Chap. 23

18K 533 22
                                    

Chap. 23

AN : PAALALA LANG PO..H'wag dibdibin ang story..Kung hindi n'yo nagustuhan ang takbo ng kwento, tigilan na lang ang pagbasa. THANKS!

Hindi makapaniwala si Willson sa mga narinig mula kay Cydric.

“Cyd, natatakot ako kay Clint baka anong gawin sa ‘yo pag nalaman n’ya ang totoo. O kaya anong sasabihin ni Yheng kung sakali.”

   

“Alam kong magagalit sa akin si Clint. Pero sigurado din akong maging masaya s’ya...mauunawaan din n’ya. Ang problema lamang ay si Kristine. Wala akong tiwala sa babaeng ‘yon.”

  

“Gusto kong malaman ang dahilan mo kung bakit ayaw mong gamitin ang sarili mong sperm para kay Yheng?”

Meron akong Peyronie’s Disease. Umiinum ako ng gamot. Natatakot ako baka magkaroon ng side effectsa bata. Naniniguro lang talaga ako na ligtas ang sanggol.

    Lumakas ang loob ko na ituloy ang plano ko dahil na rin kay Clint. Desperado si Clint na magkaanak. Mahina ang loob ni Clint na gawin ang bagay na ito. Alam mo bang, nagdadalawang isip s’ya. Hindi ko naman s’ya masisisi dahil wala s’yang alam tungkol sa mga pinaggagawa ni Kristine.”

  

“Nakalimutan mo na bang Grey ang kulay ng mata ni Clint? paano kung mamanahin ng bata? Magtatanong ‘yon.”

“Hindi lang si Clint ang may ganung kulay ang mga mata sa pamilya namin.”-Cydric

      

“Ano bang napapansin mo kina Clint at Yheng?” - Willson

“May napapansin ako kay Clint..hindi ako bulag sa mga nakikita ko sa kanya. Alam kong hindi lang inggit ang nararamdaman n’ya sa akin tuwing kasama ko si Yheng..AT ‘YON ANG AALAMIN KO.”

-Cydric

-----------------------------------------

Nang umuwi si Cydric sa bahay inabutan n’yang umiinum ng gatas si Yheng..

“Cyd..” Biglang takbo ni Yheng kay Cydric at niyakap ito..

“Hoy, anong drama ‘yan? H’wag mo akong yakapin ka-level lang tayo ng byuti.” -Cydric

“Cyd..ba’t ganun ang amoy mo? hindi ko yata type..” Agad kumawala si Yheng..

“Loka Girl, ARMANI ang pabango ko..Anong nangyari sa ilong mo?” Taas kilay na hinarap ni Cydric si Yheng.

“Cyd...palitan mo pabango mo..hindi ko gusto..” Nagpapadyak si Yheng.

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now