Chap. 31

18K 415 33
                                    

Chap. 31

Gustong makita ni Clint si Yheng ngunit hindi n'ya magawang lumapit sa silid. Nakabantay sa labas ng pinto si Cydric.

"Cyd...guto ko s'yang makita..papasukin mo ako."

"Get out Clint! Puntahan mo muna ang asawa mo..at iparating mo sa kanya na magkita kami.. ihanda n'ya ang sarili n'ya. LAGYAN N'YA NG HELMET ANG ULO N'YA!"

Galit na galit parin si Cydric.

Pilit na papasok sana si Clint ngunit agad hinarangan ni Cydric at nagsimula silang magsuntukan..lumalabas ang lakas ni Cydric..dala narin ng galit..biglang dumating ang ilang guard at pinigil sila.. pati si Willson ay pumagitna sa dalawa.

"H'wag kayong gumawa ng eksena dito!" Sigaw ni Willson.

"Clint, umuwi ka muna...kausapin mo muna ang asawa mo..h'wag kang mag-alala ligtas ang sanggol at si Yheng. Please go!"

-Willson

Sumunod naman si Clint..

--------------------------------------

Sa bahay nina Clint..naghihintay si Kristine..hawak hawak nito ang isang bote ng alak..

Alam n'yang paparating na si Clint sa mga sandaling 'yon..Alam n'yang sa oras na malalaman ni Clint ang kanyang ginawa..malamang na masasaktan s'ya nito..kaya nakaisip s'ya ng isang paraan..upang makaiwas..

Binasag n'ya ang bote ng alak..at kumuha ng bubog.

Nilaslas nito ang kanyang kamay..

Malalim ang sugat kaya umapaw agad ang dugo..dahan dahan s'yang pumasok sa loob ng banyo at kinulong ang sarili.

Nasa loob ng bath tub si Kristine at nilunod ang sarili sa tubig na umaapaw..

Matagal naghintay si Kristine..dahan dahan s'yang humihina..tila hindi n'ya pansin ang sugat na kumikirot sa kanyang kamay..habang patuloy itong nagdurugo..

Maya maya lang ay narinig n'ya ang pagdating ng isang sasakyan..Alam n'yang dumating na si Clint..

Dinig ni Kristine ang pagtawag sa kanyang pangalan ni Clint..tila galit na galit ito..

KRISTINE! KRISTINE!!

Nanatiling tahimik si Kristine..sa mga sandaling ito halos mawalan na s'ya ng malay..bumibigat na ang kanyang mga mata...

Pumasok si Clint sa kanilang silid. Napansin nito ang basag na bote..at ang mga patak ng dugo sa sahig na patungo sa banyo.

Dinig ni Clint ang malakas ng lagaslas ng tubig sa shower.. lumabas pa ang tubig galing sa banyo..bumabaha na ang sahig..

Agad tinungo ni Clint ang banyo at pilit na binubuksan ang pinto ngunit nakasarado ito..

Kinabahan si Clint..

Kristine! Kristine!

Buong lakas tinadyakan ni Clint ang pinto ng banyo..nakita n'yang humahalo na ang dugo ni Kristine sa tubig..Putlang putla na si Kristine..

"Shit! Kristine!"

Nakita ni Clint ang walang tigil na pagdaloy ng dugo...hindi n'ya alam anong gagawin..kumuha s'ya ng tuwalya at tinakpan ang kamay ni Kristine na may sugat..binuhat n'ya ito at tinawag ang driver..

"SA HOSPITAL DALI!!"

"I want to die...Clint..I want to die..." sabi ni Kristine.

Kabadong kabado si Clint..hindi n'ya alam at tila humupa ang galit n'ya..

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now