Chap. 41

18.4K 455 31
                                    

Chap. 41

“ Mommy...gusto ko pong uminum ng milk.” Biglang lumabas ang bata at natahimik ang tatlo.

“Ako na lang ang magtitimpla ng gatas mo. Halika ka na Cyril.” Agad hinawakan ni Anton ang kamay ng bata.

Muling hinarap ni Yheng si Laurence.

“Renz, desisyon ko ito. Ayaw kong itali mo ang sarili mo sa akin. Pwede ba, mag-isip ka muna.”

“Iniisip mo ba ang iisipin ng ibang tao? Ang sasabihin nila? Yheng, wala silang magagawa.”

“Renz, tumigil ka.” Diinang sinabi ni Yheng.

“Yheng, kung titigil ako sana noon pa.”

“Inuulit ko..H’wag mong itali ang sarili mo sa akin. Salamat sa pag-unawa mo sa aming kalagayan ng anak ko. H’wag mong masamain ang sinasabi ko..KAIBIGAN PARIN ANG TURING KO SA ‘YO.”

Napayuko si Laurence..

“Hindi ko maunawaan kung bakit dinagdagan mo pa ang tali na magbibigkis sa ‘yo sa nakaraan mo. Yheng, nandito ako para PALAYAIN KA.”

Agad umalis si Laurence.

Nang wala na si Laurence, muling hinarap ni Anton si Yheng..

“Ysabelle, sabihin mo nga sa akin..anong nangyayari sa ‘yo. Anong pumasok sa utak mo at paano nangyari ang dramang ito?”

-Anton

“Matagal na Anton. Matagal ko nang binalak ito. Hindi pa man naisipan ni Cyril ang magkaroon ng ama at kapatid..pumasok na ito sa aking isipan.”

-Yheng

( I-rewind natin ang utak ni Yheng... )

Nang mamatay si Mr. Gutierez, lihim na pumunta si Yheng sa burol nito. Bago s’ya umuwi, pumunta s’ya ng Mall. Sa di n’ya inaasahan nagkita sila ni Willson.

“Yheng..kumusta na?” Sabay yakap sa kanya ni Willson.

Nahalata ni Yheng ang palingon lingon ni Willson sa paligid.

“Agad n’yang hinila si Yheng sa isang coffee shop at naupo sila sa pinakasulok na parte.

“Yheng, may komunikasyon pa ba kayo ni Cydric?Nabalitaan ko kasi ang nangyari. Bago kasi umalis si Cydric, iniwanan n’ya ako ng text message na nawawala ka.”

“Wala..matagal na. Ikaw ba may komunikasyon kayo ni Cyd?”

“Wala. Simula nang mawala ka. Pinutol ko ka agad ang komunikasyon ko sa kanila. Alam mo bang, nagtago rin ako ng mga panahong ‘yon. Nung araw mismo na natanggap ko ang message ni Cydric. Umalis agad ako. Hanggang sa malaman kong bumalik sa Norway sina Clint at Kristine. Pinatago ko pa ang frozen semen ni Clint. Kasi nga utos sa akin ni Cydric. At maliban doon, sinunog ni Cydric ang kontrata ninyo. Pati ang record mo ay pinabura sa akin.”

“Frozen Semen?”

“Oo, pwedeng itarak muli sa ‘yo. Binayaran ’yon ng mahal ni Cydric para lang sa ‘yo.”

-Willson

“Bakit naman naisipan n’ya ‘yon?” - Yheng

“Kasi, nagbabaka sakali s’yang hindi mo iiwan ang bata sa kanya. At handa kang manatili na kasama ang anak mo. Kaya naisipan rin n’yang baka sakali gustuhin mo uling magkaroon ng anak..”

Matagal inisip ni Yheng ang mga bagay na ‘yon. Hanggang sa dumating ang punto na naghahanap na ang bata ng ama at kapatid.

Tinawagan ni Yheng si Willson at muli silang nagkita ng palihim.

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now