Chap. 30

18.1K 451 14
                                    

Chap. 30

Hindi nag-aksaya ng panahon ang mga kaibigan ni Yheng; agad nilang sinugod si Yheng sa hospital. Pakiramdam ni Yheng ay parang mapuputol ang kanyang hininga sa sakit na nararamdaman.. sari-saring sakit ang nararamdaman n’ya..sakit sa mga sugat na natamo dahil kay Kristine..sakit ng tiyan dahil lalabas na ang sanggol...sakit ng damdamin dahil sa kasinungalingan ni Clint..AT SAKIT NA MAG-ISA LAMANG N’YANG HAHARAPIN ANG LAHAT.

“Hindi..hindi ako magpapatalo sa lahat ng ito..kailangan kong lumaban alang-alang sa anak ko..kahit wala si Cydric..kahit wala sila!!” Sigaw ng utak ni Yheng..

Nang marating nila ang hospital nakaabang na si Willson sa labas. Halatang balisa si Willson. At nang makita n’ya na paparating na ang sasakyan na lulan si Yheng..Agad sinalubong ni Willson at inutusan ang ilang nurse na papasukin agad si Yheng sa delivery room..

Nagulat si Willson nang makita si Yheng..

“Jesus Christ! Anong nangyari sa kanya?!” Sigaw ni Willson..

“Nagkaroon ho ng kaguluhan kanina sa bahay ng mga Madrigallanes..” Sumbong ni Jacky..

Agad pumasok sa isip ni Willson si Kristine..

“Will...son...asawa..ni...Clint...” Bulong ni Yheng.

At hindi nga nagkamali si Willson. Alam ni Willson na tanging si Kristine lamang ang may kakayanang manakit ng ganun kay Yheng sa loob ng pamamahay ng mga Madrigallanes.

“Ipasok ninyo s’ya sa delivery room..bilis!” - Willson

Nawawalan ng lakas si Yheng..nagdidilim ang kanyang paningin..

“Yheng..Yheng..si Willson ito..naririnig mo ba ako? Yheng, laksan mo ang loob mo..paparating na si Cydric..Nandito ako tutulungan kita..Akong bahala..”

Hinaplos ni Willson ang noo ni Yheng..awang-awa si Willson sa ayos nito.

“Doc, ready na ho ang lahat..” sabi ng nurse.

“Yheng, you need to push..kailangan ilabas mo ang sanggol..inhale..exhale..pushhh..!”

-Willson

Huh!!! Ahhhhhhhh!..Huh!...Ahhhhh!!!

Samantala, nakalapag na ang eroplanong sinasakyan ni Cydric.. Halos takbo lakad ang ginawa ni Cydric upang makalabas agad sa airport.

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now