Chap. 12

18.8K 481 33
                                    

Author' note : TO ALL THE READERS..paalala lang po ang kwento na ito ay pawang kathang-isip. Kung hindi kapanipaniwala ang kwento at walang kilig..SA SUSUNOD KO ILALAGAY ANG MGA KILIG MOMENTS..Focus muna tayo sa mga pangyayari..

Natawa si Yheng matapos marinig ang sinabi ni Cydric.

“Perfect? Parang sinabi mo narin na PERFECT PREY mo ako. Actually, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin..eh. Pero wala akong magagawa..HINDI AKO DAPAT UMATRAS. Pakiramdam ko tuloy, para akong lumundag sa isang malalim na balon..na hindi ko alam kung tubig o lupa ang kalalagpakan.”

-Yheng

“Yheng..maiintindihan mo din ako kung bakit.” - Cydric

Tinungo nina Cydric ang silid ni Joshua. Gising na ang kapatid ni Yheng.

“Ate..” Mahinang boses ni Joshua.

Napapaluha si Yheng. Magkahalong tuwa at lungkot ang makikita sa kanyang mga mata. Ngunit ano pa man ‘yon ang importante ay ligtas na ang kapatid n’ya.

“Ate..pasensya na..naging pabigat pa ako sa ‘yo. Kahit may problema pa tayo.” Ang sabi ni Joshua.

“Josh, h’wag mong intindihin ‘yon. Kaya ko pa naman eh. Ang mahalaga, ligtas ka..maayos kayo...GAGAWA AKO NG PARAAN.” Ang sabi ni Yheng habang hinahaplos ang mukha ng kapatid.

“Ako na ang bahala sa lahat Yheng. H’wag ka nang mag-isip kung ano pa man.” -Cydric

Tumango si Yheng.

Dumating naman si Karen para humalili sa pagbantay kay Joshua. Lumabas sina Cydric at Yheng.

“Yheng, pupunta ako sa doktor para mapag-usapan ang tungkol sa bagay na pinag-usapan natin. You have to prepare yourself. Okay?” - Cydric

Nahalata ni Yheng na parang nagmamadali si Cydric na isakatuparan ang lahat ng nais nito.

----------------------------------------------

Umuwi si Yheng na lutang ang isip. Hindi parin n’ya lubos maunawaan ang nangyayari sa kanya. Iniisip nya ang mangyayari. Iniisip n’ya ang kanyang trabaho..iniisip n’ya ang kanyang pamilya.

“Sampung Milyon..kapalit ng isang bata..Ganun na ba kadesperado si Cydric sa bagay na ito? Bakit hindi na lang s’ya makipagkasintahan sa ibang babae? Bakit ako pa ang napili n’ya? Naguguluhan ako sa mga kinikilos ni Cydric.”

CYDRIC’S POV

My Baby cost 10 MILLION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon