Chap. 43

20.3K 453 26
                                    

Chap. 43

Sinalubong sina Yheng ng ibang mga kakilala nila ni Laurence.

Hindi napigilan ni Clint na di lumapit sa dalawa..mabuti nalang at ipinakilala si Clint ng isang sa mga organizer ng nasabing okasyon.

“Yheng, this is Mr. Clint Madrigallanes, the grandson of Donya Elisa Madrigallanes. Gusto n’yang magpa-Advertise ng kanyang Kompanya. Kaya ikaw ang naisip kong lapitan.”

Gulat si Yheng nang makaharap si Clint. Napahigpit ang hawak n’ya sa kamay ni Laurence.

Tutok na tutok ang mga mata ni Clint kay Yheng..halos hindi magawang ikurap.

Nagkamayan ang dalawa. Hindi agad binitawan ni Clint ang kamay ni Yheng.

“H-Hi.” Hindi alam ni Yheng kung ano ang sasabihin. Naging blangko ang kanyang isipan.

  Nabaling ang tingin ni Clint sa lalaking kasama ni Yheng. Hindi akalain ni Clint na magkikita sila ni Yheng sa ganitong kalagayan..

Tila ayaw tanggapin ni Clint ang nakikita..lalo na’t buntis si Yheng.

Pakiramdam n’ya ay dinudurog na s’ya..at dahan dahang nawawala ang kanyang lakas.

“Mr. Madrigallanes, are you alright? Tanong lalaki kay Clint.

“Yeah.” Humarap si Clint. At pilit na ngumiti.

“Yheng gwardyado ka pala ngayon ni Laurence. Masaya ako sa inyong dalawa.” Sabi ng lalaki habang nakatitig sa tiyan ni Yheng.

Hinapit pa ni Laurence si Yheng sa baywang nito at napadikit naman ng kunti si Yheng.

Hindi alam ni Yheng kung ngingiti s’ya o hindi. Hindi n’ya maamin sa lahat na nasa harap lamang n’ya ang ama ng kanyang mga anak.

Napatingin s’ya kay Clint..nakikita n’ya na tila hindi kumukurap ang mga mata ni Clint sa pagtitig sa kanila ni Laurence.

“Mr. Madrigallanes, do you have any questions?” Tanong ng lalaki.

“No....” Tipid na sagot ni Clint.

“Kung meron kang kailangang malaman..tanungin n’yo nalang po kay Yheng.”

Tumango si Clint.

My Baby cost 10 MILLION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon