Chap. 40

17.8K 387 64
                                    

Chap. 40

Biglang nahilo si Yheng. Mabuti nalang at napahawak s’ya kay Anton.

“Yheng, anong nangyayari sa ‘yo?” Biglang nag-aalala si Anton.

“O-Okay lang ako..napagod lang siguro ako kanina sa trabaho ko. Mabuti pa tignan ko si Cyril.” Dahan dahan lumakad palayo si Yheng. Hindi man lang n’ya nainum ang kape na ginawa ni Anton para sa kanya.

Pinipilit ni Yheng na marating ang kanilang silid. Kahit alam n’yang may nararamdaman s’ya na kakaiba sa kanyang katawan.

Inabutan ni Yheng na mahimbing natutulog ang kanyang anak. Napangiti si Yheng..

Sa hindi malamang dahilan ni Yheng napapaluha s’ya habang nakakaramdam muli s’ya ng kakaiba sa kanyang sikmura.

Hindi n’ya napigilan ang sarili at agad tinungo ang banyo.

At doon dumuwal.

Hindi n’ya namalayan na nakatayo si Anton sa harap ng pinto ng banyo.

“Yheng, may nararamdaman ka ba? Umiba ba ang sikmura mo? naku, paano ba ‘to dalawa na kayo ng anak mo ang may sakit.” Nag-alala ng husto si Anton.

“Anton, h’wag kang OA. May nakain lang siguro ako kanina sa office na hindi matanggap ng sikmura ko..”

Sabi ni Yheng habang nagpupunas ng tissue sa bibig nito.

“okay ka lang?” - Anton

Sumenyas si Yheng ng “OK”.

“Mabuti pang magpahinga ka na rin. Ako na bahala sa pagluto.”

-Anton

Kaya nahiga si Yheng na katabi ang kanyang anak..

Pagkaraan ng dalawang oras, muling pumasok si Anton at may dalang tray ng pagkain.

Gising narin ang bata at si Yheng.

“Kumain na muna kayo. Ikaw Yheng, kung kailangan mo ng gamot bibilihan kita. Ano masama parin ba ang pakiramdam mo?”

“Medyo gumaan ang pakiramdam ko.” - Yheng

“Mommy, saan ang masakit sa ‘yo?” Tanong ni Cyril.

My Baby cost 10 MILLION जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें