Chap. 9

20.4K 473 15
                                    

Nang dumating si Yheng sa opisina, napansin n'yang wala si Mel.

"Rizzy, ba't wala si Mel?"

"Naku, kaninang umaga dinala na s'ya sa hospital. Kaya hayun balita ko manganganak na daw. Excited na nga ako eh."

-Jacky

"Talaga. Eh, di mamaya lang babalitaan na tayo ng asawa n'ya. Excited na rin akong makita ang baby n'ya. Hindi ba't BABY BOY ang magiging anak ni Mel?"

-Yheng

"Yup. Dagdag na naman sa lahi ng mga lalaki." - Jing

" Bago matapos ang taong ito lahat kami may baby na. Ikaw na lang ang wala. H'wag ka na kasi maging pihikan. Ikaw rin mapag-iwanan ka ng panahon." - Jacky

"Sana kung ganun kadali." -Yheng

-------------------------------------------

Sa kalagitnaan ng kanilang pagiging abala sa trabaho..dumating ang isang delivery truck ng mga bulaklak..

"Good Morning po. Sino po ba si Ms. Calangitan?"

"Ako. Bakit?" Pagtataka ni Yheng.

"Maam may nagpapadala po sa inyo ng mga bulaklak." Agad inabot ng delivery boy ang mga bulaklak.

"Ahhh.. kanino kaya galing ito?" Napangiti si Yheng. Dahil ito ang unang pagkakataon n'yang nakatanggap ng mga bulaklak.

Nagsilapitan naman ang kanyang mga kaibigan.

"Wow, meron narin nakapansin ng byuti mo. Sino naman kaya 'yan?" - Jing

Agad binasa ni Yheng ang card. Nanlaki ang mga mata nila nang mabasa ang pangalan..

CYDRIC MADRIGALLANES

"Waaaaaaa! Sinasabi ko na nga ba..may tama sa 'yo si Cydric."

Napahiyaw si Jing.

"O di ba hindi pahuhuli si Yheng." Sabay palakpak ni Jacky.

"Go girl! Grab the chance." - Rizzy

"Ano ba naman kayo..pati tuloy ako nahahawa sa inyo..KINIKILIG RIN!" Sabay halakhak ni Yheng.

"Uyyyyy! Namumula ang pisngi ni Yheng. Feel mo na girl?" Panunukso ni Jing.

Nakangiti si Yheng.

"O di ba, araw-araw ka nang VALENTINE'S DAY ngayon. Meron na ring nakapansin sa ganda mo." - Rizzy

"Maganda ba talaga ako?" - Yheng

"Oo, naman. Hindi ka mapapansin ng isang MADRIGALLANES kung hindi PANGHATAK ang byuti mo." - Rizzy

Lihim na nasisiyahan si Yheng sa sinabi ni Rizzy.

Inamoy pa n'ya ang mga bulaklak..

Biglang tumunog ang telepono at sinagot ni Jacky.

Hello?

( Hello, can I speak to Yheng?)

Nanlaki ang mga mata ni Jacky dahil kilala n'ya ang tumatawag..

"Yheng, si Cydric nasa telepono. Dali!!!" Halatang kinikilig ng husto si Jacky.

Tinanggap ni Yheng ang telepono..

"Hello?"

(Hello, Yheng. Nagustuhan mo ba ang mga bulaklak? )

"Yeah. Salamat. "

(I'd like to invite you for a dinner. Pwede ba? )

Hindi agad nakasagot si Yheng. Iniisip pa n'ya kung anong sasabihin.. Tumingin si Yheng sa tatlo n'yang mga kaibigan. Sumenyas naman sina Jacky ng thumbs-up.

My Baby cost 10 MILLION Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt