My Baby cost 10 MILLION

By PurpleSwallow

1M 23.6K 1.5K

More

TEASER
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
Chap. 16
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 29
Chap. 30
Chap. 31
Chap. 32
Chap. 33
Chap. 34
Chap. 35
Chap. 36
Chap. 37
Chap. 38
Chap. 40
Chap. 41
Chap. 42
Chap. 43
Chap. 44
FINAL CHAPTER
EPILOGUE

Chap. 39

17.8K 388 30
By PurpleSwallow

Chap. 39

Palapit na ang araw ng pasko..Naisipan ni Yheng na papuntahin ang kanyang pamilya sa kanilang pamamahay. Nang dumating ang kanyang pamilya, niyaya n’ya si Karen nasamahan s’yang pumunta sa isa n’yang kaibigan.

“Anak, dito ka lang muna..lalakad muna si Mommy. May importante akong pupuntahan. Okay.”

“Opo.”

At tuluyan silang umalis ni Karen..

“Ate, hanggang ngayon ba natatakot kang isama si Cyril sa lakaran?”

-Karen

“ Oo..mas mabuting nag-iingat ako. Walang malay ang bata sa nakaraan..wala s’yang kasalanan.”

-Yheng

“Ate, ayaw mo na bang magmahal ulit?”

-Karen

“Hindi ko alam. Akala ko malaya na ako sa kahapon ko..hindi parin pala..si Cyril ang nagpapaalala sa akin sa kanyang ama..na kahit kelan isang MADRIGALLANES si Cyril. Sa tuwing napapatitig ako sa mata ni Cyril..tumatagos ang mga titig n’ya sa buong pagkatao ko..”

“Ate, palayain mo na ang sarili mo..matagal na ‘yon.” - Karen

Napapaisip si Yheng sa sinabi ng kapatid.

---------------------------------------

Samantala, Nagkaroon ng problema sina Cydric at Clint..

“Nakakainis naman. Kung kelan gusto ko nang makabalik tayo ng Pilipinas, ang daming business transactions ang dapat kong asikasuhin.” - Clint

“Ako rin, kailangan ko ring asikasuhin ang mga nabili kong mga antiques. Maraming naglilipana na mga pekeng antique . Ayaw kong masira sa mga kliyente ko.”

-Cydric

“Pero kailangan nating magmadali Cyd. Ayaw ko nang patagalin pa.”

Clint

“ Sasamahan kitang hanapin sila Clint.” - Cydric

------------------------------------------

Dumating ang araw ng Pasko..

“Anak, pasensya ka na mahuhuli yata ang wish mo na ibibigay ni Santa Claus. pero h’wag kang mag-alala di ba may magic si Santa...baka matutupad na ang hiling mo..”

“Talaga Mommy.”

“Oo, anak. Ayaw ni Santa Claus na maging malungkot ka. Pero heto pinadalhan ka n’ya ng paunang regalo..Merry Christmas..”

Napangiti naman ang bata matapos tanggapin ang regalo na bigay ng ina.

Dumating naman si Laurence at may dalang regalo para kay Cyril. Masayang sinalubong ng bata at agad binalita kay Laurence ang tungkol sa regalong inaasahan..

“Tito, sabi ni Mommy baka ibibigay na sa akin ni Santa Claus ang wish ko.”

“Talaga? Bakit ano bang hiniling mo kay Santa?”

“Sana meron na akong DADDY at kapatid.” Sa sinabi ng bata nagkatinginan sina Laurence at Yheng.

Dumating naman si Karen at Joshua at niyaya nila ang bata na maglaro sa labas ng bahay..naiwan sina Yheng at Laurence..

“Yheng..anong pinagsasabi ng bata kanina?”- Laurence

“Ahh..h’wag mong isipin ‘yon.” Gustong iwasan ni Yheng pag-usapan pa ang sinabi ng bata.

“Yheng..are you ready for a relationship?” -Laurence

“Renz, hindi ko alam..”

“Yheng, I want to try. Don’t push me away.” =Laurence

“Laurence, hindi mo alam ang pinagsasabi mo. Binata ka. Mag-isip ka muna.”

“Matagal na akong nag-isip Yheng. Hindi mo na kailangang sabihin pa.”

Hinawakan ni Laurence ang balikat ni Yheng.

“Yheng, nandito ako. Handa akong tumayo bilang ama ni Cyril..Mahal kita Yheng..and I want to marry you.”

Umiling si Yheng..

