Chap. 4

27.3K 657 15
                                    

  

Pauwi na si Cydric naging palaisipan sa kanya si Yheng..

Nang biglang meron s’yang naalala..

“Tama, naalala ko na...S’ya ‘yong babaeng nakasalubong ko nung madaling araw akong lumabas galing sa isang bar..umiiyak s’ya sa daan..Tulad ng sinabi ni Clint nakasuot s’ya ng damit na halos lumuwa na ang kanyang dibdib..

Inabot ko sa kanya ang jacket na suot ko.. ‘Yon din pala ang gabing may nangyari sa kanila ni Clint.”

Cydric

Hating Gabi na, hindi parin dinadalaw ng antok si Yheng. Hindi maalis sa kanyang isipan ang nangyari sa Department Store. Naguguluhan parin s’ya sa ikinilos ng lalaking nakabanggaan kanina.

“Napakaweird naman ng lalaking ‘yon. Ano kaya ang alam n’ya tungkol sa kwintas na ‘to? Kilala n’ya ba ang may ari nitong kwintas? O baka naman ninakaw lang ito sa kanya nung lalaki na ‘yon. Tapos matagal nang hinahanap..at sa akin natagpuan..WAAAAAAA!!! Baka pagkamalan pa akong magnanakaw. ’Lang hiyang buhay ‘to! Wala na nga akong boypren pagkamalan pa akong magnanakaw.”

Ginulo ni Yheng ang kanyang buhok.

------------------------------------------------

Umaga, habang nagbabasa ng magazine si Kristine sa mahabang sofa, lumapit ang asawa nito at humiga sa kanyang kandungan.

“Babe, wala ka bang photo shoot this weekend?” Tanong ni Clint.

“Wala naman pero, I need to go to the clinic for my facial and foot massage. Bakit mo naman natanong?” - Kristine

“Maganda siguro kung pumunta tayo ng Samal.. Para makapagpahinga tayo. Tsaka matagal na tayong hindi nakapagbonding.” - Clint

“Clint, we need to work. This is our life. Alam mo naman ‘yon.” - Kristine

“Hon, this is not good anymore. Nakalimutan na natin ang isa’t isa. Kaya nga tayo nagpakasal para magkaroon ng pamilya. Pero anong nangyayari? Tayo paring dalawa. Kailangan na nating magkaanak.”

-Clint

“Clint, wala sa usapan natin ang madaliin mo ako. Alam ko namang pangarap mo na magkaanak tayo..pero hindi sa ngayon. Marami pang pagkakataon.”

Kristine

“Kailan kung 70 years old na ako at menopause ka na?” Pabalang na sinabi ni Clint.

“Clint, please h’wag mo akong bigyan ng stress.” - Kristine

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now