Chap. 42

18.4K 423 17
                                    

Chap. 42

Nasa biyahe  sina Clint at Cydric..

“Nakakatawang isipin..may kakayahan tayong mag-hire ng maghahanap kina Yheng..pero heto tayong dalawa..magkasama na hahanapin sila.”

-Cydric

“Cyd, parang kalimutan mo na yata, noong kabataan natin parati tayong magkasama na tumatakas kay Lola. Lahat ng kalokohan ko sa school at kabaliwan mo sa disco noon magkasabwat tayo..”

-Clint

“Alam mo Clint, kung gagamitin mo ang pera mo na humanap ng taong hahanap sa mag-ina mo mapapadali tayo nito.”

-Cydric

“Tapos ano tatawagan ako na natagpuan sila..tapos maghihintay ako ng ilang araw..o ilang oras bago ko sila makikita..Cyd, hindi ako makapaghintay..hindi ako mapapagod na hanapin sila..Gusto ko nga silang makita agad hindi pa nakaabot ng isang segundo..”

-Clint

Patuloy paring nagmamaneho si Clint.

Walang masabi si Cydric.

“Alam mo Cyd, mabuti na ako na mismo ang hahanap sa kanila..kasi sa oras na makita ko sila..mapapadali sa akin ang makuha sila. Cyd, ABOT LANGIT NA ANG PAGKADESPERADO KO..ABOT LANGIT NA. MARAHIL NGA NABIBINGI NA ANG DIOS SA AKIN NA WALANG TIGIL KONG DASAL SA KANYA...NA SANA ITURO N’YA NA SA AKIN ANG MAG-INA KO.”

Biglang garalgal ng boses ni Clint.

---------------------------------------

Sa kabilang dako, halatang lumalaki na ang tiyan ni Yheng. Bumabakat na ito sa suot na martinity dress.

Iniiwasan na rin n’ya ang magmaneho kung kaya si Anton ang humahatid sa kanya at sumusundo.

May mga panahon na si Laurence ang kasabay n’ya sa pag-uwi.

Naging usap-usapan naman sa mga taong nakapaligid sa kanila ang pagbubuntis ni Yheng. Lalo na sa mga magulang ng mga kaklase ni Cyril.

“Ano ba yan! Buntis na naman. Sino kaya ang tatay n’yan?”

“Naku, hindi natin alam baka may ginagawang milagro ‘yang babaeng ’yan.”

“Tumigil nga kayo, madalas ko ngang nakikita ‘yan kasabay si Sir Aquinez, eh.”

“Naku, hindi sigurado ni Sir Aquinez na kanya ang binubuntis n’yan. Baka mamaya hahanap lang s’ya ng bato na ipukpok sa ulo n’ya.”

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now