“Hindi mo alam ang pinagsasabi mo. Maraming bagay akong dapat harapin. Wala kang alam sa aking nakaraan.”

“Ang nakaraan ay nakaraan..kung papatali ka sa nakaraan mo, walang mangyayari sa buhay mo. Yheng, inuulit ko sa ‘yo HANDA AKONG MAGING AMA NA ANAK MO..AT MAHAL KITA..HANDA KITANG PAKASALAN.”

 Nabigla na lamang si Yheng nang niyakap s'ya ni Laurence at hinagkan s'ya sa kanyang noo.

Napabuntong hininga si Yheng..

-------------------------------------------

Pagkalipas ng isang buwan...sa bahay ni Donya Elisa.

BEEEP BEEEP BEEEP....

“Bilisan ninyo dumating na sila..” Nagmamadaling lumabas si Diday at ang mga katulong upang salubungin ang pagdating nina Clint at Cydric.

“Maligayang pagdating Senyorito Cydric..Senyorito Clint.”

Sabay bati ng mga katulong sa dalawa.

“Finally, We’re back.” - Cydric

“Cydric..Clint...” Masayang sinalubong sila ng kanilang lola. Napaluha ang matanda matapos makita si Clint..

“Oh, boy..I’m sorry about Kristine.” Mahigpit niyakap ang apo.

“I’m okay now. Time heals the pain.” - Clint

“I know..but the scars are still there.” - Donya Elisa

“Isang araw mawawala din ito Lola. Kung paano at kelan ‘yon ang hindi ko alam..” Bulong ni Clint.

Nagpahinga ng kunti ang dalawa. Agad silang pumuslit at lumabas ng bahay..una nilang pinuntahan ang kompanya sa tapat ng bahay.

“Good Afternoon, nandyan po ba ang mga CABLE GIRLS ?”

Nagulat naman ang security guard sa tanong ni Cydric. At biglang napaisip..

“Ang tinutukoy n’yo po ba sina Jacky at ‘yong 3 n’yang mga kasama?”

“Oo..sila nga..”

“Naku, matagal na ho sila wala dito..nasa Abroad na silang lahat.”

Napatakip ng bunganga si Cydric..

“Si Mr. Gutierez nandyan pa rin ba?” Muling tanong ni Cydric.

“Naku, matagal na pong patay si Mr. Gutierez”. Parang nawawalan ng pag-asa ang dalawa.

“Wala na ba tayong ibang mapagtanungan Cyd ?” - Clint

“Pumunta tayo kay Willson..” Agad sumakay ang dalawa sa kotse. Mabilis pinatakbo ni Clint at kotse upang makarating agad sa Hospital.

Ngunit...

“Good Afternoon, Sir. Ano pong kailangan ninyo?” Tanong ng isang nurse.

“Miss, gusto naming makipag-appointment kay Mr. Willson Bermudez”. Agad na sagot ni Cydric.

“I’m sorry Sir, wala na ho si Dr. Bermudez dito. Umalis na ho s’ya papuntang Amerika.”

-nurse

“K-Kailan lang, umalis si Willson?” - Clint

“Nakaraan buwan lang po.” - nurse

Parang bumigat ang balikat ng dalawa matapos marinig ang sinabi ng nurse.

Naisipang puntahan ni Cydric ang dating bahay ni Yheng. Umaasa s’yang makita n’ya ang mga kapatid ni Yheng..

Subalit...

“Tao po! Tao po!

“Sir, matagal na walang tao ang bahay na ‘yan.” Sabi ng isang taong napapagawi sa tapat ng bahay nina Yheng.

“Saan po pumunta ang may-ari ng bahay na ‘yan?”

Tanong ni Clint

‘Wala pong nakakaalam kung saan pumunta ang mag-ama. Kahit mga kamag-anak nila dito ay wala rin pong alam.“

Nakaramdam si Clint na mawalan ng pag-asa. Saan n’ya hahanapin ngayon ang kanyang mag-ina?

------------------------------------------

Umuwi sina Clint at Cydric na malalim ang iniisip.

“Clint h’wag ka namang mawalan ng pag-asa..magkikita parin kayo.”

“Kelan? Cyd, pakiramdam ko sumisikip ang mundo ko.”

“Magkikita parin kayo ng mag-ina mo. Hindi tayo titigil Clint..”

-----------------------------------------

Nang  marating nila ang bahay ng kanilang lola...

