model. She's hot. She's sexy. She's a spoiled brat. She's rich. And She's a girl that every boys want. ...
1.1M 19.8K 66
I need to forget everything, isang gabing pagkakamali, pero Ang lahat Ay nagbago.. Minahal ko naman siya ng buo, yun nga ang hindi niya alam.. haba...
2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...