My Baby cost 10 MILLION

By PurpleSwallow

1M 23.6K 1.5K

More

TEASER
Chap. 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 9
Chap. 10
Chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
Chap. 16
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
Chap. 21
Chap. 22
Chap. 23
Chap. 24
Chap. 25
Chap. 26
Chap. 27
Chap. 28
Chap. 29
Chap. 30
Chap. 31
Chap. 32
Chap. 33
Chap. 34
Chap. 35
Chap. 36
Chap. 38
Chap. 39
Chap. 40
Chap. 41
Chap. 42
Chap. 43
Chap. 44
FINAL CHAPTER
EPILOGUE

Chap. 37

19.2K 437 35
By PurpleSwallow

Chap. 37

AN : Sa Chapter na ito focus ulit tayo kay Yheng..at ang mga bagong Character sa buhay n’ya.


BOOOOM ! BOOOOMMM!

“Anak, halika dito..sumiksik ka sa akin..natatakot ako sa kulog at kidlat.” Agad niyakap ni Yheng ng mahigpit ang kanyang 5 na taong gulang na anak na lalaki...si Cyril Grey.

Sabay nagtago ang dalawa sa ilalim ng kumot. Halos pinapawisan silang dalawa.

“Mommy, pwede na ba akong lumabas? Mainit eh.” Reklamo ni Cyril.

“Ayaw ko..dito ka lang sa tabi ko. Natatakot ang Mommy.” Tinatakpan pa ni Yheng ang kanyang tenga.

“Mommy, hindi ka naman tatamaan ng kidlat. Nandito tayo sa loob ng bahay.” - Cyril

“Basta..dito ka lang please..” - Yheng

“Gusto mo awitan nalang kita para hindi mo marinig ang kulog?”

-Cyril

Napangiti naman si Yheng..

“Sige anak..” umayos si Yheng sa pagkahiga sa kama.

Tumagilid ang bata at hinarap ang kanyang ina..

“If ever you’re in my arms again, this time I’ll love you much better; If ever you’re in my arms again, this time I’ll hold you forever, This time will never end..”

Pansamantalang napagil ang paghinga ni Yheng matapos marinig sa anak ang awit na minsan n’yang narinig sa ama nito..

“Anak, sinong nagturo sa ‘yo ng kantang ’yan? Dapat pangbata ang aawitin mo hindi pangmatanda.”

“Mommy, narinig ko po kasi madalas ang awit na ‘yan sa radio..tapos inaawit din ni Tita Antonette.”

Biglang umiba ang mukha ni Yheng..

“Anak, umawit ka na lang ng ibang kanta h’wag lang ‘yan.”

“O sige po..”

Why are there so many songs about rainbows

and what's on the other side?

Rainbows are visions, but only illusions,

and rainbows have nothing to hide.

So we've been told and some choose to believe it.

I know they're wrong, wait and see.

Someday we'll find it, the rainbow connection.

The lovers, the dreamers and me.

Who said that every wish would be heard

and answered when wished on the morning star?

Somebody thought of that and someone believed it.

Look what it's done so far.

What's so amazing that keeps us star gazing

and what do we think we might see?

Someday we'll find it, the rainbow connection.

The lovers, the dreamers and me.

All of us under its spell. We know that it's probably magic.

Have you been half asleep and have you heard voices?

I've heard them calling my name.

Is this the sweet sound that called the young sailors.

The voice might be one and the same.

I've heard it too many times to ignore it.

It's something that I'm supposed to be.

Someday we'll find it, the rainbow connection.

The lovers, the dreamers and me.

 “Ang sweet mo naman anak..medyo na wala ang takot ko.” Muling napangiti si Yheng.

Biglang namatay ang ilaw..

“Waaaa Mommy..madilim!” Nagsimulang matakot ang bata.

Biglang bumukas ang pinto ng silid nila Yheng..Walang maaninag si Yheng ngunit dala ng liwanag ng kidlat nakita n’yang may nakatayo sa pinto..isang imahe..biglang lumiwanag at lumantad ang isang mukhang multo..kaya napasigaw si Yheng..

“YAAAAAAAAAA!!!!”

“Hoy, Gaga! Ako eto.” Biglang salita ni Anton; a.k.a Antonette. Na may dalang flashlight at iniilawan ang sarili. kaya nagmumukhang multo.

“Anak ng tipaklong! Antonio anong ginawa mo sa mukha mo? Ano namang naisipan mong itapal d’yan? Muntik na akong maihi sa takot sa ‘yo!” Singhal ni Yheng.

“Gaga, byuti sekret ko ito. Tsk!!” Sagot din ni Anton.

