Chap. 38

17.5K 418 26
                                    

Chap. 38

Norway...

CLINT’S POV

Hindi na ako makapaghintay na umuwi ng Pilipinas. Sabik na sabik na akong makita muli ang mag-ina ko.

Kung alam ko lang na ako ang ama ng sanggol noon; tumakas na kami ni Yheng..

Ilang taon akong nangungulila sa kanya. Maraming pumapasok sa isipan ko..hindi ko na alam anong gagawin kung sakaling mabigo akong muli.

  

CYDRIC’S POV

Pakiramdam ko nabunutan na ako ng malaking tinik sa dibdib. Hindi ko akalain na natapos din ang pinangangambahan ko sa loob ng ilang taon.

Pero napapaisip ako kay Yheng at sa bata. Nag-aalala ako kay Clint. Paano kung may minahal si Yheng na ibang lalaki? Anong gagawin ni Clint?

------------------------------------------

Nang umuwi si Yheng sa kanilang bahay, inihatid pa s’ya ni Laurence. Inabutan ni Yheng na bukas pa ang ilaw ng silid nila ng bata. Alam ni Yheng na hinihintay s’ya ni Cyril.

At hindi nga s’ya nagkamali..kasama ni Cyril sa silid si Anton..ngunit tulog na si Anton at nanunuod lamang ng tv ang bata.

“Mommy..” Agad tumayo ang bata at tumakbo sa ina. Sabay yakap sa kanya ng maghigpit.

“Ba’t hindi ka pa natutulog? May pasok ka pa bukas sa school.”

“Mommy, hinihintay talaga kita. Ayaw kong matulog na wala ka.” Napangiti naman si Yheng sa sinabi ng bata.

“O sige, gisingin na natin si Tita Antonette mo..tignan mo, tumutulo na ang laway..”

Agad naman nilapitan ni Yheng ang pinsan..

“Anton, gumising ka..bumalik ka na sa kwarto mo..doon mo na ituloy ang panaginip mo...”

Napamulat naman si Anton..

“Mabuti naisipan mo pang umuwi..akala ko itatanan ka na ni Laurence. ”

-Anton

“Shhh..Anton may bata tayong kasama..tumigil ka.”

- Yheng

My Baby cost 10 MILLION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon