Chap. 13

19K 442 16
                                    

  

Sa pamamahay ni Clint tulad ng dati walang pinagbago sa kanilang mag-asawa. Para silang nagsasama lamang sa loob ng pamamahay na walang pakialaman sa isa’t isa.

Paalis si Kristine nang inabutan nitong nasa sala si Clint at nagbabasa ng dyaryo. Nang makita s’ya ni Clint agad itong tumayo at umalis. Alam ni Kristine na iniiwasan s’ya ng asawa.

“Clint, pupunta ako sa Malaysia para sa isang Photo Shoot sa isang cover ng magazine. I’ll be back next week. Tapos magkakaroon ako ng 1 week rest. Pwede na tayong magbonding.”

-Kristine

Mistulang walang narinig si Clint sa mga sinabi ng asawa.

“Clint, hanggang kelan tayo maging ganito. Hindi tayo pwedeng ganito nalang araw-araw. Nagkikita tayo..nagsasama ngunit hindi mo man lang ako kinakausap. Okay, I’m sorry if I become selfish. Pero sana naman, unawain mo muna ako.”

-Kristine.

“Inuunawa naman kita eh. Parati pa nga. Ako ba inuunawa mo rin? Minsan nga, tumatakbo sa isip ko baka may IBA KA NANG GINAGAWA. Pero ayaw kung ilagay sa isip ‘yon. May mali rin naman ako eh..Hinayaan kita sa lahat ng gusto mo. Kinukonsinte kita.”

-Clint

Tumalikod si Clint at hinawi ang kurtina ng bintana at tumingin sa labas. Mula sa kanyang likuran ay lumapit ang asawa at niyakap s’ya.

“I’m sorry. Please ayusin na natin ito.” - Kristine

Walang reaksyon si Clint. Tila inilabas lamang sa kabilang tenga ang lahat na sinabi ni Kristine. Marahil ay sawa na rin s’ya sa kalagayan nila. Naramdaman na lamang n’ya ang pagbaba ng mga kamay ni Kristine sa kanyang katawan..biglang umalis si Clint.

“Kung ano man ang pumapasok sa utak mo Kristine. Wala akong gana. Please go. Baka mahuli ka pa sa pupuntahan mo.”

Utos ni Clint.

“Clint pwede ba h’wag ka nang magmatigas. Inaamin ko na nga na meron akong kamalian.”

-Kristine

“Finally, you realize. Congratulation.” - Clint

Agad iniwan ni Clint si Kristine. Mas nauna pa s’yang umalis sa asawa.

Samantala, balik trabaho naman si Yheng. Habang nasa trabaho si Yheng hindi n’ya maiwasan na di mapaisip sa pinagkasunduan nila ni Cydric.

YHENG’S POV

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now