“Tita Antonette, bakit ganun ang mukha mo? ang puti puti.” - Cyril

“Ahh ang tawag dito RICE POWDER in Tagalog..BIGAS NA PULBOS..wahahahaha galing kong magtranslate."

-Anton

“Gaga! nagsayang ka nang bigas para lang itapal sa mukha mo..ang mahal ng bigas ngayon.”

-Yheng

“Inggit ka lang kasi mas smooth and flawless ako kesa sa ‘yo! insecurity can kill you.” Sabay irap ni Anton.

“Anton ilan ang daliri ko? Bilangin mo..dali!”

Utos ni Yheng..

“Isa..Dalawa..Tatlo..Apat..Lima!” -Anton

Sabay tinapal ni Yheng ang kamay nito sa mukha ni Anton.

“Um! Hindi ako insecure sa mukha mong hindi pangcelebrity look.”

-Yheng

“Ah..ikaw celebrity look ka ba?” Hirit ni Anton

“Oo naman..kamukha ko nga si....” Hindi alam ni Yheng kung anong pangalan ang sasabihin..

“ELIZABETH RAMSEY.” Dugtong ni Anton.

“Hoy Anton! Di hamak kamukha mo ang nawawalang kapatid ni Godzilla.”

Sabay nagtawanan ang sina Yheng at Anton habang ang bata naman ay naaaliw sa bangayan ng dalawa.

---------------------------------------------

Maagang nagising sina Anton at Yheng. Isang guro si Anton sa isang Elementary School at si Yheng naman ay nagtatrabaho bilang Manager ng isang Cable TV Company.

Magpinsang buo sina Yheng at Anton. Noong araw, na dumating si Yheng galing sa pagtakas..si Anton ang sumundo sa kanya sa Bus Terminal. Mabuti nalang at may inuupahang bahay si Anton noon at doon si Yheng nakituloy pansamantala.

Naikwento ni Yheng kay Anton ang buong detalye sa nangyari sa buhay n’ya. Kaya nangako si Anton na ilihim ang lahat. Pinangalanan nila ang bata- Cyril Grey Calangitan.

Nanatiling lihim ang lahat. Maging ang pakikipagkita ni Yheng sa kanyang mga kapatid ay palihim. Pati sa komunikasyon n’ya sa kanyang mga kaibigan ay ganun din.

Sa loob ng eskwelahan madalas tinutukso si Cyril..tinatawag s’yang MATANG PUSA dahil sa kakaibang kulay ng kanyang mata. Namana n’ya ang kulay ng mga mata ni Clint.

Hindi rin maiwasan na mapag-usapan si Yheng ng mga kapit bahay dahil may anak s’ya ngunit walang asawa.

Naging tahimik ang buhay nina Yheng sa loob ng 5 taon. Ito ang pinangarap n’yang buhay para sa kanyang anak..ANG MAGING NORMAL SA LAHAT NG BAGAY.

Ngunit minsan hindi maiwasang nagtatanong ang kanyang anak tungkol sa ama nito..

Minsan habang naghahanda ng meryenda si Yheng para kay Cyril..

“Mommy, si Daddy po ba mahal n’ya ako?” Napatingin si Yheng sa bata. Tila naputol ang kanyang dila. Ano nga ba ang isasagot n’ya gayung hindi nga nakilala ni Clint ang anak nito.

“Mmmmm..Oo naman.” - Yheng

“Mommy, sana meron akong Daddy tulad ng mga kaibigan ko.” - Cyril

“Ahmmm..anak, hindi ganun kadali ang maghanap ng Daddy.” - Yheng

“Nabibili ba ang Daddy? Nakikita ba sa Department Store o sa mall?”

-Cyril

Gustong matawa ni Yheng sa tanong ng bata. Ngunit pinigil nito ang sarili.

Napasok sa isip ni Yheng na habang lumalaki ng bata maraming katanungan ang tinatanong nito tungkol sa kanyang ama.

At iniiwasan naman ni Yheng na sagutin.

Sa tapat ng bahay nina Yheng, ay may isang malaking bahay. Pag-aari ng isang binata na si Laurence Aquinez. Si Laurence Aquinez ay Professor sa isang Unibersidad.

Matalik na kaibigan ni Anton si Laurence. Kaya madalas itong dumadalaw sa bahay nina Yheng. S’ya rin ang madalas na kalaro ni Cyril.

Simula nang dumating si Yheng sa lugar na ‘yon si Laurence ang tumutulong sa kanila ni Anton. Kaya madalas namang tinutukso ni Anton si Yheng sa binata.

