Chap. 29

17K 434 57
                                    

Chap. 29 Kristine vs. Yheng

AN : IMAGINATION ANG KAILANGAN NATIN SA EKSENA NINA YHENG AT KRISTINE..walang edit ito..

Halos hindi makatulog si Kristine sa pag-iisip sa babaeng kasama ng kanyang asawa. Ayaw n'yang paniwalaan ang sinabi ni Marlon tungkol sa babae na s'yang surrogate mother ng anak ni Cydric.

"I don't care who the hell is she. All I want is my husband. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Pakiramdam ko parang may nililihim ang mga taong nakapaligid sa akin. At kung tama man ang kutob ko..dila lang ng babaeng 'yan ang walang latay sa akin.."

-Kristine

Kinabukasan, maagang nagising si Kristine. Halos nakalimutan n'ya ng mag-almusal. Kailangan n'yang makarating agad sa bahay ng matanda.

Pakiramdam n'ya parang may nais s'yang matuklasan. Sari-saring bagay ang naiisip n'ya.

Sa bahay ni Donya Elisa..

Paalis si Clint para sa isang appointment. Nagulat na lamang s'ya nang inabutang nasa kusina si Yheng at kasama ang ilang katulong na naghahanda ng pagkain.

"Wow, ang sarap kumain ng almusal sa umaga na kasama ka, Yheng." - Clint

"Mmmmmm..binubola mo naman ako eh."

"Gusto ko ang lahat ng bagay na ginagawa mo..Nakakainggit si Cydric."

"H'wag ka nang mainggit..MAHAL NAMAN KITA."

-Yheng

"Bakit kay Cydric wala ka bang nararamdaman?"

"Kaibigan ko si Cydric..And I love him for being so kind."

"Pasalamat na lang pala ako nito dahil nagkataong BAKLA si Cydric; kung hindi magiging karibal ko pa s'ya. Siguradong talo na ako."- Clint

Napailing si Yheng..

Samantala, dumating na ang sasakyan na lulan ni Kristine. Hindi man lang namalayan ng mga kasambahay na pinapasok na ng mga guard ang sasakyan.

Paalis na si Clint..bago s'ya umalis ay hinalikan nito si Yheng sa labi..

"Maaga akong uuwi mamaya..dahil may bagyong darating..h'wag kang matakot sa kulog at kidlat.."

"Opo."

Niyakap muli ni Clint si Yheng. Parang ayaw n'yang iwanan si Yheng.

Ligid sa kanilang kaalaman nakita lahat ni Kristine ang ginawa ni Clint kay Yheng.

Nakakubli lamang si Kristine sa isang sulok. Nanginginig ang kanyang mga kamay.

Nanatiling nakayakap si Clint at dahan dahang humiwalay kay Yheng..nang biglang..

"There you are..." - Kristine

Sabay napalingon ang dalawa sa papalapit na si Kristine. Gulat si Clint at tila hindi makakilos sa kanyang papalapit na asawa.

Palibhasa hindi kilala ni Yheng kaya napangiti s'ya sa babae; inaakalang kamag-anak lamang ni Clint ngunit..

Agad hinalikan si Clint sa labi ni Kristine..

Sa harap mismo ni Yheng..

Hindi magawang kumilos ni Yheng para s'yang tuod na kahoy sa nakita..

Hinarap s'ya ni Kristine at..

"Hi, ikaw ba ang surrogate mother ng magiging anak ni Cydric?" - Kristine

Walang lumabas na salita sa bibig ni Yheng.

Tumaas ang kilay ni Kristine. Maging si Clint at walang masabi.

"I'm Kristine Madrigallanes..Wife of Clint."

My Baby cost 10 MILLION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon