Chap. 8

21.6K 519 21
                                    

Clint’s POV

“She got away.” Habol hininga ako. Sa bilis ng takbo ko hindi ko parin inabutan.

Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kung makikita kong muli ang babaeng ‘yon.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, dala- dala ko parin ang konsensya sa sarili ko. Pakiramdam ko para akong nakagawa ng isang krimen nung gabing nalaman ko na WALA PA S’YANG KARANASAN. Hindi parin naalis sa isipan ko ang nangyaring ‘yon. Sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata TUMATAKBO SA AKING ISIPAN ANG HULING SANDALI NUNG INIWAN KO S’YA; MATAPOS KONG IBINIGAY SA KANYA ANG KWINTAS...UMIIYAK S’YA. ALAM KONG GINAWA N’YA ‘YON DAHIL SA KANYANG PAGMAMAHAL SA PAMILYA.

Oo, walang nawala sa akin..at sa kanya ay meron. Hindi ako nanghinayang sa salaping ibinayad ko para sa kanya..HINDI KO RIN ALAM KUNG NAKATULONG SA KANYA ANG KWINTAS.. Malaki ang halaga ang katumbas ng kwintas na ‘yon kung ibibenta n’ya sa isang Antique Collector na katulad ni Cydric.

Hindi ko rin maunawaan sa aking sarili..bakit kailangan kong makilala s’ya?

Alam kong hindi s’ya masamang babae...mahalaga sa kanya ang kanyang pamilya. SANA GANUN SI KRISTINE.

---------------------------------------------

CYDRIC’S POV

Mabilis akong nakarating sa Mall. Agad kong hinanap si Clint at Yheng. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang una kong makikita. Ang gusto ko lang mangyari ay hindi sila magtagpo.

Wala akong kaba kay Yheng na nararamdaman. Dahil alam kong hindi maglalakas ng loob na lalapit si Yheng kay Clint. Pero si Clint hindi magdadalawang isip na ‘di lalapitan si Yheng.

Matagal akong naghanap sa loob ng mall. Nakarating din ako kung saan saang sulok ng Mall.  Naisipan kong sumakay sa isang bakanteng elevator. Pababa narin ako nang makita ko sina Yheng at kanyang mga kasama na nasa kabilang elevator.

Nagulat nalang ako nang may sumigaw..

“MISS!!”

Nakita ko si Clint. Mabuti nalang at mabilis ang elevator. Samantalang, nahihirapan si Clint na bumaba sa escalator, sa dami ng taong nakasabay n’ya. Naunang dumating sa 1stfloor sina Yheng. Nakita ko agad lumabas si Yheng at tumatakbo. Akala ko hindi ko na s’ya maabutan.

“Cyd, mabuti at nakita mo ako?” Napalingon ako kay Yheng.

“Oo, naman. Madalas kasi akong pumupunta sa mall.” Pagsisinungaling ko.

Halatang mukhang kabado si Yheng. Palingun lingon pa s’ya sa likod ng sasakyan.

“Yheng may problema ba? Mamumutla ka kasi. eh.” Sabi ko

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now