Minsan nang ginabi sa pag-uwi si Yheng..

Inabutan n’ya nasa pamamahay nila ni Anton si Laurence. Habang kalong kalong nito ang bata dahil nakatulog ito sa pagod sa paglalaro.

Kinuha naman ni Anton ang bata at dinala sa silid nito.

“Ahmmm, Renz salamat pala sa pag-aliw mo sa anak ko.”

“That’s okay. Naaliw rin naman ako sa kanya. Ahmmm..Yheng pwede ba kitang maanyayahan para sa isang dinner bukas ng gabi..If it’s okay for you.”

Tumango naman si Yheng.

“Great. I’ll pick you up around 7pm...Good Night.” Sabay halik nito sa pisngi ni Yheng bago umalis.

Hindi na bago para kay Yheng ang ganung pinapakita sa kanya ni Laurence. Alam n’yang may lihim na gusto sa kanya ang binata ngunit hindi n’ya binibigyan ng pansin.

“Ehem..may date ka pala bukas...Go Girl!” Nagulat naman si Yheng na nasa likuran na n’ya pala si Anton.

“Anton, tigilan mo na nga ako...mahiya ka naman kay Laurence.”

“Ay Ate, si Laurence dakilang Professor sa mata ng madlang pipol..Take note kung gaano kayaman ang MADRIGALLANES mo..Pangtapat ang Aquinez. Kung mukha ang pag-usapan..mga lahi rin sila ni Adonis. Wapak!”

“Psst! Tumigil ka.” Bulong ni Yheng.

“Whatever! Teka nga muna, ba’t nga ba pumunta dito si Karen nung nakaraang araw?”

Kunot noong tanong ni Anton.

“Ahmmm..pinadeposito ko sa kanya ang pera na binayad sa akin noon ni Cydric..kapalit ni Cyril.”

-Yheng

“Ano! Sayang ang perang ‘yon.” - Anton

“Binalik ko lang naman ang pera..hindi naman s’ya ang ama ng bata. Hindi ko kailangan ‘yon. Mahalaga sa akin ang anak ko.”

-Cyril

“So you mean to say...HINDI NA 10 MILLION BABY si Cyril.” - Anton

“May trabaho ako. Sapat na mabuhay ko ang anak ko at mabigay ang kailangan n’ya. Hindi ko kailangang ang 10 million na ‘yon. Hindi naman ako nagsisisi kahit mawala sa akin ang perang ’yon..MERON NAMAN AKONG ANAK.”

Umiling na lamang si Anton.

--------------------------------------

Pagkatapos ng trabaho ni Yheng, nagmamadali s’ya umuwi sa kanilang bahay upang ayusin ang sarili para sa kanilang dinner date ni Laurence.

Eksaktong ala-syete dumating si Laurence. Sumakay sila sa kotse at dinala ni Laurence si Yheng sa isang magarang restaurant.

Marami silang pinag-usapan hanggang sa napansin ni Laurence ang kwintas na suot ni Yheng..

“Yheng..sino si CM?” Hindi inakala ni Yheng na itatanong sa kanya ni Laurence ang bagay na ‘yon.

“Ahmmm...Ano kase...bigay ito sa akin ng isang lalaking” hindi masabi sabi ni Yheng ang tungkol sa kwintas at sa taong nagbigay nito...

“Never mind Yheng..Kahit hindi mo sabihin sa akin..hindi na mahalagang malaman ko pa.”

-Laurence

Tumahimik si Yheng.

“Yheng, alam kong masakit parin ang maalaala ang nakaraan..But I’m willing to help you. Give me a chance Yheng. LET ME EASE THE PAIN..LET ME ERASE THE PAST. I want to spend my life with you and Cyril.”

Hindi nakapagsalita si Yheng. Inisip n’yang KUNG PANAHON NA BA PARA MULI S’YANG MAGMAHAL ?

Continue Reading

You'll Also Like

150K 5K 27
Crystal has a long time crush, named Joshua. She really likes-loves him, but sadly Joshua didn't feel the same way. Then the day came when tragedy...
77.5K 1.9K 15
Si Xean Crayon Skyles ay isang modelo, pumunta siya sa France dahil may kontrata siya doon at muli siyang bumalik matapos ang halos dalawang taon. Pa...
55.5K 1.9K 74
Isang boyish na babae si Yesha Dhel Gonzales at lihim na humahanga sa isang vlogger na si Dylan Josh Fernandez. Upang makita at mapansin ng iniidolo...
125K 2.2K 33
This is a collaboration between me and Aivan Reigh Vivero (@iamaivanreigh). Hope you guys like this story. :)