Chap. 15

19K 423 23
                                    

Chap. 15 Living with Cydric

Nang dumating sina Cydric sa bahay nito agad sinalubong sila ng 3 katulong at isang driver.

“Sila ang mga kasama natin dito sa bahay. Ano man ang ipag-uutos mo sabihin mo lang sa kanila.” - Cydric

Agad namang hinatid at sinamahan ni Cydric si Yheng sa sariling silid nito.

“Ito ang magiging silid mo. Nakahanda na rin ang mga damit mo. Lahat ng ‘yan ay inihanda ko na. Wala ka nang iisipin. Kung anong kailangan mo sabihin mo lang sa akin.” Dagdag ni Cydric.

“Mawalang galang po Sir Cydric, pwede po bang bisitahin namin si Ate dito?” - Karen

“Oo, naman. Pero ayaw kong mabanggit ninyo ang tungkol sa pagdadalang tao n’ya. Lahat ng ito ay confidential.” Diinang sinabi ni Cydric.

Tumango naman si Karen.

“Hahayaan kitang bumalik sa bahay ninyo ngayon Yheng upang magpaalam sa iyong ama. Ngunit dito ka na matutulog ngayong gabi.” -Cydric

Gusto mang tumutol ni Yheng ngunit wala na s’yang magagawa kundi ang sumunod.

Sinamahan ni Cydric sina Yheng na bumalik sa kanilang bahay. Agad namang kinausap ni Yheng ang ama. Samantala, kinausap naman ni Karen si Joshua.

“Itay...magpapaalam po ako sa inyo. ” -Yheng

“Bakit saan ka pupunta?” -Ama ni Yheng

“May importante po akong pupuntahan..kailangan ko pong tumagal doon. Doon po kasi ako madidestino sa loob lamang ng 10 buwan.” Garagal na boses ni Yheng. Masakit sa kanya ang sabihin sa ama ang kanyang naging desisyon.

“Sige anak..h’wag kang mag-alala. Okay lang kami dito. Tumawag ka naman sa amin paminsan minsan. Alam mo namang, nalulungkot ako kapag hindi ko naririnig ang boses mo. Mag-iingat ka doon.”

Sa sinabi ng ama ni Yheng ang napayakap s’ya ng mahigpit sa kanyang ama. Napaiyak s’ya ng husto.

“Babalik ako Itay..babalik ako..” - Yheng

At dahan dahan s’yang bumitaw sa ama.

Bago sila lumabas sa bahay agad lumapit sa kanya si Joshua..

My Baby cost 10 MILLION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon