Chap. 17

17.5K 448 27
                                    

Chap. 17

Parang naputol ang dila ni Yheng nang marinig mismo galing kay Cydric ang pag amin. Tumalikod si Yheng. Hindi n’ya alam kung bakit ganun ang naging reaksyon n’ya..

“Yheng..I..I’m sorry..” Garagal na boses ni Cydric.

Tinaas ni Yheng ang kanyang kamay. Sumenyas s’ya na “Tama na”..dahan dahan s’yang humarap kay Cydric..

“Okay lang Cyd. Hindi ka dapat mangamba. Naiintindihan ko.. Hindi lang naman ikaw ang nakaisip ng ganitong paraan para magkaanak..At least ikaw, gusto mong maging ama..alam kong responsableng tao ka.”- Yheng

“Yheng, kasi....” Hindi matuloy tuloy sabihin ni Cydric tila bang nag-aalangan s’ya.

“Stop Cyd. Kung ano man ‘yon..ayaw ko munang malaman..ANG MAHALAGA ngayon alam kong magiging maayos ako habang kasama ka.” - Yheng

Lumapit si Cydric at niyakap si Yheng.

“Salamat sa pag unawa mo Yheng. Hindi ako nagkamali na piliin ka.” - Cydric

“H’wag ka nang mag-inarte feel free to show yourself. Hindi masama ang magpakatotoo.” - Yheng

“Talaga?” - Cydric

Tumango si Yheng at ngumiti.

“Okay, pwede na akong magladlad. Thank you.” Agad pinisil ni Cydric ang pisngi ni Yheng.

“Paano si Donya Elisa, alam n’ya na ba ang tungkol sa ‘yo?” Biglang tanong ni Yheng.

“Lahat sa pamilya namin ay nakaalam na pagkatao ko. Kaso nga lang, si Lola hindi n’ya alam.”

Sabay buntong hininga ni Cydric.

“Ahhh..eh di aminin mo sa kanya. Walang masama doon tatanggapin ka parin n’ya. Di bale magkakaanak ka na..‘yon nga lang walang asawa..but don’t worry I’m with you."

-Yheng

“Yheng..pagdumating ang sandali na kailangan mong BUMUO ng sarili mong pamilya. You can do what you want. Nilagay kita sa kalagayan na ‘to..INAAMIN ko na mali ito dahil dinamay kita. Ano man ang gusto mong gawin sa buhay mo gawin mo.”

My Baby cost 10 MILLION Where stories live. Discover now