“Ay salamat, dumating narin kayo..saan ba kayo pumunta?” - Donya Elisa

“Ahmmm..namasyal lang po kami.” Sagot ni Cydric.

“Ganun ba. Bueno, meron nga pala akong sasabihin sa inyong dalawa..Pwede ba kayong pumunta ng ASSUNCION? Gusto kong bisitahin ninyo ang mga paaralan doon..both public or private school. Nakalimutan ko kasing magbigay ng mga regalo sa mga bata nung nakaraang Pasko.”

Nagkatinginan ang dalawa..ang sabay sinabing “Okay.”

FAST FORWARD

Pumunta ng Assuncion sina Clint at Cydric.

Habang nasa eskwelahan si Cyril..

“Cyril, inaatok ka ba? Bakit ayaw mong makipaglaro sa mga kaibigan mo?” Tanong ni Teacher Macy.

Hindi nagsasalita ang bata..nanatiling nakatitig sa guro. At medyo lumuluha ang mga mata. Hinipo ng guro ang noo ni Cyril.

“Naku Cyril, may lagnat ka. Sandali, tatawagan ko ang Tito mo.”

Tinawagan agad ni Macy si Anton. Agad namang dumating.

“Macy, dalahin ko muna si Cyril sa Doctor.” Paalam ni Anton. At pumayag ang guro. Agad binuhat ni Anton ang pamangkin.

Nang lumabas si Anton..nakasalubong n’ya ang Principal at sina Clint.

“Sir, dadalahin ko muna ang pamangkin ko sa Doctor. May lagnat po kasi.” -Anton

“Sige.” - Principal

Nakita ni Clint at Cydric ang bata ngunit hindi nila nakita ang mukha dahil nakaharap sa kanila si Anton habang kinakausap ang Principal. At nagmamadaling umalis.

Nang pumasok sila sa loob ng Class room pinakilala sila sa mga estudyante.

Inikot ng mga mata nina Clint at Cydric ang buong paligid ng classroom. May kahiligan si Cydric sa mga drawings kaya lumapit s’ya mga nakahilerang mga guhit ng mga bata na nakapaskil sa dingding.

Hanggang sa nakita n’ya ang isang guhit ng bata..

“Ha ha ha ha..Clint tignan mo..nakakatuwa itong drawing..” Tawag ni Cydric kay Clint.

Tinignan naman ni Clint...at napangiti ito.

“Saan tayo kukuha ng magiging DADDY AT KAPATID nitong bata ? Hindi naman nabibili ito sa Department Store o kahit sa palengke.”

-Cydric

“Sir, kasama lang kasi ng bata sa bahay ang nanay at tito n’yang bakla..walang ibang kalaro. Kaya siguro nalulungkot.” - Teacher Macy

“Kawawa naman.” -Cydric

“Ilang taon na ba ang bata?” - Clint

“Anim na taong gulang na po.” - Macy

“Anyway, bibigyan na lang namin s’ya ng ibang regalo.” -Clint

Napaaga naman ang pag-uwi ni Yheng dahil sa pag-alala sa anak.

“Si Cyril?” Tanong ni Yheng kay Anton.

“H’wag ka nang mag-alala, bumili na ako ng gamot. Merong tonsilitis ang bata. Pinatulog ko na lang s’ya sa silid n’yo.”

Nagtitimpla ng kape si Anton at binigyan nito si Yheng..nang biglang...

NAHILO SI YHENG...

AN : Teaser  sa next Chap..

" Be my wife..."

---------------------------------------------

"Cyd, bakit parating ganito?  Parati akong talunan pagdating kay Yheng..

------------------------------------------------

H'wag mong agawin ang kaligayahan ni Clint..HUMIHINGA PA RIN S'YA DAHIL SA KANYANG MAG-INA.

Continue Reading

You'll Also Like

77.5K 1.9K 15
Si Xean Crayon Skyles ay isang modelo, pumunta siya sa France dahil may kontrata siya doon at muli siyang bumalik matapos ang halos dalawang taon. Pa...
1.8M 37.3K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
4.5M 49.3K 53
Si LEYLA NAVARRO ay isang probinsyana, mahinhin at tahimik na dalaga. Sa kagustuhang mag aral sa maynila ay nilisan niya ang kanyang probinsya. Ngun...
14.7K 169 16
"My aim has always been modest; I wanted to transform the arranged marriage into a love match." - Marcelle Ferron Meet Severina Zyx a.k.a Seven. Liv...