Chap. 33

17.9K 416 20
                                    

Chap. 33

Kabadong kabado si Yheng na nililigpit ang mga gamit ng bata..pinili ni Yheng ang mga gamit na magaang dalahin..

Hindi n’ya alam kung tama o mali ang kanyang ginagawa. Ang tanging nasa isip n’ya ay ang kapakanan ng bata at ng kanyang pamilya.

Tumutulo ang luha ni Yheng..pilit n’yang pinupunasan ang walang tigil na pagtulo nito..kasabay narin ang panginginig ng kanyang mga kamay..

Biglang nagulat si Yheng nang dumating ang isang tawag..

“H-Hello..Jacky”

( Yheng, anong nangyayari? Nagulat naman ako sa text message mo.. )

“Jack, kailangan ko ang tulong ninyo..”

(Okay, anong gagawin namin ? )

Jack, sunduin n’yo ako dito..hihintayin ko kayo sa may kanto.

( Yheng, anong nangyayari bakit parang tense ka? )

Jack, saka na ako magpapaliwanag..wala ng panahon..Gamitin ninyo ang tinted window na van. Bilisan ninyo, Please..

( O-Okay.. )

Kumuha si Yheng ng papel at sumulat..

Tinawagan din ni Yheng sina Karen at Joshua

“Karen, umalis kayo sa bahay na ‘yan..umuwi kayo sa probinsya..kunin mo ang pera ko sa bangko. Bilisan ninyo..h’wag kayong magpapabukas..”

(Ate, hindi kita maintindihan.. )

“Karen! Naririnig mo ba ako?! Sundin mo nalang ang sinasabi ko..UMALIS KAYO NGAYON MISMO SA BAHAY NA ‘YAN!”

( O-Opo. )

Sinigurado ni Yheng na wala ang mga katulong at dahan dahang lumabas sa gate ng bahay. Takbo lakad ang ginawa ni Yheng..kahit mainit ang sikat ng araw binilisan ni Yheng ang paglakad. Hanggang makarating s’ya sa kanto.

Biglang may huminto na van..

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now