Chap. 3

29.6K 716 39
                                    


Nang lumipas ang 3 buwan..

Sa kompanya nina Yheng..

" Waaaa gutom na naman ako! Kailangan ng kumain ng baby ko..." - Jing

"Hay naku, ganyan talaga ang magbuntis laging gutom. Kaya h'wag ka nang magtataka lalaki na ang katawan mo. Look at me." - Mel

Sabay turo ni Mel sa kanyang katawan. Sa kanilang apat na kasama ni Yheng si Mel ang naunang nabuntis.

"Ibig mong sabihin, hindi ko na mapipigil ang pagkain ko? No, gusto kong bumalik ang figure ko pagkatapos kong manganak." -Jing

"Eh, engot ka pala eh..gusto mong magkaanak at tawagin kang MOMMY, natural handa kang harapin ano mang pagbabago sa katawan mo.." - Yheng

"Korek. Pero kung gusto mong bumalik talaga ang figure mo, go to the gym. Kung nagtitipid ka, magjogging ka every morning.." - Jacky

Nakasimangot agad ang mukha ni Jing.

"H'wag kang magsimangot d'yan..baka maapektohan pa ang inaanak ko sa pagsisimangot mo. Ang pangit ng face mo pagnagsisimangot ka!"

-Yheng

"Girls, it's lunch time..punta na tayo sa canteen..baka maubusan pa tayo ng pagkain doon. TARA LET'S.."

Rizzy

Agad ding nagsitayuan ang mga babae.

Papunta na sila ng canteen nang may dumating na isang babae..si Diday.

"Maam Yheng..inutusan po ako ni Senyora Elisa. Bayaran ko na raw ang bill namin sa cable." Sabay inabot ng mayordoma ang pera kay Yheng.

"Rizzy, ikaw ang cashier tanggapin mo ang pera at resibuhan mo na.." Ibibigay na sana ni Yheng ang pera ngunit..

"Yheng, ikaw na lang..kasi nagugutom na rin ang alaga ko sa Tiyan. Tutal, ikaw lang naman ang hindi buntis dito sa amin..Please do it. Peace." Agad umalis si Rizzy.

"Hoy, kahit hindi ako buntis meron din akong alaga sa tiyan..'yon nga lang hindi bata..PYTHON!" Sigaw ni Yheng.

"He he he he..Maam mag-asawa na rin ho kasi kayo. Lahat ng kasama n'yo dito nag-asawa na..ikaw na lang ang natitirang single." - Diday

"Manang Diday, alam mo feel ko nga eh..THIS FACE BELONGS TO AJAX..hindi ito tipong Palmolive Beauty. Kung makita man ako ng lalaking gusto ko, sigurado hindi ako gugustuhin kaya tanggap ko na rin ang title na MISS LUX as in Ms. BETTER LUX next time!"

-Yheng

Humagapak ng tawa ang mayordoma.

"Pero Maam, ikaw naman ang pinakamaganda dito sa loob ng office n'yo. Baka naman pihikan kayo."

-Diday

"Ay naku, Manang Diday magrecommend kayo sa akin..o kaya hanapan n'yo ako..Dios ko, hindi na ako magdadalawang isip. Hindi na ako magpapakipot..ayaw kong abutan ako ng MENOPAUSE."

-Yheng

Tawa ng tawa ang matanda sa mga sinasabi ni Yheng.

"O sige, hahanapan kita." Sabi ng mayordoma. At umalis na ito.

"Kaloka!Baka mamaya kung sinu-sino ang I-recommend sa akin ng matanda..Maryosep! H'wag naman sana 'yong hindi ko tanggap ang face.."

-Yheng

GROKKKK..GROKKKK

"Ayan, gutom na ang alaga ko sa tiyan..wait lang..gorabels na tayo sa canteen."

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now