Chap. 32

19K 450 25
                                    

Chap. 32 CYDRIC VS. KRISTINE

  

Lumabas si Clint sa silid ng asawa, habang nagsisisigaw si Kristine sa loob. Nararamdaman ni Clint ang matinding tensyon sa kanila ni Kristine at ni Cydric. Mas lalong bumibigat ang dibdib n’ya tuwing napapaisip pa s’ya kay Yheng..

Umalis si Clint at pumunta sa kabilang building. Nagbabaka sakali s’ya na makita si Yheng. Kaya naisipan n’yang pumunta sa nursery room; para makita narin ang sanggol..

Hindi maunawaan ni Clint na habang papalapit s’ya sa nursery room; nakakaramdam s’ya ng kaba..tuwa at pag-aalinlangan..Umaasa s’yang sana nandoon si Yheng..

Binilisan ni Clint na makapasok agad sa nursery room nang makasalubong n’ya sina Yheng at Cydric..

Laking gulat ni Clint nang makita ang bakas ng pasa at galus sa mukha ni Yheng..pati ang namumugtong mata nito ay napansin din ni Clint..gusto man n’yang yakapin si Yheng ngunit hindi n’ya magawa..

Lumapit s’ya sa dalawa ngunit humarang si Cydric..

“Clint, tigilan mo muna si Yheng..asawa mo muna ang asikasuhin mo, pwede ba.”

-Cydric

Biglang hinawakan ni Yheng ang balikat ni Cydric at hinarap si Clint..agad nitong pinakawalan ang isang malakas na sampal sa magkabilang pisngi ni Clint..

PAK..PAK

“Bakit Clint? Anong ginawa ko sa ‘yo? Bakit mo ako pinaniwala? Clint, nagtiwala ako..Pero ito..ITO ANG KAPALIT NG LAHAT...CLINT NILOKO MO AKO!! WALA AKONG MINAHAL NG GANITO SA BUONG BUHAY KO..IKAW LANG!

Clint..ayaw kong maging dahilan na mawasak ang pagsasama ninyo..TIGILAN NA NATIN ITO..BAGO PA MAWASAK ANG LAHAT..”

-Yheng

“Yheng..I’m sorry..I...” Hindi pa man natapos ni Clint ang sasabihin..

“Tama na! Ayaw ko nang makarinig na ano pa mang paliwanag! Walang patutunguhan ang lahat ng ito..H’wag mo nang ipaggiitan pa..DAHIL KAILANGAN KONG LUMAYA..SA NAKARAAN..SA NGAYON AT SA ‘YO. ISIPIN MO NA LANG NA HINDI NATIN KILALA ANG ISA’T ISA..LUBAYAN MO NA AKO.”

-Yheng

Tuluyang umalis si Yheng..sumunod naman si Cydric..Naiwang nakatayo si Clint..

Napapikit si Clint matapos marinig ang sinabi ni Yheng..

“Ayaw ko, Yheng..AYAW KONG MAGSIMULA ULIT...”- Clint

------------------------------------------

Hinabol ni Cydric si Yheng..hanggang sa makapasok sila sa loob ng silid..

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now